Chapter 4

1204 Words
Clara's POV Kasalukuyan akong nakatitig kay Nate. He looks so innocent. Para siyang isang demigod na bumaba galing sa langit. Kung titingnan mo ang maamo niyang mukha ay mapapatanong ka nalang kung may nagawa na ba itong kasalanan sa buong buhay niya. Para kasi siyang anghel na hindi makakagawa ng masama sa kapwa niya. Alam ng diyos kung gaano ko minahal si Nate. Mula noon, hanggang ngayon. Oo. Mahal ko pa siya hanggang ngayon at hindi ko na kayang ipagkaila pa 'yon. Kahit anong pigil ko sa sarili ko na 'wag ng mahalin si Nate ay hindi ko magawa. Andito pa rin siya sa puso ko kahit galit ako. Kahit kinasusuklaman ko siya dahil sa pagkawala ng baby ko. Hindi ko maiwasang haplusin ang gwapo niyang mukha. "Bakit mo ako sinaktan Nate?" Mahinang bulong ko sa kanya. "I hate you. Hindi na dapat ako nakakaramdam ng ganito dahil matagal na kitang inalis sa pagkatao ko." Sabi ko, hindi maiwasang maiyak. Hindi ko naman siguro deserve masaktan nanaman sa pangalawa pagkakataon diba? Ilang saglit pa ay tumayo na ako at nagbihis. Wala naman akong makukuhang sagot sa kanya dahil mahimbing siyang natutulog. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako sa condo niya at nagtaxi nalang pauwi sa condo ko. Pagdating ko sa condo ay nagshower na muna ako at nagpahinga. Tiningnan ko ang orasan at 3AM pa lang. Siguro kung hindi ako naaksidente noon ay buhay pa sana ang baby ko. Siguro masaya kaming magkasama ngayon. Bukas na bukas ay dadalaw ako sa puntod ng anak ko. ---------- Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Naligo ako kaagad at nag-ayos. Kailangan ko pang pumuntang flower shop para bumili ng pasalubong sa baby ko. Magpapahatid nalang ako sa driver para hindi na ako mahirapan. "Manong alis na tayo. 'Wag mong kalimutang dumaan sa flower shop ah." Nakangiting sabi ko sa matandang driver. "Eh Ma'am Clara, may naghahanap po sainyong lalaki sa baba." "Pakisabi nalang po na hindi ako makakaharap sa kanya. May importante akong pupuntahan." Mabilis namang tumango si manong. Nilock ko ng mabuti ang condo ko. Mahirap nang magtiwala sa mga tao ngayon. Sinundo ako ni manong sa harap mismo ng lobby. Tumingin-tingin pa ako sa paligid bago sumakay sa sasakyan dahil nakakaramdam ako ng kakaiba. Parang may nakatingin sa'kin kahit wala naman akong makita. Dumiretso kami ni manong sa flower shop. Isang mamahaling bulaklak na may kasamang balloon ang binili ko. Sigurado akong magugustuhan ng baby ko ito. Lahat naman siguro ng bata ay magniningning ang mga mata kapag nakakita ng lobo. Mabilis kaming nakarating sa sementeryo. Hindi pa ako nakakalabas ng sasakyan pero parang nanginginig na ang paanan ko. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa puntod ng anak ko. "Hi baby, kamusta ka na? Sorry ngayon lang nakadalaw si Mommy ha." nanginginig ang boses ko dahil sa luhang kanina ko pa pinipigilan. "Sorry baby dahil naiiyak na naman si Mommy. Miss na miss lang talaga kita." "Alam mo may nakilala akong batang babae. Magkasing edad lang siguro kayo. Kung nandito ka pa rin baka maging kalaro mo pa siya." Pinunasan ko ang luha ko, "Baby, 'wag kang matatampo kay Mommy ha. Kasi hindi ko pa nadadala ang Daddy mo dito. Dahil hindi ko pa siya napapakilala sa'yo." "Hindi pa kasi kami nagkakaayos eh. Pero 'wag kang mag-alala dahil 'pag nag-kaayos na kami, hindi na lang ako ang dadalaw sa'yo kundi pati na rin si Daddy." "Mahal na mahal kita baby ko. At nasisigurado ko na mahal ka rin ng Daddy mo." Mahal ka nga ba? "Hinding hindi kita makakali--," Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may umubo sa aking likuran. Gulat akong napatingin kay Nate. "Anong ginagawa mo dito Nate?" Gulat kong tanong. Kung titingnan mo siya ng maigi ay para itong kagagaling lang sa pag-iyak. Pero bakit naman siya iiyak? "G-gusto sana kitang makita. Nag-alala kasi ako nang hindi kita makita sa tabi ko kaninang umaga. Nagpunta ako sa condo mo pero may importante ka raw na lakad kaya--," Nauutal na sabi niya. "Kaya naisipan mong sundan ako." Naiinis na putol ko sakanya. "P-parang ganun na nga." "Nakita mo na ako. Okay lang ako kaya umalis ka na." Mabilis kong sabi. Hindi ko pa siya kayang ipakilala sa anak ko. Ito ang kauna-unahang paghaharap naming tatlo. 'Yon nga lang ay patay na ang anak ko. "Clara, mag-usap tayo please." "Pwede ba Nate, ngayon ko nalang ulit nakasama ang anak ko. 'Wag mo naman sirain ang araw na 'to para sa'kin." Galit na sabi ko. "Clara, kaya nga mag-usap muna tayo." Pagpupumilit niya. "NO! Kung ikaw puro ka pasarap sa buhay mo, pwes ibahin mo ako. Nate, hindi ko na kayang maging masaya ng dahil sa'yo. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng kamalasan na nangyari sa buhay ko. Kaya pwede ba? Stop messing with my personal life." Kasalukuyan akong galit na nakatingin sa kanya. Ito na naman ang luha ko na walang kapaguran sa pagtulo. "Clara hindi mo kasi naiintindihan eh." Malungkot na sabi niya. "Hindi ko talaga maiintindihan kasi hindi mo naman pinapaintindi! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagdurusa ngayon. Nate, paulit-ulit na bumabalik sa akin lahat ng alaala noon. Kung paano mo sinabi na gusto mong ipaabort ang anak ko." Umiiyak na sabi ko. "I'm sorry Clara. Alam kong mali ako sa lahat ng sinabi ko sa'yo. Pinagsisisihan ko na ang lahat nang 'yon." "Kahit magsisi ka nang magsisi hindi na kita mapapatawad. Hindi ko kayang sikmurain ang taong katulad mo Nate. Galit ako sa'yo." Sa sobrang galit ko hinampas ko ang dibdib niya. "I hate you Nate. Hindi kita mapapatawad." Pilit niya namang pinipigilan ang kamay ko. "Tama na Clara. Please, tama na." Pati siya ay umiiyak na rin. Ano ba itong buhay na ito? Pagkatapos ng mainit na p********k namin kagabi, ngayon naman drama. Punyetang buhay ito! Kontang-kota na ako sa sakit na nararamdaman ko. Mahigpit niya akong niyakap. "Tama na please. Patawarin mo na ako. Lahat gagawin ko please." "No! I hate you Nate. Nagsisisi ako dahil minahal pa kitang g*go ka." "Please, lahat gagawin ko. Gagawin ko lahat Clara patawarin mo lang ako. Please?" Nagmamakaawang sabi niya. Piniglas ko ang pagkakayakap niya sa'kin. "Pwes buhayin mo ang anak ko. Buhayin mo ang baby ko Nate." Bigla siyang napatigil at seryosong napatitig sa'kin. "Hindi mo kaya diba? Ganun din ang pagpapatawad ko sa'yo Nate. Hindi kita kayang patawarin." Sabi ko at malakas siyang tinulak upang mapalayo sa'kin. Tinalikuran ko siya ng umiiyak. Why does it hurt to f*****g leave him? Bakit parang gusto ko nalang siyang yakapin nang mabawasan naman ang sakit sa puso ko? Akmang maglalakad na ako nang magsalita siya, "Kung hinayaan mo lang sana akong magpaliwanag." Hindi ko nalang siya pinansin at patakbong sumakay na sa sasakyan. "Ma'am Clara, okay lang po ba kayo?" Tanong ng matandang driver. "Okay lang po ako." Sabi ko at agad na pinunasan ang aking mga luha. Pero bakit ganun? Kahit anong punas ko tila hindi nauubos ang mga pesteng luha na ito. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to Like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD