Chapter 19

1077 Words
JHE POV NAPATANGO naman ako dahil sa pahayag ni Dude, tama naman siya, baka kung ano pang isipin ng girlfriend ni Ken kung lalapit siya sa ibang babae. "Ow, naku nga, bawal yan Ken," napapailing na saad ko pa kaya napatawa naman siya sa akin. "Haha sabi ko nga," napapakamot sa ulo pa niyang pahayag. Nang matapos suklayan at ayusan si Dude, pumunta ako sa harap niya para magkaharap kami. "Ayan! Fresh ka na ulit," nakangisi at proud na bulalas ko pa kay Dude at saka pabirong tinapik ang magkabilang pisngi niya. Sa totoo lamang, kahit naman pawisan pa siya gwapo pa rin, para nga siyang model ng commercial na may patulo-tulo pawis effect pa. 'Pero, syempre mas gwapo pa rin siya kung malinis ang kanyang itsura. Lalo na ngayon at may pulbo pa siya. Mukha at amoy baby na siya.' nanggi-gigil na kumento ko pa sa aking isipan habang patuloy na pinipisil at pinaglalaruan ang kanyang pisngi. Masayang napahimig naman siya at binigyan ako ng isa sa mga tipid niyang ngiti bago ipinatong ang kanyang kamay sa aking kamay na nasa pisngi pa rin niya hanggang ngayon. Normal na sa akin ang imahe na iyon, tipid na ngiti, mahinang himig bilang sagot at syempre ang paboritong tanawin ay kapag kumikislap sa saya ang natural na blanko nitong mga mata. Kung sa akin ay normal iyon, pero mukhang para sa kanyang mga kaibigan ay hindi. Nanlalaki at namilog pa sa gulat ang mga mata nina Ken at Kuya Rai dahil sa nasaksihan. Napakibit balikat naman ako dahil sa naging reaksyon nilang iyon. "Jhe, stay here, I'm just buying some drinks," ani Dude, matapos ibaba ang aking kamay na nasa mukha niya. Napatango naman ako bago sumagot. "Sige, balik ka agad... susulat ka ha, mag iingat ka," pagbibiro ko pa sa kanya, habang naglalakad siya palayo. "Captain, wag mo kaming kakalimutan ah!" Si Ken naman ay nakisali na din kaya naman, nilingon at tiningnan pa ito ni Dude ng masama. Napapinid naman sa takot si Ken habang nagpipigil naman kami ni Kuya Rai na tumawa ng malakas. Kahit ang mahiyain na si Vinah ay medyo nadadala na rin dahil sa kakulitan namin. Nang makaalis si Dude, mabilis na lumipat ng pwesto si Ken palapit sa akin. "Jhe!" "Ken!" masigla at nakangiti ko din namang bati kahit para na kaming tanga doon. Kahit sabihin na may pagka introvert ako, at nahihirapan makisama kaagad. Pero kung kagaya naman ni Ken na mga tao ang aking makikilala at makakausap. Siguradong mabilis na mapapalagay ang aking kalooban, napakabait at masayahin kasi niya. Hindi mayabang at di rin mahirap pakisamahan. Mukhang para sa akin, successful ang event na ito, masaya akong makilala at magkaroon ng bagong kaibigan tulad nina Ken at Kuya Rai, hindi ko pa man nakikilala sila ng lubusan alam kong mabubuti silang tao. "Jhe! Uii Jhe!" "Ha? Ano yun Ken?" ani ko, matapos magising sa pagkatulala. "Sabi ko kung saan kayo nagkakilala ni Captain?" Napangisi naman ako ng palihim, napaka attached ng isang to kay Dude. Nakakatuwa parang possessive na nakababatang kapatid. "Ah sa Jeep ko siya unang nakita, pero sa simbahan kami nagkakilala ng pormal," sagot ko naman sa kanya. Napatango pa siya bago muli magsalita. "Simbahan sa may SM?" "Hindi, dun sa simbahan sa may bayan," paglilinaw ko pa. "Anong ginagawa nyo du--" "Ken, ano bang tanong yan? Syempre nagsisimba sila," pagsingit pa ni Kuya Rai, kaya naman napayuko na lamang si Ken habang pilit at halatang nahihiya at natatawa sa sarili. Kahit ako naman ay napatawa na rin sapagkat wala talagang sense ang kanyang katanungan. Habang pinagtatawanan namin si Ken, bigla kong naisip na baka ang tungkol sa mass attendance ang tinutukoy niya. "Hm... Kuya Rai, tama din naman si Ken, may iba pa kaming ginagawa ni Dude pagkatapos magsimba." Muntikan na akong mapatakbo sa takot nang makita ko kung paano mabilis at sabay-sabay na humarap ang mga ulo nila sa aking dereksyon. Akala mo ay mga robot sila kung gumalaw. "Talaga, ano pang ginagawa nyo?" si Kuya ang unang nagtanong. "Ah, pagkatapos ng misa, napunta kami sa may gilid ng simbahan tap---" "Gilid ng simbahan!?" gulat at pasigaw na tanong ni Ken. Napatayo pa ito sa kinauupuan kaya naman halos lahat ng mga tao sa malapit na table ay napasilay na din sa amin. Habang si Kuya naman ay napasinghap na lamang din sa gulat, nanlaki naman at napuno ng kakaibang emosyon ang inosenteng mata ng katabi naman nitong si Vinah. Kung nagulat sila, napa atras din naman ako sa gulat dahil sa reaksyon nila. Naguguluhan tuloy ako kung may nasabi ba akong mali. "Ha? Ah teka? may nasabi--" "Jhe, anong ginagawa nyo sa gilid ng simbahan?" biglang tanong pa muli ni Ken at saka hinawakan nang mahigpit ang magkabila kong balikat habang halos maglapat na ang aming ilong dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Hindi naman agad ako nakasagot dahil sa bilis ng mga pangyayari, at speaking of mabilis. Ang sunod ko na lamang nakita matapos iyon ay ang pagtilapon ni Ken palayo. Napalingon naman ako, sa unang pagkakataon natakot ako sa aura ni Dude habang nanlilisik ang mga mata nito. "D-Dude?" Hindi naman siya sumagot, pero ang kaninang makapanindig balahibo na aura nito ay medyo bumaba bago humarap sa akin. "Aray naman Captain, tinatanong ko lang naman si Jhe," pagrereklamo pa ni Ken habang tinutulungan siya ni Kuya Rai na tumayo. Mabuti na lamang at hindi naman pala siya sinuntok ni Dude, hinigit at itinapon lamang palayo sa akin. Tumayo na ako para lumapit kay Dude, nginitian ko siya at saka hinawakan ang kamay para samahan paupo sa aking tabi. Si Ken naman ay maayos na at nakaupo na ulit kasama ni Kuya Rai at Vinah. "Ikaw talaga Dude, nag uusap lang kami tungkol sa pagsisimba," ani ko pa, at saka inayos ang drinks na dala niya. "Mn." "Oo Kyle, di naman naming aawayin si Jhe, nagtatanong lang kami," segunda pa ni Kuya Rai, kaya naman mukhang nakumbinsi na din sa wakas si Dude. Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang tingin niya kay Ken. "Sorry na talaga Jhe, Captain. Di ko na uulitin, alam ko na sumobra din ako," malungkot na paghingi ni Ken ng paumanhin sa amin. "Oo naman, walang problema sakin yun, may karapatan naman talaga kayong magtanong lalo na at kaibigan nyo si Dud---teka? Hala na tatandaan ko na sila Dude!" Napataas naman ang medyo makapal na kilay nito sa akin, habang naghihintay nang sunod kong sasabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD