3RD PERSON POV "Hala Bes! I miss you!!!" malakas na sigaw pa nito kaya pati yung pastor na nagpe-perma dun sa unahan at lahat ng nakapila ay napatingin din sa kanila. Napayuko na lang si Jhe sa hiya dahil sa lukarit niyang kaibigan, habang nakayakap ito nang mahigpit sa kanya. "N-Namiss din kita, pero b-bes hindi na ako makahinga." Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Rona, pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nito. "Hehe Sorry na, na-miss lang talaga kita--"natatawang saad nito. "--- bes!" balak na naman nitong tumalon at kumapit sa kanya, mabuti na lamang at kanyang naiwasan. 'Kung makana-miss naman itong si Rons, parang di kami magkasama mula lunes hanggang byernes ah,' napapailing na turan pa niya sa kanyangng isipan. Pero sa totoo lamang, ganun din naman talaga ang nararamd

