Chapter One
(Sunny's)
Prologue
"I like you," pagtatapat ko sa namamaos na tono. Dahan-dahan siyang napalingon sa akin ngunit wala ka namang mababanaag na ekspresyon sa kanyang mukha. Ilang beses akong napalunok bago muling magsalita. "I said, I like. . ."
"Oo! I heard that—clearly," sabat niya. Inayos nito ang salamin niya sa mata saka binulsa ang magkabilang kamay niya. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at ini-level ang mukha niya sa mukha ko.
Hindi naman maabot-abot ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Muli akong napalunok at may kung anong iba-ibang eksena ang bigla na lang pumapasok sa isipan ko.
"Ano ba ang gagawin niya? Hahalikan ba niya ako kagaya sa mga napanood kung mag koreanovela? OMG! This is it!" pipi kung sabi sa isipan ko. Panay pa rin ang paglunok ko habang nakatitig lang sa kanya. Kasunod non ay ang dahan-dahan kong pagpikit ng aking mga mata at ang pagtangos ng mga nguso ko. Mangyayari na nga siguro ang first kiss ko. This is it. It's happening!
"Hoy Bansot! Happy April Fool's Day!" wika nito. Sabay tawa ng malakas.
"Eh!?" kaagad na sambit ko. Habang kunot ang noo na nakatingin pa rin sa kanya.
"Akala mo maiisahan mo ako noh?" Pang-aasar nito at sinabayan pa ng mahinang pitik sa noo ko. "Mag-aral ka nga doon ng hindi puro kalokohan ang laman ng utak mo." pagtataboy niya saka nilagpasan na ako.
Naiwan naman ako na tila daig pa ang nasunugan ng bahay.Tulala sa isang tabi at puno ng paghihinayang. Iyong tipong parang lahat ng pinaghirapan mo ay nauwi lang sa isang malaking joke.
Akala pa naman niya ang dali lang mag-ipon ng confidence. Mas mahirap pa kaya iyon sa pag-iipon ng pera.
April 03, 2022
Sunny's POV
They said, first love is the first time you fall in love with someone you would treasure in an epic way. A kind of love that is impossible to be forgotten, no matter how many years have passed. The love that you thought could last forever, a perfect love perhaps. Always lingered in your memory in a unique way like a stain. It became a part of your memorable past.
It made you smile and hurt you at the same time. It made you crazy to think that love was so easy, no complications and you just love.
I was in my deep sleep when I heard my phone ring. Kahit medyo inaantok pa ay marahan kung kinapa ito sa aking tagiliran. Gamit ang isang nakabukas kung mata ay tiningnan ko kung sino mang hinayupak ang gustong sumira sa masarap kung tulog.
Well, It’s my mom who's calling me. Biglang umangat ang isa kung kilay dahil knowing na tumatawag ito, tiyak na pagsesermon lang ang pakay nito. The heck!
Ni wala nga akong ideya kung anong mali na naman ang nagawa ko,this time around. I checked the time and It's still 10:30 in the morning. Bigla akong napahikab and swipe the declined button, since, inaantok talaga ako. Maybe, I just call her back later. I need to recharge my brain cells sa kung ano man ang sasabihin nito.
Muli ko na sanang ipikit ang aking mga mata nang biglang may kumatok na naman sa pintuan ng kwarto ko. Haizzz!
Knowing na nakapasok ito sa loob ng apartment ko. May ideya na ako kung sino man ito.
Well, Ito lang naman ang kaisa-isang babae na naging bestie ko sa tanang buhay ko, Pearl Mendoza.
We started our friendship since high school at ewan ko kung bakit kami naging compatible sa isa't isa since were totally different individuals.
Napilitan na lang akong bumangon sa sobrang inis. Hindi rin naman ako makatulog kapag nasa paligid ko ang babaeng 'yan.
“Ouch! Sh*t!” bigla akong napahawak sa ulo ko. Tila may hangover na naman yata ako ngayong araw.
“Sweetie! Kumatok na ako ha, kaya papasok na ako!” sigaw ni Pearl mula sa labas ng pinto at isang segundo lang ang lumipas. Nasa harapan ko na ito na may magandang ngiti sa kanyang mga labi ngunit napawi din 'yon ng may nakita siyang hindi kaaya-aya sa kanyang mga mata.
“Oh my—” napatakip ito ng bibig nang makita ang kalat sa loob ng aking kwarto.
