Chapter 13

4964 Words
‘’ Kuya are you okay?’’ Tanong rito ng kapatid niya pagkatapos itong magising. ‘’ Oo, don’t you worry’’ pagtayo nito habang nakahawak sa tiyan niya, sa totoo lang pakiramdam niya nasusuka pa rin siya pagtungo nito sa banyo para maligo at mga ilang minute lumabas na rin siya para maghanda pumasok. ‘’ What’s that papasok ka? You look not okay ‘’ paglapit rito ng kapatid niya. ‘’ Okay lang ako’’ pagkuha nito sa uniform niya. ‘’ Hindi ka papasok Kuya " pigil niya rito " Halos masuka mo lahat nang laman ng tiyan mo kagabi kaya siguradong wala kang lakas’’ pagpasok ni Mrs. Rachel. ‘’ At sinong nagbigay permiso sayong pumasok sa kwarto ko?‘’ asar niyang lingon rito ‘’ Ano bang ginawa mo kahapon at nagsuka ka ng ganon?’’ hindi pagpansin ni Mrs. Rachel sa sinabi ni Aethan. ‘’ Just leave Rachel! Sumasama lang ang pakiramdam ko tsk! Wag kang umasta na para bang may concern ka at kung meron man tsk! Hindi ko kailangan! ’’ masamang lingon rito ni Aethan pagkwan pinuntahan ni Sam ang step mom niya. ‘’ Tita, don’t worry po ako ng bahala kay Kuya lumabas na lang po kayo ’’ wala namang magawa si Rachel kundi sumunod. ‘’ Are you sure na papasok ka Kuya? Nag-aalala pang sabi rito ni Sam. ‘’ Oo, don’t worry Alam mo namang paghindi ko kaya hindi ko pinipilit at alam mong ayaw kong nag-aalala ka kaya wag ka nang nag-iisip ng kung anu ano diyan ‘’ Ngumiti naman si Sam sa sinabi nito at pagkatapos niyang magbihis pumasok na ito. ‘’ Sir kamusta po ang pakiramdam niyo?’’ sabi rito ng driver niya kahapon nang makasakay siya habang nag-aalala sa nangyari rito kahapon. ‘’ Okay naman manong pero pakiramdam ko nalalasahan ko pa rin yong mga kinain namin ni Cindy " pagkwan naalala ni Aethan yong nangyari kahapon. FLASHBACK: PAGKAPASOK ni Cindy umalis na rin si Aethan habang abot tenga ang ngiti habang iniisip si Cindy at ang mga nangyari ngayong araw kung paano sila nag-enjoy. ‘’ Mukhang nagtagumpay kayo Sir ah’’ sabi rito ng driver habang nasa byahe sila. ‘’ You think?’’ ‘’ Oo Sir halata po kay Miss Cinding nag-enjoy siya at mukhang ganon rin kayo’’ hindi naman nagsalita pa si Aethan hindi kasi nagkakamali ang driver niya pagkwan pumikit siya pagkatapos makaramdam ng pagod sa paglalakad nila ni Cindy, first time niyang maglakad nang ganon pero natigilan siya ng madihag siya at nalasahan niya yong isda, street foods, o yong pinagkakain nila ni Cindy. ‘’ Manong may tubig kayo? ‘’ nakangiwi nitong tanong. ‘’ Wala Sir, bakit po? ‘’ ‘’ Bilisan mo na lang magmaniho ‘’ utos nito habang sinusubokang wag pansinin ang nararamdaman niya kung saan pakiramdam niya lalabas na yong mga kinain niya at hindi nagtagal dumating sila at kalalabas lang niya hindi na niya napigilang masuka. ‘’ Sir!! ’’ punta rito ng mga maid nilang nakakita sa kanya habang nag-aalala agad naman yon narinig nila Sam kaya mabilis siyang tumakbo palabas habang takot na takot pagganitong oras kasi inaabangan na niya sa may pintuan si Aethan. ‘’ Kuya what happen?’’ pagpunta niya rito kahit naaapakan na niya ang mga nasuka ni Aethan habang nag-aalala. ‘’ Sir ‘’ pagbibigay rito ng maid ng tubig. ‘’ Tumawag kayo ng ambulance or isakay niyo na si Kuya sa pinaka mabilis na sasakyan dito para madala na siya sa hospital!!!’’ sigaw ni Sam habang umiiyak akala mo rin mamatay na si Aethan natruama na ito sa sarili niyang hindi mawalan ng sakit at sa pagkamatay ng mommy niya kaya ganon na lang anv takot niya kapag nagkakasakit ang Kuya niya. ‘’ Okay lang ako ‘’ sabi rito ni Aethan para alisin ang pag-aalala ni Sam. ‘’ Anong okay?! e lumabas lahat ng kinain niyo ‘’ naiiyak pa nitong sabi pagkwan tinuro ni Aethan ang noo nito, ang madalas niyang gawin rito. ‘’ Okay lang si Kuya, halika na pumasok na tayo’’ hawak niya rito at doon rin ay kumalma ito ng maramdaman niyang mabuti nga ang kalagayan nito. ‘’ Anong nangyari?! Ano yong narinig kong nagsuka ka?’’ salubong rito ni Rachel pero parang walang narinig si Aethan at tuloy tuloy lang ito sa paglalakad si Sam naman nagawa pa naman niyang kausapin ang tita niya. ‘’ Sa tingin ko po nahilo lang po si Kuya but he’s fine now, don’t worry po’’ Ngiti ni Sam saka sinundan si Aethan wala namang nagawa si Rachel kundi makinig sa sinabi nito kahit nag-aalala siya. ‘’ Ano ba talagang nangyari Kuya?’’ natigilan si Sam ng ibigay rito ni Aethan ang phone niya saka nagtungong banyo para magtoothbrush agad naman niya yon tiningnan at napasigaw siya sa mga nakita niya rito. ‘’ So nagdate kayo ni Ate Cindy??!’’ sigaw pa nito at si Rachel bumalik na ito sa kwarto niya ng marinig ang sigaw ni Sam panatag na siyang alam na niya ang nangyari sinundan kasi siya niya ang dalawa para pakinggan kung anong nangyari kay Aethan mula sa pintuan dahil nag-aalala ito. ‘’ Oo '’ tipid nitong sagot habang nagtooth brush. ‘’ So kaya ka ba nagsuka Kuya dahil sa mga litratong ito?’’ tingin niya sa mga pagkain na dinner date ng dalawa pero imbis na masagot ito ni Aethan narinig na naman nitong nagsuka. ‘’ Haist! alam ko namang gusto niyo talaga si Ate Cindy pero hindi naman ibig sabihin nun gagawin niyo na kahit ano, kahit alam niyong hindi niyo kaya ‘’ sabi pa nito habang hinahagod ang likod ni Aethan pagkatapos nitong pumasok sa banyo. ‘’ Hindi ko naman ito naramdaman kanina tsk! At isa pa linulunok ko nga agad para hindi ko masyadong malasahan ‘’ sabi pa ni Aethan. ‘’ naku! ang Kuya ko in love na talaga’’ tingin pa rito ni Sam At pagkatapos nun pinilit na talagang matulog ni Aethan paghindi pa kasi siya matulog baka buong gabi siya magsuka ayaw niya kasi talaga nang isda o street foods lalo na ang amoy nito, END OF FLASHBACK: Pagkarating ni Aethan nakita na niya agad si Cindy habang naka upo kasama si Jeremy as usual nag-uusap na naman itong dalawa. ‘’ Good morning ‘’bati nila rito at pakiramdam niya nawala bigla ang nararamdaman niya ng makita nito ang maaliwalas na mukha ni Cindy. ‘’ Nakatulog ka ba ng maayos?’’ tanong rito ni Aethan at tumango naman rito si Cindy. ‘’ Ikaw bakit mukha kang matamlay? ‘’ sabay hawak ni Cindy sa noo ni Aethan at nagulat naman siya rito pero agad niya rin yong binawi ang aga aga kasi pinapakilig na ito ni Cindy. ‘’ Wala ka namang lagnat, may nangyari ba?’’ tanong pa nito. ‘’ Okay lang ako masyado kasing malamig sa loob ng sasakyan, yong aircon masyadong malakas’’ pagsisinungaling ni Aethan at iniwasan ng tingin itong si Cindy mamaya madulas pa siyang kaya siya ganito e dahil sa pinagagawa nila kahapon. ‘’ Nga pala kailangan nating magpractice mamaya sa dramang binigay na ni Ma’am yong bagong script para sa drama natin’’ napalingon naman si Aethan sa sinabi ni Jeremy. ‘’ ano naman ang theme?’’ Curious nitong tanong. ‘’ Ang nabunot kasi ng department natin na ipa-present ay love story yong tungkol sa nature, humanity, at iba pa ay sa ibang department at yon nga satin romantic love story daw ‘’ sabi ni Cindy at gulat na gulat sila ng hablotin ni Aethan ang script at binasa ang summary nito. ‘’ ANAK NANG___! BAKIT ANG PAPANGIT NG LINYAHAN NIYO!’’ asar nitong pagbasa sa script. ‘’ Sweet nga yan e ’’ Ngiti ni Jeremy kay Cindy. ‘’ Pero sang-ayon ako kay Aethan nakakatayo ng balahibo itong part na ito, PAG IBIG MO LANG ANG BUBUHAY SAAKIN ‘’ pagbasa ni Cindy sa script. ‘’ Pero okay naman ah ‘’ tingin pa rito ni Jeremy. ‘’ Anong okay diyan e masyadong childish!’’ sabi pa ni Aethan. ‘’ Oo, wala naman kasing ganyan sa totoong buhay dapat yong kapanipaniwala lang para matouch yong audience ‘’ ani Cindy. ‘’ Sang-ayon ako diyan Cindy ‘’ ‘’ Sus! Selos ka lang diyan e’’ pagtingin ni Jeremy sa ibang direksyon kaya natigilan naman si Aethan habang iniisip kung nagseselos ba talaga siya kaya si Cindy biglang nakaramdam ng awkwardness. At hindi nagtagal may pumasok na ring teacher at pagkatapos ng klase nila agad pumunta sa direksyon nila ang mga grupo nila sa drama para sa pagpapractice nila. ‘’ Mamaya pa ang practice may gagawin pa ako ‘’ Pagtayo ni Aethan saka lumabas, wala namang nagawa sina Jeremy kundi ang maghintay sa sinasabi niyang practice nila. ‘’ Ano namang gagawin ni Aethan e kailangan na nating mapractice ang drama dahil malapit na ang foundation day, daladala pa naman natin ang pangalan ng department natin at nakakahiya kung magkakalat lang tayo doon ’’ pag-uusap nila Leo sa canteen, si Cindy naman magkasam sila ni Jie. ‘’ Ayon sa girlfriend ko nasa SSG office siya ngayon para asikasohin yong nangyari kahapon o yong may kagagawan sa pambobully kay Cindy’’ sabi ng isa sa kasamahan nilanh may syota sa SSG members. ‘’ Alam niyo nag-aalala akong baka si Kristine ang may kagagawan sa nangyari kahapon e’’ sabi ni Grey kaya natahimik naman silang lahat. ‘’ Ano sa tingin mo Jeremy?’’ Hindi naman makapagsalita si Jeremy mahirap rin naman sa kanyang sabihing baka nga si Kristine ang may gawa e pati siya kutob lang din ang pinanghahawakasn niya. ‘’ Hayaan na nga nating mag-imbestiga si Aethan kung sakaling si Kristine’’ sabi nila Leo dahil naiitindihan nila si Jeremy at isa pa mahirap din sa kanilang may kampihan sila kay Cindy at Kristine pareho kasing malapit sa kanila ang dalawa. ‘’ President base sa pag-aaral namin sa nangyari kahapon wala po kaming nakitang kahit ano kung sinong may kagagawan nun malinis po ang pagkakagawa, yong mga CCTV po kasi ay tinakpan kaya wala pong kahit na anong ebidensiyang makukuha doon ’’ ‘’ Baka naman may kinalaman ang mga guard na nakabantay doon? ‘’ ‘’ Wala po President nakakasigurado kami doon ‘’ tumahimik naman si Aethan habang nag-iisip pagkwan tumingin siya sa mga ito. ‘’ Yong mga cellphone chineck niyo ba nang maayos? ‘’ Seryosong tanong nito. ‘’ Opo pero yong mga picture po ni Cindy sa ilan sa cellphong na confisquete ay hindi po tugma sa mga nakadikit sa labas ‘’ pagpapaliwanag ng mga SSG officers, umupo naman si Aethan habang naasar kung sino ba talaga ang may gawa nong nangyari kahapon. ‘’ Yong cellphone ni Kristine wala ba kayong nakita kahit ano?! ’’ ‘’ Wala po, kagaya ng sabi niyong halungkatin ang laman ng phone niya ay wala talaga kaming nakita’’ ‘’ Kung ganon sinong may gawa nin?’’ sa isip nito ‘’ sunogin lahat ng litratong iyan wala kayong ititira kahit isa!’’ sumunod naman sila rito. ‘’ Ginagalit talaga ako ng Kritine na yon !’’ naasar na bulong nito dahil malakas ang kutob niyang si Kristine ang may gawa nun kaya lang wala naman siyang ebidensya para patunayan yon kaya mas lalo siyang naiinis. ‘’ Makinig ka! gusto kong sundan niyo ang lahat ng kilos ni Kristine dahil nakakasigurado akong siya ang may kagagawan nang nangyari kahapon at kailangan nating makakuha ng ebidensya para matapus na ito! At kapag nangyari yon TATANGGALIN KO SIYA SA PAARALANG ITO!!!!’’ tumango naman ang dalawang SSG officials na kinausap ni Aethan. At wala ng may gumawa pa ng ingay nang tumahimik si Aethan habang tinitingnan ang lahat ng puwedi nilang makuhaan ng ebidensya pero gaya nga ng sabi nila walang kahit anong clue dito at hindi niya ito ginagawa dahil lang sa nararamdaman niya kay Cindy kung hindi ayaw na ayaw niya ng bullying at kay Cindy pa yon nangyayari pagkwan sumandal siya sa upuan habang naaasar dahil kapag naulit pa ang mga nangyari kahapon hindi na niya alam paano pa kokontrolin ang sarili niya, mamaya lumipat ang mata niya sa script ng drama nila na nakapatong sa mesa niya kaya mas lalong kumunot ang noo niya. ‘’ Isa pa yan eh, tsk! Sinasadya talaga ng Rachel na yon na inisin ako at talagang romantic love story pa ang napili niyang ipadrama saamin?! bwesit! Pati ba naman si Cindy gagamitin niya!’’ naasar na pagpikit ni Aethan. ‘’ Ano ba ito President?’’ napamulat si Aethan sa tanong ng SSG secretary, nagtatrabaho kasi ang parents nito sa company nila Aethan kaya naman nakakaya niya itong kausapin dahil feeling close ito rito. ‘’ Script ng drama namin ‘’ binasa naman ito ng kausap ni Aethan at nabasa niya rito ang pangalan ni Cindy at Jeremy kung saan sila ang leading actress at actor. ‘’ Hindi po kayo ang main actor? E diba si Cindy yong sinabi niyong babaeng gusto niyo kahapon?’’ tumango naman si Aethan. ‘’ Dumadagdag nga ang bwesit na script na yan! Kung bakit kasi director pa ako!’’ buntong hininga nito. ‘’ Edi! kayo naman pala ang director eh, madali lang yan kung ayaw niyong bidahan ni Cindy ang role’’ napatingin naman si Aethan sa sinabi nito. ‘’ Kung nagseselos kayo e___’’ ‘’ Anong nagseselos?’’ pagputol niya sa sasabihin nito ‘’ Bakit ba puro kayo selos diyan!’’ naaasar nitong sabi. ‘’ Yon po kasi ang inaasta niyo ngayon’’ ‘’ ANO!?’’ ‘’ Naiinis po kayo kasi love story ang ipa-play ni Cindy at Jeremy at dahil doon ayaw mong magpartner sila dahil naiisip mo yong eksenang gagawin nila at naiinis ka doon '’ ‘’ Nagseselos ba ang tawag doon?’’ tumango naman yong secretary nito kaya natawa na lang si Aethan dumadagdag kasi talaga ang script na ito sa inis niya hindi niya rin maitindihan kung bakit siya naiinis e drama lang naman ang gagawin ni Jeremy at Cindy pero ngayon malinaw na sa kanya. ‘’SELOS...’’ bulong pa nito ‘’ E paano naman hindi magagampanan ni Cindy ang role?’’ ‘’ Simple lang po ipapractice niyo sila tas as a director magcomment kana hindi bagay ni Cindy yong role or sabihing hindi niya kaya yong role o magdahilan kayo ng kahit ano tas sabihin mong papalitan siya’’ Gulat na gulat yong secretary nito ng hablotin nito bigla ang script at naglakad ng mabilis palabas pero mamaya bumalik din ito. ‘’ Salamat!’’ pagsilip nito at nagpatuloy umalis, agad namang pumunta ang ilan sa mga SSG officials sa secretry. ‘’ Galing ah si Aethan na alam ang lahat nagpasalamat sayo dahil tinuruan mo ‘’ ‘’ Hindi pa kasi naiinlove kaya walang idea sa salitang selos’’ tumango naman silang lahat sa sinabi nito. At mga ilang minuto dumating na rin si Aethan sa practice place nila at mga ilang minutong pagtext nito kay Cindy dumating na rin sila ininform na rin kasi niya sina Jeremy. At gaya ng tinuro sa kanya ng SSG secretary agad niyang pinasimula ang practice at nong sa mga ilang eksena na sina Jeremy paulit ulit niya silang sinasabihang mali kaya nakaka ilang take na sila. ‘’ Ano bang mali Aethan?’’ tanong ni Cindy kanina pa kasi sila paulit ulit. ‘’ Sa totoo niyan hindi suit sa character mo yong role o yong character ng babae diyan at isa pa wala kayong chemistry ni Jeremy, in other words hindi kayo bagay at hindi ka puwedi sa role na yan’’ nagulat naman ang lahat sa sinabi niya sa totoo lang gayang gaya ni Cindy, marunong kasi siyang umakting kaya si Nica abot tenga ang ngiti. Ang nangangarap makalove team ni Jeremy. ‘’ Kung yan ang napapansin mo okay lang saakin hindi rin kasi ako komportable sa role’’ aalis na sana si Cindy pero bigla siyang pinigilan ni Jeremy. ‘’ Kung ganon ayaw ko na rin sa role!’’ mas nagulat ang lahat sa sinabi nito ‘’ Kung hindi si Cindy ang partner ko then ayaw ko nang may partner na role!’’ Pagtingin ni Jeremy kay Aethan kaya ganon na lang ang titigan nila para ngang may kuryente ritong dumadaloy. ‘’ MABUTI! hindi na kayo ang bida!’’ ‘’ OKAY! ‘’ Paghila ni Jeremy kay Cindy sa isang upuan. ‘’ Teka lang, kung hindi sila ang bida edi sino na ang bida? Para saakin wala ng suit sa character ng mga tao diyan sa script maliban kay Jerremy at Cindy’’ sabi ni Leo na sinang ayonan ng lahat. ‘’ At isa pa kailangan na natin itong matapos mapractice agad dahil malapit na ang foundation day at nakakahiya naman kung magpapresenta tayo doon ng basta basta lang,.tandaan niyo department natin ang daladala natin ‘’ sabi pa ng grupo nila. ‘’ AYOSIN ANG PAG-ACTING! From the top’’ sigaw ni Aethan, natauhan kasi at isa siyang matalinong tao kaya alam niya itong pinagsasabi nila at gaya ng madalas nilang gawin sumunod silang rito at naiinis talaga siya tuwing may mga sweet moment kaya natigilan silang bigla ng tumayo ito at naglakad palabas. ‘’ NAKAKABOBO MA-IN LOVE ’’ bulong pa ni Aethan at mga ilang minute bumalik din ito kasama ang driver niyang may dalang pagkain. ‘’ Magpahinga muna kayo’’ sabi nito, nagpatuloy pa rin kasing magpractice sina Cindy kahit wala ito dahil iniisip nilang hindi nila ito nakukuha at gusto nilang magustohan ni Aethan ang acting nila. ‘’ Salamat Aethan’’ sigaw ng grupo niya. ‘’ Bakit ayaw mong kumain?’’ tanong rito ni Cindy habang kumakain. ‘’ Busog ako!’’ seryoso nitong sabi. ‘’ Kumain ka kahit kunti tsk! Ikaw lang ang hindi kumakain oh!’’ ‘’ At sa tingin mo papasok pa yan sa mga nakita ko!’’ Nagtaka naman si Cindy sa sinabi nito hindi niya kasi nagets, ang team AeCin naman biglang inubo. ‘’ O magtubig kana lang mamaya ubohin ka rin tulad nila’’ pagbibigay niya rito ng mineral water pero tiningnan niya lang ito ‘’ Kill joy nito’’ ‘’ Akin na lang Cindy ‘’ pagkuha rito ni Jeremy pero bago pa niya ito mainom mabilis itong kinuha ni Aethan at ininom. ‘’ Hindi ako kill joy ‘’ tumingin lang rito si Jeremy. At pagkatapos nilang kumain nagpractice na silang muli. ‘’ Makinig kayo! Ayosin niyo ang practice dahil una at huli na itong practice natin’’ nagulat na naman ang lahat sa sinabi nito. ‘’ Pero Aethan___’’ ‘’ Pang-entertainment lang naman itong drama natin ‘’ pagputol ni Aethan sa sasabihin ni Leo ‘’ Kaya mas kailangan nating itindihin ang ibang activities na sasalihan natin kung saan may goals tayong kukunin at yon ay ang manalo’’ na convince naman nito ang mga ito kaya wala ng may nagsalita pa ‘’ Wag kayong mag-alala hindi tayo uuwi hangga't hindi na paperfect maliwanag?!’’ sumang-ayon ayon naman silang lahat rito. ‘’ Sige na magsimula na!’’ gaya ng sabi niya yon na naman ang nasunod at mga midnight na nong matapos sila. ‘’ Saakin ka sasabay Cindy gabi na masyadong dilikado kung magbibisekleta kayo ‘’ ‘’ Pero baka mawala yong besekleta ko’’ ‘’ Wag kang mag-alala akong bahala’’ ‘’ O sige, Jeremy halika na’’ Hindi naman nagsalita pa si Aethan sa pagyaya ni Cindy kay Jeremy, gabi na rin kasi kaya hindi safe maglalabas ng ganitong oras at yon sumakay na nga sila para umuwi at ngayon sa may likuran umupo si Cindy. ‘’ Cindy tumingin ka sa labas ang daming bituin’’ napangiti na lang si Jeremy ng paglingon niya rito nakatulog na pala ito. ‘’ Pagod na pagod siya dahil sa ginawa mo’’ napalingon naman si Aethan sa sinabi ni Jeremy. ‘’ Bobo ako pero pagdating kay Cindy nagiging matalino ako at alam ko kung bakit ayaw mong magpractice ulit at kung bakit ayaw mong siya ang magplay nang role sa bidang babae’’ sabi pa ni Jeremy hindi naman nagsalita pa si Aethan. ‘’ Ang sabi mo saakin noon maglaban tayo ng patas pero base sa mga kilos mo hindi ka lumalaban ng patas, ginagamit mo ang kapangyarihan mo para kontrolin siya mula saakin’’ ‘’ Tsk! Ikaw nga ginagamit mo ang closeness niyo nong siya pa si Julian para makadikit sa kanya palagi at Jeremy patas lang tayo dahil ang ginagawa ko para ilayo sayo ay yon rin naman ang ginagawa mo saakin sa kanya hindi ba? ‘’ ‘’ Kung ganon maglaban tayo ng walang rules na sinusunod lalaki sa lalaki,nagmamahal sa nagmamahal! sa madaling salita kung anong gusto kong gawin sa kanya wag kang nakikialam ‘’ seryosong sabi ni Jeremy kaya napalingon rito si Aethan ng ilahad ni Jeremy ang kamay niya. ‘’ Kung yan ang gusto mo ’’ pagtanggap nito sa hamon ni Jeremy pagkwan dumating sila at saktong huminto ang sasakyan at nagsalita ang driver ng malakas dahilan para magising si Cindy. ‘’ Pasensya na kung nakatulog ako ‘’ pagbaba nito at mabilis namang sumunod rito si Jeremy. ‘’ Sandali Cindy ‘’ pagpunta rito ni Aethan dala ang bag nito. ‘’ Salamat inaanok kasi ako kaya hindi ko napansin’’ nagulat si Cindy ng yakapin ito bigla ni Aethan, si Jeremy naman gustong gusto niyang hilain si Cindy at ilayo kay Aethan pero gaya ng usapan nila nanood lang ito habang nakakunot ng noo. ‘’ Sorry at napuyat ka ng dahil saakin ‘’ paghagod ni Aethan sa buhok nito. ‘’ Ano ka ba lahat naman tayo napuyat at saka school activities yon’’ sabi rin ni Cindy habang nakayap pa rito si Aethan, mamaya tinanggal niya rin ito. ‘’ O sige na umuwi ka na gabi na masyado’’ tingin rito ni Cindy. ‘’ Sige, good night pumasok ka na’’ ‘’ Good night, mag-iingat kayo’’ ngiti niya rito. ‘’ Halika na pumasok na tayo ’’ pag-alalay rito ni Jeremy kaya yong awra ni Aethan biglang napalitan pagkwan lumingon rito si Cindy at sininyasan itong umalis na sumunod naman rito si Aethan, iba kasi sila ni Jeremy kung kaya niya silang tingnang dalawang magkasama puwes siya, hindi, kaya hindi na niya hinintay pangmawala sa paningin niya si Cindy bago umalis at saka may kasama rin naman ito. ‘’ TUMATALINO SI JEREMY PAGDATING KAY CINDY PERO AKO NAGIGING BOBO TSK! AYAW GUMANA NG UTAK KO PAGSIYA ANG USAPAN’’ pag-iisip nito habang nasa byahe pauwi. MABILIS na dumaan ang araw at foundation day na at gaya nang usapan ng dalawang mang-iibig ni Cindy walang araw na lumipas kundi nila rito pinaramdam ang pag-ibig nila, si Jeremy araw araw may pa chocolate at yong mga kwento niyang hindi maubos ubos para pasayahin si Cindy at ang pangyaya nitong kumain at manood ng sine o kung ano ano pang panliligaw at gaya ng sabi ni Cindy masaya naman siya pag si Jeremy ang kasama niya parang ang dali lang maging masaya at mabuhay pakiramdam niya buhay na buhay siya pagmagkasama sila ni Jeremy kaya mas lalo silang naging close. While si Aethan naman araw araw niyang binibigyan ng yellow flower si Cindy, pinipilit na gawin lahat ng gusto nito kahit ayaw niya, ang panliligaw kasi ni Aethan ay kagaya ng panliligaw ni Julian kung saan sa park lang sila nagpupunta ni Cindy, sa mga street kumakain, o mga ordinaryong bagay lang ang ginagawa nila o yong mga ordinaryong date, walang panonood ng sine basta yong parang pamamasyal lang at nakuha niya ang ideang ito dahil tinawagan niya si Liya at tinanong niya rito kung paano niligawan ni Julian si Cindy at kagaya ng sabi niya yon ang ginagawa ni Aethan kahit labag sa kalooban niya dahil ayon nga sa kanya kaya niyang gawin ang kahit ano mahalin lang siya ni Cindy. At kagaya ng madalas maramdaman ni Cindy kahit nasa mundo niya si Aethan pakiramadam niya pagkasama niya ito tumitigil ang mundo para bang ang bagal ng takbo ng oras at para silang nakakulong sa isang planetang sila lang ang tao at hindi niya maitindihan kung bakit hindi niya maramdaman ang heartbeat nito pagsi-Aethan ang kasama niya pakiramdam niya sila lang ang tao sa mundo at wala na siyang makitang iba maliban kay Aethan at hindi rin naman niya maitangging kinikilig siya at madalas niyang mamiss si Aethan kahit bago pa lang silang magkasama. ‘’ Cindy pupunta ka bang school?’’ tanong rito ni Jeremy sa phone nasa condo pa rin kasi si Cindy, maliban sa drama wala na siyang sinalihang activity sa foundation day ng school nila doon kasi sa sport maraming player at transferee siya kaya parang mas priority ang old students isa lang siya sa sub player kaya tinamad na siyang pumunta. ‘’ Pumunta ka maglalaro kami ‘’ Ani Jeremy at sa sinabi niyang ito hindi na nagawa pang tumanggi nito. ‘’ Anong start ng laro niyo?’’ ‘’ Kanina pa at nanalo kami pero mamayang 3PM, win to win na kaya manood ka at saka pumunta ka naman rito ang boring e’’ ‘’ Sige, wala rin naman akong ginagawa’’ ‘’ Sige, papunta na akong gate para hintayin ka ‘’ ‘’ Huh, pero mamaya pa ako pupunta’’ natigilan si Cindy nang makitang pinutol na ni Jeremy ang linya. ‘’ tssst! Kahit kailan isp bata talaga’’ paghahanda nitong papuntang school dahil sa paghihintay rito ni Jeremy pero gulat na gulat siya ng pagbukas niya rito ay mukha ni Aethan ang bumungad rito na aaktong kakatok. ‘’ Nandito ka? ‘’ ‘’ Sasabihin ko lang na mamayang 5 ang drama niyo, napalitan ang oras’’ ‘’ Okay... pero puwedi namang itawag mo na lang saakin’’ paglabas ni Cindy para ilock ang pinto pero natigilan siya ng pigilan ito ni Aethan. ‘’ Gutom ako, kain tayo’’ pagpasok nito. ‘’ Hindi puwedi at saka puwedi namang kumain kana lang doon sa school ‘’ ‘’ PUWEDI! Kaya lang wala ka doon kung bakit kasi hindi