KINABUKASAN hinintay ni Cindy na kumatok si Jeremy sa pintuan niya bago pumasok kung saan ito yong daily routine nilang ginagawa pagmay klase sila pero nagtaka siya ng mapansing oras na nang pag-alis nila pero wala pa ring kumatok na Jeremy sa pintuan niya.
" Nasaan kaya siya? Lagot talaga siya saakin pagnagkita kami " pagpasok nito habang iniisip kung nasaan si Jeremy pumunta kasi ito sa kwarto niya pero wala siya doon.
" Nasaan na ba ang isang yon? " titig ni Cindy sa upuan ni Jeremy, hindi pa kasi ito dumadating kaya ganoon na lang ang sama ng loob niya habang iniisip ito hindi niya kasi matanggap na mawawala na nga kung anong meron sa kanila yon pa naman ang isa sa pinaka iingat ingatan niyang mayron siya dito sa Empire University.
" Good Morning " Tumingin lang siya sa pag-upo ni Aethan sa tabi niya kahit minsan lang ito bumati ng maganda habang iniisip kung ano rin ba ang puweding pang mangyari sa oras na sinabi niya rin rito ang disesyon niya kaya pakiramdam niya mas bumigat ang pakiramdam niya.
" Nasaan si Jeremy? " Tanong pa rito ni Aethan.
" Late siguro o baka absent? " walang gana nitong sagot saka nag-iwas ng tingin kay Aethan kaya nag+alala tuloy ito.
" Anong meron sa mga matang yan? " Paghawak ni Aethan sa mukha ni Cindy at hinarap rito pero agad naman siyang umiwas rito.
" Tssss! " Asar pa nitong tingin rito habang makikita mo ang lungkot sa mga mata nito.
" May nangyari ba? " pagseryoso ni Aethan.
" Aethan gusto ko muna nang tahimik " Pagtingin nito sa harap at sakto namang may dumating na teacher kaya hindi na nagtanong pa si Aethan sa sinabi niyang ito pero niya maiwasang mag-alala tuwing lilingon si Cindy sa upuan ni Jeremy saka magbubuntong hininga kaya hindi tuloy niya maiwasang mag-isip kung anong nangyari sa dalawa.
" Nag-absent lang yan siguro " Sabi pa rito ni Aethan nang matapos ang klase nila pero kagaya kanina nagbuntong hininga lang si Cindy " Sus! namimiss mo na agad tssst! magkikita din naman kayo niyan " dugtong pa ni Aethan nang may pang-aasar para pagaanin ang nararamdaman nito.
" Sa tingin mo? " nag-aalalang tingin rito ni Cindy kaya mas lalo tuloy na curious si Aethan sa kung anong nangyari sa dalawa, wala kasi sa mood na makipag sagotan rito si Cindy.
" Oo naman magkapit kwarto kayo e " pagpapagaan ni Aethan sa kalooban nito " Ano ba kasing nangyari? " tanong na din nito bigla namang pumunta sa kanila sina Leo para mangyaya kumain kaya hindi na ito nasagot pa ni Cindy.
" Kayo na lang muna may gagawin pa ako sa SSG Office " ani Aethan.
" O sige, tayo na " Ngiti nila kay Cindy sumama na rin sa kanila si Jie. At habang naglalakad sila biglang tumunog ang phone ni Cindy.
" Yong sasabihin mo pala saakin kahapon ano yon? Alam mo bang buong araw at gabi ko yon inabangan "Sabi ni Aethan rito sa cellphone kaya naman kinabahan bigla si Cindy.
" Mamaya mag-usap tayo " pagputol ni Cindy sa linya nang hindi hinihintay ang sagot ni Aethan.
" Ah, Leo si Jeremy ba, bakit hindi pumasok? " Tanong agad ni Cindy habang naglalakad sila " Alam niyo ba kung nasaan siya? " dugtong pa niya.
" Bakit Cindy namimiss mo ba? " pang-aasar nila rito kaya naman masama siyang tumingin sa kanila.
" Oo naman at saka hindi naman kasi siya yong tipo ng nag-aabsent "
" Wag kang mag-alala diyan baka sa isang araw o bukas pumasok na rin yon " Akbay rito ni Leo.
" Huh, bakit may nangyari ba sa kanya? " nag-aalalang tanong ni Cindy pagkwan sabay sabay na hinawakan ng team JerCin ang puso nila at nag-act nang nasasaktan.
" Pag-okay na yon papasok na siya, alam mo na nagpapagaling pa sa ginawa mong sugat sa kanya " Ngiti pa ni Leo kaya bigla namang nalungkot si Cindy pero gulat na gulat siya ng hampasin siya ni Jie.
" What is this?!!! Binasted mo na si Jerrmy?! when? OMG!!! mukhang nangangamoy team AerCin na thisssss!!!! " kinikilig pa niyang sabi.
" Ano ka ba? Hindi ko naman siya binasted ah tssstt! mas gusto ko lang na friend kami dahil ganon siya kahalaga saakin " sabi pa ni Cindy at natigilan siya ng tumunog ang phone niya at new number ito.
" Mag-usap tayo! " Napatingin si Cindy sa phone niya ng kaboses ni Kristine ang tumawag rito.
" Kristine, hihintayin kita! " pagkasabi nin ni Kristine pinutol na niya ang linya at tinext niya kay Cindy kung saan sila magkikita.
" Sige, mauna na ako " Pagpapaalam nito.
" Saan ka? " Tanong rito ni Jie.
" Diyan lang " pagkasabi niya nun mabilis na siyang umalis habang iniisip na baka si Jeremy ang sadya ni Kristine at baka makabalita siya sa kaibigan niya kaya wala naman silang nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin.
" Talaga bang binasted na ni Cindy si Jeremy? " tanong pa ni Jie habang naglalakad sila.
" Kagabi kaya nga siguradong umiiyak pa si Jeremy alam niyo naman kung gaano niya kagusto si Cindy " pag-upo nila Leo nong dumating sila sa canteen.
" Kahit nga nong lalaki pa yon mahal na niya "
" Anong lalaki? " nagtatakang tanong ni Jie kaya natahimik tuloy sina Leo, sekreto kasi yon.
" Ang ibig kong sabihin doon palang sa kamukha ni Cindy na si Julian nagkacrush na doon si Jeremy kaya alam namin kung gaano katindi ang tama niya kay Cindy " palusot ni Grey.
" Ah yon ba?, sa bagay napapansin ko nga yon dati kaya nga asar na asar rin ako noon kay Jeremy crush na crush ko rin kasi si Julian kaya lang hindi ko alam kung nasaan na yon ngayon biglang naglaho na parang bula " Malungkot pang sabi ni Jie kaya nakahinga naman ng maluwang sina Grey sa pagkatapos nitong maniwala.
" Iba talaga si Cindy " Nakangiting sabi ni Leo.
" Well, speaking of my friend sila naba ni Aethan? Sila naba? " sunod sunod na tanong ni Jie na siyang nagpagulat sa boys.
" Ibig sabihin si Aethan ang pinipili ni Cindy? " Hindi makapaniwalang sabi ni Grey " Sinasabi na nga ba!! " masayang sabi ng team AeCin.
" Sandali wala bang nangyaring ganon? " Tanong rin ni Jie.
" Wala, si Jeremy lang ang alam namin hindi namin alam na nagkaaminan na rin pala sila " Ani Leo.
" Kung ganon wag na muna kayong umasa hangga't walang sinasabi si Cindy at Aethan " mataray na ngiti ni Jie sa team AeCin pero hindi pa rin nawala ang pag-asa ng mga ito na mananalo sila sa pusta, na totoo ang team AeCin.
CINDY'S POV:
Sa isang coffee shop kami nagkita ni Kristine at pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko na agad ang mga upo niyang akala mo siya lang ang tao sa mundo.
" Kanina ka pa? " pag-upo ko.
" 7 minutes and 13 seconds akong nauna sayo " Tingin nito saakin sabi naman sainyo sa sobrang obsess nito kay Aethan pati ilan sa ugali ni Aethan pareho sila.
" Pasensya kana hindi kasi ako nakasakay agad "
" Wala akong pakialam kung nahuli ka man o hindi ang mahalaga dumating ka at yong pag-uusapan natin " Pagcross arm nito saka humarap saakin ako naman humarap din rito mukhang alam ko na kasi ang pag-uusapan namin pagkwan nag-order siya ng coffee na dalawa.
" Sa tingin ko alam mo naman ang pag-uusapan natin " Pagtaas kilay nito saakin ako naman tumingin lang rito " Buong gabi nagmukmok yong bestfriend ko at hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas sa kwarto niya nang dahil sa ginawa mo sa kanya " Titig nito saakin.
" Kung ganon magkasama kayo? Mabuti naman " pagngiti ko ngayon panatag na akong mabuti siya.
" At nagagawa mo pang ngumiti? Alam mo bang dahil sayo kaya siya ganon? Yong bestfriend ko hindi non alam ang malungkot pero nang dahil sayo nararamdaman niya yon at naiinis ako sayo ng dahil doon! " Kita ko sa mga titig niya ang galit kung sa bagay hindi pa naman ako tinitingnan nito ng maayos mula ng maging si Cindy ako sa school.
" Talaga bang hindi ka makontentong sirain ang lahat o saktan kaming lahat?! hindi pa ba sapat ang friendship namin ang sinira mo at ngayon pati ang puso ng bestfriend ko?! Sinasabi ko sayo tama ng saktan mo ang bestfriend ko sa pambabusted mo sa kanya pero wag mo ng dagdagan kung nang dahil lang sa balitang kayo na ni Aethan dahil isang pagkakamaling disesyon yon Cindy!! maraming madadamay sinasabi ko sayo " titig nito saakin " Binabalaan kitang wag na wag mong tatangkaing pumasok sa buhay ni Aethan! "
" Talaga bang si Jeremy ang inaalala mo o natatakot kang malaman na kami na ni Aethan?! kaya naman ginagamit mo si Jeremy para wag yon mangyari " natatawa na lang ako habang sinasabi ito, makokonsensya na sana ako e kaya lang mukhang alam ko na ang patutungohan nitong usapan namin.
" Si Jeremy man o si Aethan pareho lang yon dahil pareho silang mahalaga saakin! " Nanggagalaiti nitong sabi saakin pero ngumiti lang ako rito pagkatapos kong makaramdam ng inis sa mga sinabi niya pero gulat na gulat ako ng itapon nito saakin ang tubig sa mesa namin.
" Pasalamat ka yan ang itinapon ko sayo at hindi yang mainit na kape! " Nanlalaking mata nitong sabi saakin, ako naman kalma lang habang kinukuha yong tissue at pinunasan ang mukha ko sanay na kasi ako sa ugali ni Kristine at nakakahiya lang dahil pinagtitinginan na kami rito.
" Ano?!! Nagising kana ba?! Nagising kana ba sa illusyon mong puwedi kayo ni Aethan?!! Sinasabi ko sayo maraming madadamay pagpumasok ka sa mundo niya, alam mo kung bakit? Dahil hindi kayo bagay! Hindi ka puwedi sa mundo niya!! " sabi pa nito pagkwan nilapag ko yong tissueng pinunas ko sa mukha ko at tumingin sa kanya.
" Makinig ka! Una gusto kong humingi ka ng sorry kay Jeremy, ayosin mo ang relasyon niyo! Pangalawa tigilan mo na ako at ang Pangatlo, alagaan mo si Aethan kung patulan ka niya! " Sabi ko rito ng kalmado.
" Ano?! At sino ka para utosan ako? "
" Manahimik ka dahil hindi pa ako tapos tsk! matagal na akong nagpipigil sayo Kristine at paghindi ako nakapagpigil ngayon baka hindi mo na mapakinabangan yang mukha mo! " paghawak ko sa kape kong mainit pa, sa totoo lang matagal na rin akong nagtitimpi rito e at tumahimik naman siya mukhang natakot " Pagkatapos nang pag-uusap nating ito hindi mo na akobmakikita pa "
" Are you kidding me? " tawa nito " Hindi na binta saakin yang joke mo, okay?!"
" Mukha ba akong tumatawa Kristine? " masama kong tingin rito kaya napalunok naman siya " Oo, nasabi ko na ito dati dahil tinakot o inutosan mo ako! pero ngayon ako na ang kusang gagawa kaya sana pagkaalis ko pilitin mong ibalik sa dati ang lahat ng sinisisi mo saaking nasira ko " Pagkwan kumalma akong tumingin rito " Isipin mo na lang na kahilingan yan para gawin mo " pagtayo ko at naglakad na palabas wala naman akong narinig mula sa kanya pagkwan tinext ko si Aethan na magkita kami.
" Saan tayo? " Tanong nito saakin ng makarating siya sa lugar na tinext ko sa kanya.