I just raised my eyebrows and rolled my eyes on her. Like the heck! Wala akong pake!
“I’m an artist,my friend. Remember that!” inaantok kung sagot. “Natural lang sa amin na makalat.”
Tumayo na ako kahit na parang may sampung kilong bigas na nakapatong sa aking ulo. Pumasok ako sa banyo at binuksan ko kaagad ang cabinet na pinaglalagyan ko ng mga gamot. Tiningnan ko kung may paracetamol pa ba ako or any pain reliver and sadly to tell you. Waley po!
“God! Sunny! Uso din ang magligpit at
maglinis,you know.” reklamo ni Pearl. Bahagya ko siyang sinilip mula sa loob ng banyo at bahagya din akong natawa. Tila naglalaro kasi ito ng patintero sa takot na maapakan nito ang mga bote ng wine, lata ng beer, damit at mga gamit ko sa pag-drawing na nagkalat lang sa sahig. Hindi ko na lang ito kinibo dahil honestly, masakit talaga ang ulo ko
Malungkot na sinara ko na lang ang kabinet at bahagyang inuntog ang ulo ko doon. I was on
desperate mood na kahit isang tableta man lang sana ay may makita ako. Lumabas na lang ako ng banyo at nadatnan ko na si Pearl na kampanteng nakaupo sa gilid ng aking kama. She's wearing a sexy, black, maxi dress and I'm sure, she just went on a date last night. Base sa aura nito tila nag-sleep over na naman ito kung sino mang lalaki ang naka-date nito kagabi. I guess she's having a good night.
Well, the heck I care about someone's s*x life. As long as she's happy with what she's doing then I'm good at it.
FYI! If my life is damn messed up, well Pearl's dating life was also kind of a mess. She can't make a man stay and we, as her best friends, don't even know why.
Sa totoo lang kasi, she's perfect and truly ideal girl. Iyong tipong iba ang appeal sa mga boys.
Maganda ito, matangkad, matalino, talented, sexy at galing sa mayamang angkan. She was the nicest person I've ever met in my life too. Parang kapatid na nga ang turingan naming dalawa. She never ever leaves me during the lowest point of my life. In short, she's a perfect friend. Ako lang ang hindi.
“May hangover ka na naman ba?” Pearl asked while looking for something inside her black Prada clutch bag. I just rolled my eyes again. Para kasing bagong balita lang sa kanila kung ano man pinaggagawa ko sa sarili ko.
“Yep, I'm so bored last night so I entertained myself with two bottles of wine.” sarcastic kung sagot habang patuloy pa rin sa paghahanap ng paracetamol. I opened all the drawers na meron sa loob ng kwarto ko ngunit wala talaga akong mahanap.
Bumalik na lang ako muli sa aking kama at pasalampak na nahiga since bigo akong makahanap ng lintik na paracetamol na 'yan.
“Here!” Pearl handed me something. It
was a pastel blue envelope. I looked at it for a second bago iyon tinanggap.
“What is this?” Kunot-noo na tanong ko. Wala naman kasing ibang nakasulat sa envelope maliban sa (To: Ms. Sunny Felipe)
Muli akong bumangon at napatitig kay Pearl na tila nagtatanong kung ano man ang nilalaman nito.
“It's an invitation for our homecoming class reunion.” deretsa niyang sagot. “Alexa, handed it to me two days ago. Ngayon lang tayo nagkita muli kaya ngayon ko lang inabot sa'yo,” she explained.
“Okay! Whatever! Hindi naman ako interesado,” inaantok kung sagot sabay tapon sa envelope sa bandang uluhan ko at humiga ulit sa aking kama.
“Wait, what? At bakit?” mulagat ang matang tanong ni Pearl. “It’s our first class reunion. Akala ko pa naman ay mae-excite ka,” napasimangot ito sabay kuha nito sa envelope at nilagay iyon sa lampshade table na malapit lang din sa kanyang tabi. “I don't get it!” nakapamewang itong humarap sa akin. “It’s definitely going to be fun and besides–,” bahagya itong napahinto na tila nag-aalangan kung itutuloy ba nito ang sasabihin o' hindi.
Bahagya akong bumangon at tiningnan ito na tila naghihintay sa susunod nitong sasabihin ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang hesitation. I just ignored it.
“I just–don't want,” honest kung sagot na hindi pa rin inaalis ang mata sa kanya at para na rin matapos ang usapan namin.
Hindi dahil sa tinatamad ako kaya ayokong umattend. I just felt something a bit of insecurities about my life. It's given naman kasi na kapag muli kaming magkita-kita. All the conversation will be about their success, lovelife, boasting how far their career goes and how happy they are having a family. Having cute kids and how many lambo they have in their garage.Like Duhh!
How about me? Ano naman ang ipagmamayabang ko? My crappy life? A thirty-two woman who's living in a small, untidy apartment, loveless, drunk every day, unhappy with her career as an illustrator in a publishing house. My boss can't fire me because Pearl's father is one of the shareholders of that company.
“Do you have something to share with me?” Pearl asked in a serious face.
Nagbawi ako ng tingin at napahugot ng isang malalim na hininga. It seems like Pearl knows me better more than anyone else.
“Just tell me,what's going on with you.You know,you can trust me,” puno ng sinseridad na sabi nito at tumabi ito sa akin. She held my hand at marahang pinisil. “Ramdam kung meron pero hinihintay ko lang talaga na ikaw mismo ang mag-open up sa akin.” dagdag pa nito.
Makahulugan ko siyang nginitian at bahagya akong tumingala dahil tila may kung anongnagbabadyang gustong bumagsak mula sa aking mga mata. Alam ko na hindi ako okay at kahit gustuhin ko man na maging okay, there is still something that prevents me to be okay. It seems like I lost a piece of a puzzle and I don't know where to find it. I felt like something is missing, someone is missing.
“Do you know the feeling that—,” bigla akong napahinto at sa hindi ko inaasahan, tuluyan ngdumaloy ang mga luhang tila matagal ng naipon sa aking mga mata. Pearl gently tapped my shoulder. “there's a feeling inside here,” sabay turo ko sa aking dibdib. “that I don't know how to deal with. It feels like I regret something and I want to correct it but I can't. I guess–I missed him.”
Nakatingin lang sa akin si Pearl na tila hindi rin alam kung ano ang sasabihin pero bakas rin sa mukha nito ang lungkot at simpatya.
Napakagat labi ito at napayuko.
“I think, his coming...so you must attend,” aniya.
I was surprised.
Kinabahan at tila biglang nawala ang sakit ng ulo ko. Alam ko kung sino ang tinutukoy ni Pearl.
Sa loob ba naman ng walong taon at muli na namang mag-krus ang aming landas. I'm gonna see him again. Maraming tanong din ang nagsilabasan sa aking isipan. Like, is he coming home for good? At ang daming bakit.
“What?” I asked if tama nga ba ang narinig ko. “How did you know it?”
“Alexa told me.” Pearl answered na tila may namumuong tension sa boses nito. She even starting to bite her nail. “They accidentaly met in US when she went there to visit her sister,six months ago. Nag-usap daw sila and Alexa also open up about the reunion and he said, he will come.”
“Eh,di good!” I said at pilit na ngumiti. “His coming home and…”
“He sent me an email three years ago,” biglang sabat ni Pearl.
Napa-awang ang labi ko at marahan akong tumayo. Napapikit at marahang kung sinabunutan ang aking sarili habang pabalik-balik sa aking kinatatayuan.
“His asking if how are we. How are you and what are we up to.” Pagpapatuloy ni Pearl.
“Bakit ngayon mo lang sinabi?” I hysterically asked. Sino ba naman kasi ang hindi.Walong taon siyang nawala at hindi nagparamdam sa amin, sa akin.
Pearl looked at me with her pleading eyes. “Because–,” napahinto ito at huminga ng malalim. “ I don't know. Akala ko, you already moved on from him. We moved on from him.” Madiin nitong sabi. “He just left us like that at ni hindi na ito nagparamdam sa atin. You don’t mention his name anymore,so akala ko. You totally moved on and I don't want to open up that book again for your on good.”
I was speechless at naguluhan bigla. I’m angry and sad at the same time.
Move on? The heck! My life wouldn’t be mess like this kung naka-move on talaga ako sa kanya. All those years I live my life with full of regrets. Full of what if’s and wishing to go back to the day I regreted the most.
“I need some air,” tipid kung sabi sabay dampot sa itim kung jacket at susi ng kotse ko. I took my phone at tuluyan ng lumabas ng apartment ko.