Nate's POV Flashback (2 years ago) Nagising ako nang wala si Clara sa tabi ko, biglang pumasok sa utak ko lahat ng masasakit na salitang nasabi ko sa kanya. Bakit ganun, feeling ko ang sama sama kong tao. Naguguilty ako sa mga sinabi ko, kahit naman pagsisinungaling lang yung mga sinabi niya, wala parin akong karapatan na pagsalitaan siya ng ganun. Pagbaba ko sa sala nakita ko si Mommy na nanunuod ng tv, naisip kong humingi ng sorry pagdumalaw silang mag-ina dito. Pero umabot na ng gabi, hindi sila nagpunta. Tinuloy ko ang buhay ko kasama si Bea, ang bago kong kasintahan. Mabait ito at maganda rin katulad ni Clara. Sadyang seryoso lang sa buhay si Bea, dapat lahat ng bagay o lahat ng gagawin ko perfect kung hindi magaaway kami ng wala sa oras. Minahal ko ito at pilit na kinalimutan

