Chapter 16

4243 Words
Naglalakad kami ngayon ni Jie papuntang rest room nagpapasama kasi pagkatapos naming malaman ang pag-announce sa Foundation day namin at ang department namin ang over all champion at kanina pa ako parang tanga habang naglalakad iniiwasan ko talagang makita si Aethan, hindi ko alam pero pakiramdam ko matutunaw ako pagnagkita kami nakakaasar kung bakit kasi nanghalik pa siya kagabi at kung bakit nagpahalik rin ako. " Anong nangyayari sayo? " Natigilan ako sa paggulo sa buhok ko nang makitang tinitingnan ako ni Jie sa salamin sa banyo habang nagtataka ang mukha nito. " W-wala " pag talikod ko nahihiya kasi akong magkwento. " anong klaseng sekreto ba yan? " paglapit nito saakin. " Huh?! a-anong sekreto? " Pag-iwas ko rito ng tingin. " Tell me, alam ko meron malay mo matulongan kita kilala kita panigurado buong araw mo yan iisipin kaya sabihin mo na para matulongan kita " tumingin naman ako rito sa sinabi niya kilala na talaga ako nito at tama siya paghindi ako nagkwento hindi ako makakatulog hangga't wala akong napagsasabihan nito. " You can trust me " Titig nito saakin pagkwan huminga ako ng malalim saka binulong rito yong nangyari kahapon at mga ilang segundo bago ito nagsalita, nagreact pala sumigaw kasi sabay hampas saakin. " May nangyaring ganon? " hampas na naman nito habang kinikilig. " Oo hindi ko nga rin alam paano e " " Alam mo ba sabi nila true love doesn't require any explanation basta na lang nangyayari " Natigilan naman ako sa sinabi niya. " It means si Aethan ang nanalo between Him and Jeremy?! " Tanong pa nito. " Hindi ko alam... " " Anong hindi mo alam e nagpahalik ka nga " agad ko naman tinakpan ang bibig nito sa sinabi niya mamaya may iba pa palang tao rito sa banyo tas marinig yon pero sa tingin ko wala naman. " Love test tayo ulit? " bago pa ako makapagsalita nagsalita na naman siya " Sinong madalas mong maisip? " hindi ko alam pero si Aethan agad pumasok sa isip ko. " Si Aethan " Pagkwan ngumiti ito ng makahulogan " question number 2, sino ang mas masayang kasama? " " Kami ni Jeremy " sabi ko rito " pero normal lang naman saamin ang tumawa o maging masaya pagmag kasama kami pero si Aethan iba ang nararamdaman ko sa kanya ngayon pagkami ang magkasama pakiramdam ko tumitigil ang mundo tas siya lang ang nakikita ko " mas lumapad ang ngiti nito at itong mga sagot ko basta ko na lang naiisip tas lumalabas sa bibig ko. " question number three, sinong namimiss mo? Yong tipong hinahanap mo kahit bago lang kayong magkasama " " Si Aethan hindi ko alam pero yon ang nararamdaman ko sa kanya nakakainis nga e " Pero this time tumawa siya. " Final question, Sino nang mahal mo? " Natigilan naman ako bigla sa tanong niya " Ako nang sasagot niyan " ngiti pa nito " si Aethan!!! " Pagcross arm nito habang nanlulukong nakangiti, hindi ko rin alam pero pakiramdam ko lumakas ang heart beat ko habang iniisip yong sinabi niya. " Sa tingin mo...? " pakiramdam ko nag-iinit ang mga pisngi ko. " Akala ko ba nainlove kana? " naalala ko naman bigla si Julian sa sinabi niya at hindi na siya ganon kasakit pagnaalala ko siya pero may kerot pa rin akong nararamdaman at sa totoo lang hindi ko naramdaman kay Julian itong nararamdaman ko ngayon kay Aethan yong tumitigil ang mundo ko sa kanya, masaya ako pagkasama ko siya kahit wala naman siyang ginagawa, at yong palagi siya nasa isip ko at kamakailan lang nong mapansin ko itong nararamdaman ko sa kanya akala ko normal lang yon dahil palagi rin naman kaming magkasama pero ngayon sigurado na akong iba ang nararamdaman ko sa kanya sa totoo lang ginagaya ni Aethan ang panliligaw ni Julian alam ko yon dahil nasabi yon saakin ni Liya na humingi siya ng tulong rito pero sa totoo lang si Jeremy at Julian ang medyo magkapareho ng ugali dahil napaka live ng personality nila, naiiba kasi sa planetang earth itong si Aethan Villasore nag-iisa siya wala kang mahahanap na katulad niya. " Siguro nga baka gusto kona si Aethan...? " kita ko naman yong kilig ni Jie. " Hai naku! sa wakas may closure ng mangyayari sabi namang si Aethan ang mananalo e " Ngiti pa nito na akala mo si Sherlock na nakasolve ng isang mestery. " E kailan mo naman sasabihin sa dalawa? syempre kailangan agahan mo para hindi na lumala o hindi ganon masaktan si Jeremy " Natigil naman bigla ang pagfunction ng isip ko sa sinabi niya kung ganon maaaring masaktan ko ang feelings ni Jeremy. " Halika na nga lumabas na tayo ako ng naeexcite kay Aethan so ano ba yan magiging boyfriend and girlfriend na kayo, officially? " tanong pa nito. " Jie puwedi bang mauna kana muna at kung puwedi saatin na lang muna yong napag-usapan natin puwedi ba? " pagbaliwala ko sa sinabi niya. " Oo naman gaya ng sabi ko sayo, you can trust me " ngiti nito " Saan ka nga ba pupunta? " Tanong pa nito. " May kakausapin lang ako " pagkasabi ko nun umalis na ako bago na naman magtanong. At nasa may science park na ako ngayon wala kasi talagang nagpupunta rito. " Totoo?!!! sabi naman e!!! so kayo na ni Aethan????!!!!! " sigaw ni Liya mula sa phone kailangan talaga naiinform ko ito sa mga nangyayari sa buhay ko tulad ngayon mas malala pa ito kiligin saakin sa nangyari kagabi sobra kasupportive. " Ano sa tingin mo? " tanong ko rito. " Anong ako? Bakit ako ba ang magmamahal? Pero sige kung ako ikaw, sasabihin ko na kay Aethan ang cool niya kaya " kinikilig pa nitong sabi " Sandali si Jeremy? " " Yon na nga Liya... " " Dapat kasi pagsabayin mo na lang " pagbibiro pa nito " Dapat siya muna ang kausapin mo, sabihin mong nakapili kana bago mo sabihin ang nararamdaman mo kay Aethan " " Pero paano kung____" " Wag mo na yan isipin total from the start naman sinabi mong maaaring wala kang magustohan sa kanila at nirespeto naman nila yon pero dahil may nararamdaman ka naman pala sa isa sa kanila ngayon mas mabuting sabihan mo na yong isa para hindi na lumala ang nararamdaman sayo, okay? " pagkatapos ng pag-uusap naming ito ni Liya bumalik na ako pero bigla kong nakita si Aethan sa unahan ko at hindi ko alam ang gagawin ko ng pumunta ito sa harapan ko. " Kanina pa kita hinahanap " Sabi nito agad saakin pero nakatingin lang ako rito pagkwan tumingin din siya saakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin rito nakakailang kasi " Kung yong nangyari kahapon I'm sor___ " " Mamaya na lang natin yon pag-usapan hintayin mo na lang ang text ko " Pagputol ko sa sasabihin niya " May sasabihin ako sayo " Ngiti ko rito saka siya iniwan hindi naman siya nagsalita pang muli hanggang sa makaalis ako. At yon pumunta na ako kung saan sina Jeremy pero natigilan ako sa pagpasok sa classroom kung saan andon sila nang marinig ko silang nag-uusap. " Sigurado kana ba sa iniisip mo Jeremy? Paano kung tanggihan ka ni Cindy? " sabi ni Leo. " Hindi ko naman malalaman kung anong sagot saakin ni Cindy hangga't hindi ko siya tinatanong diba? " pag-uusap pa nila " Basta buo na ang pasya kong tanongin siya imposible namang wala siyang nararamdaman saakin kahit 0.01% man lang sa tagal nang panliligaw ko sa kanya pero syempre kailangan tulongan niyo ako para maisagawa ko ang plano ko " " Oo naman basta gagawin namin ang lahat makuha mo lang ang sagot na gusto mo mula kay Cindy " Masayang sabi nila Leo o yong palaging nang aasar na team JerCin daw. " Pero paano kung hindi mo makuha ang sagot na gusto mo? " Ani Grey " Tandaan mo hindi basta basta ang kalaban mo kay Cindy kaya posibleng___" " Kaya ko nga uunahan si Aethan dahil ayaw kong maunahan niya ako basta disperado na akong makuha ang sagot ni Cindy, dati okay lang saakin kung sino ang piliin niya saamin pero ngayon pakiramdam ko wala ng kwenta ang araw ko kung wala si Cindy alam niyo yon, yong gumawa kana ng pangarap na kasama siya kaya hindi ako papayag na may makakuha pa sa kanya maliban saakin hindi ko alam kung anong mangyayari saakin pagnangyari yon " pagsasalita ni Jeremy at pakiramdam ko nawalan na ako ng lakas na sabihin pa rito ang disesyon ko. " Yan ang mangyayari pagpinili mo si Aethan mula kay Jeremy " Gulat na gulat ako sa pagsasalitang ito ni Kristine hindi ko alam kung kanina pa ito. " Sinabi ko naman sayo may mangyayari sa oras na pumasok ka sa buhay ni Aethan " ani Kristine " sayo, kay Jeremy, at kay Aethan kung nakinig ka lang edi sana hindi kana nahihirapan pa " Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi ni Kristine " Sinasabi ko sayo Cindy isang pagkakamali ang pumasok sa mundo ng iba lalo na sa mundo ni Aethan kung sa entrance ka pa nga lang relasyon na namin ng bestfriend ko ang sinira mo paano na lang kung pumasok kana talaga? " pagtaas kilay nito saakin " Tsk! alam mo ba kung gaano kahirap saakin ang ginawa mo? saamin? Alam mo bang hindi kami nakakatulog o nakakain ng maayos ng bestfriend ko paghindi kami okay? nang dahil sayo naranasan namin yon at ang hirap non Cindy, Yong para kaming hindi magkakilala, Yong nakatingin lang ako sa kanya sa malayo, Yong gustong gusto mo siyang yakapin pero hindi puwedi dahil hindi kami okay at dahil yon sayo!! " sabi nito habang nakatingin kay Jeremy at ramdam ko sa bawat sinasabi nito ang sakit lalo na nong tumulo ang mga luha nitong namumuo sa mata niya. " At yan ang mangyayari sa kanila ni Aethan sa oras na may piliin ka sa kanila " Tingin nito sabay punas sa luha niyang kumawala sa mata niya saka umalis habang sinusundan ko siya ng tingin. " Cindy kanina ka pa ba diyan? " Akbay saakin ni Jeremy sa may likuran ko kaya ganon na lang ang gulat ko. " Huh! kararating ko lang " Ngiti ko rito ng alanganin " Ah si Kristine... " " Bakit may ginawa na naman ba siya sayo? " nag-aalala nitong tanong saakin. " Wala! ano, kasi nakita ko siya rito nakatingin sayo sa tingin ko miss na miss kana niya " Kita ko naman ang lungkot sa mukha niya. " Hayaan mo na kakausapin ko siya bukas na bukas din miss na miss ko na rin kasi siya " Ngiti nitong muli saakin " Halika na! " paghila nito saakin kina Grey. " Tayo ang nag over all champion " masaya nilang sabi pero ngumiti lang ako. " Nga pala nagkita ba kayo ni Aethan? " Tanong ni Grey tumango naman ako rito. "Mabuti e wala