3RD PERSON POV Maya-maya pa, napansin ni Jhe hindi pa rin dumadating si Rona, hindi naman ganun katagal magpaperma. Nang lingunin niya ang lugar, halos mahulog ang panga niya nang makitang nagkakagulo doon. Mabilis siyang napatayo kaya naalis ang pagsiksik ni Kyle sa kanya. Tumingala pa ito at nag tanong. "What's the matter?" "N-Nakikita mo ba Dude, nagkakagulo na doon! Baka naipit na si Bes Rons. Halika puntahan natin!" aniya at hindi na hinintay ang sagot nito, bagkus ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kaguluhan. Si Kyle naman ay nakasunod lang sa kanya at handang protektahan siya kung ano mang mangyari. "Rona!!!" sigaw niya, habang nakikipagsiksikan sa maraming tao na naroon. Hindi niya alam kung anong nangyayari at paano nagsimula ang g**o, pero batay sa kanyang nakikita. May nag

