AGAD NAGTUNGO sa may park si Jeremy kung saan dito nakipagkita si Sam pero sa loob ng sasakyan nito sila nag-usap dahil mabilis na pag-uusap lang kasi ang mangyayari dahil parang aso't pusa mag-away itong dalawa pagdating kay Julian noon kaya masungit rito si Sam hanggang ngayon.
" 5 minutes para kausapin ako " pagtataray pa rito ni Sam.
" Tsk! puwedi ba kalimotan mo na yong nangyari saatin kay Julian " pagbibigay niya rito nang lillipop kaya ganon na lang ang gulat ni Sam.
" Ano yan suhol? At anong akala mo saakin bata? " Naiinis ritong lingon ni Sam kaya natawa tuloy si Jeremy.
" Apology sa nangyari saatin " Katatapos lang magsalita ni Jeremy inabot na ito ni Sam.
" E ano bang pag-uusapan natin? " pagtataray pa rin niya.
" Tungkol kay Aethan nabasa ko yong post mong nag-aalala ka sa kanya dahil sa pag-alis ni Cindy "
" Then, what about it? " tingin niya pa rito " Well, kung may magagawa lang talaga ako para mahanap si Cindy I'll do it kaya lang paano naman e hindi ko naman siya nakikita in person sa picture lang at malabo yong mga picture nila ni Kuya pagni-zoom mo panigurado hindi ko siya makikilala if magkita kami " Malungkot nitong sabi.
" Alam ko kung paano mo siya mahahanap " Napatingin naman siya rito bigla.
" Tanongin mo si Sir Dem yong P.E subject namin alam niya kung nasaan si Cindy "
" What? Paano mo alam? " hindi nito makapaniwalang tanong pero mayamaya nagsalita rin siyang muli " Well, bakit naman ako maniniwala sayo? Ang alam ko ikaw ang karibal ni Kuya kay Cindy kaya paanong tutulongan mo akong makita siya para kay Kuya? "
" Hindi naman bago sayo ang balitang binasted ako ni Cindy at Oo hindi yon ganon kadaling tanggapin mahal ko yon e kaya lang kung saan siya masaya doon na lang ako ganon naman diba pagnag mamahal at isa pa sa tingin ko naman mahal siya ni Aethan na g gaya sa pagmamahal ko sa kanya "
" Mas malaki ang pagmamahal sa kanya ni Kuya " Napalingon naman siya kay Sam dahil sa tono ng boses nito at muntik na siyang matawa ng makitang kinakain nito ang lollipop.
" O ano? " masama nitong lingon rito sabay luwa sa lollipop pero tinawanan lang ito ni Jeremy ng bahagya.
" Kausapin mo bukas si Sir Dem at sana maibalik mo ulit sa Empire University si Cindy " pagkasabi non ni Jeremy bumaba na siya sa sasakyan at umalis kaya umuwi na rin si Sam at pagkarating nito dumiretso agad ito sa Kuya niya.
" Kuy__ " natigilan siya ng makitang natutulog si Aethan habang hawak hawak nito ang phone niya.
" Wag kang mag-alala ibabalik ko si Cindy sa school " Naaawa ritong tingin nang kapatid niya habang tinitingnan ang phone nitong nakadial pa rin sa number ni Cindy.
" Sino ba kasi ang Cindy na yan " Pagmamasdan pa niya rito at mayamaya niyakap niya ang Kuya niyang natutulog.
***********
" Halika na Kuya sabay tayong mag-almusal " Yakap ni Sam sa braso ni Aethan habang naglalakad ito palabas sa kwarto niya.
" Wala akong gana kumain at saka maaga ang klase ko ngayon " Tingin rito ni Aethan at nagbuntong hininga lang rito ang kapatid niya.
" Kumain muna tayo " salubong rito ng daddy niya habang magkahawak kamay sila ng step mom niya.
" Busog ako! " paglalakad nito, wala naman silang magawa kundi sundan lang ito nang tingin.
" Sana naman pumasok na si Cindy " Nakakunot noong pagtingin ni Aethan sa palaging puwesto ni Cindy sa loob ng sasakyan niya.
" Daddy ano nang gagawin natin sa panganay natin mukhang in love na talaga siya tsss! hindi siya makamove-on kay Cindy " Ani Rachel habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Aethang paalis na.
" Balita ko nga bumabalik na naman ang ugali niyang para bang siya lang ang tao sa mundo " Malungkot ring sabi nang daddy niya.
" Don't worry Tita and Dad hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang babaeng kinalulukohan ni Kuya at sisiguradohin kong babalik siya sa School " Matamang sabi ni Sam napatango naman sila rito habang nag-aapoy ang mga mata nilang sinusuportahan ito.
" Go 'nak! pagnagawa mo yan buong araw tayong magsa-shopping " Titig rito ni Rachel desidido naman siyang tumango hindi pa nga nakontento dahil tinaas pa nito ang kamay niya habang nakafist sign.
" Promise yan, Tita! "
" Pero bago yan kumain ka muna " akbay sa kaniya ng daddy niya at yon nag-almusal na nga sila at hindi matapos tapos ang pagche-cheer rito ni Rachel sa plano niyang paghahanap kay Cindy. At gaya ng sinabi sa kanya ni Jeremy pumunta siya sa school para kausapin si Sir Dem.
" Ms. Samantha anong dahilan at gusto mo akong kausapin? " Pagkwan inabot ni Samantha ang bag niya sa butler niya at umayos nang upo saka ngumiti.
" May itatanong ako sayo at kahilingan " Napangiti naman si Sir Dem habang nakatingin rito.
" Aware naman po kayong ang Kuya kong si Aethan ay may gusto kay Cindy at nang dahil sa pag-alis ni Cindy rito ng walang ano mang paalam ay sobrang apektado doon si Kuya at bilang kapatid niyang mahal na mahal siya ang sakit non para saakin " Tumango lang ang kausap niya sa pagsasalita niya agad tungkol sa agenda niya rito " Ngayon gusto kong mahanap si Cindy at nalaman kong alam niyo kung nasaan siya " Gaya ng kanina ngumiti lang ito alam na kasi nito nong una palang ang iniisip nitong si Sam.
" Gaya ng sabi ko kanina may itatanong ako at hihilingin sayo at sana po wag kayong magsinungaling saakin kasi alam niyo naman po ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapasok sa paaralang itong dugo't pawis ang naging puhunan ng angkan namin diba? " titig rito ni Sam kaya napalunok naman si Sir Dem.
" Paghindi niyo sinagot nang maayos ang tanong ko baka po may mangyari saakin dahil buong araw ko po siyang hahanapin makita lang siya para sa Kuya ko at pagmay nangyari saakin syempre po konsensya niyo na yon at naririnig po ng butler ko lahat ng pag-uusapan natin kaya panigurado kayo ang masisisi pagmay nangyari saakin, kung sakali mang magsinungaling kayo saakin " pananakot pa nito sa kausap niya kaya hindi tuloy alam ni Sir Dem kung anong gagawin niya hindi niya alam na ganito pala ito dumeskarte nakalimotan niyang kapatid nga pala ito nang genious ng school nila.
" Makinig po kayo sa tanong ko " Pagkwan tumayo si Sam at bumulong rito " Alam niyo po kung nasaan si Cindy? " Napahinga naman si Sir Dem sa tanong nito since isang tanong lang naman ang hiniling niya at kung sasabihin niya ritong alam niya magtatapos na doon ang usapan at maaring hindi niya rin mahanap si Cindy.
" Alam ko at gaya nang sabi niyo isang tanong lang ang itatanong niyo kaya maiwan na kita " pagkwan humarap rito si Sir Dem.
" Have a nice day " paglalakad nito pero natigilan siya nang magsalita itong muli.
" How about my wish? " pagpunta nito sa harapan niya kaya napanganga na lang ito.
" Butler Reyes ang pinabili ko sayo? " Agad naman ritong inabot nang butler ang sinasabi niya at isa itong maliit na papel at ballpen " Isulat mo diyan ang address ni Cindy " pero tumingin lang rito si Sir Dem.
" One question and one wish! wag kang mag-alala marunong ako tumupad sa usapan " napabuntong hininga na lang si Sir Dem at sinulat rito kung nasaan si Cindy.
" Baka naman puwedi rin akong humiling din " tumingin lang rito si Sam.
" Sana kung sakaling may ipapagawa ka sa kanya kung maaari hayaan mong gawin niya ang gusto niya o ayaw, maaari bang siya ang papiliin mo sa magiging desisyon niya? " tumango naman rito si Sam saka ngumiti.
" Have a nice day Sir! " pag-alis nito at pinuntahan na nga nito ang address na sinulat ni Sir Dem at napakunot siya ng noo ng coffee shop ito pero gayon pa man pumasok pa rin siya at mas lalo siyang nagtaka ng isang babae lang ang nakikita niya rito at mga kaedad ni Sir Dem kaya imposibleng ito si Cindy ang babaeng gusto ng Kuya niya pagkwan pinuntahan ito nang babae.
" Ano pong sainyo Ma'am? "
" Alam kong hindi ikaw pero gusto ko pa ring marinig ang sagot mo ,Ikaw ba si Cindy Gonsales? " nagtaka siya nang bahagya siyang tawanan nong babae.
" Sino ho ba sila? Kaibigan po? " Katatapos lang magsalita nang babae ng makarinig siya ng magsalita at familiar na familiar ito sa kanya.
" Ito na po ang order niyo, enjoy po! " Nanlaki ang mata ni Sam nang silipin niya yong nagsalita at si Julian/Cindy ito kaya agad siyang napatayo.
" Julian!!! " yakap niya rito kaya si Cindy ganon na lang ang pagkagulat niya.
" Pe-pero paanong mahaba na ang buhok mo at bakit nakasuot ka nang pambabae? " Agad namang tinanggal ni Cindy ang pagkakayakap niya rito at lumabas pagkatapos itong makilala, mabilis naman itong sinundan ni Sam.
" Makinig ka hindi ako si Julian a-ang ibig kong sabihin hindi na ako si Julian " Napakunot naman nang noo si Sam pagkwan tinitigan niya si Cindy saka siya lumayo rito ng kunti at nagflashback rito yong mga litrato ni Aethang pinakita niya rito na kasama si Cindy, ang first date nila.
" Ate Cindy? " tumango naman ng kunti si Cindy " Pe-pero paanong kamukha niyo si Julian? Puwedi ba yon? " Tanong pa nito.
" Sa totoo niyan... ako at si Julian na kilala mo ay iisa " natawa naman si Sam sa sinabi nito.
" Hindi po bakla si Julian ko at lalong hindi babae " pero tumitig lang rito si Cindy.
" Ako nga si Julian, ang babaeng nagpapanggap sa Empire University maaring hindi pa sayo nasasabi ni Aethan si Julian at Cindy ay iisa pero alam kong aware kana sa balitang may nagpanggap na babae sa school niyo at ako yon " Hindi naman makakilos si Sam balak niya rin kasing hanapin si Julian pero isa palang babae itong kinababaliwan niyang kinababaliwan rin nang kuya niya.
" Kung gusto mo akong sampalin, saktan, o ano pa mang gusto mong gawin saakin tatanggapin ko pero sana wala ng makaalam sa pagkikita nating ito " napapikit si Cindy nang akmang itaas ni Sam ang kamay niya pero napamulat din siya ng hindi rin ito sinampal ni Sam habang ang lapit ng kamay ni Sam sa mukha niya.
" Naiinis ako sayo! " titig niya rito.
" Alam ko kaya gawin mo na ang gawin mo, ilabas mo, inaamin ko namang niluko ko kayo kaya tinatanggap ko kahit anong gagawin niyo saakin pero sana pagkatapos nitong pag-uusap natin wala nang makaalam nito at tigilan niyo na ako " Natigilan si Cindy ng umupo si Sam at umiyak ng malakas kaya mabilis itong pinuntahan ng butler niya.
" Ma'am bakit po? tahan na po " ani nang butler niya.
" Sam tahan na... wag kang umiyak baka anong isipin nila e " nag-aalalang sabi ni Cindy.
" Oo nga po Ma'am at saka po may asthma pa kayo, heart failure baka ano pong mangyari sa inyo " nanlaki naman ang mata ni Cindy sa narinig nito.
" Sam tahan na, tumigil kana " pagpapatahan niya rito pero mas lumakas ang iyak nito kaya nataranta siya bigla sa takot na sumpongin ito bigla.
" Manluluko ka naman pala e " Iyak pa nito pero natigilan siya sa pagdadrama ng bigla niyang marinig na magsalitang muli si Cindy.
" I'm sorry... Sorry, sorryy, hindi ko sinasadyang paglaruan ang feelings mo " Pag-iyak rin nito at napatayo bigla si Sam ng makita niya itong nakaluhod habang nakababa ang ulo nito sa lupa " Patawad na Sam at please tumigil kana dahil hindi kakayanin ng konsensya ko pagmay nangyari pa sayo " Awang awa namang nakatingin rito si Sam kaya umupo siya at niyakap niya ito.
" Sorry Jul_ Ate Cindy... hindi naman talaga ako umiiyak at wala po akong sakit sa puso pero opo may asthma ako pero medyo okay naman po yon kaya tumigil na po kayo wala naman pong mangyayari saakin " Mula naman doon ay natigil sa pag-iyak si Cindy " Tumayo na po kayo " pagpapatayo niya rito pagkwan tumitig rito si Cindy.
" Puwedi ka namang magalit saakin at puweding gawin ang kahit ano pero please wag kang umiyak baka isumpa na talaga ako ni Aethan pagmay nangyari pa sayo " Pagkwan medyo umawat si Sam kay Cindy para maging benta na naman ang plano nito.
" Okay... kung ayaw mo talaga akong umiyak pa at natatakot kang may mangyari saakin may hihilingin ako sayo " Napatingin naman rito si Cindy " Tssk! Naiinis talaga ako sainyo dahil sa pagpapanggap mong lalaki kasi pakiramdam ko gustong gusto na kita as my Julian kaya lang babae ka naman pala at bilang kabayaran sa kasalanan mo saakin gusto kong humiling sayo "
" Kung yan lang ang paraan para mapatawad mo ako sige, gagawin ko basta wag ka nang umiyak " Napayakap naman rito si Sam pero agad niya ring binawi yon.
" Gusto kong ayosin mo ang lahat ng ginawa mo sa Empire University lalo na ang pagdurog mo sa puso nang Kuya ko" Hindi naman makapag salita si Cindy nagmo-move on na kasi siya sa mga alaala niya doon pero panibagong hamon na naman ito.
" Alam kong aware kang hindi nagsasalita si Kuya at walang pinagkaka-abalahang tao pero hindi siya yong klase ng taong hindi kakain, magmumukmok at aabsent sa klase para lang sayo o para lang hanapin ka "
" K-ku-kumusta siya??!! " nag-aalala nitong tanong pagkatapos ng sinabi niya.
" He's not fine kaya naman bago ka umalis doon ayosin mo muna ang ginawa mo sa kanya kung talagang ayaw mo sa Kuya ko ipakita mo sa kanya hindi yong iniisip niyang may dahilan ka kaya ka umalis doon kaya hindi siya matahitahimik sa kaiisip sayo kaya naman bumalik ka doon para ipakita ang totoo mong nararamdaman para malimotan ka niya nang mas madali at pagnangyari yon hahayaan na kitang umalis doon " Napakagat naman si Cindy sa labi niya habang iniisip kung anong magiging disesyon nito pero sa totoo lang tama naman itong sinasabi ni Sam at isa pa namimiss na rin niya ang mga kaibigan niya roon.
" Sige, pumapayag ako pero hindi ko maipapangakong hindi ko masasaktan muli ang damdamin ng Kuya mo pero sisiguradohin kong makakalimotan niya ako " Tumitig naman rito si Sam.
" Maliwanag! kaya halika na bumalik kana sa apartment mo "
" huh, pero si Aethan...hindi ba't nakakahiya naman kung doon pa rin ako titira? "
" Wag mo nang isipin yon puwedi ka naman sa boarding house ko at isa pa malapit yon sa school niyo hindi ba? " napalingon naman sila sa pagsasalita ng may-ari nang coffee shop o ang girlfriend ni Sir Dem.
" Ate, Oo nga pala nagtatrabaho ako at saka wala ka nang kasama paano yon?? " tingin nito rito saka lumingon kay Sam.
" Puwedi mo naman akong tulongan pagmay free time ka " Napayakap naman rito si Cindy pero mabilis lang.
" Sige babalik na ako sa loob lumabas lang ako nong makita ko kayong nag-iiyakan " pagngiti pa nito at pumasok na nga.
" Wala na tayong pag-uusapan pa basta aasahan kita bukas sa school " Pagtalikod ni Sam sinundan naman ito ng tingin ni Cindy pero natigilan siya sa sinabi nito bago sumakay sa sasakyan niya.
" Total hindi na pala kita puweding maging boyfriend Julian gusto kitang maging Ate... Cindy " Pagsakay nito kasabay non ang pag-alis niya habang kumakaway siya rito at nakangiti.
" Pati sa ugali hindi maipagkaka-ilang nananalaytay sa kanya ang dugo ni Aethan " Pagngiti nito pero kinabahan siya bigla ng maisip na papasok na naman siya bukas at ang maisip si Kristine pakiramdam kasi nito nagsinungaling na naman siya rito pagkwan pumasok na siya para tumulong sa araw na ito at pakiramdam niya ang bilis natapos nang oras niya ngayong araw.
" Kanina kapa tahimik " Napalingon naman si Cindy kay Erin o ang Girlfriend ni Sir Dem habang nagliligpit sila sa sinabi nito.
" Kinakabahan po kasi ako bukas "
" Ano namang nakakakaba doon? Mabuti ngayon dahil makikita mo na ulit ang mga bestfrined mo, si Jie at sina Jeremy at higit sa lahat si Aethan ang dahilan kung bakit hindi ka rin okay sa mga nakalipas na araw " sabi ng ate niya kaya nakaramdam tuloy siya bigla nang excitement na pumasok sa mga sinabi nito.
" Tama po kayo at isa pa po tama yong sinabi ni Sam " pagkukwento pa nito sa napag-usapan nila.
" pero hindi ba't sarili mo ang sasaktan mo niyan? Alam kong mahal mo si Aethan at kung ganon ka rin niya kamahal bakit ba hindi mo na lang pagbigyan ang nararamdaman niyo? "
" Ate Erin kasi.., gaya po ng sabi ko magkaiba po kami ng mundo ni Aethan at ayaw ko pong pumasok doon sigurado rin namang hindi ako puwedi doon " sabi nito pero bago pa makasagot ang kausap niya nagsalita siyang muli " Bilisan na po nating mag-ayos Ate mamaya dumating po si Kuya " Pag-iiba nito sa usapan pero tama rin naman siya kasi afrer a minutes dumating na ang tinutukoy niya.
" Kumusta ang araw mo? " lingon niya kay Cindy pagkwan nagbuntong hininga ito.
" Hindi ko alam kung saan nalaman ni Sam kung nasaan ako basta na lang siya dumating at sinabing bumalik ako sa school " Malungkot nitong sabi.
" I'm sorry napilitan lang din akong sabihin sa kanya kung nasaan ka " Napatingin naman rito si Cindy sa sinabi nito.
" Tinakot ako e " dugtong pa niya ng hindi maipenta ang mukha.
" Okay lang yon Kuya sa tingin ko naman po mabuti na rin yong sinabi niyang bumalik muna ako para ayosin ang lahat ng ginawa ko sa school nila para naman nakakatulog ako nang maayos " Niyakap naman ito ng girlfriend ni Sir Dem para ecomfort.
" Kung ganon sa bahay ka na tumira para sabay na tayong pumapasok " lumingon naman si Cindy kay Erin.
" Babe okay lang naman kung saakin total wala akong kasama at saka mas malapit ako kaysa sayo e " Sumang-ayon naman rito si Cindy.
" Mukhang nagkasundo na kayo ano pa bang magagawa ko " Ngiti pa ni Sir Dem kaya nagkaroon tuloy sa kanila nang tawanan.
At mga ilang minuto dumating na sila at para kay Cindy parang one hour lang yong paglibas nang gabi pakiramdam niya ang bilis mag-umaga habang nagbibihis para pumasok ulit at naghahalong kaba at pag-aalala ang nararamdaman niya. Si Sam naman kanina pa niya pinaghahanda ang mga gagamitin ni Aethan kaya nagtataka tuloy siya rito.
" Kuya itong perfume ang gamitin niyo mas mabango po ito e" Pagpapakita niya kay Aethan sa perfume.
" Ano bang meron kanina ka pa nag-iingay ah " paggamit niya sa perfume.
" May surprise kasi ako sa inyo? " tumingin lang rito si Aethan nang yong parang nagtatanong.
" Sa school po niyo makikita " Kinikilig pa nitong sabi pero hindi na ito pinansin ni Aethan wala namang makakapag-excite sa kanya maliban kay Cindy o ang malamang magkikita sila ni Cindy.
" Kuya ayosin niyo pa ang buhok niyo " Pagturo ni Sam sa buhok nito.
" Hayaan mo na yan mali-late na ako " paglalakad nito.
" Bahala kayo basta wag kayong magsisisi pagnakita niyo na ang sinasabi ko " Kinurot lang ni Aethan ang pisngi nito.
" Sige na, papasok na ako " Gaya ng madalas mangyari nakaabang na naman ang mga magulang niya sa kanya.
" Papasok na po ako! " magsasalita pa sana ang daddy niya pero pinigilan siya ni Sam.
" Hayaan mo na Dad may naghihintay kasi sa kanya sa school " masaya nitong sabi.
" Anong ibig mong sabihin? " nabasa kasi nila ang mga titig nito.
" Nahanap ko na po si Ate Cindy!!!! " pagtatalon nito kaya ganon na lang ang saya nang mag-asawa " At papasok po siya ngayon " Sabi pa nito.
" Naku! Kailangan kong pumasok ng maaga dahil gusto kong makita ang mga ngiti ng panganay ko " pagmamadaling maglakad ni Rachel.
" Panganay? pero Dad hindi naman po Mommy ni Kuya si Tita diba? " nagtatakang sabi ni Sam nginitian naman ito ng Daddy niya.
" Ang anak ko, anak na nang Tita mo dapat nga mommy ang itawag mo sa kanya "
" But she's not my Mom At saka po sanay na po ako sa Tita " yakap niya sa daddy niya kaya ang nangyari silang dalawa lang ang kumain dahil si Rachel excited sa pagpasok.
Cindys POV:
NGAYON nakaharap ako sa Empire University ang lugar na pinagsisisihan kong pinasok pagkwan huminga ako ng malalim at tumingin sa linya kung saan sa oras na lampasan ko makakatapak na ako sa school na ito, ang lugar na dinadala ako sa ibang mundo.
" Good Luck! Cindy... " pagpapalakas ko pa sa loob ko at yon naglakad na nga ako at gaya ng madalas kong maramdaman pakiramdam ko ang daming nakatingin saakin pero hindi ko na liningon ang mga taong nandito kung tumitingin ba sila saakin.
" Hi! Cindy " Napatingin naman ako sa bumati saakin at napangiti ako ng nakangiti ito saakin kaya pakiramdam ko nabawasan ang kaba ko. At mga ilang meters na paglalakad dumating na ako sa classroom at hinihiling ko na sana wala pa si Aethan pagkwan huminga ako ng malalim at pumikit at tumapak papasok sa classroom at napadilat ako ng biglang tumahimik ang lahat.
" Cindy?!!! " Sabay sabay nilang sabi at ngumiti naman ako saka bumati.
" Good Morning " alanganin kong ngiti.
" Cindy? " dinig kong boses at familiar na familiar saakin ang boses na ito kaya naman dumako ang mata ko sa Jeremying naka-upo sa upuan ko at dahan dahan pa nga itong tumayo at lumingon saakin na halatang hindi makapaniwala at napangiti ako nang makita ko ang mukha niya miss na miss ko na kasi ang isang ito ,ang kakulitan niya, at ang mga kwentohan naming walang kataposan pero bago pa ako makapunta rito bigla itong pumunta saakin hindi ko nga alam kung paano siya nakalabas sa upuan ko nasa gitna kasi nila ako ni Aethan basta bigla na lang siya sa harapan ko at niyakap ako nang napaka higpit.
" Namiss kita " naiiyak pa nitong sabi kaya naiyak rin tuloy ako pero mayamaya tumingin siya saakin " Ang sabi mo hindi mo tatanggapin ang pag-ibig ko dahil ayaw mong masira ang friendship natin pero bakit umalis ka din nang walang paalam? " Parang bata nitong sabi kaya napangiti na lang ako namiss ko ang mga tingin niyang ito e.
" Tsk! Hindi naman ako umalis diba? Nandito nga ako " ngiti ko pa.
" Ang tagal mong nawala akala ko umalis kana talaga" masama pa nitong titig saakin nang parang bata.
" Masama bang umabsent kahit minsan? "
" Hindi naman masama basta magpaalam " napatingin naman ako sa likuran ko nang magsalita si Jie pagkwan niyakap niya ako.
" At magtext man lang saatin kung nasaan siya " paglapit ni Leo " Tama yon o kaya sagotin man lang niya ang mga text o tawag natin " lapit rin nila Grey kaya naiyak tuloy ako bakit kasi ang babait nila pakiramdam ko namiss talaga ako nang mga pasaway na 'toh.
" I'm sorry " iyak ko pa at natigilan ako ng sabay sabay nila akong yakapin at bumulong nang " Wag mo nang ulitin yon " sabi pa nila at pagkatapos nang ilang mga tanong gaya ng kung nasaan ako nitong mga nakalipas na araw, bakit ako umabsent, at bakit hindi ko pinaalam kung saan ako pagkatapos ng mga sagot ko natapos na ang uasapan namin may dumating na rin kasing teacher