(Sunny) September 26, 2008 Friday "OHMYYY, Sissy! For real?" halos hindi makapaniwala na sambit ni Ricky. Kasalukuyang nasa bahay kami ngayong tatlo. Gagabihin kasi ng uwi si mommy kaya pinakiusapan nito sina Ricky at Pearl na baka gusto nilang mag-sleep over sa bahay. Total, sabado naman bukas at walang pasok. Labis sigurong nag-alala ang aking ina dahil paniguradong magmumukmok na naman ako sa aking kwarto. Kaagad namang pumayag ang dalawa pati na rin ang parents nila. Kaya heto kaming tatlo sa sala, suot ang favorite naming mga pajama. "Kailan pa?" tanong nito. " Noong Grade-VI yata ako," sagot ko naman. Yes! Sinabi ko na kay Ricky na may gusto ako kay Kye at akala ko naman ay halata 'nya na ngunit hindi pala. " Akala ko lang kasi, sobrang close ka sa kanya dahil nga magkababa

