3RD PERSON POV
"KEN!"
Mabilis na napaharap siya mula sa dereksyon ng sigaw.
"Ano!?" pabalik na sigaw niya mula sa kanyang kaklase.
"Syota mo, nasa labas ng pinto!"
Nang marinig iyon, mabilis pa sa kidlat na napatayo siya at tumakbo palabas. Doon ay nakita niya si Bella, ang kanyang dating girl bestfriend at ngayon ay girlfriend na.
Nagkakilala sila nang lumipat ang pamilya ni Bella sa village na tinitirhan ng pamilya nila. Naging magkaibiga sila, at nang tumapak sa high school, sinimulan na niya itong ligawan. Pagkatapos naman ng dalawang taon, hindi siya nabigo sapagkat sinagot rin siya nito.
"Bella, anong meron?" tanong pa niya, habang inaayos ang buhok at nagpapa-pogi dito.
"Sasabihin ko lang sana na may pupuntahan ako mamaya kaya wag mo na akong ihatid sa bahay," pagpapaalam pa nito sa kanya, napatango naman siya dahil sa sinabi nito.
Hindi naman siya mahigpit na boyfriend at malaki din ang tiwala niya dito kaya pumayag siya.
"Oo naman, basta tawagan mo ako kapag nakauwi ka na," aniya, habang nakangiti bago guluhin ang mahaba nitong buhok. Pabiro naman siyang hinampas sa braso nito bago umalis at kumaway.
Hindi niya alam na pinagchi-chismisan siya ng mga inggit na kaklase sa loob ng room.
"Bagay talaga sila ano, ngayon naniniwala na talaga ako sa perfect couple."
"True bestie, isang cute na basketball player at isang matalino at magandang fashion designer, bet na bet talaga ng tandem nila."
"Sana magkajowa na din ako."
Bulong pa ng isa kaya nagtawanan ang mga kaibigan nito.
"Ayaw mo ba sa Prince of Darkness natin?" pabulong na saad pa ng isa, sabay lapit sa kaibigan para di marinig ng iba ang pinag uusapan nila.
"Naku po gurl, parang isang swerte at malas nang sabay kapag nakatuluyan mo yan." Napapatango pa ang babaeng nagsabi nito, sabay nguso sa dereksyon ni Kyle.
"Swerte at malas, bakit naman?"
"Swerte kasi napaka-gwapo, magaling sa sports, matalino at higit sa lahat sobrang yaman. Pero malas ka din naman kasi, baka isang minuto pa lang kayo magkasama, baka umayaw ka na dahil sa ugali niya."
"True, at saka baka di nyo alam mga bestie kung gaano kadami ang nagpapantasya dyan kay Fafa Kyle, hindi lang sila makalapit at makapagpapansin kasi takot silang lahat. Napakaseryoso kasi niya, tingin pa lang niya ay parang nakikita mo na ang masakit at mapait mong kahihinatnan sa buhay."
"Oo nga, pero speaking of admirers ni Fafa Kyle, parang di nyo naman kilala si Stella, yung miss campus nang halos apat na taon. Siya ang openly talaga na nagpapakita ng interes kay Fafa Kyle. Kaso kahit gaano siya kaganda, snob pa rin pagdating sa ating prince of darkness."
Sumang ayon naman ang lahat at nagpatuloy pa ang masaya at makulay na pagchi-chismisan ng mga ito.
Ang pinag uusapan naman ng mga ito na si Kyle, ay walang pakialam at inip na napapasilay sa orasan na nakalagay sa taas ng white board.
'I want to see her.' isip-isip pa nito habang pinapaikot sa daliri ang hawak na ballpen.
Wala namang klase sapagkat may inasikaso ang kanilang guro, naka-self study sila ngayon, pero mukhang mas pinag iigihan pa ng iba ang makipagtawanan, maglaro at kumain kaysa mag aral.
Natapos nang kay bilis ang buong maghapon nila sapagkat abala ang lahat, halos walang mga klase dahil busy ang mga guro sa pag aayos ng magiging event sa sunod na linggo.
Bago sila umalis at umuwi nang tumunog na ang bell, ay nagkaroon pa ng pabahol na paalala ang kanilang president.
"Guys, yung mga hindi pa nakakapagpalista na dadalo sa event ay puntahan na lang ako sa SSG office ha, wag nyong kakalimutan."
"Opo, pres! Noted," sagot pa ng iba bago mag alisan.
HABANG nag aayos ng bag si Ken ay napasilay siya kay Kyle. Alam niyang wala naman itong interes sapagkat mula nang magkaroon ng anual na event na iyon. Hindi pa ito sumasali ever since.
Minsan na iisip din niya na sana dumating yung panahon na maka-move on na ang kaibigan nilang ito para naman maging masaya na ito ulit.
Pero, kung tunay nga ang nararamdaman nila na masaya ito dahil sa bagong kaibigan na nakilala, edi gagawin na lamang niya ang lahat ng kanyang makakaya para suportahan ito.
Nang makita niyang naglalakad na si Kyle palabas, hinabol niya ito para sumabay.
"Captain, sabay tayo," aniya pa, wala naman si Raizen sapagkat kasama ito nang kanilang president, at siguradong sa mga susunod na araw ay mas magiging abala pa ito lalo.
Mabuti na lamang at wala naman silang mga practice sa ngayon pagdating sa basketball, medyo maluwag din ang kanyang schedule at marami siyang oras kaya hindi niya mapigilang ma-inip.
"Where's your girlfriend?"
"Huh? Ah, may pinuntahan Captain eh, kaya wala akong kasabay ngayon," sagot pa niya dito. Medyo nagtaka pa siya dahil kadalasan ay wala itong pakialam.
"Bakit Captain, may kailangan ka sa kanya?"
"I don't, you should go home first, I still need something right now," sagot pa nito sa kanya, sabay lakad palayo.
'What!? Ano ba naman yan, kailangan ba talagang iwan ako ng mag isa.' nakanguso niyang saad sa sarili.
Naiwan siyang luhaan pagkatapos iwan ng lahat. Walang girlfriend, at wala din ang dalawa niyang kababata.
"Pakiramdam ko, inabanduna ako," bulong pa niya, habang nakayuko at naglalakad palayo.
At dahil sa pagdadrama niya, hindi niya napansin na may kasalubong pala siya. Nagulat na lamang siya nang maramdamang may tumama sa kanyang katawan at bumagsak ito sa sahig.
"Hala, sorry talaga!" nagmamadali pa niyang ani habang tinutulungan ang nakabangga sa pagdampot ng mga papel na nagkalat sa paligid.
Dahil sa pagmamadali, hindi niya agad na silayan ang mukha nito, nakita lamang niya kung sino ito nang iabot na niya ang mga papel.
"Ito oh, pasensya na tal-- Ah Ezio?"
"Hehe salamat Ken," nahihiya naman sagot sa kanya nito, habang napapakamot sa batok.
Nang makumpirma na ito nga talaga ang kaharap, para siyang tanga na mabilis na napalinga sa paligid na para bang may hinahanap.
"Kung si Trix ang hinahanap mo, nasa SSG office siya para kausapin ang mga officials."
"Ganun ba, sorry talaga ah, wala bang masakit sayo?" natataranta pa niyang tanong dito.
Alam kasi niyang malaking problema kapag nasaktan ito, kilala niya ang higanteng guard dog nang mahinhin at maliit na lalaking ito.
Ka-team nila sa basketball si Cleo, ang kababata nitong si Ezio. Chill naman ang higanteng iyon sa lahat ng oras, maliban lang kapag ang usapan na ay tungkol kay Ezio, nakakatakot magwala ang isang yun, kaya ayaw niyang mapahamak dahil sa kapabayaan niya.
"Sure ka walang masakit sayo, patingin nga ng kamay mo," pangungulit pa niya, baka kasi ay nagasgasan ito dahil sa pagkakabagsak sa sahig kanina.
Gusto pa niyang makauwi ng buhay kaya dapat makumpirma niyang maayos lamang ito.
Nakangiti pa at masunurin na ipinakita nito ang maliit at malambot na kamay sa kanya para ma-inspeksyon niya.
Dahil sa cute nitong pangangatawan na parang sa babae at sa maamo nitong mukha kaya naging tampulan ito nang tukso at pambubully noon, pero masasabi niyang tanga at nagpapakamatay na ang mga estudyanteng gumawa noon dahil isa-isa lang naman silang nadala sa ospital dahil kay Cleo.
Mula noon, wala nang naglakas ng loob na mangbully kay Ezio dahil sa pagiging overprotective ni Cleo dito. Siguro kung may ganyan ka-cute at kabait na kababata ba naman siya, baka maging gwardya din siya nang wala sa oras.
Sad to say, mas matatangkad at polor opposite ang kanyang dalawang kababata. Isang mala-anghel sa bait at buti habang ang isa naman ay parang heir ni Lucifer dahil sa kakaiba nitong ugali.
'Ako lang talaga ang normal sa aming tatlo.' isip-isip pa niya, habang tiningnan ang kamay ni Ezio.
"Mukhang okay ka naman." Nakahinga siya nang maluwag nang makita na wala itong galos kahit kaunti.
Hindi niya alam na ang higanteng kinakatakutan niya ay naglalakad na palapit sa kanilang kinalalagyan.
"May dahilan ba para hindi siya maging okay?"
"Wala nama--" hindi na na ituloy ni Ken ang sinasabi nang mapagtanto at makilala ang malalim na boses mula sa kanyang likuran.
"Ah ikaw pala Cleo, haha nag uusap lang kami ni Ezio," pag papalusot pa niya, at parang napaso dahil sa bilis nang pagbitaw niya dito.
"Really?" bored na turan pa nito, habang nakatitig nang seryoso sa kanya.
"Oo naman, di ba Ezio?" kinakahan na tanong pa niya habang nagmamaka awang nakasilay kay Ezio.
Pakiramdam niya ay nadugtungan ng sampung taon ang kanyang buhay nang tumango ito at sumang ayon sa sinabi niya.
"Trix," Masiglang ani Ezio, at mabilis na lumapit sa kababata. Kinuha naman ni Cleo ang mga dala nitong papel bago guluhin ang buhok nito.
Kapag magkasama ang dalawang ito, sila ang tunay na representation nina David at Goliath. Isang 6'3 ang tangkad at isang 5'2. Laki talaga ng agwat nila.
Pero kahit ganun, masaya naman ang dalawang ito sa buhay nila at iyon ang kanyang malinaw na nakikita.
Pansin pa ni Ken na lumalambot ang ekspresyon ng mukha ni Cleo kapag kaharap na nito si Ezio, napakamot na lamang siya sa batok nang masaksihan ang paghalik ni Cleo sa noo ng kababata.
Masaya namang ngumiti at napatawa na para bang nakikiliti si Ezio dahil sa ginawa nito.
Bago pa siya ma-inggit ay minabuti na niyang umalis at iwan ang dalawa, pero hindi pa siya nakakalayo nang tawagin siya ni Cleo.
"Hinahanap mo ba si Captain? Nadoon siya sa SSG office kanina."
"Sa SSG, bakit naman?" kunot-noo na tanong niya dito.
"Ewan, sige una na kami," sagot ni Cleo at kumaway naman sa kanya si Ezio bago umalis.
"Sige," iyun na lamang ang kanyang naisagot habang nagtataka pa rin sa nalaman.
"Ano naman kayang ginagawa ni Captain sa SSG?"
Napakibit balikat na lamang siya at saka nagpasyang umuwi na lamang.
▼△▼△▼△▼△
JHE POV
'Hays kapagod ng araw na ito,' hindi ko mapigilang maibulong sa aking sarili habang ibinabalik ang walis at dustpan na ginamit sa paglilinis sa tama nitong lagayan.
Kasamaang palad, isa pa ako sa mga cleaners ngayon kaya sa halip na nakauwi na ako nang maaga ay narito pa ako at nagsasara ng classroom.
Wala na din akong nakasabay kahit palabas ng gate dahil ang best friend ko na si Rona ay nauna nang umuwi kasama ang kaibigan niya sa ibang section.
6:00 pm ang tapos ng aming huling klase tapos naglinis pa ako kaya naman halos madilim na ang paligid bago ako makalabas ng aming school.
Kakaunti na din ang mga estudyanteng kasabay ko palabas ng gate, kahit ang mga guards ay naghahanda na din sa pagsasara.
Siguro dahil na din sa extrang init ng panahon ngayon kaya mas pagod ako kaysa sa normal na araw.
Kaya naman ngayon ay na-isipan kong sumakay na lang sa halip na maglakad pauwi katulad ng karaniwan kong ginagawa. Habang naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep at nagbabakasakaling makakasakay kaagad.
Nang biglang napasilay ako sa kabilang kalsada, pansin ko ang mga nakaparadang mga kotse doon at ibang sasakyan. Wala namang kakaiba doon sapagkat madalas na ginagawang parking lot talaga ang lugar na iyon.
Nang makarating ako sa aking destinasyon, napakarami pa ring mga taong naghihintay sa lugar na ito, at katulad nga nang inaasahan ko ang bawat jeep ay puno, may nakasabit pa nga sa likod.
Sino nga ba naman ang gusto pang magpa-iwan sa oras na ito eh halos gabi na dahil sa dilim ng paligid.
Maya-maya pa ay may dumaan ulit na jeep, handa na akong makipag unahan at makipagsiksikan makasakay lang.
Pagod na kasi ako at antok na.
Tumigil na ang jeep sa aking tapat, nagsimula nang mag unahan ang mga pagod na naghihintay din kasama ko dito, tatakbo na din sana ako nang biglang may humigit sa akin pabalik.
Akala ko ay isa sa mga pasahero din kaya inis na hinarap ko ito. Ang daya naman kasi, unahan lang, walang higitan.
"Ano bang prob--- Dude!?"
"Mn, come here," anito, sabay hila sa akin pa paalis sa gitna nang maraming tao.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko, nang makaharap ko na siya nang maayos.
"To fetch you," turan pa niya gamit ang kanyang poker face, kaya naman hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o hindi.
"Eh, pero hindi ka naman aso," pagpapatawa ko pa, pero mukhang hindi benta sa kanya kaya tumahimik na lang ako.
"I'm serious."
"Alam ko, halatang-halata naman sa mukha mo," inip na saad ko pa sa kanya.
"Then let's go," mabilis na aniya, sabay hila muli sa aking kamay patungo sa kanyang magarang sasakyan.
Pilit ko namang tinanggal ang kamay nito sabay sabi nang... " Hindi mo ako kailangang hilahin, kaya kong maglakad."
Buti at bumitaw naman siya, pero pinauna niya akong maglakad habang nasa likuran ko siya at tahimik na nakasunod sa akin.
Nang makarating kami sa kinalalagyan ng kanyang Audi R8 V10, may naabutan pa kaming mga kalalakihan na nagse-selfie dito.
Napatighim naman si Dude kaya napatingin ang mga lalaki at kababaihan, mabilis din na nag alisan ang mga ito dahil sa hiya.
Lumapit naman siya sa kotse at binuksan ang pinto nito bago humarap sa akin. "Hop in?" utos niya na para bang hindi sigurado sa sinabi at para pang nagtatanong.
Siguro naalala nito ang nangyari sa amin doon sa simbahan noon, ayaw ko namang malungkot siya kaya ngumiti ako ng tipid.
Pansin ko naman na nagliwanag ang kanyang karaniwang walang buhay niyang mga mata, lalo na nang makita niyang sumakay at makapasok na ako sa loob ng kanyang mamahalin at magarang kotse.
"Shete, ang astig dito ah," bulong ko pa, habang pinapakiramdaman ang malambot na upuan at ang magandang design sa loob ng kotse niya.
Ang bango rin dito at sobrang lamig pa. Ang fresko lang talaga dito. Dahil hindi naman ako laging nakakasakay sa kotse, talagang humanga ako sa sasakyan kung nasaan ako ngayon.
"What do you think?"
Napatingin ako kay Dude nang makapasok na din siya at maisara ang pinto sa kanyang tabi.
"Astig ng kotse mo," puno nang pahanga na saad ko at saka komportableng sumandal sa malambot na upuan para makapagpahinga.
Hindi naman siya nagsalita, pero bakas sa aurang pumapalibot sa kanya ang saya, siguro ay dahil sa aking naging papuri.
"Aalis na ba tayo?"
"Nope, you can rest at bit before I send you home."
Tumango naman ako. Sang ayon talaga ako sa kanyang ideya. Bukod sa malamig, mabango din ang kotse. Sa totoo lang, kaamoy niya ang loob ng kotseng ito, pakiramdam ko tuloy nakayakap siya sa akin dahil ang amoy niya ay nakapaligid sa akin.
Bago pa ako makatulog ay may naisip akong itanong sa kanya. "Hm nga pala, ano nga ulit ginagawa mo dito?"
"To fetch you."
"Yun lang, ibig sabihin nagpunta ka lang dito para sunduin ako, wala kang pinuntahang ibang lugar?" napa-upo ako ng maayos habang nakatingin ng deretso sa kanya.
"Yeah."
"Wow, ang devoted mo naman," bulong ko pa sabay tingin sa labas ng bintana kung saan ay nagsisimula nang magbuhay ng ilaw ang bawat tindahan at establishmento sa paligid sapagkat dumidilim na talaga.
"Anong oras ang labas mo sa school?" tanong ko muli, nang makalingon ako sa kanya.
Pinanuod ko lamang habang may hinuhugot siya sa likod ng kanyang cellphone, nang makuha niya ang kapirasong papel na iyon. Gamit ang dalawang kamay habang nakayuko ay inabot niya sa akin ang bagay na iyon na para bang nag aalay.
Napataas na lang naman ang aking kilay sa kanya, pero tinanggap ko din naman ang ibinibigay niya.
Nang mabuklat ko ang papel, ito pala ay listanan ng schedule niya sa klase. Habang binabasa ang mga nakalagay dito, nanlaki sa gulat ang aking mga mata nang makita ang oras ng labasan nila.
"Dude, nakalagay dito na kapag Tuesday, ang labas mo sa school ay 4:30pm." Ipinakita ko pa sa kanya ang hawak kong papel habang itinuturo ang tapat kung saan nakalagay ang impormasyong iyon.
"Mn." paghimig pa niya na para bang sumasang ayon sa akin.
"Anong oras na ngayon, mag-aalas siete na di ba?"
"Mn."
"Ano ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya.
Hindi naman agad siya nagsalita, pero nang marinig ko na ang sagot niya. Parang gusto kong ihampas ang dalawa kong kamay sa aking mukha dulot ng frustration.
"To fetch you."