JHE POV HABANG nakahawak siya sa aking kamay at masama ko naman siyang tinitingnan ay bigla na lamang kaming nakarining ng... "Bagong comedy show ba ito?" "Baka nga, hindi naman kasi sila bagay." Ang mga bulong-bulungan ay mas lumakas at nasundan pa nang maingay na tawanan. Ang galit at inis na aking naipon sa loob ng dalawang buwan ay napalitan ng kakaibang inip, habang nakasilay ako sa mga taong nakapanuod sa aming "Drama." Napailing na lamang ako dahil sa mga nangyayari, bumuntong hininga at marahang tinanggal ang kamay niya sa aking pulsuhan. Dahil ang atensyon ni Dude ay nasa mga tao pa rin kaya naman sa oras na bumitaw siya ay nagsimula na akong kumaripas ng takbo. "Jusko Jhe! Ang dignidad mo!" sigaw ko pa habang lumalayo sa karamihan ng mga taong iyon. Hindi ko naman inaasah