ka pumunta kahapon sa school tsk! Ang pangit ng araw pagwala ka!’’ pagharap rito ni Aethan pero si Cindy tahimik lang sabi namang hindi ito nakakapagsalita pag si Aethan at hindi niya malaman kung kailan pa ito nagsimula. ‘’ Alam mo ba yon? Kaya wag kang nagpapamiss okay!’’ paggulo ni Aethan sa buhok nito at saktong tumunog ang tiyan niya sinyales na gutom siya. ‘’ Pakainin muna ako’’ napakagat naman ng labi si Cindy nang maisip si Jeremy pagkwan nagbuntong hininga siya at tumingin kay Aethan. ‘’ Okay pero bilisan mong kumain’’ pagpasok nito at nagtungong kusina para ipaghanda itong si Aethan. ‘’ Kain na!’’ ‘’ Sabay tayo!’’ ‘’ Bakit kailangan madamay pa ako sa gutom mo tssstt! Busog ako ’’ ‘’ mas masarap ‘toh pagdalawa tayo kaya dali na!’’ Umupo naman si Cindy para kumain kung makikipag argument kasi ito matatagalan lang sila at naiisip niya rin si Jeremy paniguradong kanina pa yon naghihintay. ‘’ 5 minutes kailangan matapos na tayo ‘’paglapag nito sa phone niyang nakatimer. ‘’ Bakit kailangan orasan mo pa, matagal pa naman ang drama niyo’’ ‘’ May laro pa kayong one diba?’’ ‘’ Kaya ka ba pupunta doon para manood? So ano yan namimiss mo rin ako?’’ nakangiti ritong tanong ni Aethan habang kinikilig. ‘’ Tinawagan ako ni Jeremy okay! Kaya kailangan nating matapos agad dahil hinihintay niya ako’’ natigilan naman si Cindy ng sumubo si Aethan kasabay ang pagpapalit ng awra niya yong awrahan niyang seryoso. ‘’ Hinihintay lang naman niya ako, Yon lang at kilala mo yon pagsinabi niya ginagawa niya kaya paniguro nasa gate na yon ngayon naghihintay ’’ pagpapaliwanag nito. ‘’ Bakit ka nagpapaliwanag wala naman akong sinabi at saka wala naman akong magagawa doon diba? Kaya hindi mo kailangang magpaliwanag’’ pagngiti ni Aethan pero halata ang pagkadismaya sa mukha. ‘’ e ikaw kasi ‘’ naiinis na sabi ni Cindy maging siya hindi niya rin maitindihan ang sarili niya kung bakit siya nagpaliwanag nong makita ang pag-iiba ng awra nito. ‘’ Iwan tssst! Basta kumain na tayo ‘’ naasar pa nitong sabi kaya hindi tuloy maiwasang matawa ni Aethan, gustong gusto niya kasing naaasar si Cindy dahil ang cute niyang tingnan. At kagaya nong gustong mangyari ni Cindy pagkatapos nilang kumain pumunta na silang school kaya lang wala doon si Jeremy kaya pumasok na sila at naalis ang pag-aalala nito naghintay ito sa labas. CINDYS POV: PAGKAPASOK namin mga ilang lakad palang ang nagagawa namin nakita ko na agad si Jeremy habang papunta sa direksyon namin. ‘’ Hinintay kita pero ang tagal mo kaya pumasok muna ako sandali’’ pagpapaliwanag nito. ‘’ Mabuti naman kung ganon ito kasing si Aethan doon pa kumain ‘’ masama kong lingon kay Aethan pero didma lang siya. ‘’ Magkasama kayo kaya ka hindi dumating agad? ‘’ makahulogan nitong tanong pero hindi ko na yon pinansin. ‘’ Oo, pasensya na’’ ngiti ko rito at ngumiti rin naman siya pero hindi yong full charge nitong ngiti kagaya ng sabi ko pagsinabi ni Jeremy ginagawa niya pero napansin ko sa kanya madali lang siya mainip itong katabi ko naman hindi nagsasabi basta na lang gagawa ng aksiyon ng hindi sinasabi sayo tas paghindi ka dumating o nangyari ang gusto niya nagagalit siya pero siya lang din naman ang humihingi ng sorry. At yon ang isa sa gusto ko kay Aethan hindi siya madling sumuko pero yon din ang ayaw ko sa kanya kahit kasi nasasaktan siya ginagawa pa rin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD