Chapter 14

3108 Words
‘’ Cindy magpakasal tayo!!!’’ gulat na gulat naman ako sa lumabas sa bibig nito pero bago pa ako makapag react tinamaan ito kay Aethan ng batok. ‘’ Ano ba marriage booth lang!’’ hawak nito sa binatokan sa kanya ni Aethan saka ako hinila at dinala sa sinasabi niya at nandoon rin naman sina Leo at ilan sa mga kaklase namin at ang ganda ganda ngayon sa school ibang iba siya pagwalang program ngayon parang buhay na buhay ang daming mga entertainment section kahit saan ka tumingin at bawat isa nakacostume ang bawat estudyanting naka assign rito kagaya nong sa horror house, merriage booth, at ibp. ‘’ E ano bang meron diyan at saka kasal kasalan? Ano bang makukuha natin diyan? ‘’ tanong ko kay Jeremy pero napalingon ako kay Aethan ng nagpigil ito ng tawa ano bang mali sa sinabi ko. ‘’ O sige na nga ‘’ Sagot ko rin kay Jeremy ng nakasimangot na ito at mayamaya nakita ko yong ngiti niyang akala mo nanalo ng lotto mabilis niyang hinawakan ang braso ko para pumunta doon pero natigilan kami ng hawakan din ni Aethan ang isang braso ko at pigilan kami. ‘’ Hindi ka magpapakasal!’’ ‘’ Aethan ano bang problema mo kung magpakasal kami hindi naman yan totoo at isa pa pumayag naman si Cindy’’ lingon nito saakin saka kinuha yong isang braso kong hawak hawak ni Aethan pero mahigpit itong hinawakan ni Aethan at tumingin nang masama kay Jeremy. ‘’ Bitiwan mo siya’’ seryosong sabi ni Jeremy iwan ko ba kung anong problema nila e katuwaan lang naman yan. ‘’ ano bang problema niyo?! kung gusto niyo magpakasal tayong tatlo! ‘’sabi ko sa mga ito para matigil na sila paano kasi kung wala ako sa gitna nila baka nakuryente na ang mga ito grabe kasi ang mga titigan parang may kuryenting dumadaloy rito. ‘’ HINDI PUWEDI! ISA LANG DAPAT!!!’’’ sabi pa nila habang nagtititigan at hindi ko na alam ang gagawin ko basta hinihila ako ni Jeremy ganon din itong si Aethan baka nasapian na naman ng Yokai. yong yokai na isip bata tsk! Malapit na rin siyang maging Jeremy II. ‘’ Whoaaa! Kalma lang’’ pag-akbay ni Leo sa dalawa buti na lang dumating sila. ‘’ Anong nangyayari sa inyo? ‘’ pagtanggal ni Grey sa pagkakahawak ng dalawa saakin. ‘’ Iwan ko pinag-aagawan nila yang merriage booth!’’ iwan ko na naman kung anong meron basta nagtawanan na naman sila sa sinabi ko pero seryoso lang si Jeremy lalo na itong si Aethan. ‘’ ANO BA?!!!’’ naasar kong tingin sa mga ito kaya tumahimik naman sila bigla. ‘’ Okay, pinag-aagawan niyo si Cindy’’ Ani Grey ‘’ anong ako?! sabing yang merriage booth pareho nila gustong maglaro niyan sinabi ko namang kaming tatlo na lang tsk! Mas masaya yon’’ iwan ko kung anong meron sa sinabi ko basta nakanganga lang sila ‘’ E ano nga ba yan?! Wala naman kasing ganyan saamin’’ naaasar kong sabi sa mga ito feeling ko kasi may hindi sila sinasabi e. ‘’ Isa yan sa sagradong entertainment activity ng school every foundation day, hindi yan basta laro lang dahil kung sino man ang ikakasal diyan magiging couple sila dito sa campus o mag-asawa kung saan walang puweding lumigaw o lumapit sayong lalaki ng walang permeso ang sino mang makasal sayo’’ pagpapaliwanag ni Grey kaya gulat na gulat naman akong lumingon kay Jeremy kaya agad itong umiwas ng tingin saakin. ‘’ KAYA BAWAL KANG MAKASAL!’’ lingon saakin ni Aethan. ‘’ Dito lang naman yon sa campus, Cindy’’ sabi pa ni Jeremy at hindi naman ako makapagsalita gustong gusto kasi talaga niya at wala naman akong rason para hindi pumayag wala ri naman akong nakikitang masama pero iwan ko pagnakikita ko si Aethan para bang may pumipigil saakin pero natigilan kaming lahat ng biglang hilain ng assign doon sa merriage booth si Aethan at hindi ko alam pero parang may humila rin saakin para pumunta sa pinagdalhan nito kay Aethan. ‘’ Makakasal siya?’’ bulong pa ng isip ko. SOMEONES POV: Walang magawa si Aethan kundi sumunod sa paghila rito ng mga assign sa merriage booth may batas kasi sa foundation nila ang KJ’S NOT ALLOWED’ tuwing foundation day pero kitang kita rin sa mga humihila sa mga mukha nila ang takot, si Aethan kaya itong hawak hawak nila puwedi kasi rito yong surprise merriage kumbaga yong may crush ka tas dadalhin sa altar but hindi puwedi yong sapilitan kasi in case na ayaw ding magpakasal nang pakakasalan mo puwedi siyang umayaw. ‘’ Pasensya na President pero may gusto po kasing magpakasal sainyo ‘’ sabi pa ng humila rito ng madala siya sa altar at bago pa niya malingon itong sinasabi nilang magpapakasal sa kanya ay bigla itong yumakap sa braso niya. ‘’ Ikasal niyo na kami! '’ masayang sabi ni Kristine at ganon na lang ang ngiti nito ng lingonin siya ni Aethan. ‘’ Kristine?!’’ masamang lingon rito ni Aethan pagkwan tumingin din rito si Kritine ng seryoso. ‘’ Do this for me as a favor and I will do a favor also to you! “ natawa naman si Aethan sa sinabi nito yong slight lang, ano nga rin ba naman ang kailangan niya rito pero natigilan siya ng maalala niya si Cindy alam naman niya kasing siya ang may kagagawan sa lahat ng nangyayari rito kaya lang wala naman siyang ebidensya para parusahan ito at sa sinabing iyon ni Kristine chance na niya ito para tuloyan ng matigil ang pagpapahirap nito kay Cindy, ang gawin ang favor nito at ipagawa rin dito ang favor niya at yon ay ang tigilan na niya si Cindy. ‘’ Anything you want?! I just want to assure that you’re mine at least here in campus please... Aethan?! “ tumahimik naman si Aethan at tumingin sa harapan at base sa kilos niya pumapayag siya kaya ganon na lang ang yakap rito ni Kristine. At yong mga nakapalibot sa kanila ganon na lang ang sigawan boto rin kasi ang lahat kay Kristine para kay Aethan para sa kanila kasi bagay na bagay ang dalawa parehong fame, mayaman, at match na match ang mga mukha nila. Kaya lang natigil bigla yon ng tanggalin ni Aethan ang pagkakayakap ni Kristine sa braso nito at tumingin sa direksyon ni Cindy bigla kasi itong inubo. ‘’ Pasinsya na…” alanganin nitong ngiti habang naglalakad paatras sabay sabay kasi nila itong tiningnan ng masama pero hindi na siya lumingon sa direksyon nila Aethan sa totoo lang kaya siya inubo e kasi nararamdaman na naman nito ang pagsikip ng paghinga niya kaya ayon inubo siya, iniisip niya kasing baka makahinga siya pag-umubo ito. At tuloyan na nga itong naglakad palayo sa merriage booth na yon. “ Sa iba ka na lang magpakasal ‘’ tingin rito ni Aethan kaya ganon na lang ang asar ni Kristine pagkatapos matauhan ni Aethan. ‘’ Pero ikaw ang gusto ko! ’’ ‘’ Hindi kita gusto!’’ pagtalikod nito para umalis pero natigilan siya ng hawakan ni Kristine ang kamay niya kaya napalingon siya rito. ‘’ Bakit ba ayaw mo saakin? Mahal na mahal naman kita ah at saka ano bang meron sa Cindy na yon?! e walang wala naman siya saakn” Naiiyak niya pa ritong sabi habang hawak hawak ang kamay ni Aethan ang dami namang nakatingin sa kanila. ‘’ Tama ka at maging ako hindi ko alam kung bakit ko siya gusto at ikaw wala ring dahilan pero ayaw ko sayo kaya TIGILAN MO NA AKO! ‘’ pagtanggal ni Aethan sa kamay ni Kristine habang nakahawak sa kanya at tumalikod ito para umalis pero napakunot siya ng noo nang lumuhod si Kristine at pigilan siya mula sa paa niya habang hawak hawak ito. “ KRISTINE PUWEDI BA WAG KANG GUMAWA NG EKSENA!” nahihiya nitong sabi sa asar. ‘’ Wala akong paki! Basta hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo sinasabing puwedi mo rin akong magustohan, na kahit papaano puwedi mo rin akong mahalin!!!” sigaw nito habang umiiyak kaya ang dami na namang nagbubulongan at kumuha rito ng video. ‘’ Nababaliw kana! tumayo ka diyan!” naiinis ritong sabi ni Aethan. ‘’ Please Aethan…. Gustohin mo lang ako kahit ano gagawin ko.. mahalin mo lang ako kaya kong maging kahit sino ‘’ naiiyak pa nitong sabi pagkwan pinunas niya ang luha niya ‘’ If you want... I’m willing to take a surgery para maging si Cindy please…. I’m begging you Aethan…?! ’’ pag-iyak pa nito, wala siyang pakialam sa mga schoolmates nilang nakatingin sa kanila. ‘’ Wala kang kailangan gawin! Kaya pakiusap tumigil ka na! ’’ pagtanggal ni Aethan sa pagkakayakap rito ni Kristine at naglakad. “ Bumalik ka Aethan kung ayaw mong sirain ko ito!!!!!” sigaw ni Kristine at tumigil naman siya ng bumalik si Aethan kaya agad siyang tumayo at ngumiti. ‘’ Baka nakakalimotan mo! Ako pa rin si Nathan Villasore, the Supreme Student Government President! At subokan mong gumawa pa ng eksena rito mag-isa mong aayosin ang gulong gagawin mo!!!’’ Natahimik naman si Kristine, nakakatakot kasi si Aethan pagnagalit si Cindy nga lang ang nakakahandle pagnagalit ito, nasanay na din kasi. “ At kayo kapag may nakita akong magpost ng nangyari ngayon mananagot siya saakin!” pagkasabi niya non umalis na siya sabay sabay naman silang nagdelete ng mga nakuha nilang litarato at video. ‘’ Tsk! Yong Cindy kasing yon sinadya talagang wag matuloy eh!! ” sabi pa nong mga estudyante mariin namang nakikinig si Kristine habang nanggagalaiti sa galit. ‘’ Papayag na yon si Aethan e pero umubo pa tsk! Sarap tanggalan ng lalamonan!!!’’ naiinis pa nilang sabi galit na galit namang naglakad paalis si Kristine at ang pangyayaring iyon ay nasaksihan nila Jeremy pero mas pinili niyang sundan si Aethan na hinahanap si Cindy at isa pa kilala niya itong bestfriend niya hindi rin ito mkakausap ng matino. ‘’ Aethan mag-usap tayo ‘’ Napalingon naman si Aethan sa tawag rito ni Jeremy ‘’ Alam kong ayaw mo kay Kristine pero sana hindi mo yon ginawa sa kanya kanina ‘’ sabi rito ni Jeremy at ngayon nasa may walang tao sila mamaya kasi may makavideo pa sa pag-uusaap nilang ito mahirap na ‘’ babae siya at sana irespeto mo man lang ang feelings niya para sayo “ ani Jeremy. “ Siya ang gumawa ng eksenang iyon kanina, walang umutos sa kanya at isa pa sinabihan ko na siya pero matigas ang ulo niya” “ Pero dapat initindi mo na lang hindi yong pinahiya mo! “ “ Wag mo nga akong pinangangaralan Jeremy tsk! Bakit gusto mo bang pakasalan ko siya doon? Para ano?! para hindi ako makalapit kay Cindy sa loob ng campus? Para masolo mo? Tsk! Hindi ako bobo at puwedi ba pagsabihan mo ang kaibigan mo! ‘’ pagkasabi niya nun umalis na ito, si Jeremy naman hindi makapagsalita natauhan kasi siya sa sinabi ni Aethan at napaupo siya ng marealize na kaya nga siya naiinis e dahil kay Cindy kung saan tama yong sinabi ni Aethan at hindi talaga dahil sa bestfriend niya. CINDY'S POV: Hindi ko alam pero bigla na lang talaga ako hindi makahinga habang pinagmamasdang ikakasal ang dalawa kanina kahit alam kong laro lang yon at saka ano rin ba kung ikasal si Aethan at Kristine e kung totoosin mas bagay nga naman sila at ramdam na ramdam ko yon para nga silang pinanganak para sa isa’t isa, tama si Kristine isa lang akong sampit rito at alikabok lang ako kumpara sa kanila. “ Bakit di mo ako pinanood?’’ pagsulpot bigla ni Jie habang nasa science park ako wala kasing tao rito. “ Naglaro kana ba?’’ tumango naman ito ‘’ Sorry akala ko kasi bukas pa ‘’ ‘’ It's okay nanalo naman e’’ pagyayabang nito pero sa ngayon nakangiti siya pero mas bagay niya yong mataray siya. At yon nag-usap na nga kami at pagsapit ng 3PM pumunta na kaming basketball court para panoorin sina Jeremy pero ito na naman yong mga tingin nila habang pinagbubulongan yong nangyari kanina. ‘’ Sikat kana naman pala ngayon’’ tawa ni Jie. ‘’ Ano ka ba hindi naman ako umubo, inubo ako” naasar kong sabi rito at natigilan ako ng marinig na hindi natuloy yong kasal at hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng saya at naiinis ako sa sarili ko hindi ko kasi ito makontrol bigla na lang ako nakakaramdam ng mga weird. ‘’ Doon tayo sa baba para Makita nila ang lucky charm nila “ paghila niya saakin sa baba bago pa ako makatanggi at mga ilang minuto dumating sina Kristine kasama ang limang babae, yong always niyang kasama sa p*******t saakin at Oo, ang gaganda nila at yong mga suot nila ang layo sa suot ko at napadiretso ako ng tingin ng sa tabi namin ito umupo dalawa nga lang ang pagitan namin. ‘’ What a badoy girl! tssst! Panahon pa ni Mommy ang ganyang pormahan e “ sabi pa ng kasama ni Kristine habang nakatingin sa suot ko nakapalda kasi ako ng mahaba at off shoulder na damit but actually okay naman siya ganito talaga ako manamit eh. basta kung anu ano pang pagpaparinig ang ginawa nila, naghihintay nga lang ako na may gawin sila saakin pero wala rin naman, hindi rin kasi namin pinapansin ni Jie basta nag-uusap lang din kami. At nakakabingi yong sigaw ng mga istudyante ng magsabi ang MC na magsimula na ang laro at gaya ng sabi ni Jeremy sina Jacob ang mortal nilang kalaban pagdating sa basketball at nong itapon ng referee ang bola agad pinag- agawan ni Jacob at nang team ni Aethan pero kila Jacob napunta ang ball at nong makashoot ito agad kumindat kay Kristine, kilig na kilig naman yong mga kasama nito pero si Kristine snob ang binigay kay Jacob saka tumingin kay Aethan. ‘’ Go!!! AETHAN!!!” “ JEREMY BABY!!!” “ AETHAN LOVE!!!” Yan yong malimit mong maririnig ngayon, mayron din sina Jacob o yong ibang naglalaro but mas marami sina Aethan. “ Ang pangit naman ng laro nila” bulong ni Jie kaya napalingon ako rito. “ Alam mo kasi once na nasa court si Jeremy at Aethan bihira lang nakaka shoot ang kalaban, perfect combination kasi ang paglalaro nila even thou magaling sa lahat si Aethan kailangan pa rin niya si Jeremy kung saan pagdating sa dunk sa kanya lang lahat pero napapansin ko hindi sila nagpapasahan ng bola’’ sabi ni Jie sa totoo lang kanina ko pa yon napapansin na ayaw ipasa ni Jeremy ang bola kay Aethan kahit nakikita niyang free ito, ganon din si Aethan. “ Tsk! Nagtataka ka pa diyan! kung nagawa mo ngang sirain ang friendship namin, ang teammates pa kaya nila! ” Pakiramdam ko parang boomerang yong sinabi ni Kristine kung saan paulit ulit kung naririnig ang sinabi niya pero imposible namang ako ang dahilan niyan pero maaari kayang nagkaka bad tripan na nga itong dalawa dahil saakin pero wala naman akong ginagawa at isa pa sinabi ko naman sa kanila na puweding wala akong magustohan sa kanila kaya imposibleng dahil saakin yang hindi nila pagpapasahan. SOMEONE'S POV: “ Hoy! Mahiya naman kayo sa katabi ko ang pangit ng laro niyo!!!!!” sigaw ni Jie kaya nakuha tuloy nila lahat ng attention sa loob kaya ganon na lang ang hiya niya, tahimik naman kasi ang lahat tas bigla siyang sumigaw ng ganon at kung nahiya siya paano na lang si Cindy. Kaya naman nakita rin nina Jeremy at Aethan ang kanina pa nilang hinahanap kaya bigla silang gumaling kahit hindi sila nagpapasahan. “ GO!!! AECIN!!!!” sigaw ni Grey kaya ganon na lang ang hiya ni Cindy pagkwan sinundan ito ni Leo “ GO!!! JERCIN!!! “sigaw nila kaya hiyang hiya na siya pagkwan nilingon niya ito sa likod niya kararating lang kasi ng mga ito at sa likod ng mga ito sila naupo. “ MGA CHILDISH!!!” lingon sa kanila ni Kristine pero nginitian lang nila ito at yong laro gumanda na pero hindi pa rin sila nagtutulongan at hindi alam ni Cindy saan titingin paano kasi wala ng nagchi-cheer sa pangalan nila Aethan at Jeremy kundi Aecin at Jercin lang dahil doon lang gumaganda ang laro kaya ganon na lang yong hiya niya dahil linilingon pa nong iba si Cindy habang nagchi-cheer kaya si Kristine umalis na kahit hindi pa tapos ang laro. “ Nga pala bukas pa daw ng morning yong play natin mga ball games daw ngayon “ bulong ni Grey kay Cindy kaya nong malapit ng matapos ang laro, yong seconds na lang ay nauna ng lumabas sina Jie at Cindy naiinis kasi siya sa dalawa dahil sa hindi pagcocoordinate sa isa’t isa pakiramdam niya kasi ang sama niya para maapektohan pati samahan ng basketball team ni Aethan kaya hindi na niya hinintay ang dalawa. “ Talaga sasabay ka saakin?” tanong ni Jie rito matagal na kasi niya itong niyayayang sumabay sa kanya pero laging tumatanggi si Cindy. “ Kung okay lang?” “ Of course but how about Jereemy and Aethan panigurado hahanapin ka nila” “ Pinanganak naman kaming magkakahiwalay kaya puwedi kaming magkakahiwalay” sabi ni Cindy ng walang gana. “ Alam mo kung iniisip mo yong sinabi ni Kristine tsst! Insecure lang yon naiingit dahil wala na sa kanya si Jeremy at wala siyang pag-asa kay Aethan! dahil sayo silang lahat” “ Jie talaga bang nag-eenjoy kayo sa mga ganyan? Hindi kasi magandang joke at isa pa hindi ko mapapatawd ang sarili ko pagmay nasira pa akong magkakaibigan rito o ano pa man” “ Ano ka ba wala kang sinisira okay?! and sorry kung nasabi ko yon pero masaya lang kasi ako kasi first time pa itong mangyari dito, si Aethan ang nag-iisang genious ng campus ay nainlove sa babaeng kinababaliwan rin ng the Jeremy of empire university pero alam mo hindi ko naman sila masisisi kung nagkagusto sila sayo iba ka kasi at isa pa napaka bait mo Cindy kaya nga gusto kitang kaibigan “ Ngumiti lang si Cindy sa sinabi nito at yon umuwi na nga sila pero kumain pa mona sila sa labas nangyaya kasi si Jie. At pagkarating ni Cindy nahiga na siya at pagkarating ni Jeremy kumatok ito agad sa kwarto niya pero hindi na niya ito pinansin nagkunwari siyang tulog ganon din sa mga tawag ni Aethan wala siyang sinagot rito naiinis kasi siya sa laro ng dalawa at naiinis siyang baka tama yong sinabi ni Kristine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD