(Sunny) October 06, 2008 The battle finally started…. "O…M…God!" tili ni Pearl nang makita nito ang result sa mismong botohan ng battle of fame. Isa itong project nang Values Club Association na pinangungunahan ni Alexa, siya kasi ang presidente sa naturang organization. Isa din ito sa pinakasikat na student organization ng school namin. Lahat inaabangan ang ganitong event every year. Lahat excited kung sino sa mga nominado ang makakakuha ng korona sa pagiging Mr. Popular and Ms. Popular. Sa Ms. Popular category, si Mia ang laging nagwawagi since first year kami. Nakalaban nito si Pearl noong second year pero dahil marami talagang tagahanga si Mia at mukhang friendly din ito sa lahat kaya tagilid si Pearl. "Pasok ka sa top 5, sissy." nag-uumapaw ang tuwa na sabi ni Ricky. May da

