KINABUKASAN: Maagang sinundo ni Jie si Cindy kahit wala naman silang usapan.
“ Mga 9 pa naman ang play namin “ sabi rito ni Cindy habang naglalakad sila papunta sa sasakyan ni Jie.
“ Syempre kailangan mong maging maganda para sa play niyo bakit gusto mo bang sabihan ka na naman nila ng mukhang lola?! “ lingon rito ni Jie.
“ Hindi naman kailangan”
“ Kilangan! Dahil kailangan natin ipamukha sa hipong kaibigan na yon ni Kristine na mas maganda ka sa kanila at ako ang bahala doon! “ magsasalita pa sana si Cindy pero pinigilan siya ni Jie. Si Jeremy naman gaya ng daily routine niya ang katokin ang kwarto ni Cindy at sabihin ritong pumasok na sila pero nagtaka siya ng wala doon si Cindy kaya hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka iniiwasan siya ni Cindy o baka galit ito sa kanya kaya napilitan na rin itong pumasok ng maisip na baka nauna na ito at kagaya niya naghihintay din si Aethan sa school pero hindi pa rin dumadating si Cindy hanggang sa naihanda na ang lahat at magpaplay na sila. Sila kasi ang unang magdadrama at 15 minutes lift na lang kaya hindi tuloy nila maiwasang mag-alala.
“ Aethan na saan ba si Cindy? “ nag-aalalang tanong ni Jeremy ganon din sina Leo.
“ Hindi ko alam” nag-aalalang sabi ni Aethan “ Nica maghanda ka dahil sa oras na hindi dumating si Cindy ikaw ang kukuha sa role niya madali ka lang naman makasaulo at isa pa higit kanino man ikaw ang nakakaalam ng script niya “ magkapatid kasi sa istoryang ito si Cindy at Nica at abot tenga naman itong sumagot pagkwan pumunta si Aethan sa office ni Ma’am Villasore pero nakasalubong niya ito ng papalabas na siya sa stage kung saan papasok naman si Maam Villasore.
“ Saan niyo dinala si Cindy?” masamang tanong rito ni Aethan.
“ What do you mean?” nagtatakang tanong ni Rachel.
“ Higit kanino man wala ng tao ritong gustong pahiyain ang grupo ko o ako kaya alam kong kasali ito sa plano mo para pahirapan ako at umalis dito kaya ilabas niyo na si Cindy”
“ Ano bang pinagsasabi mo?”
“ Puwedi ba kilala na kita! At alam kong natutuwa ka ngayon dahil nag-aalala ako pero ito lang ang tatandaan mo sa oras na may masamang mangyari kay Cindy isusumpa kita! Sinisigurado ko sayong hindi kita mapapatawad ‘’
“ But___” Hindi na natuloy ni Rachel ang sasabihin niya ng talikuran siya ni AETHAN, nagsimula na kasi ang play at kagaya kanina ganon pa rin ang mukha ni Jeremy kaya nakakasigurado siyang wala pa rin si Cindy.
‘’ Unang kita ko pa lang sa kanya umibig na ako, ang mga ngiti niya, ang mga mata niya, at yong boses niya tela musika saaking pandinig” sabi ni Jeremy o linya niya sa script nila dahil nagsimula na ang play.
“ Kilala ko ba yang minamahal mo? Tanong ng ka co-actor niya at sa part kasing ito ay lalabas na si Cindy o yong role ni Cindy at hindi maiwasang malungkot ni Jeremy habang iniisip na si Nica ang gagampan sa role ni Cindy paulit ulit pa naman nila itong pinractice sa condominium nila at mas confident sana siya ngayon kung si Cindy pa rin ang katambal niya, si Aethan naman naghahalong kaba at pangamba habang iniisip ang drama sa kung paano ito gagampanan ni Nica at yong maisip niyang baka may masamang nangyari kay Cindy kaya masama siyang lumingon sa step mom niya pero natigilan siya ng magsenyas itong tumingin sa harapan at diretso agad ang mata niya sa babaeng lumalabas mula sa stage na nakasuot ng white dress na off shoulder na lampas tuhod kitang kita rito yong collarbone at hubog ng katawan ni Cindy at yong buhok niya ay medyo curly yong parang buhaghag pero ang sexy ng dating mahahaba kasi ang leeg ni Cindy kaya ang hot niya sa suot niya, yong disenteng inosente tingnan kaya si Aethan nakanganga habang nakatingin rito. Si Jeremy naman hindi makapagsalita basta napatayo na lang siya ng dahan dahan habang nakangiti at hindi maalis ang tingin kay Cindy.
