Clara's POV "Nate." Mahinang sabi ko. "Uh, kamusta ka na?" Patay malisya kong tanong. Wala naman siyang naaalala eh. 'Tsaka nahihiya ako sa kanya dahil sa mga nagawa ko two years ago. "Okay lang. Ikaw? How are you?" "Okay lang din." Ngumiti ako sa kanya. Mas lalo itong naging gwapo, mukhang alagang-alaga ng napangasawa niya. Bakit ganun? Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko lalo na't kaharap ko siya. Hindi maaari ito. May asawa na siya at ako naman ay kuntento na sa mga anak ko. We don't need him and he doesn't need us. "Mauuna na ako, Nate. May naghihintay pa sa'kin sa bahay." Pagpapaalam ko. Ni hindi ko na siya hinintay na magsalita at tumalikod nalang kaagad. As soon as possible, ayoko na siyang makita o makausap dahil bumabalik lang sa alaala ko ang mga nakaraan namin. Ang sak

