Chapter 18

4048 Words
" So kumakanta ka talaga? " Tanong agad ni Cindy ng makalabas sila at tumango lang si Aethan bilang sagot saka bahagyang ngumiti " Akala ko wala ka nang habit kaya naman pala ang galing mong kumanta noon sa phone " " My mom love music pero hindi maganda ang boses niya kaya naman always ko siyang nakikitang nakikinig ng music at masaya siya pagginagawa niya yon kaya inaral ko rin dahil ang gusto ko mapasaya ko rin siya " Hindi ko alam pero malungkot yong pagkakasabi rito ni Aethan " Sa totoo niyan madali lang mainis si Mommy hindi ko nga alam pero palagi siyang naiinis saakin kaya ginagawa ko ang lahat ng bagay na gusto niya o yong alam kong magugustohan niya ako pagginawa ko at itong music nga ang isa sa naging way ko para maging close sa kanya " Hinigpitan ko naman yong pagkakahawak sa kamay niya para iparamdam rito ang sympathy ko sa lungkot niya hindi ko alam na may ganito rin pala siyang pinagdadaanan sa pinakamamahal niyang babae sa buong buhay niya. " Nga pala ano ba yong sasabihin mo saakin? " Naeexcite na naman nitong tingin saakin siguro iniisip niyang maganda ang sasabihin ko sa bagay maganda rin naman yong pagkakasabi ko sa kanya nong una na may sasabihin ako rito. " Wag kang maexcite sa sasabihin ko " Tingin ko rito bigla namang naalis ang ngiti niya kaya bigla kong binawi yong sinabi ko sa mga ngiti ko. " Gusto kong magjeep lang pauwi pero sasamahan mo akong maglakad hangga't sa gusto ko ng umuwi " " Kung ganon tatawagan ko na lang yong driver ko para doon na niya ako hintayin sainyo para sabay na tayong umuwi " " Hindi Aethan dahil baka sa sasabihin ko sayo magalit ka rin saakin gaya ng sa step mom mo" napatingin naman siya saakin yong mga tingin niyang seryoso. " Gusto kong mag-usap tayo habang naglalakad " Pagkwan binawi ko na ang kamay kong hawak hawak niya saka binulsa sa pantalon ko kaya kahit hindi ko siya tingnan alam kong nakakunot na naman ito ng noo habang nakatingin saakin. " Palagi saaking sinasabi ni Jeremy masarap naglalakad habang sumasabay sa simoy ng hangin lalo na paggabi kasi nakakagaan daw ng pakiramdam " Ngiti ko pa sa kanya pero siya nakatingin lang siya saakin siguro alam na niya ang sasabihin ko matalino siya kaya alam kong nararamdaman nitong may sasabihin ako sa kanya na iba sa iniisip niya. " Si Jeremy kagabi, sinabihan kong tumigil na, na itigil na niya kung anong gusto niyang gawin kasi wala rin namang patutungohan yon " Pag-una ko rito habang naglalakad sa mga nakaguhit na straight line sa daanan hindi ko alam pero bakit ganon nahihirapan akong sahihin kung anong gusto kong sabihin hindi katulad kagabi ng kami ni Jeremy. " Para saakin pareho lang kayo ni Jeremy sa buhay ko kaya naman ayaw akong pumili sainyo dahil sawa na akong manakit nang damdamin " Natigilan ako sa paglalakad ng yakapin ako ni Aethan mula sa likuran at dahil gabi na wala na masyadong tao rito. " Please don't... At saka ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang kakaisip sa kung anong mararamdaman o sasabihin ng ibang tao sayo, tandaan mo buhay mo yan at ikaw lang ang puweding komontrol diyan " Sabi pa nito saakin sa totoo lang gustong gusto ko rin siyang yakapin pero tapus na ang oras na binigay kong palugit sa sarili ko na makasama si Aethan dahil baka kapag nagsobra pa e hindi ko na magawang iwan ito. " Naiitindihan kita kaya lang kung susundin ko ang gusto ko maraming masasaktan at ayaw ko nang ganon gaya ng sabi mo kailangan kong maging ang sarili ko at hindi ako matatahimik hangga't may mga taong nandiyan na nasasaktan ng dahil saakin " " Ano ngayon? Paano naman ako? At paano ka naman? Basta ang mahalaga ay tayo, wag na natin isipin ang ibang tao " Tingin nito saakin " Wag mo yan gawin dahil sa ibang tao gawin mo kung anong gusto mo " Paghigpit nito ng yakap saakin. " Pero hindi mo naiitindihan " sabi ko rito at gaya ng sabi ko gabi na kaya wala na masyadong taong naglalakad rito. " Magkaiba tayo Aethan! Ang mundo natin ay magkaiba isang joke lang ang isiping puweding maging tayo " pagtanggal ko sa yakap niya at humarap rito. " Sinabi ko naman sayo kaya kong pumunta sa mundo mo, gumawa ng mundo na kasama ka, o gumawa ng mundong gusto mo " Tingin nito saakin at ang hirap lang tumitig sa mga mata niya sana nga ganon na lang kadaling gawin yon. " Mahal kita Cindy hindi naman bago yon sayo dahil palagi ko na yan sinasabi sayo kaya sana hayaan mo na lang gawin ko yan kahit wala ng kapalit " " Pero alam mong masasaktan ka lang! " naiinis ko ritong sabi mahirap rin naman itong disesyon ko gaya ng sabi ko mahal ko na rin si Aethan at mahihirapan lang kami sa gusto niyang mangyari " Hindi kita magugustohan Aethan dahil hanggang ngayon si Julian pa rin ang nandito akala ko nong una gusto kita pero naisip ko baka gusto lang kita dahil ginagaya mo ang panliligaw ni Julian kaya ngayon malinaw na saaking si Julian pa rin ang gusto ko at kahit isang oras, minuto, segundo ay hindi kita minahal, nagustohan!! " sabi ko rito ng hindi siya tinitingnan " Naiitindihan mo na ba? " dugtong ko pa. " Nagsisinungaling ka " sabi nito " At saka anong ibig sabihin nitong ginawa natin? Bakit nangyaya kang magdate tayo at alam ko hindi itong sinabi mo ngayon ang dapat ay sasabihin mo saakin " pangungulit pa rito ni Aethan. " Bakit ano ba dapat ang sasabihin ko sayo? " Pagtawa ko rito " At itong araw na ito sinubokan ko lang na samahan ka sa mundo mo pero gaya ng sabi ko hindi madaling pumasok sa mundo mo, masyadong maraming kailangan e adjust, gawin, at ayaw ko nun Aethan kaya sana tangga____ " " At sino bang nagsabing mag-adjust ka? " Pagputol nito sa sasabihin ko " Gaya ng madalas kong sabihin sayo mahal kita at hindi mo kailangan gawin ang kahit ano dahil ako ng bahala nun basta mahalin mo lang ako " Titig saakin ni Aethan habang nangungusap ang mata at ang sakit sakit lang " o kung hindi mo pa kaya edi! Hayaan mo na lang akong mahalin ka..." Pagkwan hinila ko pataas ang sleeve ng damit ko at pinakita rito ang sugat ko mula sa bike ko. " Sawa na akong masaktan sa pagmamahal mo Aethan " Hindi ko alam pero biglang kumawala ang luha sa mata ko, nakakaasar dapat matapang ko itong sasabihin sa kanya e. " Sinong may gawa niyan?!! " nag-aalala nitong tingin sa kamay ko pagkwan hinila ko ang kamay ko at tinakpan itong muli. " Malinaw naba sayo? " Titig ko rito " Ang pag-ibig Aethan ginawa yan para sa dalawang tao at hindi sa isang tao lang kaya naman walang mangyayari saatin kung ikaw lang ang nagmamahal at isa pa hindi pag-ibig na matatawag ang isang bagay kung maraming masasaktan at saka sawang sawa na ako sa pagmamahal mo, nakakasakit na nang damdamin, hindi ang klase ng pag-ibig mo ang pinangarap ko " Pagkwan umupo ako at tinanggal ko sa paa ko yong footchin na binigay niya saakin. " Wag kang mag-alala simula ngayon babalik na ang lahat sa dati... Hindi mo na kailangan isipin pa ang araw na lilipas na makikita mo ako " Pagbibigay ko rito sa footchin " Pero gayon pa man masaya ako at nakilala ko kayo at salamat sa lahat " Wala naman akong narinig mula sa kanya pero para siyang robot lahat ng sinasabi ko nakatingin lang siya wala siyang sinasabi na kahit ano pero ramdam ko at nakikita ko sa mata niya ang sakit kaya lang wala naman akong ibang pagpipilian kundi sabihin yon ayaw kong masaktan pa si Jeremy pagnalaman niyang naging kami, si Kristine din baka ano na naman ang gawin niya pagnangyari yon, o ang buong school alam ko namang tutol sila saamin at naiitindihan ko yon paglalakad ko sa may sakayan ng jeep at hindi nagtagal nakasakay ako pero biglang nahulog ang luha ko ng makita ko si Aethan sa may likuran ko habang nakatingin saakin. Kaya lang bakit ganon walang wala ang sakit na nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga paghihirap na naranasan ko. " Baka ito na nga ang kapalaran natin... " Pagpunas ko sa mga luha kong ayaw tumigil hindi ko alam pero nong kami ni Jeremy kahapon pinaka iiwasan kong masabihan siya ng masama pero ngayong kami ni Aethan wala akong pakialam sa mararamdaman niya sa sasabihin ko sa kanya pakiramdam ko kasi doon lang gagaan ang pakiramdam ko, ang magsinungaling sa harapan niya para isipin niyang masama ako nang sa ganon hindi siya mahirapang kalimotan ako, na once in his life nakilala niya ang babaeng binalewala at sinaktan siya. " Tama mas malilimotan niya ako ng mabilis kung magiging masama ako sa kanya " Hindi ko alam pero nahihirapan akong huminga para bang humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ang sakit sakit kaya naman pinagtitinginan na ako rito sa Jeep yong iba nag-aalala ang mukha, yong iba naman nagtataka pero wala namang may nagtatangkang magtanong saakin habang umiiyak ng malakas. KINABUKASAN nagtaka ang lahat habang tinitingnan ang upuan ni Cindy na bakante kung saan pumasok na rin si Jeremy kaya nga ganon na lang ang pag-alala niya kaya nga ito pumasok para makita si Cindy tas wala siya si Aethan naman nong hindi na dumating si Cindy pinuntahan niya ito sa condo nito at ganoon na lang ang pagtataka niya ng makita sa loob ang susi ng condo at yong laman ng condo halatang inayos na para bang hindi na babalik si Cindy kaya pakiramdam ni Aethan dumoble ang sama ng loob niya, yong fact na hindi na naman niya makikita si Cindy at ang maisip niyang siya ang may kasalanan kung bakit ito umalis. " Kung hindi ka sana nagmahal Aethan baka nandito pa siya " Naasar na sabi ni Aethan sa sarili niya habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ni Cindy " Nasaan kana ba Cindy? " Napatayo siya bigla ng maisip ang probinsya ni Cindy kaya agad niyang tinawagan si Liya pero tulad niya wala rin itong alam kung nasaan ang bestfriend niya kaya mas lalo siyang nag-alala. " Bakit ba masyado mo akong pinapahirapan Cindy Gonsales!!? " bulong ni Aethan at habang lumilipas ang araw pakiramdam ni Aethan mas lumalala ang pakiramdam niya madalas na nga itong hindi pumasok sa paghahanap kay Cindy at parang nawalan na rin siya ng gana pang pumasok, si Jeremy naman bumalik muli sa Empire University dorm ng hindi na bumalik si Cindy sa condo nito at okay na rin sila ni Kristine pero walang araw na lumipas ng hindi niya naiisip si Cindy at magdadalwang linggo na nilang hindi nakikita si Cindy basta na lang ito nawala na parang bula walang nakakaalam kung nasaan siya. " Isang joke ang isiping puweding maging tayo " katagang paulit ulit sa diwa ni Aethan. ***** ILANG araw nang nakakalipas hindi pa rin pumapasok si Cindy at walang nakakaalam kung nasaan siya at gaya ng usapan nila ni Kristine ginagawa niya ang lahat bumalik lang sa dati ang lahat at sa mga araw na wala si Cindy sa school nagawa naman niya yon pero isang bagay lang ang hindi niya maibalik ang sigla nila Jeremy o ang ngiti ng bestfriend niya at si Aethan bumalik sa dati mas lumala pa nga dahil kahit pakikipag usap sa mga teacher, sa mga co-officials niya sa SSG hindi niya ginagawa. " Kailangan na nga nating kalimotan si Cindy baka hindi na yon babalik " Ani Leo habang nasa canteen sila. " Tsk! matagal niyo na yan dapat ginawa! " Pagcross arm ni Kristine well, okay na sila ni Jeremy nong araw na pag-uusap nila ni Cindy humingi na ito ng sorry kay Jeremy at dahil balak rin naman talagang humingi ni Jeremy sa kanya ng sorry napatawad niya ito agad at isa pa kailangan na kailangan niya ang symphaty nito sa nararamdaman niya o nangyari sa kanila ni Cindy. " Alam ko ma lumabas tayo mamaya " Yakap ni Kristine sa braso ni Jeremy " Magskip tayo sa klase " Bulong rito ni Kristine at napangiti siya nang mapangiti rin si Jeremy pero agad ring nawala yon at napalitan ito ng lungkot. " Maalala ko diba hirap na hirap tayo noong iakyat sa may pader si Cindy tas sinasabihan natin siyang bakla kasi hindi niya kayang umakyat sa may pader " Pilit na tawa ni Jeremy miss na miss na kasi niya si Cindy. " E kasi babae naman pala itong tinatawag nating bakla " tawanan pa nila Leo pero naputol yon ng biglang magsalitang muli si Jeremy. " Ang sabi niya gusto niyang manatili ang pagkakaibigan namin kaya ayaw niyang tanggapin ang pag-ibig ko pero bakit nang iwan din siya! Bakit umalis siya?" Pagpunas ni Jeremy sa mata niyang kakawalaan ng tubig kaya ganon na lang pagbaliktad ng mukha nila Grey at si Kristine hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. " Yon nga rin ang sabi ni Aethan kaya nakakapagtaka ang biglang pag-alis ni Cindy " Ani Grey. " Sang-ayon ako diyan at saka hindi naman siya yong tipo nang aalis ng walang paalam " pagsang-ayon pa nila rito. " Ang akala ko nga magiging sila na ni Aethan nong bustedin ka " Napalingon naman ang lahat sa pagdating ni Jie at si Kristine nag-iba bigla ang awra habang ang samang nakatingin kay Jie. " Anong ibig mong sabihin? " lingon rito ni Jeremy kaya napilitan na ring magkwento si Jie. " Nong araw kasing bustedin ka ni Cindy nakwento niya saaking iba ang nararamdaman niya kay Aethan sa totoo niyan noong una ayaw niyang aminin na gusto na niya si Aethan pero sa huli napaamin ko rin kaya ang akala ko talaga magiging sila na nong malaman kong binasted kana niya " Wala namang makapagsalita sa mga boys basta si Kristine napahawak siya sa upuan niya mayron din kasi siyang kasalanan bakit umalis na naman dito si Cindy kung hindi sana niya tinakot o sinabihan nang kung anu ano baka nandito pa ito at natatakot siya sa mga puwedi pang malaman ng mga ito mula kay Jie paniguradong magagalit na naman sa kanya ang lahat o ang bestfriend niya. " Sa katunayan niyan.. Nagkiss na sila ni Aethan " Sabay sabay namang natapon ang juice na iniinom ng ibang boys at si Jeremy hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Jie " No!!!! " Pagpalo ni Kristine sa may mesa sabay tayo kaya napatingin tuloy lahat ng tao sa canteen sa kanya kaya naman napilitan rin siyang umupo agad, nagulat rin kasi siya. " Sorry alam niyo namang hindi yan magandang balita para saakin bwesit na babaeng yon! " hindi naman pinansin pa nila Jeremy ang sinabi nito. " Kung mayroon naman palang nangyaring ganoon anong dahilan at binasted ni Cindy si Aethan? " Palaisipang sabi ni Grey. " Nakakapagtaka naman " pagtahimik pa nila " Panigurado mayron na namang kuwento sa likod nito " sabi ni Jeremy habang matamang nakatingin sa malayo. " E bakit ba hindi niyo na lang siya kalimotan!? Wala na siya! Ano bang mahirap itindihin doon?! At isa pa okay naman tayo nong wala pa siya rito ah! Kaya ano bang mahirap tanggapin sa pag-alis niya!!!?" Naiinis na sabi ni Kristine pero natigilan siya sa tingin rito nila Jeremy. " Umamin ka nga Kristine wala ka bang kinalaman sa pag-alis ni Cindy? " Tingin rito ni Jeremy at dahil kilalang kilala na niya itong bestfriend niya nalaman na agad nito ang sagot sa tanong niya kaya lang mabilis na tumayo si Kristine. " Sige, may klase pa pala ako " mabilis nitong paghablot sa gamit niya at naglakad ng mabilis. " Kakausapin ko siya " pagsunod rito ni Jeremy. " Mukhang hindi maganda 'toh! " buntong hininga nila Grey pero mayamaya nilingon nila si Jie. " Bakit ngayon mo lang sinabi yang kuwento mo? " " Kalma lang kayo tsk! si Cindy ang may gusto but I think hindi na siya babalik? kaya sinabi ko na kasi kahit ako hindi ko rin maitindihan bakit hindi na siya pumapasok at bakit binasted niya rin si Aethan " " Tama ka, imposible namang gusto lang niyang kaibigan si Aethan hindi naman sila close non as a friend nang tulad kay Jeremy at isa pa naghalikan na e" pag-uusap pa nila. Si Jeremy naman mabilis niyang sinundan si Kristine at nang mapansin ito ni Kristine mas binilisan niya ang paglalakad niya kaya mas nakombinse si Jeremy sa iniisip nito sa kinikilos ni Kristine. " Sandali lang! " paghila rito ni Jeremy para matigil sa paglalakad. " Jeremy may klase nga ako! bitiwan mo ako" pagpupumiglas nito. " Kung ganon may kasalanan ka talaga? " Naiinis ritong tingin ni Jeremy. " Of course not! " Pag-iwas rito ni Kristine ng tingin at nagulat ito ng bigla siyang hilain ni Jeremy at pumunta sila sa walang tao mamaya kasi may makavideo na naman sa kanila. " Talaga bang ganyan kana Kristine!? " pagbitiw niya rito " Hanggang kailan ka ba magsisinungaling saakin? Akala ko ba okay na tayo? pero bakit nagsinungaling kana naman!? " " Sinabi ko ng wala akong alam! Umalis si Cindy hindi ko siya inutosan okay!? " tingin rito ni Kristine " May klase pa ako " Pagtalikod nito pero natigilan siya ng magsalita si Jeremy. " Saan siya pumunta? o saan mo na naman pinapunta? " Huminga lang ng malalim si Kristine at naglakad itong muli. " Ilang kasinungalingan pa ba ang gagawin mo saakin?! "sigaw ni Jeremy pagkwan humarap siya rito. " Sinabi ko nang hindi ko alam kung nasaan siya! Umalis siya dahil gusto niyang bumalik ang lahat sa dati at hindi niya sinabi saakin kung saan! Bakit ba ayaw mong maniwala? " nagagalit ritong sabi ni Kristine, naiinis ito hindi dahil kay Jeremy kundi yong maisip niyang kaya siya pinapagalitan ng bestfriend niya ay nang dahil sa babaeng wala na nga rito pero siya pa rin ang iniisip nang lahat, dati naman kasi siya lang ang babae sa mga buhay nila pero ngayon may Cindy na. " At talaga bang umaasa ka pang maniniwala ako sa mga sasabihin mo sa kabila ng mga pagsisinungaling mo saakin? Alam mo Kristine Hindi ko alam kung ikaw pa ba yan! Tsk! hindi na kita kilala pakiramdam ko hindi na ikaw ang bestfriend ko " Pag-una ritong maglakad ni Jeremy sa ngayon si Kristine naman ang nagsalita. " Ano ba kasing mayron sa babaeng yon at hirap na hirap kayong kalimotan siya? wala na siya pero bakit siya pa rin palagi! Dati naman okay tayo kahit wala siya, masaya tayo, at magkasama palagi pero dumating lang siya parang siya na lang ang nakikita niyo! kung totoosin wala naman siyang naidulot na maganda rito at saka bakit kung makapagsalita kayo parang ako lang ang may kasalanan dito, na para bang ako lang ang gumawa ng kasalanan! Tsk! baka nakakalimotan niyong mula ng tumapak siya rito niluluko na tayo! Kaya wag puro ako lang! " Pagpunta pa rito ni Kristine. " At saka dati naman ako yong palagi mong kinakampihan ni minsan hindi mo ako pinagpalit sa iba " Naiiyak pang sabi ni Kristine " Kaya wag mo akong masumbat sumbatan Jeremy dahil kung totoosin ako pa dapat ang magalit o magtampo sayo! " Napakunot siya ng noo ng humarap rito si Jeremy at gulat na gulat siya sa sinabi nito. " Mula ngayon kalimutan mo na kung anong mayron saatin hangga't ayaw mo kay Cindy please lang, iwasan mo sanang nagkikita tayo! " Pagkasabi nun ni Jeremy naglakad na siya nang mabilis, si Kristine naman pakiramdam niya parang kulog ang pagkarinig niya sa boses ni Jeremy at kasabay ng pagtama rito nang kidlat na siyang nagpalagpak sa kanya sa sahig at nahulog sa mga kamay ang tubig na nagmula sa mga mata niya. Dahil para sa kanya ito ang pinaka masakit na sinabi sa kanya ni Jeremy at sa tono nito para bang nawala na ito rito at mas masakit pa ito sa paulit ulit na rejection sa kanya ni Aethan. " Mabuti na rin ito dahil nagagalit lang ako pagnakikita kita " pakiramdam ni jeremy ang bigat bigat ng nararamdaman niya pero natigilan siya sa paglalakad ng makita niya si Aethan habang kausap nito si Sir Dem sa may daanan kaya agad siyang nagtago sa may sulok at sapat na ang pandinig nito para marinig niya ang pinag-uusapan nila. " Alam ko pong alam niyo kung nasaan si Cindy baka naman puwedi mong sabihin saakin? " nagmamakaawang boses ni Aethan. " Gaya ng sagot ko sayo sa paulit ulit mong tanong na yan hindi ko alam kung nasaan siya " " Kung ganoon bakit hindi man lang kayo nag-aalala sa biglang pagkawala niya? " natigilan naman bigla si Sir Dem " tumawag ako kay Liya sabi niya wala doon si Cindy at alam kong nagsasabi siya ng totoo pero sayo, alam kong may alam kayo " titig pa rito ni Aethan. " Ganyan ka na ba katalino para pati utak ko malaman mo ang laman nito? " sarcastic ritong sabi ni Sir Dem " well, excuse me may klase pa ako " Paglalakad nito. " Kung ayaw mo talagang sabihin sige, pero gusto ko lang malaman kung maayos ba siya? kasi ako hindi ako okay hangga't hindi ko alam ang nangyayari sa kanya " Natigilan naman si Sir Dem sa sinabi ni Aethan at ramdam na ramdam nito ang pag-aalala niya kaya naman bigla siyang nakaramdam ng awa rito. " Pasensya kana dahil siya ang humiling na ilihim ko kung nasaan siya pero wag kang mag-alala, maayos siya " pagkasabi niya non nagpatuloy na siyang maglakad bahagya namang napangiti si Aethan pero mayamaya naalis din ito. " Mahahanap rin natin siya " Paglabas ni Jeremy pero hindi na siya pinansin ni Aethan at naglakad na rin ito pero sinundan ito ni Jeremy. " Talaga bang gusto mong hind na bumalik pa si Cindy rito? " Nagpantig naman ang tenga ni Aethan sa sinabi nito e halos hindi na nga ito makatulog sa kahahanap kay Cindy tas maririnig pa niya ito. " Umalis siya dahil gusto niyang bumalik ang lahat sa dati kaya pagnagpatuloy ka nang ganyan at bumalik sa dating ikaw talagang hindi na yon babalik " sabi pa ni Jeremy habang hindi maipenta ang mukha miss na miss na rin kasi niya si Cindy. " At anong gusto mo maging masaya ako? Alam mo kung tinanggap mo sana ng maayos ang pagbusted niya sayo edi sana nandito pa siya " pagharap rito ni Aethan " Ang usapan tatanggapin ng kahit sino man saatin pagnatalo kaya lang ikaw hindi mo matanggap, umabsent ka kaya akala ni Cindy kasalanan niya ang nangyayari sayo at yong bestfriend mo, sabihan mo yon dahil isa pa yon! tsk! sa oras na mapatunayan kong kasali siya sa mga nangyaring bullying dito kay Cindy TATANGGALIN KO SIYA SA PAARALANG ITO! " Hindi naman nakapagsalita pa si Jeremy sa pagsasalita ni Aethan ang haba kasi ng sinabi nito e tuwing may announcement lang naman mahaba ang sasabihin niya pero kanina halatang naiinis siya at yong sakit na nararamdaman niya ramdam na ramdam mo kaya napangiti na lang si Jeremy. " Ngayon masaya na ako kung sakaling sa kanya rin mapunta ang babaeng mahal ko dahil sigurado akong mamahalin rin niya nang gaya sa pagmamahal ko " pagmamasdan rito ni Jeremy " At mas deserving naman talaga siya saakin " Napapangiti na lang siya kahit parang binibiyak ang puso niya habang iniisip na wala na talaga siyang pag-asa kay Cindy pagkwan naglakad na ito para pumasok at pagkatapos nang klase nila diretso itong nag-online para echat na naman si Leya kung sa kaling umuwi na doon si Cindy pero gaya ng sagot nito palagi wala doon si Cindy pero natigilan siya sa pagscroll nang mabasa niya ang post ni Sam tungkol sa pag-aalala nito sa Kuya niya dahil sa pagkakabroken heart kaya agad niya itong chinat at nakipagkita rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD