3RD PERSON POV
NAGKATINGINAN sina Ken at Raizen dahil sa nasaksihan. Dulot ng gulat at pagkabigla kaya naman parang naging bato ang kanilang katawan at di makagalaw sa kinatatayuan.
Hindi sa pagiging exaggerated, pero kahit kailan ay hindi dumalo si Kyle sa mga ganitong aktibidad sa school o kahit anong mga occasion pa. Kahit nga birthday hindi ito nagce-celebrate, ganun din ang pasko, bagong taon o kahit ang death anniversary ng sarili nitong ina.
Nakakalungkot ang nangyari sa dating buhay at masayang pamilya ng kanilang kaibigan na si Kyle. Nagbago ang lahat nang mamamatay ang ina nito ilang taon na din ang nakakaraan. Mula noon, nawala na ang dating Kyle na kilala nila. Napuno na ito na galit at pagsisisi hanggang sa pinili na lamang nitong ikulong ang sarili at dumistansya sa lahat.
Ang makita na unti-unti na itong nagiging maayos at masaya ay talaga namang nakapagdala ng luha sa kanilang mata ni Raizen. Di na nila napigilan ang sarili at napatakbo habang sumisigaw palapit kung nasaan si Kyle at Jhe. Wala na silang pakialam kahit pagtinginan pa sila ng mga taong nasa paligid.
"Captain!!!"
"Kyle!!!"
▼△▼△▼△▼△
"Hm, ganda ng pangalan mo Dude, gusto ko yung Luris, ang astig pakinggan," ani Jhe, matapos magfill up. Nakaupo sila sa isang table sa harap ng registration booth para mag-fill up ng participant's form.
Hindi lamang sila ang narito, sapagkat nakapila sa dami ang mga katulad nilang nagpapa-register din. Ayon sa management, sa pagpapa-register ang kailangan magfill up ng form ay ang kapartner mo para sayo, at ikaw naman para sa kanya.
Ganun daw dapat para mas magkakilala pa ng lubusan ang magka-partner, wala naman silang problema dun kaya sige lang. Ngumisi lang din naman naman si Kyle sa kanya at lumapit matapos ipasa sa babaeng nasa registration booth ang papel nila.
"I like your name better, Jhezikiel," nakangisi at ma-luko na bulong pa nito sa kanyang tenga habang ang kamay naman nito ay nakapaikot sa kanyang bewang.
Nakaramdam naman siya ng kinilabut at ramdam pa niya ang pagdaloy ng mumunting kuryente na umakyat sa kanyang likod patungo sa may batok niya nang marinig ang pagbigkas nito sa kanyang buong pangalan.
"L-Loko, anong espesyal dun?" napapayuko pa niyang saad, sabay tulak sa mukha nito palayo sa kanya. Hindi rin niya alam kung bakit parang nag iinit ang kanyang pisngi ngayon.
"Lubayan mo ako, Dude," pa-inis na saad pa niya, dahil pansin niya ang kakaibang tingin na ipinupukol ng mga taong nasa kanilang paligid dahil sa pagdikit ni Kyle sa kanya.
Kung makatingin pa ang mga ito, para bang gulat na gulat at di makapaniwala. Katulad na lamang nang isang grupo ng mga babae na sa tingin niya ay dito sa LPU napasok. Tumitingin ang mga ito sa kanila tapos bubulong sa kasama. Sa totoo lang ay nakakainis ang mga ito, pero hindi naman siya nagtungo dito para makipag ayaw kaya hindi na lamang niya iyon pinansin.
At dahil dakilang matigas talaga ang ulo nito, sa halip na umagwat at layuan siya, mas hinigit pa nito ang kanyang bewang palapit sa katawan nito.
'Itong lalaking 'to ang problema ih.' isip-isip pa niya, ang pagiging PDA nito kaya pinag uusapan sila ng iba.
Ang hindi niya alam kilala bilang suplado, cold at walang pakialam sa iba si Kyle, kaya naman ang makita na may kausap at kakulitan ito, at babae pa. Kaya naman lubos na nakakagulat at higit sa lahat ay nakapagdala ng inggit sa mga kababaihang nakakita sa kanila.
Nanlaki pa ang kanyang mata sa gulat dahil sa ginawa ni Kyle, hahampasin na sana niya sa dibdib ito para magtanda, kung hindi lamang may mga boses silang narinig na papalapit sa kanila.
"Captain!!!"
"Kyle!!!"
Sabay sila ni Kyle na napalingon sa pinanggagalingan ng mga sigaw, pero bago pa nila makita kung sino ang mga iyon, huli na ang lahat at nabalot na sila sa mahigpit na yakap ng dalawang lalaking dumating.
"C-Captain."
Rinig pa niyang saad pa ng isa habang napapasinghot pa.
'Umiiyak ba sya?' tanong pa niya sa kanyang sarili, habang nakaipit sa pagitan ng mga ito.
Maya-maya pa ang sumunod na niyang narinig ay ang galit na boses ni Kyle. "Get. Off. Now."
"Pero Captai--"
"She can't breathe, stay away." Pagtataboy pa nito sa mga dumating na lakaki. Dahil sa sinabi nito, kaya mabilis na napahiwalay ang dalawang lalaki sa kanila.
Nakahinga naman siya nang maluwang nang makalayo ang mga ito, doon din niya napagmasdan ng maayos ang itsura ng dalawa.
Yung umiiyak ay cute na chinitong lalaki, sa tingin pa niya ay may lahi itong koreano o kaya ay Japanese. Habang yung isang lalaki namang tahimik ay mala-anghel ang kagwapuhan, nang napasilay pa ito sa kanya, binigyan siya nito ng isang nakakasilaw ng ngiti.
Maamo ang mukha nito na parang di makabasag pinggan, siya iyong mga tipo ng mga lalaki na mala-prinsipe ang datingan. Parehas silang matangkad, makinis at maputi. Tipikal na kutis at itsura ng mayayaman.
Hindi niya pansin na sobra na pala ang pagtitig niya sa dalawa dahil sa pag aanalisa sa mga ito, kaya naman ang sumunod na nangyari ay nagpagulat sa kanya. Maya-maya pa, biglang nagdilim ang kanyang paningin na para bang may tumakip sa kanyang mata. 'Jushie, hindi parang may tumakip, may nagtakip talaga!'
Nainis ata ang kasama niyang si Kyle dahil sa pagtitig niya sa dalawa kaya tinakpan nito ang kanyang mata.
Matapos iyon, nakarinig pa siya ng mga tawanan kaya mabilis niyang tinapik ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Ayaw pa rin nito alisin kaya hinawakan na niya iyon at ibinaba ng kusa, napatigil naman ang dalawang lalaki sa kanyang harap sa pagtawa. Nang lingunin naman niya si Kyle, parang nakanguso pa ito dahil sa nangyayari.
Nang silayan muli niya ang dalawa, pakiramdam niya ay nakita na niya ang mga ito noon, hindi lamang niya maalala kung kelan at saan.
"Hey, don't stare at them," bulong pa sa kanya ni Kyle mula sa likuran.
"Ayy nakakailang na ba ako?" aniya naman at napatakip pa ng kamay sa bibig habang ibinubulong iyon pabalik sa lalaking nakatayo sa may likuran niya.
"Nope, I just don't want you to look at other man."
Napataas na lang ang kilay niya dahil sa pahayag nito, at base pa sa nakikita niya. Hindi ito nagbibiro.
"Hays, ewan ko na talaga sayo, Dude," pagbabalewala na lamang niya sa pahayag nito sabay iling.
Hindi na lamang niya maiwasang isipin na...
'Ano na naman kayang problema ng isang 'to?'