JHE POV
SINA Kuya Rai at Ken ay napatingin na lamang din sa akin habang bakas ang naguguluhang ekspresyon sa mukha nila.
"Dude, sila yung dalawang lalaking kasama mo sa mga post, tanda mo ba nung pinakita mo sakin sss account mo noon?" pinandilatan ko siya ng mata para maalala niya, habang bahagyang inaalog ang kanyang braso.
"Mn, yeah I remember."
"Sabi na nga ba, kaya pamilyar ang mukha nila," napapalakpak pa ako dahil sa tuwa.
Habang nag uusap kami ni Dude, at pinapainom ko naman siya ng drinks na binili niya para kumalma. Bigla naming narinig ang boses ni Ken.
"Ibig sabihin nakita mo na kami Jhe, wow! Na-touch ako Captain! Ipinakilala mo pala kami sa kanya! Hindi ko makakalimutan ang araw na ito," naiiyak na pahayag ni Ken, habang hinaplos naman ni Kuya Rai ang likod niya.
"Nakakahanga naman, ganun na pala kayo ka-close para ipakita niya ang main account niya sayo Jhe," may galak at saya na ani pa ni Kuya Rai.
"Oo nga, ang astig." Nagpapahid pa rin ng luha si Ken.
Hindi ko naman alam ang isasagot sa kanila kaya nainom na lang din ako sa inabot na drinks ni Dude. Matapos ang magulong usapan at iyakan, para kay Ken. Napagdesisyunan na namin na maglibot na muli.
Dahil busy si Kuya Rai sa mga gawin para sa ika aayos ng event, pinaki-usapan muna nito si Ken na samahan si Vinah. Habang kami naman ni Dude ay patungo na rin sa aming mga sunod na destinasyon.
Nang paalis na sina Ken at Vinah, parang narinig ko pa ang pinag uusapan ng dalawa.
"Hindi natin nalaman kung anong ginagawa nila sa gilid ng simbahan," ani pa ni Ken. Napatango naman habang namumula ang mahiyain na si Vinah.
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON POV
Para hindi mahirapan nagtungo muna sina Jhe at Kyle pabalik sa parking lot para ilagay doon ang mga dala. Medyo marami na din kasi ang mga ito kaya mabigat nang dalahin.
"What were you all talking about back then?" tanong pa ni Kyle, habang inilalagay sa trunk ng kotse ang mga paper bag na kanilang dala.
"Hm, tungkol sa pagsisimba. Sabi ko pagkatapos ng misa napunta tayo sa gilid ng simbahan," makatotohanang sagot naman niya dito.
"Wha--?" Napatigil naman ito sa ginagawa at saka napaharap sa kanya. Pansin din niya na nakakawang ang bibig nito dahil sa kanyang pahayag.
"Di ba, nandun ang pastor na nagpe-perma ng mass attendance?" pagpapaliwanag naman niya, sapagkat hindi siya aware sa tunay na iniisip ng mga ito.
"I see," bulong ni Kyle, habang napapatango at saka isinara ang trunk ng kotse.
"Bakit?" mabilis na tanong pa niya sapagkat, para bang may nangyayari na hindi niya alam.
"They think we're making out in there," walang pasintabi na sagot pa nito sa kanya. Napatingin naman siya ng may pagtataka dito bago magtanong.
"Making out?" kunot at magkasalubong na ang kanyang kilay habang deretsong nakatitig kay Kyle. Bigla naman itong tumahimik kaya lalo siyang kinabahan.
"Dude, ano nga yun? Sabihin mo n--"
"Kissing and stuff." anito, habang napapakamot sa batok at saka napaiwas ng tingin sa kanya.
"Ehh? K-Kissing? N-Nagbibiro ba sila?"
Nang mag-sink in na sa kanyang utak ang kanilang pinag uusapan, biglang uminit ang kanyang mukha kaya napatakip na lamang siya dahil sa hiyang nararamdaman.
"I know, right."
Rinig pa niya saad ni Kyle, at nararamdaman na lamang niya ang kamay nito sa likod ng kanyang ulo at saka tumama ang kanyang noo sa matigas na bagay. Nang sumilip siya sa pagitan ng kanyang mga daliri, doon niya napagtanto ang kanilang posisyon.
Nakatayo nang malapit sa harap niya si Kyle, habang nakadikit ang kanyang noo sa dibdib nito. Sa halip na itulak ito, para mailabas ang hiya at mawala ang awkward na pakiramdam.
"AHHHHH!!!"
Napasigaw na lamang siya nang malakas habang nakabaon ang mukha niya sa matigas at mala-bato nitong dibdib at nakayakap naman ng mahigpit ang kanyang braso sa katawan nito.
Hindi niya inaasahan na habang nakasiksik siya dito, at nakayakap din naman ito sa kanya. Doon niya unang narinig ang pagtawa nito ng malakas.
Napatingala siya at manghang pinagmasdan ang pagtawa nito habang nagpupunas pa ng luha sa mata. Kung gwapo na siya habang seryoso, mas gwapo kapag nakangiti, masasabi niyang maaliwalas at parang nagiging ibang tao ito kapag tumatawa ng ganito.
Parang hindi siya iyong lalaking kanina lamang ay gusto nang idispatsya ang sariling kababata. Makita itong masaya ay naghatid sa kanyang puso ng matinding kasiyahan din kaya naman, napangiti siya at sinabayan ito sa pagtawa kahit hindi rin niya alam ang dahilan ng pagtawa nito.
Kahit para silang baliw na nagtatawanan doon at pinagtitinginan ng mha dumadaan. Wala silang pakialam. Sabi nga nila. YOLO di ba? You only live once, kaya bakit laging pipiliin na maging malungkot.
"L-Liko ka Dude, bakit nga ba tayo tumatawa?" hinihingal at nauutal na tanong pa niya dito.
"I-I don't know either," sagot nito, kaya lalo silang napatawa parehas.
Maya-maya pa, parehas silang hinihingal habang pinapakalma ang sarili.
"Woah, that's a good laugh."
Napatingin naman siya kay Kyle na kasama niyang nakaupo sa hood ng kotse nito.
"Di ba? Kaya wag mong sayangin ang buhay mo na laging nakasimangot," masayang sambit pa niya dito, at saka inabot ang mukha nito para paglaruan ang laging nakakunot nitong kilay.
Habang minamasahe niya ang kilay nito, nabigla siya sa pagyakap muli nito sa kanya. Medyo nagulat, pero sanay na naman siya kaya hinayaan na lamang niya si Kyle sa pagyakap nito nang mahigpit sa kanya.
Katulad ng lagi niyang ginagawa, hinahaplos at tinatipik lamang niya ang malapad at matigas na likuran nito. Wala naman siyang lahing hokage, pero di niya maiwasan na di kapain at hawakan ang matigas na muscle sa likod nito.
"Jhe."
"Hm?" pahimig na sagot pa niya.
Kung may makakakita man sa kanila, lalo na kung sina Ken ito, siguradong iisipin ng mga iyon na may relasyon sila talaga at di nawawala ang di pagkakaintindihan na hindi niya naipaliwanag kanina.
Pero naisip din niya, hindi ba pwedeng magdamayan bilang magkaibigan? Masyado lang talaga ma-issue ang mga tao ngayon.
"Don't ever leave me," bulong pa nito na halos nagpadurog ng kanyang puso dahil sa emosyon na meron doo, ramdam na ramdam din niya ang takot sa tono ng boses nito.