" Magdate tayo pero ikaw pa rin ang taya " Natawa naman siya sa sinabi ko " Hindi ako nagjojoke pero kung ayaw mo sige, wag na lang " Pagtalikod ko naramdaman ko naman yong paghawak niya sa kamay ko pero imbis na makaramdam ako ng inis sa walang permiso niyang paghawak rito napangiti na rin akong tumingin rito.
" Tayo na? " tumango naman ako rito habang nakangiti sa totoo lang matagal ko ng gustong gawin ang mga dream date ko kasama si Aethan pero nong buhay pa si Julian, syempre sa kanya ko pinangarap.
" Pero sa ngayon ang gusto kong date ang gagawin natin puwedi ba? "
" Kung anong gusto mo doon tayo " Ngiti nito at nakakalaglag palda pagnginitian ka ni Aethan.
" Kumain mo na tayo kanina pa ako nagugutom e "
" Okay " Ngiti nito saakin at gaya ng madalas naming kainan sa mga street foods lang nasanay na rin siguro siyang kumain ng street foods pero this time hindi ako bumaba sa sasakyan kaya nagtataka siyang tumingin saakin.
" Gusto ko sana yong romantic na kinakainan yong may tutugtog saatin ng violen tas may candle sa mesa natin tas yong pagkain yong hindi puweding kainin nang magkakamay lang yong kailangan kumain tayo ng parang prinsesa at prisipe " Hindi ko alam pero tumitig lang siya saakin imposible namang hindi niya kayang e-afford itong sinasabi ko.
" Anong mayron at iba ata ang kinikilos mo ngayon? "
" Isa yan sa dream date ko at isa pa gusto kong subokan din ang pumasok sa mundo mo " Tingin ko rito gaya nang sabi ko gusto ko na rin si Aethan kaya lang kung pipiliin ko pang manatili sa mundo niya marami lang akong maaargabeyado at isa pa kahit naman talaga saan tingnang anggulo hindi kami bagay o hindi kami para sa isa't isa kaya ngayong araw gusto kong maranasan kahit minsan na puwedi rin kami, na puwedi ko rin siyang mahalin, na puwedi rin ako sa mundo niya.
" Nandito na tayo " pagbukas nito sa pinto ng sasakyan at sumunod naman ako rito at gaya ng mga iniisip ko yon na nga ang nakikita ko ngayon.
" Sir sumunod po kayo saakin " Pagpunta saamin ng nagwowork doon at dinala kami sa isang table at parang kilalang kilala nila si Aethan imposibleng palagi ito rito e wala pa namang nagiging girlfriend ito kaya imposibleng may dinala na siyang babae rito pangcouple place lang kasi ito.
" Bakit kilalang kilala ka ata nila? " tanong ko rito ng makaupo kami.
" Tita ko ang may-ari nito at sinabi kong kakain tayo rito kaya naman pinareserve na nila ito saatin at yong mga favorite food mo pinaluto ko na rin kahit wala sa menu nila " pagpapaliwanag nito.
" Pero Aethan hindi yon ang gusto kong kainin ang gusto ko yong gusto mo namang pagkain ang kakainin natin " Kita ko naman ang mas pagtataka sa mukha niya.
" Sabi ko naman sayo iba ang dream date ko sa ordinaryong date lang " Hindi ko alam pero bigla na lang siyang tumawa.
" Ordinary date?! para saakin pinaka the best at special yong mga date natin bihira lang ang gumagawa non " Ngiti nito " Well, hindi ko alam kung kaninong spirit ang meron ka ngayon basta ang alam ko masaya ako at nandiyan siya sayo " pagbibiro nito kaya naman inirapan ko lang siya.
" Gusto kita " Bulong lang nito saakin sabay ngiti kaya naman hindi ko napigilang mapayuko at kiligin.
" Ah, sir iseserve na po ba yong pinaluto niyo? " paglapit ng waiter saamin.
" Nagbago na ang gusto ko pakiluto na lang ito " Pagturo nito sa ilang pagkain sa menu at ito yong sinasabi niyang favorite food niya siguro okay lang naman kung magiging masilan ako kahit ngayong araw lang.
" Ano nga pala yong sasabihin mo saakin? " Natahimik naman ako bigla sa tanong niya " Kahapon ko pa yon hinihintay "
" Mamaya na lang natin yon pag-usapan kakain nga tayo kaya tayo nandito tas magtsi-tsismis ka lang? " Masama kong tingin rito pero kunwari lang kaya naman tinawanan niya ako.
" Okay, sabi ko nga " ngiti na naman niya kapag hindi pa talaga ito tumigil sa kakangiti tatanggalin ko ang ngipin niya ng walang ginagamit na anestesya kanina pa nito pinapalakas ang heart beat ko e.
" Si Jeremy nga pala nasa bahay nila ayon sa mommy niya tinamad lang pumasok " Nagulat naman ako sa sinabi niya.
" Huh, nagkausap kayo? "
" Hindi, Nakita ko kasi yong pag-aalala sa mukha mo kaya tinawagan ko yong guardian niya sa files niya sa school para itanong kung kamusta siya para hindi kana mag-alala pa " bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya pakiramdam ko kasi sasaktan ko lang din si Aethan sa gagawin kong ito samantalang siya o sila ni Jeremy walang ginawa kundi pagaanin ang pakiramdam ko bakit kasi ang babait nila pakiramdam ko tuloy ang samasama ko.
" May mali ba akong nasabi? " Tanong nito habang nag-aalala pagkatapos kong malungkot at napansin siguro nito.
" Wala "
" E bakit biglang naalis ang mga nangingislap mong mata? " paggulo nito sa buhok ko kaya naman ngumiti na rin ako bahala na basta gusto ko lang siya makasama ngayong araw bago man lang ako magpaalam sa kanya.
" Basta kailangan magsaya lang tayo ngayong araw " Ngiti ko rito at mga ilang minutong paghihintay dumating na yong order namin at gaya ng inaasahan puro pangmayaman na pagkain ang gustong pagkain o inorder ni Aethan ang gaganda ng hitsura pero wala namang lasa at saka ang liliit tas ang mamahal at pakiramdam ko gumanda ang lasa nito bigla ng makita kong maayos itong kinakain ni Aethan unlike sa mga food na kinakain namin sa mga nakalipas na date naming halatang ayaw niya ang lasa nito. At natigilan ako sandali sa pagkain ng may pumunta saaming mga tao na may dalang violen at sandali nila itong pinatugtog at pakiramdam ko may kumurot sa puso ko ng medyo familiar saakin ang pinapatugtog nila pagkwan napalingon ako kay Aethan at ito yong minsan na niyang kinanta saakin ang kantang Ikaw lang ang aking mahal kaya hindi ko tuloy napigilang malungkot. At pagkatapos naming kumain lumabas na rin kami.
" Saan tayo? "
" Gusto kong manood ng sine "
" Gusto mo rin pala ng ganyan? " Tanong niya saakin ng hindi makapaniwala.
" Dream date? " paglalambing ko kaya natawa na lang siya at gaya ng gusto ko doon kami pumunta pero sa horor movie kami nanood ayaw ko ng love story siguradong awkward lang ang mangyayari pagmay mga romance scene at ayaw kong umiyak irereserba ko na lang ito mamaya.
" Takot ka sa multo? " Tanong niya saakin habang nakakapit ako ng mahigpit sa upuan ko.
" Hindi kaya lang madali akong magulat yan kasi ang special effect ng horror movie ang manggulat " Natigilan ako ng hawakan na naman niya ang kamay ko.
" Iba na lang kaya panoorin natin mamaya may mangyari sayo " nanlalamig kasi ang kamay ko sa totoo lang takot ako sa multo pero gusto kong pinapanood.
" Movie lang naman ito at isa pa sayang yong bayad natin " Gulat na gulat si Aethan ng bigla akong mapayakap sa kanya gaya ng sabi ko nanggulat yong pinapanood namin.
" Sorry " Paglayo ko rito nakakahiya kasi muntik na naman kasi kami magkahalikan.
" Mukhang mag-eenjoy nga tayo " tawa nito tsk! gusto lang ata nito mayakap ulit e at yon nanood na nga kami at hangga't kaya kong tingnan yong movie hindi ako nagku-close kay Aethan pero natigilan ako ng biglang lumabo yong movie.
" Aethan malabo ba? " Pagkusot ko sa mata ko.
" Ang alin? " nagtataka nitong tanong at napakunot ako ng noo nang pati siya malabo na rin kahit madilim dito sa loob nakikita ko pa rin siya dahil sa ilaw sa screen pero ngayon parang may ulap.
" Wa-wala " pagbaling ko sa mata ko sa screen at hindi ko maiwasang mag-alala habang malabo ito sa paningin ko pagkwan pumikit ako at mga ilang segundo dumilat na ako at napangiti ako ng malinaw na ito at pagkatapos ng panonood namin lumabas na kami.
" Saan tayo? " Tanong nito saakin.
" Gusto ko sanang maglakad lakad lang kaya lang may araw pa mas maganda paggabi " Lingon ko rito pagkwan ngumiti siya ng makahulogan kaya agad kong sinipa ang tuhod niya.
" tsssssttt! Aethan?!!! " masama kong tingin rito kaya ganon na lang ang tawa niya.
" Biro lang "paggulo niya sa buhok ko " Since mamaya pa ang susunod mong dream date pumunta muna tayo sa gusto kong libangan " Napatingin naman ako rito kung ganon may libangan din si Aethan.
" Ikaw may libangan? Kailan pa? " Natatawa kong sabi rito habang sumasakay kami.
" Hindi naman ganon kaboring ang buhay ko nong nabubuhay pa si Mommy " sabi nito saakin.
" Okay, e ano ba yan? " bago pa ako makasagot bigla niyang hininto ang sasakyan, sa tingin ko dumating na kami sa sinasabi niyang libangan niya masyado lang malapit sa pinanoodan namin.
" Halika na " hawak na naman nito saakin at hindi ako makapaniwala ng sa isang bar kami pumunta kung saan sa unahan ay may bandang kumakanta doon.
" Anong gusto mo? " tanong nito saakin agad ko namang sinabi rito pagkwan umalis na siya at mga ilang segundo dumating yong drinks na sinabi kong gusto ko pero si Aethan wala siya, hindi na siya bumalik.
" Ah, excuse me nasaan yong nag-order nito? " tanong ko sa waiter na kaninang nagserve saakin ng drinks pero bago pa niya ako masagot narinig ko na naman yong kaninang tinugtog saamin sa kinainan namin, ang music na pumupukaw sa puso ko kung saan mukha agad at boses ni Aethan ang pumapasok sa isip ko.
" Itanong mo saakin kung sino ang aking mahal? " kanta ni Aethan kaya napalingon ako rito bigla at ganoon na lang ang sigawan ng mga tao doon " Itanong mo saakin sagot ko'y di magtatagal
Ikaw lang ang aking mahal ang pag ibig mo'y aking kailangan..pag ibig na walang hangganan.. ang aking tunay na nararamdaman ..." Pagkanta nito at nakaka inlove ang boses niya kaya naman hindi ko mapigilang malungkot habang iniisip na huling araw ko na itong kasama siya.
" Isa lang ang damdamin Ikaw ang aking mahal... Maniwala ka sana saakin ay walang iba.. Ikaw lang ang aking mahal... Ang pag ibig mo'y aking kailangan pag ibig nawalang hangganan ang aking tunay na nararamdaman..." Kanta pa nito habang nakangiti at naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi ko dapat kasi hindi ko na sila pinayagan pangligawan ako baka hindi ko ito nararamdaman ngayon.
" Hindi ko naman kasi akalain na magugustohan ko rin siya ng ganito maliban kay Julian " Natigilan na lang ako sa sinabi ng isip ko kung ganoon mahal ko na nga talaga si Aethan para maikumpara ko kay Julian ang lalaking minamahal o minahal ko kaya lang imposible namang mangyari ang iniisp kong mundo para saamin pakiramdam ko isang napaka laking joke ang magkasama kami.
" Matagal tagal na nong kumanta siya muli rito " bulongan ng mga nagwowork sa Bar.
" Oo nga mula ng mamatay ang Mommy niya "
" Kung kakanta siya ulit rito baka dumami ulit ang costumer natin " usapan pa nila kung ganon kumakanta nga talaga rito si Aethan kung sa bagay ang ganda nga naman nitong bar hindi pang mahirap karamihan ng tao rito halatang may class.
" Girlfriend ka ba niya? " paglapit nila saakin pero hindi mo mahahalatang kinakausap nila ako.
" Hindi, kaibigan lang "
" Sus! dinial pa si Ate Girl mga titig ni Nathan sayo oh nakakatunaw at yong kanta para ata sayo " kinikilig pa nilang sabi kaya kinilig na lang din ako ng makita kong nakatingin nga saakin si Aethan at mga dalawa yong kinanta niya bago kami lumabas kaya madilim na rin.