Chapter 7

2395 Words
JHE POV "GOOD MORNING!!!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko. "Huh?" naalimpungatang ani ko, habang pinupunasan ang laway sa gilid ng aking labi, dahil sa antok ay halos makalimutan ko na nasa school nga pala ako at lunes na naman ngayon. Halos hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari, hindi pa rin ako maka-get over sa paghahapunan sa amin ni Dude noong isang gabi. "Kung ganun ay magkasama pala kayong nagsimba nitong si ineng," ani pudra kay Dude, sabay abot sa kanya ng bowl na may lamang tinolang manok, ang paborito kong ulam. "Opo tatay, mabuti na rin pong may kasama ako doon lalo na at hindi po ako ganun kasanay dito sa bayan," ang magalang na sagot naman niya dito, kaya lalong napataas ang aking kilay dahil perpekto ang kanyang pagtatagalog. Nabanggit ko din kasi kanina na magkasama kami ni Dude na nagsimba kasi tinanung nila kung saan ba galing si Dude at bakit kami magkasama kanina. "Tama iyan hijo, medyo delikado na talaga ang panahon ngayon," ang nag aalalang tugon naman ni mudra sa kanya. At habang kumakain kami ay tuloy din ang pakikipag kwentuhan ni Dude sa aking mga magulang, magaling naman siya makisama at madali din niyang nakuha ang loob ng aking mga magulang dahil sa magalang na pakikitungo niya habang binobola ang mga luto ni mader. Kesho masarap ang pag kakaluto ng ulam, mapaparami daw ang kanyang kain. Napailing na lamang ako habang nakikinig sa usapan nila. At hindi rin siya nagpahuli sa nakikipagbidahan kay pudra pagdating sa usapang basketball at iba pang usapang lalaki, kaya hindi talaga maitanggi na talaga namang nagustuhan na siya ng aking mga magulang. Habang nakikinig sa kanila ay marami din akong natutunan sa kanya, isa palang player ng basketball si Dude sa school na pinapasukan niya ngayon. At pansin din ko rin na kahit seryoso at minsan lang ngumiti si Dude ay may sigla pa rin sa kanyang boses kahit hindi ganun kahalata. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na din kami sa pagkain, halos di ko nga namalayan sapagkat natutuwa na din ako habang nakikinig sa kanila. Dahil kumakagat na ang dilim ay nagpaalam na si Dude sa aking mga magulang. "Nanay, Tatay salamat po sa pagtanggap nyo sa akin dito, lalo na ang pag-imbita niyo sa akin sa inyong hapagkainan, masaya po akong makilala kayo at kung papayag kayo ay maaari po ba ulit akong bumisita?" Hindi ko mapigilang di maging bitter, Mukha kasi siyang foreigner na tuwid magsalita ng tagalog, nakakagigil lang. Ang totoo pa niyan, base sa aking nakikita ay parang ayaw pa ni pudra na paalisin si Dude dahil mukhang nasisiyahan talaga ito sa pakikipagkwentuhan dito. Dalawa lang kasi kaming magkapatid ng kuya ko. At ngayong abala sa school ang kuya ko, wala nang makausap si pudra pagdating sa mga boy talk nila. Minsan ako na ang kinakausap nito tungkol sa mga sports na pinapaunod niya kaya nahilig na din ako kapag usapang basketball, volleyball at kahit soccer. Minsan pati sa panunuod ng mga war movies ay bonding na din namin ni pudra. Pero, kahit anong pigil ni pudra wala na rin naman siyang magagawa sapagkat gabi na talaga at kailangan nang umuwi ni Dude sa kanila. "Walang anuman iyon hijo at laging bukas ang aming tahanan para sayo, kaya lagi kang bumista," ang sabik na sagot naman ni pudra sa kanya. "Tama iyon hijo, dalawin mo sana kami lagi dito," masaya din namang tugon ni mader, kaya hindi napigilan ni Dude na mapangiti nang tipid, habang nakatingin sa aking mga magulang na para bang sobrang saya. At hindi pa natatapos doon at nakuha pa niyang yumakap sa aking mga ama't ina na para bang sabik na sabik sa pagmamahal ng mga magulang. Sa higpit nang yakap niya, ay para na siyang isang anak na mangingibang bansa at matagal na mawawala. Napa-iling na lang ako habang nakatingin sa kanila, naitsapwera ba naman ako, huli kong pagkakatanda ako ang tunay na anak at hindi siya. "Okay tama na yan, at baka mamaya ay mag-iyakan pa kayo diyan," pagputol ko sa madadamdaming pamamaalam ni Dude. Mukhang natauhan naman sila at binitawan na si Dude. "Sige hijo mag iingat ka sa pag uwi mo ha, dahan-dahan sa pag mamaneho," ang pahabol na bilin ni mudra sa kanya. "Sige po nanay at tatay, mag iingat po ako, salamat po," tumango na lang sila bilang pagsang-ayon. "Mader, ihahatid ko lang siya sa labas," paalam ko din sa aking mga magulang bago kami lumabas ni Dude sa pintuan. "Uwi na ikaw, Good night," ani ko habang tinataboy siya palabas ng gate namin. "Thank you for having me in your home, it's my pleasure to meet your wonderful parents," turan ni Dude habang nakatingin siya nang seryoso sa akin. Napatingin naman ako sa kanya nang puno ng inip, yan na kasi siya sa english speaking na yan, kaya naman niya magtagalog malakas lang talaga ang trip niya. "Wala yun, friends naman tayo di ba?" saad ko sa kanya, kahit pinagdudahan ko siya nung una, ngayong mas nakilala ko na siya masaya akong sabihin na hindi ako nagkamali na tanggapin siya bilang isang kaibigan. Alam kong mabuti siyang tao at wala siyang masamang binabalak. "Yeah," maikli, pero nakangisi niyang sagot. "I call you when I get home, okay?" pahabol pa nito, tumango na lang ako bilang sagot. Hinatid ko na lang siya gamit ang aking tingin mula sa kinalalagyan ko, kita ko nang sumakay siya sa magara niyang kotse, pero bago siya umalis ay bumaba ulit ang bintana ng sasakyan niya at kumaway pa mula roon. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako, habang pinagmamasdan ang pag alis niya at isang bagay lang ang nasa isipan ko ng mga oras na iyon. "Sana ligtas siyang makauwi sa kanila." Noong gabing iyon ay parang hindi ako mapakali, ewan ko kung bakit. Ilang oras na rin mula ng umalis siya, siguro ay nag-aalala lamang ako, kasi pangako niyang tatawag siya kaagad kapag nakauwi na siya. Hindi ko maintindihan ang aking nakararamdaman dahil bago lamang ang lahat ng ito sa akin, pero siguro wala namang kakaiba sa pag aalala hindi ba? Sa tingin ko normal lamang iyon. Natigil lamang ang aking malalim na pag iisip habang nagpapagulong-gulong sa aking kama nang biglang tumunog ang ringtone ng luma kong cellphone. Dali-dali ko itong tiningnan dahil nagbabakasali akong si Dude na ito, hindi naman ako nabigo at bigla na lang gumaan ang aking pakiramdam. "Ui! Dude!" "Hey, I'm sorry, it took me a while to call you, just something happens here, don't worry I'm already home." "Sige, buti at naka uwi ka ng ligtas, pero sorry ka boi di ako nag aalala sayo ah." pagtanggi ko pa sa kanya, habang inis na sinusuntok ang unang hawak ko. "Yeah right, then why do you answer my call so fast?" Hindi ko man siya kaharap, pero alam kong nakangisi na ang ulol na ito. "Ewan ko sayo, sya tulog na," inis na saad ko. "But, I don't want to sleep yet, can we still talk?" bulong pa niya. "Ehh, pero may pasok pa tayo bukas, good night na." "Okay, goodnight," sagot pa niya na para bang naluging ewan, kaya napatawa ako ng bahagya. "Ui, Jhe!" sigaw pa ng luka kong bestfriend, habang kinakaway na naman ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko. "Alisin mo nga yan sa mukha ko, luka ka talaga, ano bang problema mo na naman?" ani ko at saka pabirong tinampal ang kamay niya. "Ako pa ang may problema ngayon, ikaw nga itong tulala," saad naman niya, habang hinihimas ang kamay. "Hindi ako tulala, inaantok lang." Napahikab pa ako habang sinasabi iyon. "Wow! Sino niloko mo? Ang antok naka pikit hindi nakadilat at hindi kumukurap, ginawa mo pa akong engot, wag kang mag alala kung sino man yang iniisip mo, mahal ka din nyan," sabi pa ng lukang si Rona sabay tawa, alam ko namang nag bibiro lang siya sapagkat hindi ko pa nababangit ang tungkol kay Dude sa kanya. Pero dahil sa sinabi niya, parang napahiya naman ako, hindi naman kasi ganun iyun. 'Nababaliw na ata ako?' "Sadya ka namang baliw no, ngayon mo lang ba na-realize." Napatingin ako sa bestfriend ko, may telepathy ata to. Rinig na pati iniisip ko. "Well, di mo kasi yun inisip, ibinubulong mo kaya," turan pa niya na parang iyon ang pinaka-obvious na bagay sa mundo. "Ah ganon? Kung ako baliw, baka ikaw na ang lider naming lahat," sigaw ko pa habang tumatawa at saka mabilis na tumayo sa aking pagkaka-upo para habulan siya sa loob ng room. 'Mabuti na rin ito para magising naman ang diwa ko at makapag-focus ako sa buong maghapon.' ▼△▼△▼△▼△ 3RD PERSON POV "Guys attention!!!" Nakuha ang atensyo ng lahat sa loob ng estudyante sa loob ng classroom nang sumigaw ang class president. Napaharap sa unahan ang lahat dahil doon. Napatighim naman si Ms. President para ituloy ang kanyang announcement. "Siguro naman na inform na kayong lahat tungkol sa event na mangyayari next week, wag na wag nyong kakalimutang magdala ng partner niyo," anito mula sa unahan habang nakatayo ito sa likod ng teacher's table. Dinampot nito ang mga pamplet na naglalaman ng schedule at iba pang information tungkol sa na sabing event. Lumapit dito ang ibang class officer para tulungan si Ms. President na mag-distribute ng mga ito sa buong klase. Ang event na tinutukoy nito ay ang kanilang makasaysayang "FRIENDSHIP DAY" na halos ilang taon nang isinasagawa simula pa nang tumayo ang kanilang principal, limang taon na ding nakakalipas. Ang layunin ng event na ito ay para lahat ay makilahok at makakilala ng iba pang mga estudyante sa ibang paaralan, public schools man o private din. Ang mechanics ng event, dapat ang bawat student dito sa kanilang paaralan ay kailangang magdala ng tig-iisang partner na manggagaling naman sa ibang school, para daw magkaroon ng interaction at may friendship na mabuo. Layunin din nito na magkaroon ng hindi lang pagkakaibigan kundi pati na rin pagkakaintindihan sa pagitan ng mga estudyanteng nag aaral sa iba't ibang eskwelahan. Sa mga lumipas na mga taon at panahon hindi nawawala ang mga espikulasyon at usapan tungkol sa descriminasyon at di pagkakaunawaan na nagaganap sa pagitan ng mga estudyanteng nag aaral sa public at private schools. Kaya naman naisipan ng butihin nilang principal ng LPU na isagawa ang event na ito annually. Ang totoo niyan para kay Ken ay wala namang masama at pabor pa siya sa tradional na events na ito sapagkat likas na friendly siya, kaya nga sa mga nagdaang taon. Marami na din siyang nakilala at naging kaibigan mula sa iba't ibang eskwelahan dito sa kanilanh lugar. "Ito ang sayo, Ken." Napukaw ang kanyang atensyon mula sa pagtitig sa labas ng bintana nang marinig ang boses ng kanyang kababata. "Salamat Zen," aniya, sabay tanggap sa pamplet na inaabot nito. Umupo na din ito sa silyang katabi niya sapagkat tapos na nitong ipamigay lahat ang mga hawak na brochure. "Psh, bakit ba may pa-brochure pa sila eh alam na naman natin ang mechanics," bored na saad niya, habang nakataas ang paa sa kanyang mesa. "Syempre nakalagay din dyan ang mga bagong contest at games para sa taon na ito." "Oh, Oo nga no, may mga nadagdag nga," aniya, habang binabasa ang hawak na brochure. "Nga pala, kamusta may partner ka na ba Zen?" tanong pa niya sa bestfriend/utol at din sapagkat wala siyang tunay na kapatid, only child lamang siya kaya ito at si Captain na lamang ang kanyang tinuring na mga totoong kapatid. "Oo meron na, Vinah ang pangalan niya," sagot naman nito, habang nakatutok ang mata sa binabasa. 'Wow, handang-handa rin 'tong si Zen ah, di talaga magpapahuli.' "Talaga, saan mo naman siya nakuha--- ibig sabihin ko ay saan mo nakilala?" "Ah, bago namin siyang kapitbahay, sa UB siya napasok." "Ow, siya pala yung bagong lipat sa tapat ng bahay niyo," napapatango pa niyang saad, nang maalala niya na may napansin nga pala siyang naglilipat sa tapat ng bagay nito noong isang linggo. Ang totoo niyan kapag hindi siya kayna Kyle nakatambay, lagi din siyang bumibisita sa bahay nito, boring kasi sa bahay niya at walang ding makausap at makalaro. "Oo, at nang inimbita ko siya ay hindi naman siya tumangi," nakangiti pa nitong sagot sa kanya. Naisip niya habang nakatingin sa kaibigan na smiling face talaga ito. Napakabait, matino din at responsable kaya naman walang tumatangi dito kapag ito na ang humiling o humingi ng tulong sapagkat kahit kailan ay wala itong tinggihan at pinagdamutan ng tulong. Minsan napapaisip din siya kung marunong ba itong magalit dahil sa tagal na nilang magkakilala ay ni minsa hindi ko niya ito nakitang magalit. Lagi lamang itong nakangiti, kalmado at mahaba ang pasensya. 'Siguro gusto na niyang maging santo, nasubrahan na kasi sa bait,' napapailing na bulong pa niya sa kanyang sarili. Pero, sa totoo lamang kahit mabait si Raizen, ito yung tipo nang tao na hinding-hindi mo maiisahan sapagkat napakatalino nito, magtataka pa ba siya eh ito nga ang kanilang vice president. Dapat kasi ito ang magiging president nila, pero tumanggi ito sapagkat mas gusto daw ni Raizen na tumutulong lamang at hindi maging center of attention ng lahat. Nang mapatingin siya sa kabilang banda kung saan nakaupo si Kyle, napabuntong hininga na lang siya sapagkat di pa rin nito nililinaw ang pahayag noong gabing nagtungo sila sa bahay nito. 'I ate with my new friend.' Bagong kaibigan huh? Sino naman kaya iyon at saan niya nakilala?' Sa totoo lamang, parang sasabog na ang kanyang utak sa pag iisip. Wala naman siyang makuhang sagot sapagkat sigurado siyang walang balak ang kanilang kaibigan na si Kyle na magtapat sa kanila. "Kahit matagal na kaming magkakilala, minsan hindi ko din alam kung anong tumatakbo sa utak niya," bulong pa niya habang nakasilay pa rin sa walang emosyong mukha ng kaibigan. "Alam mo, ako din Ken." Napalingon naman siya kay Raizen dahil sa pahayag nito. "Ewan, hirap intindihin ng isang yan," natatawa pang aniya. Ngumiti lang naman si Raizen bago magsalita. "Siguro nga, pero may isang bagay lang na sigurado ako sa ngayon---" anito, habang nakahalumbaba sa mesa nito at nakatingin sa dereksyon ni Kyle. "Ano naman?" nagtatakang tanong pa niya dito, habang sinusundan kung saan si Raizen nakatingin. Doon niya napagtanto na may hawak na cellphone si Kyle at tipid na nakangiti habang nakatingin doon. "----- sigurado akong masaya siya ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD