Chapter 12

3814 Words
GANON na lang ang galit ni Kristine pagkatapos umalis nila Jeremy. " Ahhhhhhhhh!!!! Buwesit!!! Nakakakinis " tapon nito sa bag niyo " LUMABAS KAYO! AYAW KO NANG MAY NAKIKITA PA BAKA MAPATAY KO KAYO!!!! " sigaw nito mabilis namang lumabas ang dalawa kasabay non ang pag-upo ni Kristine at pakiramdam niya nanginginig ang tuhod niya habang paulit ulit na naririnig yong sinasabi ni Jeremy. " Ayaw ko rin itong ginagawa ko pero doon lang gumagaan ang pakiramdam ko sa sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita kong may kasamang iba si Aethan " daing nito habang nakayakap sa mga tuhod niya at hindi niya napigilang mahulog ang mga luha niya. " Jeremy.... Kailangan kita " iyak pa nito sa ganitong pakiramdam niya kasi si Jeremy lang nagpapagaan ng loob niya at ang nagpapaagos nang luha niya ay yong thought na wala na rin sa kanya ang bestfriend niya at kaya siya nasasaktan ngayon ay dahil sa sinabi nito kaya hindi talaga niya maiwasang magalit kapag naiisip na ang mga lalaking pinapahalagahan niya ay na kay Cindy lahat kung saan pinoprotektahan at tinuturing siyang prinsesa. " Isinusumpa ko magsisisi ka Cindy Gonsales sa pagpasok rito! " Pagpunas niya sa luha niya at kinuha ang bag niya saka naglakad na parang walang nagyari at ngayon doble na ang galit niya. " Narinig ko ang ginawa mo " salubong rito ni Jacob pero tiningnan lang siya ng masama ni Kristine " Talaga bang hindi ka nag-iisip? Kakatapos lang nang ginawa mong eksena sa buong campus tas sinundan mo na na naman!? Hindi ka ba talaga natatakot na mahuli ni Aethan?! Alam mong mahigpit niyang pinaiimbistigahan ang nangyayaring bullying kay Cindy tsk! pasalamat ka at lumulusot ka" " Hindi ko talaga patatahimikin ang Cinding yan! marami pa akong gagawin sa kanya hangga't nasa tabi siya ni Aethan! " " Pero dapat palamigin mo muna ang mga ginagawa mo bago gumawa ulit " " Puwedi ba hindi ako bobo! lahat nang plano ko pinag-aaralan ko kaya wag ka nang mag-alala diyan tsk! Wala silang malalaman sa ginawa ko sa mga litrato dahil sinira ko na lahat ng ginamit ko sa pagpapakalat sa picture niya dito puwera na lang kung magsusumbong kayong tumulong saakin " pagtaas kilay niya rito habang nakacross arm pero tumahimik lang si Jacob na halatang nagi-guilty kaya iniwan na ito ni Kristine. " Boss bakit niyo naman tinutulongang ilayo ni Kristine si Cindy kay Aethan baka kayo ang mawalan niyan nang chance kay Kristine " sabi nang kasama niya. " Hayaan niyo na kung saan siya masaya doon tayo at isa pa mapapagod rin yan kay Aethan at kapag sumuko siya baka doon na niya ako makita at yon ang mangyayari dahil kahit anong gawin niya hindi siya papansinin ni Aethan dahil hindi ang ugali niya ang magugustohan nun " pag-uusap nila. Cindys' POV: " Magpalit kana lang muna sa banyo " Sabi saakin ni Jie habang tinitingnan ang nangyari sa uniform ko. " Kaya lang wala akong damit " " May extra uniform ako doon yon na lang muna ang isuot mo " sumang-ayon naman ako rito at yon nagpaalam na nga kami kay Jeremy na kanina pa tahimik. " Buti na lang kasya sayo " Ngiti saakin ni Jie nang makapagpalit ako gamit ang damit niya hindi naman ako tumitingin rito baka kasi pinaplastic rin ako tas may gagawin din siya saakin. " Kanina mo pa ako hindi pinapansin ah " Bahagya niyang pagpalo sa braso ko " Buti na lang talaga sinundan kita at nakapagsumbong kay Jeremy dahil kung hindi baka ano nang ginawa sayo ni Kristine " sabi pa nito nagpasalamat naman ako rito nang hindi siya tinitingnan "sandali galit ka ba saakin? " tanong nito pero tumingin lang ako sakanya. " Kung iniisip mo yong pagtatanong ko kay Aethan " pagbuntong hininga niya " Sorry gusto ko lang naman kasing malaman nang lahat na si Aethan at Jeremy ang may gusto sayo hindi yong ikaw ang pinapalabas nilang masama at isa pa gusto kong patayin silang lahat sa inggit na itong babaeng tinitingnan nila nang mababa ay ang babaeng kinababaliwan nang tinitingala nilang lahat " pagpapaliwanag nito kaya hindi ko napigilang mapayakap rito ramdam ko kasing nagsasabi siya nang totoo at saka nahiya ako ang layo kasi ng iniisip ko tungkol sa kanya. " Sorry kung nag-isip ako sayo nang masama " tingin ko rito " Baliw " Natatawa nitong sabi at yon bumalik na nga ako kay Jeremy sa may first gate kasi dumaan si Jie. " Tayo na " hindi makatinging sabi saakin ni Jeremy pero hindi ko na yon pinansin sumakay na rin ako sa besekleta ko at hindi ko mapigilang magtaka habang nasa daan kami hindi kasi talaga siya nagsasalita e ang daldal nito at isa pa ni paglingon hindi niya magawa saakin. " Jeremy may problema ba? " tanong ko rito at doon rin ay tumingin siya saakin at ramdam kong hindi siya okay. " Anong problema? " tanong ko rito at niliko ko nang kunti ang besekleta ko para mapalapit rito pero mga ilang segundo bago niya ako sinagot. " Puwedi ba tayong umikot Cindy? " Paghinto nito habang nakatingin sa daang tinutukoy niyang iikotan namin. " Okay " nagtataka kong sabi rito. " Puwedi bang isa lang tayo nang sakyan? Umangkas ka muna saakin " sabi nito " May sasabihin lang ako " Sa sinabi niyang iyon umangkas na ako sa kanya hindi ko alam pero kapag may sinasabi itong seryoso kailangan nakasakay pa sa mga bike e. " Humawak ka nang maayos " Sumunod naman ako rito at naramdaman ko ang ihip ng hangin habang nagbibesekleta siya at natigilan ako nang magsalita siya. " May pakiramdam akong may hindi ginagawang maganda sayo si Kristine at nahihiya ako dahil hindi man lang kita maipagtanggol sa kanya she's my childhood friend at magkasama kami sa lahat kaya masakit din saaking may kampihan ako sainyo at naiinis ako doon pakiramdam ko kasi hinahayaan kong saktan ka niya pero kung magsusumbong ka kay Aethan hindi kita pipigilan at gaya nang sabi ko wala akong kinakampihan sainyo " pagsasalita nito. " Naiitindihan ko si Kristine at wag ka nang mag-alala tungkol saamin iiwasan ko na lang siya hangga't kaya ko baka mapagod din siya " Pagbibiro kong sabi rito. " Sorry talaga Cindy.. kaibigan ko hindi ko kayang kontrolin at nahihiya talaga ako sayo " sabi pa niya. " Ano ka ba? Wag mo nang isipin yon, okay!? " sabi ko rito, ngumiti naman siya at mga ilang sandali huminto na rin kami tapos na kasi yong pag-ikot namin at siguro wala na rin siyang sasabihin. " Cindy isang sako ba ang kilo mo? " tanong nito nang makababa ako buti naman at bumalik na siya sa dati. " Mga dalawang kilo pa isang sako na " pagbibiro ko rin para patayin yong awkward na hangin kanina kaya nagtawanan kami sa sinabi ko. At hindi nagtagal dumating na din kami at bawat isa diretso agad sa kwarto namin at mga ilang oras na pagpapahinga ko biglang may kumatok sa kwarto ko binuksan ko naman ito agad panigurado naman kasing si Jeremy ito. Someones' POV: GULAT na gulat si Cindy nang pagbukas niya rito ay si Aethan agad ang bumungad sa kanya. At napangiti siya sa ayos ni Aethan nakapantalon ng simple lang tas naka t-shirt nang white at may jacket na red ang favorite outfit ni Julian ang magjacket nang pula. " Bakit? " Tanong niya rito. " Hihintayin kita ng 10 minutes sa sasakyan " Napaatras naman ito sa sinabi niya " Lumabas tayo " Magsasalita pa sana siya pero na speechless ito sa binigay sa kanya ni Aethan. " Tatlo lang para I LOE YOU! " hindi naman makapagsalita si Cindy sa sinabi niya rito nang iabot sa kanya ni Aethan ang flower na dilaw, ganitong ganito kasi ang sinasabi sa kanya ni Julian pagbinibigyan siya nang flower at palaging tatlo. " Bilisan mo " pagkasabi niya nun umalis na siya bahagya naman nakaramdam ng lungkot si Cindy pagkatapos mapagmasdan ang bulaklak pakiramdam niya kasi bumalik sa kanya lahat ng nakaraan nila ni Julian pero kahit ganon nagbihis pa rin siya at pumunta kay Aethan. " Anong oras na? Hindi pa naman late diba? " pagsakay nito. " 8 minutes and 2seconds kang nag-ayos muntik na " natawa naman si Cindy sa strikto nitong pagbabantay sa orasan. " At least hindi huli " " Oo at sa tagal nang oras na naconsumed mo yan lang ang ginawa mo sa sarili mo? " napatingin naman si Cindy sa ayos niya naka pantalon din at naka t-shirt ng simple lang. " Oh bakit kailangan ko pa bang maggown o magmake up? lalabas lang naman tayo ah " Sunod sunod ritong sabi ni Cindy " E saan nga ba tayo pupunta? " Dugtong pa nito. " makikita mo mamaya " lingon rito ni Aethan tumahimik naman si Cindy ang seryoso kasi ng pagkakasabi niya pero wala namang bago doon kaya tumingin na lang ito sa labas. " Cindy anong palabas sa sine? " Napalingon naman rito si Cindy hindi niya kasi alam kung saan nakuha ni Aethan ang tanong niya. " Edi kung anong pinapanood mo, bakit pala? " Nagtataka niyang lingon rito. " Mali! edi EXIT " sandali namang nag-isip si Cindy at napatingin sila sa driver ng bigla itong tumawa kaya natawa rin siya bigla pagkatapos magets si Aethan. " Joke pala yon, akala ko quiz bee " tawa pa ni Cindy actually hindi siya sa joke natawa kundi kay Aethan. " Shut up! " sabi ni Aethan hindi nga kasi ang joke ang tinatawanan nila kundi siya. " Ang corny mo ah " tawa pa ni Cindy " dapat kasi kung magjojoke ka hindi seryoso ang mukha mo " tawanan pa nila. " Okay, pag-aaralan ko " Sabi pa ni Aethan kaya lang hindi pa rin mapigilang matawa ng dalawa pero gulat na gulat si Cindy ng bigla ritong lumapit si Aethan mga 2 inch lang ang layo ng mukha nila. " Nalimotan mong magset belt " Ramdam na ramdam ni Cindy ang hininga ni Aethang tumama sa kanya kaya hindi na tuloy siya makakilos. " Wag mong kinakalimotang magset belt ang likot mo pa naman " sabi rito ni Aethan nang malagay niya rito hindi naman nakapagsalita pa si Cindy. " Nagugutom ka ba? " Tanong ni Aethan. " Hindi naman.. bakit? " Cindys'POV: " Wala lang para makadiretso na tayo sa pupuntahn natin " Ngumiti naman rito si Cindy at kanina pa siya nagtataka sa mga kilos ni Aethan bigla kasing naging madaldal. " Sir dumating na tayo " agad naman kaming bumaba sa sinabi nang driver pagkwan hinawakan ni Aethan ang braso ko at sabay na pumasok sa isang building at nangislap ang mata ko nang makita ang loob nito puro flower kasi iba ito sa pinuntahan namin ni Kuya dati, ito kasi parang para talaga sa mga flower lovers. " Oh! " nagulat ako sa inabot niya saaking pop-corn hindi ko alam pero parang alam na alam ni Aethan ang mga gusto ko usually kasi pagniyayaya akong manood ng sine ni Julian dito kami nagpupunta alam niya kasing flower lovers ako at gustong gusto ko yong ganito kaya ito ang tinatawag naming sinihan at napapatingin na lang ako kay Aethan paanong alam niya ang mga ganitong weaknessess ko. " Pumuwesto ka doon " turo saakin ni Aethan sa loob ng mga bulaklak sumunod naman ako at natigilan ako nang bigla niyang ilabas ang camera niya at kinunan ako nang litrato hindi ko alam kung si Aethan ito wala kasi siyang kahit anong litrato sa phone niya kaya paanong bigla itong nagka-interest manguha ng litrato at mas nagulat ako ng utosan niya yong babaeng kunan kami ng litrato. " Gusto mo ba? " Tumango naman ako rito at mga ilang oras kaming nanatili rito at nakakatuwa rin palang maging madaldal itong si Aethan hindi ko alam pero pakiramdam ko ibang iba siya ngayon hindi siya yong Aethang seryoso na laging nakakunot ng noo. " Gutom kana ba? " sabi nito ng matapos naming mapuntahan ang bawat sulok nitong flower shop. " Hindi ang dami mong dalang pop corn e pero nauuhaw ako " " Nalimotan ko kasing bumili so ano sa labas na tayo? para maka-inom ka " tumango naman ako at nagtataka akong tumingin rito ng naglakad lang kami sa street kahit may sikat pa nang araw o mainit pa ang araw. " Maglalakad lang tayo? " tanong ko rito habang nasa daan kami alam ko kasing hindi ito sanay maglakad. " Bakit gusto mo bang sumakay? Pagod kana ba? " Nag-aalala pa niyang tanong kaya hindi ko tuloy napigilang mapangiti para kasi siyang bata. " Hindi pero ikaw ang inaalala ko " pagkwan ngumiti lang siya at ang guwapo lang niyang ngumiti ganito pala ang ngiti niyang totoo para siyang bata ang amo amo nang mukha. " Halika bumili tayo doon " turo niya sa dirty ice cream at hinila na niya ako papunta rito. " Pero diba hindi ka kumakain nang ganyan? " tanong ko rito at natahimik ako nang dilaan niya pagkatapos ritong iabot nang nagtitinda. " At sinong may sabing hindi ako kumakain? " pagmamalaki pa nito pero ngumiti lang ako kahit gustong gusto kong tanongin kung anong nakain niya at bigla siyang ganito o ano kayang klaseng Yokai ang sumanib rito at bigla siyang ganito. At pagkatapos namin itong ubosin naglakad na naman kami at mas nagtaka ako ng bigla siyang pumara ng jeep at sumakay kami rito. " Bakit? " tanong nito saakin habang nakatingin ako sa kanya nakakapagtaka kasi talaga. " Wala " iwas ko rito nang tingin pagkwan binaling niya ang tingin niya sa unahan at natawa ako nang makita ang hitsura niya habang winawalis ng buhok nang babae ang mukha niya inubo pa nga ito. " besh buhok mo " sabi nong isang babae habang nakatingin kay Aethan napansin niya siguro yong buhok nong babaeng tumatama rito. " Sorry " Nanlaki yong mata nito nang matingnan itong winawalisan niya ng mukha at kasabay nun ang pamumula ng pisngi nito, nagba-blush si Ate. " Sorry... " hawak pa niya kay Aethan agad namang nilayo rito ni Aethan ang kamay niya. " Sige lang! " sabi pa nito at napalitan bigla ang awra niya nang mapansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng tao doon habang nagba-blush o kinikilig hindi kasi basta guwapo lang si Aethan at karamihan sa nakasakay sa jeep ay dalaga, may dlaawang bakla, isang nanay at tatlong lalaki at ito lang ang hindi kinikilig pero nakatingin rin kay Aethan. " Saan kayo nakatira? " pagharap pa rito ng babae, si Aethan naman halatang naiinis basta tinalikuran talaga niya yong babae halos magkaharap na nga kami sa totoo lang kawawa naman siya, nakakatakot kasi tumingin ang mga babaeng ito ngayon lang nakakita ng guwapo iwan ko rin ba kung anong klaseng Yokai ang sumanib rito at naisipang sumakay ng jeep. Aethans' POV: Ayon kasi kay Liya ganito magdate si Cindy at Julian o ganito ilabas ni Julian si Cindy gaya nga nang sabi ko kay Cindy kaya ko kahit ano magustohan niya lang ako . At Oo lahat ng ginagawa ko, hindi ko gusto o ngayon ko pa lang ginawa sa tanang buhay ko buti na lang si Cindy ang kasama ko kaya na-eenjoy ko o naaappriciate ko pa rin kahit papaano. At ngayon nga nakaharap ako sa kanya habang kinukulit ako nong babae pambihira kanina pa niya ako hinahawakan ku g babae lang talaga ako sisigaw ako nang r**e. " Okay ka lang ba babe? " Gulat na gulat ako sa sinabi ni Cindy at hindi ako makakilos nang punasan niya ang pawis ko sa ulo. " Mainit ba? " Tanong pa nito habang pinupunasan ako at gusto ko nang sumigaw sa kilig pambihira anong nangyari rito at biglang naglambing. " Okay ka lang ba? " Hindi ako makakilos nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko kasabay nun ang pag-ayos ng upo nang babae at yong mga babaeng nakatingin rin ay binaling na sa iba ang tingin nila pero may iba ring kinilig at naiitindihan ko na kung bakit niya ito ginagawa. " Okay lang ako.. Babe " Ngiti ko rin at hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya ng maramdaman kong luwagan niya ang pagkakahawak rito, ngayon ko pa lang nahawakan ang kamay niya at hindi ko alam pero pakiramdam ko tanging pintig lang nang puso ko ang naririnig ko. At ayaw ko nang matapos pa ito ganito pala ang pakiramdam ang magmahal, ang sarap sa pakiramdam yong feeling na kaya mong mabuhay pagkasama mo ang taong mahal mo tingin ko rito pero napaiwas ako rito ng tingin nang tumingin rin ito saakin. " Anak nang!!! Kanina pa ako kinikilig ah! " bulong ko pa. " Dumating na tayo " Sabi nito saakin agad naman kaming bumaba at pagkababa namin tinanggal niya agad ang holding hands namin puwedi namang wag na lang. " Naiitindihan mo naman siguro kung bakit ko ginawa yong kanina? " Ngumiti lang ako rito bilang sagot kinikilig pa rin ako e. " So saan ba tayo? " tanong nito sakto namang dumating yong sasakyan namin. " sasakay na naman tayo? " " Oo dahil siya ang magdadala saatin sa pupuntahan natin " Hindi naman siya nagsalita pa puwedi naman talagang hindi na kami nagjeep para isang sakayan lang kaya lang gusto kong maramdaman niya na kaya kong gawin ang kahit ano basta kasama siya. At yon na nga sumakay na kami at mga ilang minuto rin yong byahe namin. " Naayos niyo ba yong inutos ko? " " Opo, Sir everything is perfect " Napangiti naman ako sa sinabi nang driver ko. Someones' POV: Gaya nang gustong mangyari ni Aethang maramdaman ni Cindy yon nga ang nakita niya sa reaksyon nito ng makapasok sila sa pinahanda niyang dinner date nila kung saan ang design ay pangnormal date lang o yong hindi pang mayaman pero yong design halatang pinaghirapan. Kung saan yong daanan ay pinalibotan ng bulaklak na kulay yellow, yong simple lang pero halatang hindi simple ang halaga at mas na touch si Cindy ng paglapag sa pagkain ay puro street food, at yong pagkain talagang pang normal na tao lang. " Nagustohan mo? " tanong rito ni Aethan tumango naman si Cindy bilang sagot. " Pero bakit tayo lang ang tao? " pagtingin ni Cindy sa paligid. " Pinahanda ko ito para saatin lang " Nakangiting sabi ni Aethan. " Nakakahiya naman kung ganon.... dapat may kasama man lang tayo " " Okay " nagulat si Cindy ng pagpalakpak ni Aethan ng isa biglang naghanda nang mesa ang mga nagwowork doon at hinandaan ng pagkain at kasabay non ang pagpasok ng ilang tao at kumain. " Alam ko kasing sasabihin mo yan kaya naghanda na ako nang plano para hindi ka mailang " Napapanganga na lang si Cindy saka sinundan ng pagngiti. " Kain na tayo " Hindi makapaniwala si Cindy habang hinahandaan siya ni Aethan at pagkwan nilagyan niya rin ng fish ang plato niya. " Aethan isda yan " " Ano naman? " Pagkain rito ni Aethan naghihintay naman si Cindy na iluwa niya ito pero wala ni pagngiwi nga walang reaksyon si Aethan. " Kailan ka pa kumakain nang ganyan? " tanong niya rito. " Sabi ko naman sayo kahit ano kaya kong gawin para sayo at ang alam ko isa ito sa gusto niyong ginagawa ni Julian ang kumain " Ngumiti naman si Cindy nang maalala si Julian ngayon naitindihan na niya kung bakit ang weird nang kilos ni Aethan kaya pala nakikita niya sa mga kilos nito ang ilan sa ugali ni Julian. " Pero hindi mo naman kailangan pilitin kung ayaw mo at gaya nang sabi ko sayo hindi ko naman maipapangakong magugustohan kita sa kabila ng gagawin mo " " Alam ko yon pero kaya may salitang panliligaw para suyoin ang mahal mo at yan ang ginagawa ko " ngiti nito " Susuyoin kita hanggang sa pumayag ka o kahit akin ka na " sabay gulo ni Aethan sa buhok ni Cindy. " Kumain na nga tayo aabotin tayo hanggang bukas kung pagmamahal ko sayo ang pag-uusapan natin alam mo namang walang katapusan yon " Pagkain ni Aethan ganon din si Cindy hindi kasi siya makapagsalita at naiinis siya doon natatamimi kasi siya pagnararamdaman ni Aethan ang pinag-uusapan nila. " Okay lang ba talagang kinakain mo yan? " tanong rito ni Cindy pagkwan kumuha ng malaki sa parte ng isda si Aethan at kinain ito. " Natututunan rin namang kainin Cindy " Sabi pa nito habang kumakain. " Sa bagay e masarap naman kasi talaga " pagkain rin ni Cindy at mga ilang minuto pinutol niya ang katahimikan pagkatapos kasi anng usapan nilang iyon wala ng may nagsalita pa " Wala ka ba talagang gusto Aethan? " " Gusto? Ano ka pala? " " Ahhh! Hindi naman yon ang ibig kong sabihin tsss! " Masamang tingin rito ni Cindy na parang bata kaya natawa tuloy si Aethan. " Klarohin mo kasi " tawa pa nito pero imbis na mainis si Cindy natawa rin siya ngayon pa kasi niya natitigang tumawa si Aethan at ang cute niya. " Alam mo Aethan puwedi ka rin naman palang ngumiti kesa mukha mong parang daladala mo ang buong planeta " tumahimik naman si Aethan sa sinabi nito. " Hindi ko alam pero pag ikaw ang kasama ko madali lang saakin ang lahat sinabi ko na sayo diba nag-iiba ako kapag ikaw ang kasama ko " Pag-uusap nila habang kumakain at nang matapos sila inuwi na ito ni Aethan sa apartment niya. " sige pumasok kana " Paggulo ni Aethan sa buhok nito. " Salamat " Titig rito ni Cindy. " Nag-enjoy ka ba? " " Hmmmhh " tango ni Cindy. " Buti naman alam mo bang ilang araw ko yon pinag-isipan buti na lang at nagustohan mo " Ngiti ni Aethan " Oh! sige na pumasok kana, matulog ka agad wag magpuyat okay? Para namang tumangkad ka" pagbibiro pa niya rito. " Tssstt! " masama ritong tingin ni Cindy. " Biro lang " sabay gulo nito sa buhok ni Cindy " Pasok na " pagpapatalikod niya rito at tinulak para maglakad pero hindi yong tulak na malakas. At pagkapasok ni Cindy hindi niya maiwasang kiligin tuwing naiisip yong nangyari kanina. " Sa dami nang nangyari ngayon bakit ganon yong kay Aethan lang ang naaalala ko? " Pag-iisip ni Cindy pagkwan tinaas niya ang paa niya at kumislap ng bahagya ang footchin na binigay sa kanya ni Aethan. Pagkwan niyakap niya yong teady bear na bigay rito ni Jeremy habang iniisip yong nangyari kanina at bigla namang pumasok sa isip niya si Julian " Hindi kaya ko ito nararamdaman e dahil si Julian ang ginaya ni Aethan baka namimiss ko nga lang ang mahal ko" Nakatulogan ni Cindy ang pag-iisip kay Julian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD