" I DELETED THE LAST CHAPTER HUHUHUH I'M SORRY DAPAT ITO MUNA ANG MAUNA BAGO YON, HINDI KO NAPANSIN BUTI NA LANG NABASA KO YONG ISANG COMMENT, SAMA MAITINDIHAN NIYO "
Bago kami umalis ni Jeremy sa apartment pinaulanan ko muna nang text si Aethan na pumasok na kami ni Jeremy mamaya dumaan na naman doon tas maghigh blood na naman.
" Cindy okay ka lang ba? " Tanong saakin ni Jeremy habang papunta kaming school ang ganda ganda kasi ng pag-uusap namin tas bigla na lang akong natahimik para bang huminto nang ilang minuto ang pagfunction ng utak ko kasabay nun nang bigla akong kinabahan iwan ko pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari na naman " May nararamdaman ka ba? " Tanong pa nito at nilingon ko lang siya sabay iling bilang sagot pagkwan nagpatuloy na kami.
" Cindy ang sarap ng sikat nang araw ngayon noh? ang sarap sa pakiramdam "
" Oo " walang gana kong sagot kinakabahan kasi talaga ako at napakunot ako nang noo ng malapit na kami sa may second gate nang ang sama makatingin ng mga school mates namin pagkwan lumingon ako kay Jeremy at maging siya nagtataka rin ito na nga ba ang sinasabi ko.
" Anong meron Jeremy? " Pagbaba ko sa besekleta, ganon din siya pagkatapos naming dumating na kasi kami.
" Hindi ko rin alam e mukhang may pumasok na namang masamang elemento dito sa campus ang sama ng mga tingin nila " Ani Jeremy " Halika na nga hayaan mo na ang mga yan " Paghawak niya sa braso ko saka kami naglakad pero natigilan kami nang ang daming nakadikit na picture na printed sa buong school atip nga lang ang hindi nalagyan kaya yong mga tagalinis ng school nagkalat na rin sa pag-alis rito.
" Ano ang mga yan Jeremy? " Kinakabahan na talaga ako.
" Hindi ko alam, sandali lang titingnan ko muna " paglalakad nito tungo sa mga tagalinis para siguro magtanong at susunod na sana ako nang biglang liparin ng hangin sa direksyon ko ang isang papel na sa tingin ko isa ito sa mga dinikit sa mga building dito sa campus at nanlumo ako sa nakita ko pagkwan nilingon ko si Jeremy at ngayon maging siya tumutulong sa pagtatanggal sa mga picture kong nakadikit sa mga building sa campus o sa kahit sulok nang school. Pagkwan lumapit ako sa mga nakadikit na litrato ko kung saan kasama ko sina Aethan at Jeremy para tumulong na rin tumanggal pero mas nagulat ako nang ang dami pa lang kuhang litrato ko kasama sila at yong iba edited pa.
Yong iba may mga caption na " Malanding Cindy di makontento sa isa! "
" Cindy's apartment with Jeremy last night"
" Cindy's apartment with Aethan last night "
" Cindy pagkatapos ni Jeremy si Aethan naman #malandi! "
" Cindy nasa loob ang kulo!"
"Cindy haliparot! "
" Cindy magkano ang bayad mo? " mga naka caption sa mga litratong kasama ko si Jeremy at Aethan habang pumapasok sa apartment ko "kung ganon pati sa apartment ko may mga sumusunod saakin? May mga nakatingin? " sa pagkakataong ito hindi ko na napigilang maiyak lalo na nong paglingon ko may kumukuha saakin ng litrato habang ang mga tingin nila ang sasama na para bang kakainin ako ng buhay yong iba naman tinatawanan ako.
" Yan kasi ang landi mo " sabi pa nila.
" Puwedi namang isa lang bakit lahat? Sa bagay ang guwapo nga naman nila diba? " sabi pa nila habang ang luha ko tuloy lang sa pagdaloy ilang beses ko nang pinunas pero wala pa rin ayaw tumigil gusto kong makita nila akong matapang sa kabila nang ginawa nilang ito pero ang mga luha ko ayaw sumunod.
" Wag ka ngang umiyak! Hindi ka naman nakakaawa tsk! Nakakairita ka!!! " Saboy pa nong isa saakin sa hawak niyang juice.
" Kung wala kang matinong gagawin dito lumayas kana! " Tapon pa saakin nong isa sa litrato kong kinumot niya.
" Oo nga! Mga high class lang dito! " Pagtaas kilay pa nila " Hindi basura!! " pagspray pa nila saakin nang perfume.
" Nangangamoy kana!" sabi pa nang mga babae yong mga lalaki naman grabe ang tawanan.
" Gago ka!!! " Napalayo silang lahat saakin nang suntokin ni Jeremy yong lalaking kinukunan ako ng litrato habang tawang tawa diretso nga itong napahiga sa lupa at halatang takot na takot.
" Cindy okay ka lang? " Naaawa nitong pagpunas sa mukha kong basang basa ng juice at ang mga luha kong dumadaloy kaya lang hindi na ako makapagsalita sa sama ng loob ko.
" Isang kuha mo pa nang litrato sisiguradohin kong hindi kana makakahawak pa nang cellphone! " hablot ni Jeremy sa cellphone ng lalaking kumukuha kay Cindy ng litrato sabay tapon.
" Sinong nagtapon nito sa kanya??!! " Pagpulot ni Jeremy sa bahay ng juice na tinapon saakin ang laman kanina. Wala namang may nagsalita pa basta tahimik lang sila habang nakayuko halatang takot na takot.
" SINO?!!! " Sigaw pa nito pagkwan sabay sabay nilang nilingon yong babaeng tumapon saakin at nagulat ako nang hilain ni Jeremy ang kuwelyo ng damit nito habang galit na galit ang mukha.
" So-sorryyyy... Na-na-iiin-nis lang na--- " Takot na takot yong babae ng bigla siyang bitawan ni Jeremy habang galit na galit basta namumula ang tainga niya ganito pala siya magalit habang ang kamao niya ay nakakuyom siguro kung hindi lang ito babae kanina pa siguro ito nasaktan.
" Magsorry ka! " Malalim na utos rito ni Jeremy halos gumapang naman yong babae sa direksyon ko.
" Sorry Cindy nadala lang ako sa emosyon ko " sabi pa nito habang nakaluhod.
" O kayo?!!! " Pagkwan lumapit rin yong mga estudyanteng nag-uumpukan saakin at nambully nang sumigaw si Jeremy.
" Sorry... Cindy " sabay sabay nilang sabi yong iba nga hinahawakan pa ako, takot na takot talaga sila tumango naman ako ang hirap magsalita alam ko naman kasing napipilitan lang ang mga ito.
" Sige na " pagpapatayo ko sa kanila parang nakaluhod kasi sila pero hindi naman talaga nakaluhod. At natigilan kaming lahat ng may tumunog na bell, first time ko itong marinig, hindi kasi bell na yong literal na pangdissmiss o time bell kundi iba yong tunog parang nakakatayo ng balahibo lalo na nong paglingon ko halos lahat ng tao sa campus tumigil sa paglalakad na para bang takot na takot at nong tumigil na ito doon mo na maririnig ang mga usapan nila nang hindi ko naman maitindihan kung ano basta ang alam ko hindi lang ako ang kinabahan ng marinig ito at yong iba nagsitakbohan pa nang hindi ko alam kung saan.
" Bakit kaya tumonog? "
" Matagal na nong tumunog yan diba? "
" Ano kayang nangyari? " Tanongan pa nong mga estudyanteng kararating lang din pagkwan nilingon nila si Jeremy saka sila kumaripas nang takbo habang nagtatanongan kung para saan yong bell.
" Anong meron Jeremy? "
" Baka may announcement si Aethan " pagpunta niya saakin sabay punas na naman sa buhok kong nabasa.
" announcement? " nagtataka kong tingin rito at nanlaki ang mata ko nang tanging kami lang ang tao doon, tanging ihip lang nang hangin ang maririnig mo ganito pala sa school pagwalang tao.
" Okay ka lang ba? " Tanong pa ni Jeremy.
" Medyo lang... salamat kanina " Natigilan ako ng makitang naaawa itong nakatingin saakin feeling ko nga maiiyak siya.
" Pasensya kana kung pinapahirapan ka nila nang dahil saamin pangako pagnalaman ko ang may gawa nito malalagot siya saakin! "
" Huwag na Jeremy baka lalo lang sila magalit at saka nagulat lang naman ako hindi ko pa kasi ito naranasan sa buong buhay ko pero wala lang ito, isa pa madali lang naman itong tanggalin " Pagtalikod ko sabay kuha sa nakadikit na picture ko pero natigilan ako ng pigilan niya ako.
" Saka na lang natin tanggalin ang mga yan kailangan muna nating pumunta sa field para tingnan kung bakit yon pinatunog ni Aethan " ani Jeremy.
" Pero bakit pa Jeremy baka tungkol lang yan sa Foundation day "
" Hindi pinapatunog ang bell na yon sa mga ganyang simpleng announcement lang pagtumunog yon ibig sabihin may nangyaring masama o hindi nagustohan ni Aethan na siguradong may matinding kaparusahan ang sino mang nagkasala o may mangyayaring masama " Pagpapaliwanag ni Jeremy ngayon malinaw na saakin kung bakit ganon kanina ang mga estudyante at kung bakit kami lang ang natira rito " Paghindi tayo pumunta matinding parusa ang naghihintay saatin " Paglalakad nito habang hawak hawak ako kaya sumunod na ako rito at habang naglalakad kami hindi ko maiwasang malungkot tuwing nakikita ang mga litrato kong nakadikit sa mga dingding nang school meron pa ngang sa loob ng mga classroom pinapakita ko lang kay Jeremy na okay lang pero sa totoo lang kanina ko pa pinipigilang maiyak.
" Nandito na tayo " Halos lumabas na ang mata ko sa nakikita ko lahat kasi nang tao dito sa School ay nandito at nasa may dulo kami ni Jeremy kaya hindi ako sure kung si Aethan ba yong nasa harapan naming lahat pero base sa mga kilos at tayo niya alam kong siya ito.
" Cind____" agad kong tinakpan ang bibig ni Jeremy nang babanggitin niya ang pangalan ko ang tahimik kasi yong tipong nandito lahat ng tao sa school pero wala kang maririnig na nagsasalita o kumikilos basta parang mga robot ang mga tao rito habang nakatingin kay Aethan ang laki talaga ng takot nila sa kanya.
" Wag kang maingay mamaya malaman pa nilang nandito ako alam mo namang sikat ako ngayong araw sa school " bulong ko kay Jeremy.
" Sa unahan tayo pumunta " bulong na lang nito saakin.
" Hindi na, mapansin pa nila ako e " Bulong ko rin kaya tumahimik na ito at kasabay nun ang pagsasalita ni Aethan.
" Talaga bang sinusubokan niyo ako?! " Madiin nitong sabi, yong hindi siya pasigaw pero ramdam mo na galit siya kaya yong mga estudyante pati ata paghinga nila pinigil na rin nila.
" Alam niyong ayaw na ayaw kong may nangyayaring bullying rito! " dugtong pa niya " At itong ginagawa niyo ngayon sa campus ay isang bullying! At sa oras na malaman ko ang may gawa niyan mananagot kayo saakin! Aalamin ko ang may kagagawan nitong nangyari sa kung sino ang mga nagpadikit o nagkalat ng mga litrato ni Cindy Gonsales sa buong campus! " Natigilan ang lahat ng may magtaas ng kamay kaya nasa kanya na nga ang mata ng lahat hindi ko alam kung sino yon sa may dulo kasi kami.
" Mr. President alam mo rin naman siguro kung bakit yan ginagawa nang mga estudyante rito! so, why don't you clarify it kung ano ba yong nasa litratong kumalat sa campus na pinupuntahan niyo si Cindy sa apartment niya, mapagabi man yan o umaga at yong paghatid sundo niyo sa kanya pati na rin si Jeremy, bakit nagpupunta kayo sa apartment ni Cindy? Clarify it! baka naman kasi totoo ang iniisip ng lahat na pinagsasabay kayo! " Base sa boses niya at taray ng pagsasalita sigurado akong si Jie yon pinagamit rin kasi nang microphone nong magsalita pero bakit? Akala ko ba kaibigan ko siya.. pakiramdam ko dumoble lang ang sama ng nararamdaman ko ngayon akala ko pa naman kasi may kaibigan na ako rito maliban kina Jeremy pero hindi... dahil ayaw niya rin pala saakin.
" Ano ba namang klaseng tanong yan?! " Bulong ni Jeremy at tumigil bigla ang mundo ko nang tawagin ni Aerhan ang pangalan ko habang nakatingin sa direksyon ko paanong nakita niya ako e nasa may pinakadulo nga ako at ayon nga sa kanya isa akong unano kaya malabong makita niya talaga ako at nanlaki ang mata ko ng parang bumaliktad lahat o humarap saakin ang lahat basta na saakin lahat ng mata nila, nakalingon silang lahat saakin. Kung bakit kasi tinawag tawag pa ako nang isang yon.
" Halika na " Hawak ni Jeremy sa kamay ko at pumunta kami sa unahan hindi na nga ako makapagsalita paano kasi nakatingin silang lahat saakin na para bang ang sama sama ko kung bakit kasi tinawag tawag pa ako nitong si Aethan.
" Jeremy bakit dito pa tayo? " Bulong ko rito nang makarating kami sa unahan paano kasi nasa may unahan sina Kristine at sina Leo at nakakaasar lang yong mga ngiti nitong mga mokong na ito habang si Kristine normal lang yong tingin niyang pinapamukha niyang hindi ka bagay rito.
" Halika " Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Aethan na para bang ang lapit nito at muntik na akong mapatalon ng paglingon ko nasa may harapan ko na nga ito. At bago pa ako makapagsalita hinawakan niya ang kamay ko at umakyat kami sa kinatatayuan niya kanina.
SOMEONES' POV:
Gulat na gulat ang lahat ng puntahan ni Aethan si Cindy at si Kristine nagsilabasan na ang ugat niya sa kamay sa pagkaka kuyom rito dahil sa inis.
" Si Cindy Gonsales ay isang matinong babae!! yong mga nakasulat sa mga picture ay mga walang katotohanan pero Oo, nagpupunta kami sa apartment niya hindi dahil gusto niya kundi kami... o sa madaling salita WALA SIYANG GUSTO SAAMIN NI JEREMY dahil kami ang may gusto sa kanya " Mas nagulat ang lahat sa sinabing ito ni Aethan, may ibang naghiyawan at may ibang tahimik lang dahil ayaw ang narinig at mas marami sila.
" Makinig kayong lahat! si Cindy Gonsales ay GUSTO KO! o para mas maitindihan niyo MAHAL KO ANG BABAENG ITO! " Biglang tumahimik ang lahat sa sinabi ni Aethan habang si Cindy nakatingin lang rito at hindi makapaniwala sa pinagsasabi nito pagkwan liningon siya ni Aethan at ginulo sa buhok saka inakbayan niya ito " Tama yon GUSTO KO SI CINDY GONSALES kaya hindi ko mapapatawad ang sino mang mananakit sa kanya! at sa oras na malaman ko kung sino ang may gawa nitong mga litratong nagkalat sa campus ISANG MATINDING PARUSA ANG NAGHIHINTAY SA KANYA " Pagkasabi non ni Aethan nagkaroon na naman nang ingay.
" Sagotin mo na yan Cindy " sigawan ng ilan sa mga istudyante at kasama na doon sina Grey.
" What is this? Nahihilo ako " hawak nang ilang mga babae sa ulo nila.
" Gusto nila ang babaeng yan? But why? How? When? oh my gosh! ang swerte naman niya " bulongan pa nila, may iba nga napa-upo na sa may sahig, yong iba namamaypay sa narinig, umiinom nang tubig, at mayron ding umiiyak at karamihan sa mga babae makikita ang mga reaksyong ito.
" Ahhhhhhhhhhh!!!! " natigilan ang lahat sa malakas na sigaw na yon ni Kristine kasabay ang paglingon nila rito at ganon na lang ang tingin nito nang masama kay Cindy mapapatay na nga niya ito sa mga tingin niya habang kagat kagat nito ang labi niya kasabay nun ang paglabas rito ng dugo ganon siya mainis paghindi niya nailalabas sa sarili niya ito ginagawa. Pagkwan pinuntahan ito ni Jeremy kahit ilang araw na silang hindi nagpapansinan hindi rin naman niya kayang makitang nasasaktan si Kristine.
" Ano ba yang ginagawa mo " Nag-aalala nitong pagpunas sa labi ni Kristine pagkwan iniwas rito ni Kristine ang mukha niya kay Jeremy at tumingin rin rito ng masama.
" Nasasaktan ako! " Sabi nito habang namumuo ang luha sa mata niya, awang awa naman rito si Jeremy pero bago pa niya ito mahawakan naglakad na ito pero natigilan siya nang magsalitang muli si Aethan.
" Wala pa akong sinasabing tapos ang usapang ito! " Sabi nito kaya tumigil na ang lahat sa mga ginagawa o reaksyon nila.
" Ngayong umaga! Walang papasok hangga't hindi natatanggal lahat ng picture na dinikit sa school at ang gusto ko dalhin yon lahat sa office ko at ang sino mang hindi sumunod sa sinabi ko may kaparusahan " Sabi nito " At yong mga cellphone niyo iko-confiscate yan lahat parte nang imbistigasyon at sa kung sino man ang makikitang may litrato ni Cindy diyan sa phone niyo na kasali sa mga nadikit ay paparusahan dahil pahiwatig lang yon na kasama ka sa nangyaring ito " Agad namang naglabas nang phone ang lahat para icheck kung may litrato ni Cindy ang phone nila.
" Walang gagamit nang celphone, lahat nang seksyon ibigay niyo sa classroom president ang phone niyo at yong classroom president ibigay sa mga SSG officers ang lahat ng phone na makukuha at ang sino mang hindi magbigay ng phone isumbong agad at kung sino man ang hindi sumunod alam niyo na ang mangyayari " Sa sinabi niyang iyon wala na ngang may nagtangka pang gumamit.
" Pagkatapos nang usapang ito ayaw ko nang may mangyari pang ganito, ang tumawag ulit nang ganitong meeting! " seryosong sabi ni Aethan " Okay! Dismiss! " pagkasabi niya nun umalis na ang mga estudyante pagkatapos nilang mabigay ang mga phone nila.
" Sandali lang " tawag ni Aethan kay Cindy nang maglakad ito paalis.
" President mauna na kami " Ani nang mga SSG officials.
" Sige " Sabi nito, sina Jeremy naman sa baba lang nakatingin.
" Hali kana, tumulong na tayo magtanggal sa mga picture ni Cindy " akbay ni Grey kay Jeremy.
" Pero si Cindy?"
" Hayaan mo na alam mo namang maliban kay Aethan wala nang makaka protekta sa kanya dito sa campus at saka si Kristine hindi mo ba kakausapin siguradong nasasaktan yon ngayon " Lapit din ni Leo klaro naman yong lungkot ni Jeremy sa sinabi nila hindi nga kasi niya tulad si Aethan na isang salita lang tumitigil na ang lahat kagaya nong sa classroom nila mula sa announcement ni Aethan hindi na yon na ulit pa e siya kahit manakit pa siya wala ring nangyayari.
" Tayo na " paglakad nito habang iniisip si Kristine at ngayon si Aethan lang at Cindy ang naiwan.
" Galit ka ba? Sorry nadala ako sa emosyon ko kaya nasabi kong gusto kita kah____"
" Salamat " Pagputol ni Cindy sa sasabihin nito. " Salamat Aethan " doon rin ay umaliwalas ang mukha nito.
" Hayaan mo sa oras na malaman ko ang may gawa nun malalagot talaga siya! "
" Bahala ka pero sana huwag na lang okay na yong pagsabihan mo " Sabi pa nito at wala namang magawa si Aethan kundi makinig rito.
" Sabihin mo maliban sa nangyaring ito wala bang nangyari pang p*******t sayo nang mga estudyante rito? "
" Wala naman " sabi nito wala siyang balak isumbong si Kristine medyo sanay na kasi siya rito at saka mahal lang talaga niya si Aethan kaya iniitindi na lang niya.
" Mabuti naman, so ano umalis na tayo? " Tumango naman rito si Cindy at namangha ito nang wala ng nakadikit na ano mang litrato sa mga wall ng building pagkatapos nilang lumabas.
" Mabuti naman " Bulong ni Aethan at napalingon siya kay Cindy nang magpasalamat na naman ito.
" Tama na yang kapapasalamat mo gaya ng sabi ko kanina ayaw kong may nananakit sayo at isa pa kasalanan rin naman namin ni Jeremy " paggulo nito sa buhok ni Cindy.
" Sa totoo niyan wala namang may kasalanan sadyang nagmamahal lang kayo at nagmamahal ang mga tao rito sainyo kaya may nangyayaring ganito! " pakikisali ni Grey at napangiti si Cindy nang andon silang lahat.
" Oy! baka naman puwedi kaming dumalaw sayo Cindy?! tsk! ang daya e kayo lang nila Jeremy at Aethan ang nakakaalam nang apartment niyo at isa pa mag-inoman tayo " Pagkindat pa ni Grey rito.
" Anong inuman? " Masamang tingin ni Aethan.
" Hindi niyo naitatanong magaling uminom si Cindy namamangha ako noong si Julian ka kasi iniisip kong lalaki ka at dumoble yon ngayon, hindi ako makapaniwalang may babaeng tumalo saakin sa inuman " sabi naman ni Leo.
" E kayo kasi dinaan niyo pa sa inoman ang makakakuha sainyo kay Cindy " sabi ng kasamahan nila pagkwan nilingon nila si Jeremy at Aethan ng makahulogan.
" Bakit...? " nagtatakang tanong ni Jeremy.
" E kung idaan niyo kaya sa inoman si Cindy kung sino ang mananalo yon ang makakakuh_ " Natigilan si Grey ng sipain ni Cindy ang paa niya.
" Tsk! At anong akala ko saakin pulotan?! " masamang sabi rito ni Cindy kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan " Sige mauna na ako " pagpapaalam nito saka naglakad wala namang may sumunod pa sa kanya.
" Salamat nga pala sa ginawa mo kanina siguro kung hindi mo ginawa yong kanina baka hanggang ngayon nakadikit pa rin yong mga litrato rito " Ani Jeremy habang nakatingin kay Aethan.
" Ginawa ko yon para kay Cindy " Tipid ritong sabi ni Aethan.
" Sino nga kaya ang may gawa non? " ani Leo pero walang may makasagot sa kanya.
" Pero sigurado ako hindi lang isa ang may gawa nun ang dami e, atip lang ata ang hindi nalagyan " pag-iisip pa nila.
" Basta mula ngayon siguradohin nating hindi na yon maulit pa kay Cindy gusto kong protektahan siya sa kahit sino at as an SSG president inuutosan ko kayong tulongan akong sulosyonan o alamin ang mga taong may galit kay Cindy para hindi na siya nahihirapan pa rito "
" Okay president! " masiglang sabi rito nila Grey.
" Tayo na, pumasok na tayo! " pagkasabi non ni Aethan naglakad na siya.
" Mga salitang ayaw kong naririnig " pagbuntong hininga ni Leo.
" Pumasok na tayo Leo " Pang-aasar rito nila Grey inulit ulit pa nga nila rito kaya ganon na lang ang tawanan nila.
Cindys POV:
" Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko para ibalik rito ang sport attire ko tapos na kasi ang klase at practice namin at hindi na ako sumabay kay Jie akala ko kaibigan ko e. At ngayon hindi ko alam pero yong mga estudyante akala mo may sakit akong nakakahawa kung makaiwas at pakiramdam ko tinitingnan nila ako pero paglumingon ako sa kanila wala naman pero pakiramdam ko talaga pinagmamasdan nila ako at kanina pa ito. Wala naman akong maalala na may sinabi si Aethan na bawal akong tingnan o lapitan ang pagkakaalam ko wag lang akong bulihin. At agad akong nag-iba nang direksyon ng makita kong nasa may harapan ko si Jie saka mabilis na naglakad masakit kasi yong iniisip kong friend ko siya pero hindi pala ganon ang tingin niya saakin.
" Tsk! wala nga kasing may gusto sayo rito Cindy ang goals mo lang ay makapag tapos huwag ka nang umasang may magiging friend ka rito " Pagka-usap ko pa sa sarili ko habang binabalik ko yong sapatos ko sa locker ko, yong damit ko lalabhan ko na lang muna dadalhin ko sa bahay pero natigilan ako nang biglang may magsara ng locker ko at si Kristine ito kasama na naman ang alipores niya pero ngayon tatlo lang sila.
" Ginagalit mo talaga ako noh? " Pagpalo niya sa balikat ko, tumalikod naman ako para i-lock ang locker ko saka naglakad pero hinarangan ako ng kasama niya at gaya nang madalas nilang gawin hinawakan na naman nila ako pero hindi ako nagpumiglas ayaw ko kasing ipakita kay Kristine na naaapektohan ako sa ginagawa niya.
" Kaya hindi mo ako maitindihan e kasi tinatalikoran mo ako ng hindi pa tayo tapos! " Sampal saakin ni Kristine nang malakas pakiramdam ko nga bumakat sa pisngi ko yong kamay niya.
" Kristine baka may makakita saatin dito " Natatakot na sabi nang kasama niya.
" Ni-lock ko na ang pinto rito " sabi ng kasama rin niya, isang room na kasi itong mga locker.
" Masakit ba?! " Paghawak ni Kristine sa pisngi ko habang pinipisl niya ito ng malakas pero nakatingin lang ako sa kanya at hindi ako sumagot ng kahit ano.
SOMEONES POV:
" Wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko! Sa sakit na pinaramdam mo saakin kanina! " Pagdiin pa ni Kristine rito pero si Cindy parang wala lang sa kanya.
" Nanalo ka kanina pero huli at unang panalo mo lang yon tsk! Hindi porket sinabi ni Aethang bawal kang bully-hin ay yon talaga ang masusunod! " pagduro niya sa ulo ni Cindy ng malakas ng bitawan niya ito sa mukha.
" Matalino ka naman dahil scholar ka pero bakit hindi mo maitindihan ang gusto kong gawin mo!? O baka gusto mo talagang masaktan muna bago gawin yon! " sampal na naman nito kay Cindy pero kalma lang ito.
" Magsalita ka!!? " Paghila niya pabaliktad sa buhok ni Cindy pero tumingin lang rito si Cindy.
" O sige, lumaban ka nang patas " pagbitaw niya rito " Bitawan niyo siya " sumunod naman yong kasama niya sa utos ni Kristine at agad niyang sinunggaban si Cindy pero hindi kumilos si Cindy.
" Bakit ayaw mong lumaban? Wag kang umasta na mabait! Dahil kasalanan mo rin kung bakit ako ganito sayo! Kung marunong ka lang sana umitindi o iniitindi mo ang sinasabi ko! " pagtulak rito ni Kristine napaupo naman siya dahil hindi talaga ito lumalaban sa katunayan kung lalabanan niya si Kristine isang suntok lang niya tulog na ito lalaki kasi makipag-away si Cindy hindi babae dahil nasanay sa kinauutangan nang papa niya.
" Alam mo Cindy lahat nang gusto ko nakukuha ko! kapag sinabi kong umulan ginagawan ni daddy nang paraan para maramdaman ko lang na umuulan, ganon din paggusto ko nang araw!!! Naiitindihan mo ba ang sinasabi ko? " pag-ayos nito sa buhok ni Cinding natatakpan ang mukha niya.
" Kaya hindi ko matanggap na sayo lang mapupunta si Aethan! ilang years ko na siyang minamahal Cindy at kung may pagmamahal ka sa kanya nasisigurado kong hindi yan nakakalahati sa pagmamahal ko sa kanya kaya sana lumayo ka sa kanya!!! " Naiinis ritong sabi ni Kristine.
" Tapos kana ba? " Mas lalong uminit ang ulo ni Kristine sa sinabi rito ni Cindy.
" Talaga bang iniinis mo ako? " Pagtayo ni Kristine " hawakan niyo siya ulit " Agad namang sumunod rito ang dalawa.
" Ano na namang gagawin mo? Sasampalin mo ako? Sasabunotan? O anong p*******t? Kung ano man yan gawin mo na para makalabas na ako " Titig rito ni Cindy at natigilan siya ng ngumiti si Kristine yong demonyo niyang ngiti.
" Probinsyana ka nga pala kaya sanay na sayo ang pisikal na p*******t tsk! Tingnan natin ngayon sa gagawin ko isa ka nga palang konserbatibong probinsyana na nasa loob ang kati! " nagtataka namang nakatingin rito si Cindy habang lumalapit rito si Kristine.
" Kung makita na kaya ng lahat nang lalaki o nang buong mundo ang tinatago mo magka-interest pa kaya sayo si Aethan o ang bestfriend ko? " Nakangiting sabi ni Kristine sabay lapit rito at hinawakan niya ang butones ng damit ni Cindy.
" A-anong gagawin niyo? " pagpumiglas ni Cindy habang binubuksan ni Kristine ang butones ng damit niya.
" Hawakan niyo nang mabuti! " utos nito habang tinatanggalan ng butones ng damit si Cindy.
" Kristine!!!! " sigaw ni Cindy nagulat naman itong tumingin rito.
" got you! " pagngiti niya " wag kang mag-alala titirahin rin naman natin ang two piece mo " tawa pa nito " Dahil ngayong araw magiging modelo si Cindying nasa loob ang kati " tawanan pa nila.
" wag mo akong subokan Kristien! " malalim na sabi ni Cindy habang nakapikit kunti na lang kasi hindi na rin niya makokontrol ang emosyon o galit niya.
" At sinong tinatakot mo? " pagbawi ni Kristine sa naging reaksiyon niya sa sinabi ni Cindy sa totoo lang kinilabotan na siya doon first time kasing magsalita ni Cindy nang ganon.
" Hawakan niyo nang mabuti yan!!! "
" Kristine sinasabi ko sayo itigil mo ito...." nakakagat labing sabi ni Cindy habang pinipigilan ang sariling bigla na lang sumabog sa galit.
" Tigilan mo ako sa pananakot mo! " paghila ni Kristine sa damit nito nang malakas kaya nagsiliparan ang mga butones kasabay ng pagdating nila sa floor ay ang pagbukas nang pinto.
" KRISTINE!!!!!!! " Ganon na lang ang gulat nilang lahat ng pumasok si Jeremy kaya yong dalawang babaeng nakahawak kay Cindy agad nagtago sa likod niya hindi naman siya makapagsalita basta nanlalaki lang ang mata niya habang napapalunok nang malingon nito si Jereming galit na galit kaya agad inayos ni Cindy ang damit niyang muntik nang mapunit.
" Okay ka lang? " nag-aalalang yakap rito ni Jie pagkatapos nitong pumasok, hindi naman alam ni Cindy kung anong puwedi niyang maramdaman rito alam naman kasi niyang pinaplastic lang siya nito pero hinayaan na niya itong yumakap sa kanya.
" O bakit magagalit ka saa__?!"
" Oo! At paghindi ka pa tumigil talagang sasamain ka saakin! " sigaw rito ni Jeremy gulat na gulat naman ito, first time kasi siyang sigawan nito at kitang kita niya ang galit sa mukha ni Jeremy.
" Bakit ka nagagalit? Ginagawa ko ito dahil mahal ko si Aethan at ayaw kong mapunta siya diyan!! At binalaan ko na kayong lahat isang pagkakamali ang pumasok sa mundo ni Aethan nang wala akong permiso! " Sabi ni Kristine at mga ilang segundong natahimik si Jeremy dahil kahit kanino man siya ang nakakaitindi sa nararamdaman ng bestfriend niya
" Let's go girls! " sabi ni Kristine pero natigilan siya sa sunod na sinabi ni Jeremy.
" Kung ako man si Aethan kasusuklaman ko ang pag-ibig mo Kristine "
" An-no? I-ikaw ba talaga yan Je-je-rem-my?! " Hindi makapaniwalang lingon rito ni Kristine kasabay ng pagpatak nang mga luha niya pagkatapos masaktan sa sinabi nito dahil si Jeremy lang ang nag-iisang nakakaitindi at sumusuporta sa pagmamahal niya kay Aethan kaya hindi siya makapaniwalang sinabi niya ito.
" Nakaksuklam ang pag-ibig mo Kristine hindi kana yong dating kakilala ko " tingin rito ng diretso ni Jeremy sa mata hindi naman makapagsalita pa si Kristine pagkwan pinuntahan ni Jeremy si Cindy.
" Tayo na! " Paglabas nila at napalingon silang lahat ng marinig nilang sumigaw si Kristine pero hindi na nila ito pinansin.