ba siyang sinabi sayo? " Napatingin naman ako rito. " Wala naman bakit pala? " " Wala natanong ko lang " ngiti nito " Si Jeremy kasi may sasabihin sayo " dugtong ni Leo habang nanunuya ang reaction. " Nga pala Cindy wala ka pa rin bang napipili sa kanila? " Tanong pa nila nakakahiya tuloy. " Oo nga Cindy " Sang-ayon pa nila tas itong si Jeremy tahimik lang. " Ano ba namang tanong yan? Tsk! tinatanong niyo siya sa harap ng lalaking nanliligaw sa kanya? " biglang pagdating ni Jie buti naman at may kakampi na ako medyo nagiging close na rin kasi siya kila Grey. " Pero ako alam ko ang sagot! " pag-upo nito habang nakatingin kila Grey tsk! isa rin pala siya. " Anong ibig mong sabihin? May napili naba si Cindy sa dalawa? " " Puwedi " Ngiti pa nito. " Tumigil nga kayo diyan " Naaasar kong tingin sa kanila. " Tama yon kumain na lang tayo " pagsang-ayon saakin ni Jeremy. " Halika na " Pagpapatayo ko kay Jue na gets naman niya sa mga mata ko ang ibig kong sabihin. At yon na nga ang nangyari kumain na kami at pagkatapos nang awarding saka kami umuwi at gaya ng sabi ko kay Aethan hindi na kami nag-usap pa, iniiwasan ko kasi at saka as a SSG president busy-ing busy rin siya sa katatapos na event ng foundation day pero sina Leo biglang nawala, sina Grey lang ang kasama namin ni Jie pati si Jeremy naglaho rin bigla kaya mag-isa lang akong umuwi hindi na ako sumabay kina Grey o kay Jie. At napayuko ako ng makasalubong ko sina Nica pero ni paglingon naman di nila ginawa saakin at mayamaya si Kristine naman pero wala ata sa mood mang-away basta para siyang hangin na dumaan saakin kaya naglakad na ako papunta sa bisekleta ko mula kasi ng mag-announce si Aethan noon sa field wala ng nangyari saakin na bullying maliban kay Kristine. " Sayo ba yan? " tanong ng mga schoolmates ko nang umupo ako sa bisekleta ko at first time nila akong pansinin nakakapagtaka tuloy. " Oo, bakit? " nagtataka ko pang tingin sa kanila bahagya naman silang nagtinginan saka umalis nang hindi man lang ako sinasagot. " Ano ba yon? " pag-alis ko at hindi ko maiwasang malungkot habang iniisip yong mga sinabi ni Kristine, tama siya masyadong marami ang apektado sa oras na pumasok ako sa buhay ni Aethan at isa pa kahit kanino man, si Jeremy ang pinakamahalaga saakin sa school na ito kung may alaala man akong hindi ko makakalimotan o magagandang alaala rito isa na doon yong kay Jeremy at siya yong isa sa anghel ko rito laging nandiyan para saakin at pinaramdam saakin na puweding puwedi ako sa mundo nila kaya siguradong hindi magiging masaya ang araw ko rito kung masisira kung anong meron saamin. At natigilan ako sa pag-iisip ng maramdaman kong ayaw huminto ng besekleta ko kahit pinindot ko na ang break nito. " Anong nangyayari?" paghawak ko sa break nito pero ayaw talagang huminto at nanlaki ang mata ko ng dire-diretso ito sa pader ng condo namin dumating na kasi ako at gaya ng sabi ko ayaw nitong magbreak. SOMEONES' POV: " Ahhhhhhhhhh!!!!! " napasigaw na lang si Cindy habang hinihintay ang sariling bumangga sa pader mataas kasi yong besekleta niya kaya hindi makaabot sa lupa ang mga paa niya para pigilan ito kaya wala siyang magawa kundi hintayin na lang ang mangyayari. " Ahhh! " daing nito ng matumba siya mula sa besekleta niyang bumangga sa isang maliit na bato at dahil wala siya sa fucos nawalan siya ng balanse. " Ang sakit " tingin nito sa kamay niyang nagdudugo dahil sa pagkakagasgas sa sahig nauna kasing bumagsak sa lupa ang kamay niya kaya hindi ganon na saktan ang lower extrimeties niya. " Ano bang nangyari? " pagtayo nito sabay tingin sa besekleta niya at napakunot siya ng noo ng makitang sira ang break nito saka naisip kung sinong puweding gumawa non at sabay na nagflashback sa kanya si Kristine at Nica kaya napabuntong hininga na lang siya. Saka siya pumasok at mga ilang oras na pag-aaral niya may kumatok sa kwarto niya. " Lumabas tayo?" bungad rito ni Jeremy ng pagbuksan niya ito. " Pero gabi na Jeremy" " Yon nga ang maganda masarap ang simoy ng hangin at saka maraming stars Cindy at masyadong maliwanag ang buwan " " Kaya lang Jeremy.." " May sasabihin ako sayo " pagputol nito sa sasabihin niya kaya hindi nagsalita pa si Cindy at sa tingin niya kasi alam na niya itong sasabihin ni Jeremy kaya bigla itong nakaramdam ng kaba. " Magbibihis lang muna ako sandali, sa labas mo na lang akong hintayin " Pagsara nito sa pinto at gaya ng sabi niya yon ang nangyari. " Tayo na? " sabi rito ni Cindy ng makalabas siya. " Halika na " Ngiti rito ni Jeremy habang naglalakad sila sa ilalim ng liwanag ng buwan. " Saan ba tayo pupunta? " Tanong ni Cindy. " Basta " nakangiti niyang sabi rito. " Sana ganito lang tayo Cindy " napalingon naman rito si Cindy sa sinabi niya. " Ang alin? Ang maglakad tuwing gabi? " pagbibiro nito. " Ang kasama ka " Lingon niya rito kaya natigilan ito sa pagtawa, ang seryoso kasi ng pagkakasabi ni Jeremy. " Nandito na tayo " Napatingin naman si Cindy sa sinabi ni Jeremy at nasa may park sila yong inikotan din nila mayron kasing mga puno sa part na ito. " Halika na " Nanlaki ang mata ni Cindy ng pagtapak niya sa mga damohan biglang umilaw ang mga puno at sa pinaka dulo nito may isang mesa doon kung saan pinalibotan rin ito ng mga ilaw pati yong sa taas nito may ilaw din ang ganda ganda niyang tingnan at punong puno ng roses flower. " Nagustohan mo? " Tanong ni Jeremy rito habang namamangha siya. " Maganda " Tingin niya rito at nagtataka ito habang inaabot sa kanya ni Jeremy ang isang bouquet ng red roses wala naman kasing dala kaninang flower si Jeremy. " Salamat naman at nagustohan mo " nakangiti nitong sabi. " Pero dapat Jeremy hindi kana gumawa ng ganito " " Pagdating sayo kahit ano gagawin ko mapasaya ka lang " masaya niyang sabi rito bigla namang lumungkot ang mukha ni Cindy " Tayo na nga kanina pa tayo hinihintay ng upuan, mesa, at ng kakainin natin " pagbibiro pa ni Jeremy at dinala na nga niya sa may mesa si Cindy. " Ito yong dahilan kaya ako nawala kanina pasensya kana kung hindi ako nagpaalam ganon din sina Leo nagpatulong kasi ako sa kanila " Ngiti pa nito pero nakatingin lang rito si Cindy ang saya kasi ni Jeremy kaya naman hindi niya alam kung paano rito sasabihin ang disesyon niya mula sa panliligaw nila rito. " Kumain na tayo? " nakangiting tanong rito ni Jeremy at tumango naman siya bilang sagot. " Sige, kaya lang ano namang kakainin natin rito e puro tissue lang ang nandito " sabi ni Cindy sabay tingin sa paligid " Ang ganda ng mesa pero wala namang pagkain" Katatapos lang magsalita ni Cindy ng pumalakpak ng isang beses si Jeremy at may nagserve sa kanila ng pagkain. " Ibig sabihin maraming tao rito? " " Kunti lang pero kung gusto mong paalisin sila puwedi rin " umiling naman si Cindy. " Hindi Jeremy, kumain na nga tayo " Pagkain ni Cindy at hindi niya maiwasang malungkot tuwing nakikita ang mga tawa ni Jeremy habang kumakin sila nagkukwentohan na naman kasi sila kaya ganon na lang ang tawa nila at pagkatapos nilang kumain nagyaya si Jeremy na umalis sila sa may table. " Bakit ganon wala yong star ko " Paghahanap pa nito sa langit nang makalabas sila saka naglakad lakad ng kunti ganon din si Cindy pagkwan natigilan ito nang mapansin niyang parang may tumitingin sa kanya kaya napalingon siya kay Jeremy habang pinagmamasdan siya. " Gusto kong pinagmamasdan ang langit paggabi at yong simoy nang hangin gustong gusto ko " pag-iwas niya rito ng tingin, naiilang kasi siya " Pero sa mga oras na ito hindi ko yon maramdaman habang tinitingnan kita dahil walang hihigit pa sa saya ko pag-ikaw ang kasama ko, pakiramdam ko hindi ko na kailangan ang kahit ano basta nandiyan ka " pagtitig niya ritong muli at nakatingin lang rito si Cindy ang saya kasi ni Jeremy kaya hindi niya alam kung paano pa niya sasabihin ang desisyon niya pero natigilan siya nang may marinig siyang musika. " Sayaw tayo? " Paglalahad ni Jeremy sa kamay niya kay Cindy. " Hindi ako marunong pero sige " Pagpayag ni Cindy at mga ilang segundong pagsasayaw nila nagsalita na namang muli si Jeremy. " Noong una kitang makita sa pagbaba mo sa taxi sa may Empire University pakiramdam ko na love at first sight ako sayo parang biglang bumilis ang lahat at ang saya ko nun habang pinagmamasdan kitang inaaway yong driver dahil sinabihan ka ng babae " pagkukwento ni Jeremy habang nagsasayaw sila. " Nakakatawa akala ko nun boyish ka lang pero mas natawa ako sa sarili ko nong malaman kong lalaki ka at ikaw si Julian Reyes kaya naman sa araw na yon I've decide na maging kaibigan ka pero madalas kong mahuli ang sarili kong nakangiti habang iniisip o pinagmamasdan kita kaya naman sobra yong pag-aalala ko noon at takot na baka bakla ako kasi nga akala ko lalaki ka hanggang sa hindi ko na makaya yong emosyon ko kaya naman nagpasya akong magtapat sayo kahit lalaki tayo pareho " ngiti nito saka tumingin kay Cindy. " Pero sa araw ding iyon nalaman kong babae ka pala kaya naman sobrang saya ko kaya lang bigla kong nalaman na bumalik ka sa probinsya mo at si Aethan na hinahangaan ng lahat ay karibal ko sayo kaya naman nag-alala ako ng araw na yon, akala ko si Aethan na ang pipiliin mo pero gaya ng sabi mo pagmamay-ari pa rin ni Julian ang puso mo kaya kailangan naming pagsikapang mapaibig ka " Pagtigil ni Jeremy sa pagsayaw at tumitig kay Cindy sabay hawak ng mahigpit sa dalawang kamay ni Cindy. " At ngayon takot na takot akong mapunta ka sa iba dati akala ko okay lang pero ngayon hindi ko kaya pakiramdam ko kulang na ang buhay ko kung wala ka, pakiramdam ko mababaliw ako kung makikita ka sa iba, at hindi ko kaya yon Cindy kaya naman gusto kong maging akin ka, yong saakin ka lang, yong puwedi kitang ipagbawal sa iba, yong puwedi kong sabihin na akin kita, pagmamay-ari kita, at yong masigurado kong ikaw ang makakasama ko habambuhay " mga titig rito ni Jeremy habang makikita mo sa mukha nito ang disedidong makuha ang gusto niya " Kaya naman gusto kitang tanongin Cindy " Pagtanggal nito sa pagkakahawak kay Cindy at marahan itong lumuhod saka may kinuha sa bulsa ng pantalon niya. " Cindy Gonsales please, will you be my girl? " Tanong pa nito pagkwan pinatayo ito ni Cindy kasabay ng pagkahulog ng mga luha niya hindi niya kasi alam kung paano pa sasabihin rito ang gusto niyang sabihin, natatakot kasi siyang baka masira ang friendship nila ni Jeremy. " Gustong gusto ko ring makasama ka habambuhay, ayaw ko ring mawala kung anong meron saatin dahil mahalaga ka saakin Jeremy, nang dahil sayo naramdaman kong puwedi rin akong makisalamuha sainyo " Tingin rito ni Cindy at si Jeremy naghahalong kaba at takot ang nararamdaman niya habang hinihintay ang mga sasabihin pa ni Cindy " Kaya lang hindi naman sinabing mananatili lang kung anong meron saatin kung magiging tayo " Pakiramdam ni Jeremy tumigil ang mundo niya sa sinabi nito basta bumagsak ang kamay nitong may hawak na sing sing. " Anong ibig mong sabihin? " Natatakot nitong tanong sa puweding maging sagot ni Cindy. " Mas masaya kung kaibigan lang tayo " hawak niya rito " Isipin mo Jeremy kung sakaling maging tayo tas may mangyari saatin maaaring maapektohan ang friendship natin o kung anong meron saatin ngayon" " At sinong nagsabing may mangyayari saatin? Pinaghirapan kita kaya hindi yon mangyayari " " Pero hindi natin alam ang mga mangyayari " " Edi! wag na natin isipin yon ang mahalaga e kung anong meron ngayon, kung anong ngayon, wag nating isipin ang nakaraan o ang mga mangyayari pa lang " Pagyakap rito ni Jeremy bigla habang natatakot sa mga susunod pang sasabihin ni Cindy " Hindi ko kayang wala ka Cindy mahal na mahal kita " tingin rito ni Jeremy habang nakikiusap ang mga mata nito. " I can't emagined my existence without you " natatakot oa nitong sabi. " Hindi naman ako mawawala, ayaw ko lang na may mabago sa kung anong mayron saatin as a friend " sabi pa rito ni Cindy " At naiitindihan kita pero sana intindihin mo rin ako Jeremy, mahalaga ka saakin kaya ito ang disesyon ko at sana irespeto mo yon " Isang napaka higpit na yakap ang binigay rito ni Jeremy habang umiiyak at si Cindy hindi niya rin maiwasang malungkot at ngayon sigurado na siya sa nararamdaman niyang kaibigan lang ang turing niya kay Jeremy na lahat nong nararamdaman niya ay kaibigan lang at ayaw niya itong mawala. " I'm sor___ " " Hindi! wag kang magsorry naiitindihan kita " Pagputol ni Jeremy sa sasabihin ni Cindy " Hayaan mo mawawala rin ito mahal lang kasi talaga kita " Pilit na ngiti ni Jeremy kaya pakiramdam ni Cindy parang biniyak rin ang puso niya habang tinitingnan ang malulungkot na ngiti ni Jeremy. " Okay lang ba kung mauuna kang umuwi? " Tingin rito ni Jeremy agad namang sumunod rito si Cindy hindi niya rin kasi kayang panoorin si Jeremy nang ganito dahil sa kanya at napalingon siya sa likuran niya ng maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. " Ihahatid lang po kita Ma'am, utos ni Señorito " sabi nong driver ni Jeremy habang sumusunod sa kanya at hindi niya maiwasang malungkot ng makitang nakaupo sa may damohan si Jeremy habang nakatingin sa taas. " Sorry Jeremy.... " At yon naglakad na nga ito pauwi at buong gabi siyang hindi pinatulog ni Jeremy masakit rin kasi sa kanya ang ginawa niya, hindi niya inisip na ganon ang kahahantongan sa pagpayag niyang ligawan siya nito pakiramdam niya pinaasa niya ito kahit sinabihan rin naman niya sa una palang na maaaring hindi niya ito magustohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD