JHE POV
TININGNAN ko na lamang siya na para bang hindi ako makapaniwala sa kanyang sagot. 4:30 ng hapon siya umuuwi galing sa kanyang school, tapos lalabas lang siya dito sa bayan ng ganitong oras para sa dahilan niyang ' to fetch you' hayss iba din talaga siya mag isip.
"Maaga ka pala umuuwi, sana ipinahinga mo na ang oras na yun sa bahay nyo." Napailing na lamang ako habang sinasabi iyon. Kung ako lang ang may ganyang schedule ay baka nagamit ko pa iyan sa ibang mahalagang gawain.
Pero walang naman sa kanyang nababakas na kahit anong guilt at pagsisisi, parang natutuwa pa nga siya sa pagsesermon ko. 'May sapak nga ata siya sa utak.'
"Hays ewan ko sayo, ang devoted mo talaga." Naitaas ko na lang ang aking dalawang kamay na parang sumusuko.
"Yes, I'm definitely devoted myself to you."
Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang pahayag at pilit ibinabalik ang kanyang schedule, kaso ayaw naman niyang tanggapin.
"You can have it."
Dahil mabilis ako kausap at ayaw ko na rin makipagtalo sa kanya, tumango na lamang ako at inipit sa gitna ng aking notebook ang kanyang schedule.
Nang maibalik ko ang aking notebook sa loob ng bag, pagharap ko sa kanya ay may inabot siyang supot sa akin.
"Eat it," aniya, sabay turo sa supot ng galing sa isang fastfood chain.
"Wow, bakit may pakain ka, birthday mo ba?" natatawa ko pang tanong, habang sinisilip ang laman ng supot.
Wew talaga, napakagalante naman ni Dude, may pasundo na, may pa-meryenda pa.
"Nope, it's in December."
"Talaga? December ano?" nakangiting ani ko, masaya ako dahil kahit paunti-unti ay nagkakakilala kami.
"23rd. How about you?"
"Ow, July 13th naman ako," sagot ko pa sa kanya, at nagpatuloy pa ang aming pag uusap.
"Share tayo ang dami nito oh." Inaabot ko sa kanya ang isang burger, pero mukhang ayaw naman niyang tanggapin.
"Sige na, nakakahiya naman kung ako lang ang kakain."
Kita ko na napabuntong hininga siya, pero sa huli ay tinanggap na rin niya ang aking ibinibigay.
Habang binubuksan niya ang papel na nakabalot dito hanggang sa unang kagat niya ay mariin kong pinagmamasdan, nakakatuwa lang kasi siyang panuorin, para kasing first time niyang makakatikim ng ganitong klaseng pagkain.
"Anong lasa?" pag aasar ko pa sa kanya.
"Hm, not bad," napapakunot kilay na sagot niya habang inaalala ang lasa.
Napataas naman ang aking kilay dahil sa kanyang naging reaksyon.
"Teka, wag mong sabihin na di ka pa nakakatikim niyan?" gulat, habang natatawang turan ko pa sa kanya. 'Seryoso ba sya?'
"I already ate some before, but I don’t eat this very often, so I can't remember the taste."
Napangiti na lamang ako habang nananatiling humahanga pa rin sapagkat, sa yaman niyang ito, pero di siya sanay kumain ng fast food. Iba talaga. 'Nakatira ba sya sa ilalim ng bato this whole time o baka naman hindi lang talaga siya mahilig sa fastfood kaya ganun?'
Minsan na iisip ko kung kapapanganak lang ba niya kahapon, parang ang dami niyang mga bagay na hindi alam. Bigla ko tuloy naalala ang una naming pagkikita. Pati pagsakay sa jeep ay hindi siya sanay.
Napailing na lamang ako at saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Ito Dude, try mo," ani ko, sabay abot sa kanya ng chicken nuggets.
Kahit alam kong hindi siya sanay kumain nito, nakakatuwa lang makita na hindi siya tumatanggi sa mga inaalok ko sa kanya. Masunurin niyang tinatanggap lahat at kinakain.
"Here, drink some." Napatingin ako sa kanya nang i-abot naman niya sa akin ang baso na may lamang coke.
Uhaw na ako, pero hindi ko magawang abutin ang inumin. "You don't like this?"
"Hindi naman sa ayaw, sa totoo nga ay gusto ko kaso bawal. May hyperacidity ako," makatotohanang sagot ko pa sa kanya habang nakayuko.
Ayaw ko kasing isipin niya na maarte ako, pero ano bang magagawa ko, sa huli kapag pinili ko ang kagustuhan ko, ako din ang maghihirap kapag umatake na ang epekto nito.
Dahil sa madalas kong pagpapalipas dati nang gutom kaya siguro nagkaroon ako ng ganitong sakit.
"I see, wait for me."
Napabalik ang aking ulirat nang marinig ang kanyang sinabi. "Teka Dude, saan ka pupunta!?" pinigilan ko siya habang palabas ng kotse, pero hindi niya ako pinansin.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya na may dalang isang litro ng C2 apple at mineral water.
"Here, I think it's okay for you," saad pa ni Dude, sabay abot sa akin ng malamig na C2.
"S-Salamat, nag abala ka pa." Tumango lang naman siya at isang lagukan na ininum ang soft drinks sa baso kaya yelo na lamang ang natira doon.
Habang naghahalo ako nang spaghetti, kita ko na isinalin niya ang C2 sa basong may yelo at saka inabot sa akin. Napaka maasikaso talaga niya nakakatawang isipin lang na parang hindi siya iyong lalaking masama tungin at laging nakakunot ang kilay na nakilala ko sa jeep noon.
Ininum ko naman iyon at nag nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Yup, kwentuhan kahit sa totoo naman ay ako lang ang madalas na nagsasalita. Tahimik lamang siyang nakikinig sa akin at kung minsan kapag kailangan niya sumagot saka siya nagsasalita.
Matapos kumain, dahil sa pagod sa araw na ito at sa pagkabusog, di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagba-byahe kami pauwi. Nagising na lamang ako dahil sa naramdamang pag alog sa aking balikat at mahinang pagtapik sa aking pisngi.
"Hey, we're here," rinig ko pang sabi ng isang boses.
Nang maimulat ko ang aking mga mata, mukha ni Dude ang una ko nakita. Nagulat pa ako sapagkat napakalapit niya sa akin.
"Jushie Dude! Wag ka namang mang-gulat ng ganyan, parang aatakihin ata ako sa puso," ani ko pa, habang nakahawak sa aking dibdib.
Yumuko lang naman siya na parang asong pinalo, naawa naman ako nang mapagtanto ko na ginigising lang niya ako dahil narito na kami.
"Are you okay?"
"Oo naman, maraming salamat sa lahat Dude," nakangiti at masayang saad ko, saka tinapik ang ulo niya na parang isang bata. Sa halip na mainis, mukhang nasiyahan pa siya sa aking ginawa.
Nagpaalam na ako sa kanya, pero bago pa ako lumabas ng kotse nang maramdaman kong may humawak sa aking kamay.
"Ano yun Dude?"
"A-Ahm, can I call you later?"
"Oo naman, di ba tatawag ka naman sadya mamaya para ipaalam sa akin na nakauwi ka na?"
"Yes," masayang aniya, na para bang napaka-big deal noon.
"Sige, umuwi ka, mag ingat ka." Kumaway pa ako bago tumawid ng kalsada.
Nang makapasok sa bahay, inalok ako ni mader ng hapunan, pero busog pa ako dahil sa pagme-meryenda namin ni Dude kaya tumanggi muna ako. Dumeretso na lamang ako sa aking kwarto para ibaba ang aking bag at para makapagbihis na din.
Nang matapos na akong mag ayos ng sarili, naalala ko na may assignment pala akong kailangan gawin kaya inatupag ko muna iyon. Kung kailan na abala na ako at focus sa ginagawa, saka naman nagvibrate ang lumang cellphone sa aking tabi.
"Hello?"
"Hey, I'm home," kaswal na sagot niya na mukhang kararating pa lang din sa kanila. Mula sa pagkakatanda ko, sabi niya noon ay malapit sa may Sm ang kanyang tinitirahan medyo malayo nga naman iyon dito sa aking bahay kaya natural lang na ngayon lamang siya nakauwi. Bukod pa roon, alam ko rin na kahit gabi ay medyo traffic pa rin sa may SM Batangas kung saan ang daan patungo sa kanilang lugar.
"Ui Dude, mabuti yan, sya magpahinga ka na," turan ko pa sa kanya, para maituloy ko na ang aking ginagawa.
"No, I don't want to, it's still early," pagpupumilit pa niya kaya naman naibaba ko ang hawak na ballpen at napahilot sa aking sintido.
"Okay, so anong gusto mong pag usapan?"
"Anything, I just want to hear your voice," saad pa niya gamit ang natural niyang boses, katulad ng karaniwang nangyayari, hindi ko alam kung seryoso na siya o nagbibiro lamang.
'Kikiligin na ba ako?' sarkastikong tanong ko pa sa aking sarili nang marinig ang sinabi niya. Dahil hindi ako natutuwa sa mga banat niyang ganyan kaya tumahimik na lamang ako.
Maya-maya pa, di na ata nakatiis ang kausap ko. "Hey, you do it on purpose are you?"
"Alin, wala na nga akong ginagawa eh." Pagpapatay malisya ko pa, kahit sa katotohanan ay nagpipigil na ako ng tawa ngayon.
"I just said that I want to hear you then you suddenly become silent." Sa totoo lamang, kahit di ko siya nakikita, pero natutuwa na ako isipin pa lamang kung paano magsalubong at kumunot sa inis ang maitim at medyo makapal niyang kilay.
"Galit ka na nyan?" natatawang tanong ko sa kanya, di ko napigilan ang sarili ko dahil para siyang bata na inagawan ng kendi kung magreklamo.
"No, I ju-- "
"Haha Oo na, eto na oh nagsasalita na ako kaya wag ka na umiyak dyan."
"I'm not crying."
"Sabi mo eh. Nga pala, wala ka bang ibang kaibigan na pwede mong tawagan?" napapanguso ako nang makita na halos wala pa sa kalahati ang nagagawa kong assignment. Patay na naman ako bukas kapag hindi ko ito naipasa.
At ang nakakaluko pa, mukhang walang balak na tumigil itong makulit kong ka-telebabad.
"I have, but they're annoying as hell," sagot pa niya mula sa kabilang linya.
"Psh, parang di ka rin annoying ah," wala sa sariling turan ko, hindi ko napansin na naibulong ko na pala iyon, akala ko ay iniisip ko lamang.
"Am I?"
Hays, yan na naman siya sa pagpapa-awa na yan. Wala tuloy akong ibang nagawa kung hindi bawiin ang sinabi ko.
"Syempre hindi."
"Mn," paghimig pa niya, kahit simple lamang iyon ay ramdam ko pa rin na masaya siya.
Nagpatuloy ang usapan namin habang nagsusulat ako ng reflection paper na aking assignment.
Maya-maya pa, naalala ko ang mga tanong na kumabagabag sa aking isipan. "Dude, paano mo nga pala nalaman ang oras ng labasan ko school?"
"I ask nanay and she tells me," honest na sagot niya kaya napatango ako. Malakas talaga ang lukong 'to kay mader.
Lumilipas ang mga oras nang hindi ko namamalayan dahil sa pakikipag usap sa kanya, ganun din ay na natapos ko na rin pala ang aking assignment ko kasabay noon. Masyado ata akong nalibang sa pakikipagkwentuhan sa kanya.
Maya-maya pa, hindi ko napigilan na mapahikap ng malakas habang nag iinat ng braso.
"Mn, I guess it's getting late, let's call it a night."
"Sige, goodnight Dude," antok na saad ko, at pasuraysuray na naglakad patungo sa aking kama.
Nang bumagsak ang aking katawan sa higaan, nakapikit na ako at handang matulog nang biglang...
"Hey, end the call."
Napamulat ako nang wala sa oras nang maalala na hawak ko pa rin ang cellphone at nakalapat pa rin sa aking tenga hanggang ngayon.
'Psh, luko talaga ang Dude na yun, di pa siya ang mag-end ng tawag eh,' isip-isip ko habang pinapatay ang tawag at saka itinago ang cellphone sa ilalim ng aking unan.
▼△▼△▼△▼△
KINABUKASAN, maaga muli akong nagising para maghanda sa pagpasok.
Ang oras ng aking klase ay nagsisimula ng 7:00 am kaya naman kailangan kong bilisan ang aking pagkilos para di ako mahuli. Karamihan pa naman ng aking mga teacher ay hindi tumatanggap ng late sa klase, kapag nahuli ka, maghanda ka sa pagtayo sa labas ng room.
"Neng, baon mo oh," saad pa ni mader, sabay abot sa akin ng 50 pesos.
Tinanggap ko naman iyon ng may ngiti sa labi, aba maswerte ako dahil may baon ngayon, dati nga napasok ako na walang-wala. Basta may baon akong pagkain sa tanghali ay okay na.
Maglalakad na lang ako papasok sa school at pauwi para di ko magastos ang aking pera, mas marami pa akong dapat maglaanan ng aking pera, katulad na ng pangpa-xerox at ambag sa mga projects.
"Salamat mader, aalis na po ako." Sinukbit ko ang aking bag at kumaway bago lumabas ng bahay. Hindi nagbukas ng tindahan sa palengke si mader ngayon para daw makapaglaba siya ng mga kurtina at kumot.
Dahil maaga pa naman at hindi pa mainit ang sikat ng araw kaya napagpasayahan ko na lang na maglakad ngayon.
"Hays, thanks God, makarating din," bulong ko pa, habang nagpupunas ng aking noo na puno ng pawis.
"Jhe, punta tayong canteen," pag aanyaya pa sa akin ni Ronna. Recess na kasi namin kaya may halos 30 minutes kami na vacant para kumain.
"Ikaw na lang Rons, wala naman akong bibilhin doon."
"Sige, dyan ka lang babalik din ako agad," pagpaalam pa niya, at saka sumama sa iba naming kaklase na papunta din doon. Habang naglalakad siya palayo, bigla kong naisip kung gaano kalayo ang level namin sa isa't isa. Si Rona kasi ay sexy, maganda, mabait, matalino at magaling makisama.
Dahil sa full package na katangian niya kaya naman siya lagi ang pambato namin sa lahat ng mga pageant at contest na ginaganap dito sa aming school. Hindi naman kami nabibigo sapagkat, lagi siyang nanalo. Dahil din doon kaya napakarami niyang taga-hanga at gustong maging kaibigan siya.
Pero sa huli, sa akin pa rin siya lagi nakasiksik. Ewan ko ba sa babaeng yun. Napaka-popular niya, pero sa isang loser na gaya ko ang trip niyang kasama.
Sa aming dalawa, ako naman yung medyo introvert sa aming klase, pili lamang ang mga nakakausap ko at may gustong kumausap sa akin. Di rin ako sexy, malapit na ngang pumutok itong uniform ko dahil sa sikip.
Bukod sa luma na ito at maliit, tapos chubby pa ako kaya wala talagang magagawa kung hindi ang magpigil ng paghinga para di magtalsikan ang butones ng blouse na aking suot.
Habang nakahalumbaba, minsan napapatanong din ako sa aking sarili, kung bakit ako ang napili ni Ronna na maging bestfriend eh napakarami naman ng mga taong nagpapa-pansin sa kanya.
'Ewan, bahala siya, ang mahalaga kahit paano may itinuturing akong kaibigan, kahit karaniwan ng pagkakataon ay ramdam kong isa lamang akong anino kaysa isang kaibigan sa kanya.'
Dahil ayaw ko nang isipin pa ang mga bagay-bagay at gutom na din ako kaya naman kinuha ko na lang ang isang Fita na biscuit sa aking bag para kainin iyon, dahil medyo na kakatuyo ng lalamunan ang pagkain nito kaya sinasabayan ko na rin nang pag inom ng tubig.
Nagmumuni-muni ako habang kumakain nang biglang lumapit sa akin si Leah, yung isa kong kaklase na matalino, medyo mataray din siya pero magkaibigan naman kami kahit paano.
"Jhe," sabi pa niya bago umupo sa silyang nasa aking unahan.
"Oh Leah, bakit?"
Bago sumagot, ngumisi muna siya sa akin nang pagkalapad-lapad kaya naman bigla akong kinilabutan.
"Akalain mo nga naman, may syota ka na pala di mo man lang sinabi, at unfairness super hot at mayaman pa. Saan mo nakilala? Chika mo naman," excited at kinikilig pa niyang turan sa akin. Dahil sa bilis ng pagsasalita ay daig pa niya ang excited na rapper kung magbuga ng mga salita.
Nasamid pa ako at napaubo nang mapagtanto ang kanyang sinabi. Nataranta naman siyang lumapit sa akin para hampasin ang likuran ko.
"G-Gaga ka talaga! Syota? Saan mo naman nabalitaan yan?" inis at nagtatakang tanong ko pa sa kanya, habang nagpapahid ng aking labi.
"Wag ka na ngang tumanggi, nakita kita kahapon may sumundong gwapong lalaki sayo," pang-aasar pa niya at saka itinaas-baba ang kilay.
Sa totoo lamang, may ideya na ako kung anong sinasabi ng babaeng 'to, ayaw ko lang na pag-fiestahan ng chismisan at pang-aasar kung aaminin ko na tunay ang pahayag niya. At saka may karapatan naman ako tumanggi dahil hindi ko naman talaga syota si Dude, kaibigan ko lamang siya.
"Haha sa itsura kong 'to, may susundo sa aking gwapo at mayaman? Baka guni-guni mo lang yun," natatawang sagot ko pa habang itinuturo ang sarili ko.
Sino naman magkakagusto sa isang nobody, normal at boring na tulad ko. Kung maganda lang ako tulad ni Rona edi sana nakasampung ex na din ako tulad ng mga kaklase ko. Hindi ko maiwasang di mapailing dahil sa aking iniisip, lalo na at choice naman ng isang tao ang pumasok sa isang relasyon, hindi iyon nakabase sa itsura.
"Hindi, parang ikaw talaga yun ih." Pagpupumilit pa niya sakin.
"Oh kita mo na, kahit ikaw di ka sigurado."
"Hays, Oo na nga, di ako sure, akala ko talaga ikaw yun."
Napatawa naman ako nang palihim nang makumbinsi ko siya na ibang tao ang kanyang nakita at hindi ako. 'Ang galing mo talaga, Jhe?'
Habang patuloy na nag uusap kami ni Leah, dumating naman si Rona galing sa canteen, may inabot pa siyang juice sa akin kaya nagpasalamat ako bago itusok ang straw sa Zesto apple na hawak ko.
"Anong pinag uusapan nyo?" tanong pa ng best friend kong kadadating lamang. Sure ako trip din niyang makichika sa amin.
"Wala naman," patay malisya kong tugon.
"Nga pala, nasaan na yung pangako mong drawing na ibibigay sa akin." Para ibahin ang usapan at di na myli siya magtanong .
Siguro ang hilig namin sa anime ang dahilan kung bakit kami naging mag kaibigan. Sabi nga nila, na aatract kadalasan ang mga tao sa isa't isa kapag may pagkakaparehas ang mga bagay o hobby na meron sila.
"Ah eto, wait lang." Mabilis naman siyang lumapit sa kanyang bag para kunin ang drawing ng paborito kong anime character.
"Yiee salamat Rons," kinikilig na ani ko matapos mahawakan ang bond paper kung saan naka-drawing ang ultimate crush kong si Portgas D. Ace.
"Ano ba yan, puro kayo anime eh, di na kayo mga bata ah. Mas maganda kaya ang K-drama." Bitter talaga ng Leah na 'to, hindi lang naman pangbata ang anime ah.
"Di ako nanunuod no'n eh," nakangusong sagot ko pa, para ipagtanggol ang mahal kong anime.
"Bakit naman?" sabay nilang tanong sa akin. Ang alam ko kasi, kahit si Rons ay fan na din ata ng K-drama at K-pop.
Bored na tiningnan ko muna sila bago sumagot.
"Ayaw ko ng DRAMA."