Clara's POV
Pagkatapos ng pangyayari kanina. Nagpahatid na ako sa driver ko para umuwi.
Pagpasok ko palang sa condo dumiretso na ako sa kama at duon binuhos ang lahat ng luha ko. Ang sakit sakit ng ganiwa niya sakin!
'Kailan ba mauubos ang luha mo?' Tanong ko sa sarili.
Unti unti na namang bumabalik ang masasakit na alaala at the same time pinipigilan ito ng masasayang alaala namin ni Nate.
Flashback
"Nate take a look at this." Pinakita ko ang maliliit na puppy na kasalukuyang hawak ko.
Nakangiti siyang lumapit sakin at yumakap sa likuran ko.
"Babe, you know that I hate dogs right?" Sabi niya. Halata naman talaga na ayaw niya dahil nilalayo niya pa ang mukha niya habang nakayakap sa likuran ko.
"Hindi ka naman kakagatin nito babe eh. Ang liit liit lang nito ohh." Nakasimangot na sabi ko.
May phobia si Nate sa mga aso. Malaki man o maliit dahil nakagat daw siya nang alaga nilang aso noong bata siya. Tinanong ko kung bakit siya kinagat sabi niya kinuha niya lang daw yung laruang buto ng aso nila.
Nasuntok ko nga siya pagkatapos niya magkwento eh. Common sense naman kasi inagawan niya ng buto yung aso nila kaya nagalit sa kanya.
"Kahit na maliit yan, lalaki at lalaki din
yan babe."
"Sayang naman, sige na nga wag nalang." Malungkot na sabi ko.Ngumiti ako sa may-ari ng puppy at inabot ito.
"Salamat nalang po, ayaw kasi talaga ng kasama ko ng puppy eh." Sabi ko sa may ari ng aso.
"Ganun ba? Sige.Okay lang ipamimigay ko nalang sa iba."
"Salamat po." Ngumiti ako ng pilit. Ang laki ng paghihinayang ko sa puppy na ipamimigay ng matanda. Mahal pa naman ang mga ganung alaga kapag bumili ka sa pet shop.
"Babye ka na, Milo." Pagpapaalam ng matandang babae, pinakaway niya pa ang aso niya. Ang cute lang tingnan.
Humarap ako kay Nate at humawak sa mukha niya. "Sayang naman si Milo, Nate." Dismayadong sabi ko.
"Babe, wag ka humawak sa mukha ko. Mangangamoy aso ako niyan eh."
"Ang arte mo naman po Mr. Nate." Natatawang sabi ko, hindi ko parin inaalis ang pagkakahawak da mukha niya
"Kahit naman mangamoy aso ka, ikaw parin ang pinaka mabangong lalaking aso sa balat ng lupa."
"Corny mo babe, halika na uwi nalang tayo sa
condo, baka may makakita pa satin dito."Sabi niya habang tumitingin tingin sa paligid.
Bigla tuloy akong nadisappoint sa sinabi nito. Ayaw na ayaw niya talaga na may makakita o makaalam sa relasyon namin. Pero sino ba naman ako para madisappoint sa kanya? I'm just his girlfriend in benefits nga lang sa tagong lugar.
Pangarap kong ipagsigawan ni Nate sa buong mundo kung sino ako sa buhay niya. Pangarap kong malaman ng mga tao na sakin lang si Nate at sa kanya lang ako. Pero, sa ginagawa niyang pagtatago sa relasyon namin, unti unti na akong nawawalan ng pagasa kung seseryusohin pa ba niya ang realsyon namin o hanggang ganito nalang kami. Habang buhay na magtatago sa mga taong nakapaligid samin.
"Ano na naman ang iniisip mo babe? Kanina pa
ako salita ng salita dito hindi mo naman ako pinapansin."
"Sorry, Uhm... nagugutom ako Nate, kain muna tayo bago umuwi." Sabi ko sa kanya, kumukulo narin kasi ang sikmura ko dahil sa gutom.
"Okay, let's go." Humawak siya sa kamay ko at hinila ako papuntang sasakyan. Wala naman kasi masyadong tao kaya niya nagawang hawakan ang kamay ko.
Mabilis kaming nakarating sa restaurant.
"Babe order ka na." Sabi niya.
Hindi siya nakatingin sakin dahil busy na naman kakapindot ng cellphone niya.
'Sarap nga itapon ang cellphone niya eh. Ano ba itong pinagsasabi ko pati ba naman cellphone niya pinagseselosan ko.'
Lalaking waiter ang lumapit sakin. "Hi po maam, ano po ang order niyo?" Nakangiting tanong ng binatilyong waiter.
"Hi. Ano yung best seller niyo dito sa menu?Hindi kasi ako makapili dahil sa sobrang dami naming choices." Nakangiting tanong ko sa waiter.
"Roast beef with red curren sauce po ang best seller namin dito Ma'am."
"Sige, isang Roast Beef and then padagdag ng garlic pasta." Sabi ko.
Tumingin ako kay Nate dahil hindi pa ito nagoorder. Busy pa rin pala sa kakapindot ng cellphone niya, wala akong choice kung hindi orderan nalang siya.
"Ano pa po Ms. beautiful?" Biglang napatingin si Nate sa aming dalawa ng waiter.
Masama siyang nakatingin sa binatilyo habang ang waiter naman ay walang kaalam alam dahil nakatingin lang ito sakin.
"Chicken salad nalang, without tomatoes please." Mabilis kong sabi para umalis na siya sa harapan namin. Ngunit ngumiti pa ito ngpagkatamis tamis.
"Okay po Ms. beautiful." Sabi nito bago umalis.
Nakahinga ako ng maluwag. "Ano yun? May pa Ms. beautiful pa siya. Stop smiling to that kid." Biglang sabi niya.
Kung titingnan mo akala mo nagseselos pero ganyan lang yan, may saltik eh. Dumating ang pagkain namin, babae na ang nagserved, at sobrang pasasalamat ko dahil hindi na ang binatilyong waiter.
Wala kaming imikan habang kumakain. Mukhang galit nga siya kaya hindi na rin ako nagsalita. Mabilis kaming natapos at kinuha ang bill.
"Ms. beautiful, ito na po ang bill niyo." Tumingin ako sa gilid at nakangiti na naman ang waiter.
"Salamat." Kinuha ko ang bill at inabot kay Nate.
Nate is serious, halata sa mukha niya ang galit.
"Ms beautiful an--, AWW." Sigaw ng waiter nang suntukin siya ni Nate. Napatayo naman ako bigla upang pigilan si Nate.
Tatlong beses niyang sinuntok ang mukha ng binatilyo.
"Nate! Stop!" Pagpipigil ko sa kanya.
"Sh*t! Okay ka lang ba?" Tanong ko, marami
narin ang mga taong nakatingin samin.
Kinuha ni Nate ang wallet niya at naglabas ng pambayad bago niya ako hinatak palayo ng lugar na yun.
"Keep the change." Sabi niya sa manager na kasalukuyang nasa harapan narin namin.
Hinatak ako nito papunta sa sasakyan. "Aray! Ano ba Nate? Bakit mo sinuntok yung waiter? Nababaliw ka na ba?" Galit na tanong ko.
"Bakit mo yun pinagtatangol ha?! Bakit?!" Sigaw niya sakin.
"Dahil ikaw ang mali! Wala naman siyang ginagawa masama sayo diba?"
"Anong wala?Alam niya na may kasama ka tapos kung
makatingin sayo ay para ka ng hinuhubaran. And Ms. beautiful? What th---"
"Hindi Nate, yang isip mo ang wala sa lugar. Bakit? Masama bang sabihan ako ng maganda? Hindi ba pwedeng humahanga lang yung bata sakin? Hindi mo dapat siya sinuntok kung
naiinis ka o nagagalit ka dahil sa pagtawag niya sakin ng ganun."
Napahilamos siya sa mukha, biglang tumunog ang cellphone niya at binasa ang nagtext.
Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Halika na, iihatid na kita sa bahay mo." Kalmado niyang sabi.
Wow! Just wow! Kanina sa condo niya ako iuuwi ngayon naging bahay ko na. Siguro dahil may importante na naman siyang lakad o date.
"No need. Uuwi nalang akong magisa." Seryosong sabi ko at naglakad palayo sa kanya.
"Wag kang umarte Clara. Ihahatid na kita."
"You know what Nate, I thought this day will be our best day. But I'm wrong, you ruined our date. Oh! My bad, this is not date after all, nagassume lang pala ako." Sabi ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to Like and Comment.