“ Ang ganda niya “ bulongan ng mga estudyante hindi pa nga makapaniwala yong iba na si Cindy yon malalaki kasi siya magdamit tas simple lang, isang beses nga lang makapagpulbo sa isang araw. Yong mga kasama naman ni Kristine insecure na insecure habang Kristine okay lang kasi maganda naman kasi talaga siya at si Jie ayon kanina pa nagyayabang ang mga tingin niya habang nakatingin sa kaibigan niya. At pagkatapos ng drama mabilis na tumayo si Aethan para puntahan sa back stage si Cindy pero natigilan siya ng sundan siya ni Rachel.
“ Naniniwala kana bang wala akong kasalanan? Sinabi ko naman sayong wala akong kinalaman “
“ Nagtataka ka pa bang pinaghinalaan kita?! tsk! Wala ka rin namang ginawa kundi pahirapan ako” tingin rito ni Aethan “ O ano masaaya kana ba ngayong makita akong tinitingnan ang mahal kong nakikipag lambingan sa ibang lalaki? Massaya kana ba doon? Tsk! Kung ako sayo magpaprty ako alam mo kung bakit? Dahil nahihirapan ako kanina habang pinapanood si Cindy at Jeremy parang dinudurog ang puso ko kaya magpakasaya kana! Yon naman ang gusto mong mangyari diba?! " pagkasabi nun ni Aethan umalis na ito at kagaya ng madaalas mangyari wala na namang nagawa si Rachel kundi ang umiyak habang tinitingnan si Aethan at sisihin ang sarili niya.
“ Wala naman akong intensyon sa pagpili ko kay Cindy at Jeremy suit kasi kay Cindy ang role kaya paniguradong maganda ang labas ng play nila pero hindi ko naisip na ganon pala ang epekto niya kay Aethan "
‘’ Ang ganda mo Cindy ah “ puri rito nila Leo kaya nahihiya tuloy siyang tumingin sa mga ito.
” Thanks to me “ pagdating ni Jie habang nakangit mamaya sumunod rito si Aethan.
“Ang ganda mo Cindy muntik na kitang hindi makilala “ sabi rito ni Jeremy “akala ko pa naman hindi ka na talaga darating “ masayang sabi ni Jeremy.
“ si Jie kasi kung anu anong ginawa saakin muntik na tuloy kaming hindi umabot ” nahihiya pa nitong sabi.
“ Ang ganda mo!” natahimik naman si Cindy sa sinabi ni Aethan hindi niya alam lahat naman sila tumawag rito ng maganda pero bakit iba yong naramdaman niya sa sinabi ni Aethan.
“ Total sa tingin ko success naman tayo ngayong araw baka puweding kumain tayo sa labas “ aya ni Grey.
“ Oo nga pero sana sa labas tayo “ suggest ni Leo pagkwan tumingin silang lahat kay Aethan.
“ pumayag kana President ako ang taya “ sabi ni Jie tumango naman si Aethan kaya ayon lumabas na sila at si Jeremy ito hawak hawak ang braso ni Cindy sa totoo lang naiinis rin siya rito kahapon pero dahil nga sa may mala anghel itong ngiti parang okay na sa kanya ang lahat si Aethan naman nakatingin lang sa dalawa habang nagkukwentohan tas mamaya tatawa pinapakinggan naman niya ang usapan nila pero wala tlagang nakakatawa, nagkakaitindihan lang talaga itong dalawa. At sa isang sikat na restaurant sila kumain kaya hindi tuloy maiwasang manliit na naman ni Cindy habang tinitingnan niya sina Jie habang nakikipag-usap kina Leo makikita mo kasi sa mga kilos nilang mga anak mayaman talaga kaya napatingin na lang si Cindy sa damit niya habang iniisip kung bagay niya ba ito.
“ Bagay mo yang suot mo “ napalingon naman si Cindy sa biglang pagsasaalita ni Aethan sa likod niya habang nasa pintuan siya nagpahuli kasi siya kaya ganon na lang siyang nagulat ng magsalita ito sa likod niya.
“ Salamat!” hindi niya pagtingin rito at naglakad na nga ito papunta kila Jie kaya nagtaka tuloy si Aethan kanina pa kasi niya napapasing iniiwasan siya ni Cindy wala naman siyang maisip na puwedi niyang ikagalit. At yon sumunod na rin siya rito at kagaya ng madalas mangyari pagmagkakasama sila sobrang ingay nila, minsan nga pinagtitinginan sila ng mga ibang costumer nagsosorry naman sila pero mayamaya nag-iingay din basta si Aethan lang ang tahimik habang ninanakawan ng tingin si Cindy at nauhaw siya bigla ng uminom si Cindy at kitang kita nito ang bawat paglunok ni Cindy o ang leeg nito, at nong matapos silang kumain bumalik na rin sila sa school at noong uwian kay Aethan nakasabay si Cindy, si Jeremy naman pinauwi na naman ng mommy niya namimiss daw kasi niya. At kagaya kanina hindi rin kinikibo ni Cindy si Aethan kaya nong bumaba ito mabilis siyang sinundan ni Aethan.
“ Galit ka ba saakin?”
“ Bakit naman ako magagalit? Ikaw nga si Aetha s***h the genious one so anong karapatan kong magalit sa tulad mong alam ang lahat?!” Lingon rito ni Cindy.
“ Galit ka nga, Ang liit ng sinabi ko ang haba ng sinabi mo” tingin rito ni Aethan.
“ HINDI!” asar nitong sabi.
“ Anong klaseng sagot yan?”
“ sabi mo ang haba ng sinabi ko kaya galit ako, kaya ayan pinaikli ko! “
“ OKAY! SORRY…” natigilan naman si Cindy sa sinabi ni Aethan isa kasi ito sa ayaw niya sa kanya ang hilig niya kasing magsorry.
‘’ Okay na ba?”
“ Oo! Kaya umuwi kana!” pagtalikod nito pero natigilan siya ng pigilan na naman ito ni Aethan.
“ Ano bang nangyari? Anong ginawa ko? Sabihin mo para magawan ko ng paraan ”
“ Wala kang ginawa kaya wala kang gagawin”
“ Alam mo Cindy nakakapagod rin yong ganito! Pakiramdam ko kahit anong gawin ko, kahit mahalin kita ng mahalin hindi mo ako makikita palagi mong sinasabing ang hirap kong pakisamahan dahil nakafucos lang ako sa sarili ko pero alam mo Cindy mas mahirap kang pakisamahan dahil nakakulong ka sa nakaraan mo at puro ibang tao ang iniisip mo dapat isipin mo rin ang sarili mo! " asar ritong sabi ni Aethan pagkwan humarap rito si Cindy.
“ Edi! itigil na natin ito!”
“ Walang tayo para itigil mo at kung ganon nga kadaling gawin yon ginawa ko na kaya lang tuwing iisipin kong wala ka sa buhay ko nakakawalang gana mabuhay kasi nandito kana Cindy at kahit anong gawin ko hindi kana maalis rito!” Naiinis ritong sabi ni Aethan habang nakahawak sa dibdib niya.
“ Puwes itigil mo na yan bago pa lumala sinasabi ko sayo…! ” Hindi alam ni Cindy pero ayaw lumabas sa bibig niya ang mga katagang palagi niyang sinasabi kay Aethan na maaaring hindi niya ito magustohan.
“ Ano bang problema bakit ka ganyan? Kahapon pa yan, yong mga tawag ko nireject mo tas ngayong araw halos hindi mo ako pansinin, sabihin mo…? Si Jere-my ba ang dahilan?” titig rito ni Aethan pagkwan tumalikod siya ng nakatitig lang din rito si Cindy.
“ Pumasok kana…” ramdam ni Cindy ang bigat ng nararamdaman ni Aethan sa boses nito iniisip niya kasing si Jeremy ang dahilan bakit ganito si Cindy o iniisip nitong si Jeremy na ang napili ni Cindy.
“ Oo tama ka! naiinis ako at nagagalit ako, nagagalit ako sa sarili ko!! ” natigilan naman si Aethan ng magsalita si Cindy “ Pakiramdam ko kasi tama yong sinasabi nila na sinisira ko lang ang school, ang mga taong nandoon, at ikaw “ naiiyak na sabi ni Cindy “ Dahil saakin nag-away si Jeremy at Kristine, dahil saakin may nangyayaring bullying sa school niyo na maaring makasira sa reputasyon nito, nang daahil saakin nag-aaway away ang mga taong nakapaligid saakin, at ngayon naman ang team niyo nila Jeremy o kayo ni Jeremy! “ Nakayuko nitong sabi habang umiiyak pinuntahan naman ito ni Aethan at niyakap.
“ At anong kasalanan mo doon? Nag-away si Jeremy at Kristine dahil magkaiba sila ng paniniwala ayaw suportahan ni Jeremy qng mga gusto ni Kristine, may nangyayaring bullying dahil saamin dahil ayaw nilang gustohin ka namin, at yong kami ni Jeremy wala yon.. kami lang makakaitindi non kaya wag ka nang umiyak at tigilan mo na ang kasisisi sa sarili mo dahil wala kang kasalanan “ Pagpunas ni Aethan sa luha nito hindi naman nagsalita pa si Cindy, hindi niya alam pero pagsi-Aethan ang nagsasalita pakiramdam niya naiitindihan nito agad ang nangyayari kaya gumagaan ang pakiramdam niya.
“ Akala ko naman si Jeremy ang pinipili mo “ pagngiti na rin ni Aethan “ pinakaba mo ako, pasaway ka talaga” paggulo ni Aethan sa buhok ni Cindy.
“ Si Jeremy? ” Pagkwan tumitig rito si Aethan habang hawak hawak nito ang mukha ni Cindy.
“ Sino ba saamin Cindy? “ Natigilan naman bigla si Cindy sa tanong nito at hindi siya makakilos ng medyo iangat ni Aethan ang mukha niya at unti unti ritong nilalapit ni Aethan ang mukha niya pakiramdam niya biglang lumamig basta hindi na nagpafunction ang utak niya nakatingin lang siya rito at napapikit siya ng maramdaman niya ang labi ni Aethan sa labi niya pakiramdam niya biglang tumahimik ang buong mundo at tanging pintig lang ng puso nila ni Aethan ang naririnig niya pero mga ilang segundo natapos lang yong halikang yon smack kiss lang, alam rin naman ni Aethang hindi pa sila ni Cindy at nirerespeto niya ito nadala lang siya sa mga titig rin ni Cindy. Kaya lang si Cindy nakatingin pa rin siya rito.
“ Ang leeg mo wag mo masyadong pinapakita” para kasi kay Aethan ang sexy ng leeg ni Cindy at tuloyan namang nagising si Cindy sa pagsasalita nito at biglang namula ang pisngi nito sa hiya ng maalala ang halikan nila ni Aethan kaya mabilis itong tumalikod saka umalis hindi naman ito tinanong pa ni Aethan habang iniisip ang naging reaction ni Cindy.
‘’ Dapat ba akong magsorry doon? pero wala naman akong naramdamang kahit anong pagtutol mula sa kanya? Pambihira kung bakit kasi ang sexy niyang tingnan sa ayos niya pero sandali girlfriend ko ma ba siya? Kaya lang wala naman siyang sinabi? “ Napangiti na lang si Aethan ng maisip na baka girlfriend na niya si Cindy at napahawak sa labi niya habang kinikilig ng maalala ang paghalik niya rito.
‘’ Anak nang___ Ahhhhhhhh!” sigaw nito sa kilig.