Cindy's POV:
Kumakain kami ngayon ni Jie sa may field nang burger at juice habang nagpapahinga tapos na kasi kaming magpractice.
" Hindi ka ba nahihirapan? "
" Saan naman? " Tanong rin ni Cindy kay Jie habang kumakain sila.
" E kasi ang dalawang lalaking sikat dito sa campus may gusto sayo, diba ang hirap pumili nun? "
" Hindi naman nila ako pini-pressure sa mga gusto nilang gawin na ayaw ko, sa totoo niyan parang magkakaibigan nga lang kami at sa tingin ko mas maganda kung hanggang doon lang kami " Natigilan si Cindy ng bigla siyang batokan ni Jie.
" Tsk! ano yan pinapaasa mo sila? At saka hellow si Aethan at Jeremy ang pinaglalawayan ng lahat irereject mo lang? Tsk! Tsk! papalitan talaga kita ng pangalang the rejectioner s***h tanga! ang gugwapo nila tas irereject mo lang kung puwedi nga pagsabayin mo e " this time si Cindy naman ang bumatok rito.
" Kung ganon tatawagin rin kitang The Acceptioner s***h gusto ng dalawa! " Nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan.
" Pero seryoso Cindy sino ba sa kanila? "
" Sa totoo niyan wala pa naman akong gusto sa kanila "
" Baka hindi mo lang alam? " Tingin pa rito ni Jie kaya nagtataka namang tumingin din rito si Cindy.
" Love test tayo "
" Huh?! "
" Oo, question number one, Sino ang palagi mong naiisip? "
" Wala! palagi naman kasing nandoon si Jeremy ganon din si Aethan "
" Okay, question number 2, Sinong mas masayang kasama? "
" Si Jeremy pareho kasi kami ng gusto tas parang hindi napapagod ngumiti basta parang ang dali lang sa kanya ang lahat kahit hindi niya alam pero sa bagay ganoon naman talaga siya kahit nong ako pa si Jul_ " natigilan si Cindy at uminom sa juice niya saka nagsalitang muli hindi naman yon napansin ni Jie "at si Aethan naman bihira lang ngumiti madali lang sa kanya ang lahat kaya hindi siya masyadong nagkaka-interest doon at saka hindi ko pa naman nakitang ngumiti yon ng masaya tsk! ngingiti lang yon pagnang-aasar e"
" Jeremy's win!" sabi nito magsasalita pa sana si Cindy pero hindi na niya ito binigyan pa ng chance at nagtanong pang muli.
"question number 3, Kanino ka madalas mag-alala? "
" Si Jeremy kasi sabi ko nga kanina palaging masaya parang walang problema, si Aethan naman palaging nakakunot ang noo para bang walang gusto at nasanay na ako doon kaya lang lately kapag ganon ang mood niya hindi ako mapakali pakiramdam ko may mali sa araw ko paghindi niya ako pinapansin o yong parang may hindi siya gusto saakin "
" Aethan's win!!! omg! pareho ang nararamdaman mo sa kanila, lahat 1 point pero saan naman ang gusto mo doon? Sa masaya kang kasama mo o don sa nag-aalala ka kapag Hindi ka kinikibo? " Kinikilig pa nitong tanong.
" Huh, ano ba yang pinagsasabi mo? " pag-inom nito ng juice, napapaisip rin kasi siya kung tama itong pinagsasabi ni Jie.
" Pero sa tingin ko doon sa nag-aalala ka, feeling ko mas lamang si Aethan "
" Ano?! tsk! palagi nga yon masungit at saka hindi naman ako sure kung may gusto talaga yon saakin o naaawa lang " malungkot na sabi ni Cindy sa dulo sa nararamdaman niyang treatment rito ni Aethan.
" Huh, bakit naman siya maaawa sayo? Sandali may hindi ka ba sinasabi saakin? " mariing tingin rito ni Jie.
" ah, e, kasi alam naman nating lahat may mga class lahat nang nandito at always akong nabobully "
" Nabobully ka dahil gusto ka niya at isa pa wala pang nagugustohan yon dito ni kinakausap nga wala kaya sigurado akong gusto ka talaga niya " Hindi naman nagsalita pa si Cindy.
" Pero alam mo mas okay kung kay Jeremy kana lang " Napatingin naman bigla si Cindy kay Jie.
" Opinyong kaibigan lang naman yon kasi kay Aethan may immortal kang karibal sa kanya Oo, hindi mortal kasi mas mabangis pa sa lobo ang ugali ni Kristine kapag si Aethan ang usapan kaya sa tingin ko baka abnormal kana bago mo pa masagot si Aethan " Hindi maitindihan ni Cindy pero pakiramdam niya biglang bumigat ang paghinga niya sa sinabi ni Jie para bang hindi na siya makapagsalita pa.
" See? affected ka masyado sa sinabi ko " tawa pa nito ng mapansin ang awra ni Cindy " Biro lang yon, tandaan mo buhay mo yan wag kang magpadikta sa kung sino man ang gusto mong mahalin, okay! " Sa sinabing yon ni Jie ay natauhan bigla si Cindy.
" Ano bang pinagsasabi mo diyan?! " Naasar niyang tingin rito.
" Aethan mukhang panalo kana! " sigaw pa ni Jie wala naman kasing tao don dahil tapos na ang practice pero napatayo sila bigla ng may lumabas mula sa harapan nila.
" Kung ganon bakit hindi ka pa lumayo kay Jeremy?! " Nanlalaking mata ni Nica na halatang galit na galit.
" Dati naman kay Aethan ka sumasabay at ngayon kay Jeremy na naman? Huh! Talaga bang balak mo silang pagsabayin? " paglapit nito kay Cindy pagkwan kinuha ni Cindy ang bag niya.
" Jie kunin mo na ang bag mo umalis na tayo! "
" Kinakausap kita kaya wag mo akong tinatalikuran!!! " sigaw nito kay Cindy hahawakan sana niya si Cindy pero biglang sinalo ni Jie ang kamay niya at malakas niya itong binitawan at napahawak naman sa kamay niya si Nica sa lakas num.
" Hoy! disperadang Juliet na mukhang bolate! wag mong hinahawakan ang kaibigan ko! " Nagulat naman si Cindy sa biglang pagtatanggol sa kanya ni Jie.
" Hoy Jie! wag kang nakikialam rito kung ayaw mong madamay! "
" At sinong tinatakot mo?! Tsk! wag kang nagmamayabang sa harapan ko dahil baka isampal ko lang sayo ang apelyedo ko at lahat ng achievement ko para malaman mong alikabok ka lang para saakin kaya wag mo akong pinagsasabihan! " matapang ritong sabi ni Jie natahimik naman si Nica.
" At wag kang disperada ha! Sinasabi ko sayo isusumpa ni Jeremy ang bawat araw ng buhay niya kung sa paggising niya mukha mo ang bubungad sa kanya! "
" Subra kana ah! " Sigaw nito.
" Oh! Bakit!? " Pagtulak rito ni Jie muntik na ngang mapahiga itong si Nica sa lakas kaya naman napilitan na rin siyang umalis.
" Halika na nga "
" Nakikipag-away ka rin pala? " hindi makapaniwalang tanong rito ni Cindy.
" Minsan lang, e kasi ang kapal naman talaga ng mukha non tsk! Pa-feeling Kristine e wala naman siyang kahit anong titulo dito sa campus at yong beauty niya heller nadala ng kotselyo unlike Kristine natural at maraming hawak na pangalan dito sa campus kung may Aethan kasi ritong hinahangaan ng lahat meron ding Kristine na gusto ng lahat kaya nga maraming takot don e kasi marami ding may gusto sa kanya kaya sa oras na kalabanin mo halos lahat din ng campus kalaban mo ganon siya ka fame " sabi pa nito, si Cindy naman tahimik lang hindi naman kasi talaga birong karibal si Kristine " At aware na ang lahat na si Aethan ay para sa kanya dito sa loob ng campus kasi baliw yon kay Aethan " pagkukwento pa ni Jie " pero may mga haters rin siya pero silent nga lang sila e kasi nga hindi basta bastang tao lang dito si Kristine at saka yang mga boys na laging kasama mo kakampi yan dati ni Kristine " pagtukoy nito kila Leo at mariin lang ritong nakikinig si Cindy.
" Tayo na nga, umuwi na tayo pero wag mo nang pansinin ang sinabi ko tungkol kay Kristine sus! mas bagay kayo ni Aethan " Hindi na nagsalita pa si Cindy sa sinabi ni Jie, ngayon medyo naiitindihan na niyang hindi talaga ganon kadaling pumasok sa mundo nila.
" Sige mauna na ako" pagpapalam ni Jie papunta sa may gate kung saan nandoon ang sasakyan niya, si Cindy naman pumunta pa sa may bicycle parking lot actually ang dami ring nagbi-becycle sa school nila pero hindi basta mga bicycle lang halata kasing ang mamahal ng mga bisekleta. At nandon na si Jeremy habang nakangiti.
" Kanina ka pa? " tanong agad rito ni Cindy.
" Bago pa lang "
" Ganon ba, si Aethan? " tanong pa ni Cindy.
" Hindi ko alam basta pagkapalit ko nong practice namin dumiretso na ako rito " paliwanag ni Jeremy.
" Oh sige, umuwi na tayo " Pagsakay ni Cindy sa bisekleta nito ganon din si Jeremy hindi na niya hinanap si Aethan para magpaalam nasabi na rin naman niya ritong wag na siyang hatid sundoin nito at hindi nagtagal dumating na rin sila.
" Sige, Jeremy " Ngiti ni Cindy pero natigilan siya sa pagpasok sa kwarto niya ng magsalita si Jeremy.
" Sa labas tayo kumain ngayon? "
" Huh, pero may mga pagkain naman ako kaya bakit sa labas pa? Bakit naubosan kana ba ng pagkain? Edi dito kana lang kumain " Hindi naman napigilang matawa ni Jeremy sa sinabi ni Cindy.
" Sige na basta magpappalit na ako "
" Pero Jeremy gastos lang yon "
" Akong bahala at isa pa diba tinatanong mo kung paano mo ako mababayaran kaya ito na yon " Ngiti pa ni Jeremy at sa sinabing niyang ito tumahimik na si Cindy.
" Sige, dadaanan na lang kita " Kindat pa nito at pumasok naman si Cindy sa kwarto niya para magpalit pagkwan nagsuot siya ng pajama at t-shirt.
" Okay lang siguro ito total kakain lang naman kami " Pagkwan kumatok siya sa kwarto ni Jeremy at halatang gulat na gulat si Jeremy sa suot niya pero mamaya ngumiti rin siya habang kinakamot ang ulo niya.
" Bakit? " nagtataka pang tanong ni Cindy.
" Wala, tayo na! " Paghawak niya sa braso ni Cindy pero hindi naman bihis na bihis si Jeremy nakapantalon lang din siya, jacket, at T-shirt pero kahit ganito lang ang suot niya sobrang lakas ng dating niya.
" Kakain lang tayo diba? " Tanong pa ni Cindy habang naglalakad sila.
" Oo at titingin tingin din sa labas " Magsasalita pa sana si Cindy pero binuksan na ni Jeremy ang sasakyan sinyales na sumakay na siya at natigilan siya ng sa isang malaking restaurant siya dinala ni Jeremy.
" Tayo na? " Yaya rito ni Jeremy ng makapagpark sila napatingin naman si Cindy sa suot niya saka nagreact ng parang naiiyak.
" O bakit may masama ba? "
" E sabi mo kakain lang tayo e bakit dito? dapat sinabi mong dito ka kakain para naman nakapagbihis ako kahit papaano " Natigilan si Cindy ng biglang kurotin ni Jeremy ang pisngi niya pero mahina lang.
" Ano naman? para saakin kahit anong suot mo si Cindy pa rin ang tingin ko sayo " ngiti nito " At mas maganda nga yan mamaya madagdagan pa si Aethan sa buhay mo mahirap nang magkaroon pa ng kalaban at isa pa bagay mo rin naman "
" Ano bang pinagsasabi mo hindi naman ang ibang tao ang iniisip ko ang inaalala ko e baka hindi ako papasokin ng guard sa loob dahil sa suot ko " nag-aalalang sabi ni Cindy paano kasi naka-slipper lang din ito.
" Oh sige, may alam pa akong lugar " Pagkwan pinaandar ni Jeremy ang sasakyan at sa isang simpleng restaurant niya ito dinala may dine-in sa loob at sa labas.
" Saan tayo? sa loob o sa labas? "
" Ikaw? "
" Mas masaya sa labas mahangin at kita ang langit " medyo madilim na kasi may nakalabas ng mga stars pero hindi ganon karami kaya mas maganda ang view dito sa labas. At yon umorder na nga si Jeremy.
" Kain na tayo kanina pa ako nagugutom "
" Talaga bang okay lang sayong dito tayo kumain? Dapat kasi sinabi mong sa ganong lugar tayo kakain, doon sa unang pinuntahan natin para nakapagdamit ako ng maayos "
" Ano ka ba, ito nga ang isa sa bonding namin nila Leo at isa pa sigurado namang masaya kung ikaw ang kasama ko " Kinikilig pang sabi ni Jeremy habang pinaghahandaan ng pagkain si Cindy.
" Sus! kahit sino namang kasama mo masaya ka " Natatawa nitong sabi.
" Pero iba kapag ikaw" Ngiti pa ni Jeremy pero tumango lang rito si Cindy " alam mo bang kapag kumain ka ng pancit hahaba daw ang buhay mo? "
" Sus! wag kang naniniwala doon namatay nga yong may gawa niyang pancit e, yong kakain pa kaya " Natawa naman si Jeremy sa sinabi ni Cindy.
" E Jeremy kailan niyo naging bonding ang kumain ng mga pagkain namin? Ang alam ko kasi ilan sa mayayaman walang idea sa mga pagkain namin "
" Noon kasi may napanood kaming pinoy movies tas naging challenged namin yong pagkain ng isaw tas nagustohan namin yong lasa kaya sinubokan na rin namin ang lahat ng food street pero balot lang ang hindi ko kaya " Nandidiring sabi ni Jeremy kaya natawa tuloy si Cindy sa reaction niya.
" Gusto namin ni Julian ng balot "
" Seryoso?! e diba, ang pangit ng hitsura paano mo nakakaya? " Nakangiwi pang sabi ni Jeremy kaya natawa na naman si Cindy.
" Tsk! sabi nga nila don't judge the book by it's cover, kailangan alamin mo at ganon ang balot "
" Tsk! nahihilo nga lang ako sa hitsura paano na lang ang laman " Nanginginig pa nitong sabi kaya hindi talaga napigilang matawa ni Cindy pagkwan kinuha nito ang sili.
" Tingnan mo 'toh " Pagpapakita nito sa sili kay Jeremy.
" Tingin mo maanghang? " tumango naman ito pagkwan kinain ni Cindy kaya ganon na lang ang pag-aalala nito pero natigilan siya ng makitang parang wala lang kay Cindy pero sa totoo lang kanina pa niya gustong masigaw sa anghang nakakapit nga siya ng mahigpit sa upuan niya pagkwan nilunok niya.
" Hindi siya maanghang, wag kasi tayo tumingin sa labas lang "
" sigurado ka? " Pagkuha din nito sa sili.
" Subokan mo " Tumango naman rito si Jeremy at kinagat ng madiim at napasigaw siya sa anghang sabay luwa sa sili kaya ganon na lang ang tawa ni Cindy napapahawak na nga siya sa tiyan niya sa kakatawa .
" Yong maanghang ang nakain ko Cindy " Nakalabas pang dila ni Jeremy.
" Sa totoo niyan maanghang naman talaga yon sinubokan lang kita kung madaling lukohin " tawa pa ni Cindy kaya hindi rin napigilang matawa ni Jeremy sa mga tawa nito at buong pagkain nila tawang tawa sila puro sila kuwentohan ng mga walang kabulohan.
" Uwi na tayo " ani Cindy habang naglalakad sila tapos na kasi silang kumain.
" Manood muna tayo "
" Pero Jeremy gabi na kasi "
" Yon nga ang maganda " pagkwan hinila niya si Cindy papunta sa sasakyan magsasalita pa sana siya pero mukhang excited itong si Jeremy kaya tumahimik na lang siya pero natigilan siya nang huminto si Jeremy sa isang high way walang sasakyan o kahit isa mang bahay at magtatanong sana siya pero mabilis na bumaba si Jeremy kaya napilitan na rin siyang sumunod at napahalukipkip sa lamig.
" Mula rito ang gandang pagmasdan nang buong kalangitan at ramdam na ramdam mo ang hangin sa totoo niyan gustong gusto kong pinapanood ang kalangitan, ang mga bituin kasabay ang dampi ng hangin sa katawan ko nakaka relax kasi kaya nga gustong gusto kong nagmomotor " Pagsasalita ni Jeremy, mataman namang nakikinig si Cindy habang nakatingin sa taas, si Jeremy naman sa kanya nakatingin habang nakangiti " At marerealize mong lahat tayo dito sa mundo ay pantay pantay lang maging sino ka man o ano ka man, marerealize mong lahat ng tao ay parepareho lang, parepareho tayo nang layo sa langit " Ani Jeremy at tumango naman si Cindy habang nakangiti.
" Tama ka, alam mo ba sabi nila pagnamatay tayo magiging bituin tayo, nagpapahiwatig lang yon na kahit sino ka man dito sa mundo sa kabilang buhay pantay pantay tayo " Ngiti ni Cindy.
" Cindy kung sakali mang may mangyari saakin doon ka lang tumingin malapit sa buwan dahil hihilingin kong matabi sa buwan para madali mo lang akong makilala at nang sa ganon patuloy akong mabubuhay sa alaala mo, na minsan sa iyong buhay may nakilala kang Jeremy "
" Tsk! ano ba yan may mangyayari ba sayo? Ayaw ko ng ganyang joke! " masamang lingon rito ni Cindy.
" Gusto ko lang naman maramdaman mong palagi pa rin akong nakabantay sayo kasi ako pakiramdam ko hindi kita basta gusto lang mahal kita at mamahalin kita kailan man Cindy kahit anong mangyari " magsasalita pa sana si Cindy pero nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Jeremy mula sa likuran gamit yong jacket.
" Ang lamig ng hangin " Hindi namn gumalaw pa si Cindy at pinakiramdaman si Jeremy at pakiramdam niya ang gaan ng pakiramdam niya rito wala siyang nararamdamang kahit ano o pagkakailang, pakiramdam niya kilalang kilala niya noon pa man si Jeremy para bang nakasama na niya ito sa unang buhay niya at yong t***k ng puso niya sumasabay sa bawat hinga niya.
" Cindy yang buwan ikaw yan kasi kahit saan ako pumunta nakasunod ka hindi mo ako iniiwan at binibigyan mo ng liwanag ang buhay ko " Natigilan si Jeremy ng tumawa si Cindy.
" Tsk! Hindi ka naman sinusundan ng buwan Jeremy noong bata ako akala ko sinusundan din ako " Tawa pa nito at nanlaki ang mata niya ng paharapin siya ni Jeremy sa kanya.
" Cindy puwedi ba akong humiling sayo? " Natahimik naman si Cindy sa boses ni Jeremy ang seryoso kasi siguro dahil wala siyang naririnig na iba maliban sa boses nito at sa simoy ng hangin kaya klarong klaro sa kanya ang boses nito.
" Pilitin mong gustohin ako " yakap pa rito ni Jeremy at hindi makapagsalita si Cindy ng maramdamang para bang umiiyak si Jeremy.
" Hindi ko alam pero gustong gusto kita at kahit alam kong malabo namang ako ang piliin mo saamin ni Aethan bumuo na ako ng mga pangarap kasama ka kaya paniguradong isa kang malaking kawalan saakin, alam ko namang hindi tama yon pero gustong gusto talaga kita at hindi ko kayang isipin ang existence ko ng wala ka " sabi nito habang nakayakap kay Cindy mariin naman siyang nakikinig rito. " Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kita pero siguro baka nagmahalan na tayo sa last life natin? puwedi naman siguro yon, kasi hindi ko talaga maitindihan bakit ganito ang nararamdaman ko sayo, yong parang sa mga drama reicurnation, Oo, baka kaya ko nararamdaman ito e dahil minahal na kita sa unang buhay ko at sana hayaan mo akong gustohin ka at gustohin mo rin sana ako " Yakap nito ng mahigpit kay Cindy at ramdam na ramdam niya yong mga sinasabi ni Jeremy hindi naman niya alam kong ano ang sasabihin niya kung bibigyan niya kasi ito ng pag-asa baka masaktan lang hindi pa naman kasi niya alam kung sinong gusto niya sa kanila at kung babastiden naman niya ito ngayon baka masaktan niya lang ito kaya tumahimik na lang siya at hinayaang yakapin siya ni Jeremy at mga ilang minuto rin yon.
" Halika na masyado ng malamig " Pagngiti rito ni Jeremy na para bang okay na ang lahat o wala na yong sinabi niya kanina.
" Tayo na " Ngiti rin ni Cindy at kagaya ng madalas mangyari pagmagkasama sila wala silang ginagawa kundi ang tumawa at habang tumatawa si Jeremy hindi niya maiwasang titigan ito.
" Sa totoo niyan hindi ka naman mahirap mahalin Jeremy ang saya mong kasama, ang bilis tumakbo ng oras pagkasama kita, at pakiramdam ko kilalang kilala na kita at sa tingin ko ganon ka rin saakin, parang ang dali lang ng buhay pag-ikaw ang kasama ko " Nakangiting titig rito ni Cindy at pakiramdam niya kumikislap sa paningin niya si Jeremy natigil nga lang yon ng lumingon ritong nakangiti si Jeremy.
" Mauna kana hihintayin ko pa ang driver namin para maiuwi na niya ito sa bahay " Pagtukoy ni Jeremy sa sasakyan agad namang sumunod rito si Cindy pero natigilan siya ng mapansin niyang may bulaklak sa pintuan niya at napangiti siya ng pollen ito kung saan gustong gusto niya ang ganitong bulaklak.
" Kanino kaya ito? Wala namang nakasulat na pangalan o ano pero mukhang nalanta na panigurado kaninang umaga pa ito baka tinapon sa pintuan ko at natamaan ng araw kaya nalanta " pagkausap pa ni Cindy sa sarili niya " Bahala na nga sayang naman kasi kung itatapon ko rin " Pagkuha niya rito sa wrapper na nakabalot rito at nilagay sa isang flower base at nilagyan niya ng tubig pagkwan nagpalit siya at nagulat siya ng pagtingin niya sa phone niyang nakacharge pagkatapos itong iwan ay 4 missed called from Aethan and 1 message agad naman niya itong binuksan.
" Nasaan ka? " Agad itong tinawagan ni Cindy ng mabasa niya ang message nito.
" Aethan nakauwi kana? " bungad niya agad rito ng sagotin ni Aethan.
" Oo! " tipid nitong sagot na halatang naiinis.
" Pasensya kana kung hindi ako nakapag paalam sayo kaninang umuwi kami ni Jeremy lowbat kasi kami " pagpapaliwanag nito " Pero nasabi ko naman sayo nong sa classroom na wag muna akong hintayin, hindi ba? " Dugtong pa nito.
" Tsk! sana nagpaalam ka pa rin o sinabi mo saakin para naman hindi ako parang tangang naghihintay sayo sa gate "
" Naghintay ka? "
" Tsk! almost 1 hour at puwedi ba kung hindi mo rin mapakinabangan yang phone mo itapon mo na lang tsk! " Naiinis ritong sabi ni Aethan at kumalma naman si Cindy naiitindihan niya kasi kung bakit naiinis itong si Aethan kasalanan nga rin naman niya dahil pinaghintay ito.
" Sorry.. kasalanan ko, naiwan ko kasi kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo "
" Baka naman sinadyang iwan! " nagseselos pa nitong sabi " Sige na, good night! " pagputol nito sa linya kaya naasar namang tumingin si Cindy sa phone niya.
" IKAW!!!! tsk! isa talagang malaking pagkakamali ang gustohin ka Nathan Villasore! " Sigaw ni Cindy sabay delete sa number nito.
" Bahala nga siya sa buhay niya tssst! nagsorry na yong tao e " Pagpatay nito sa phone niya sabay higa at pumikit para matulog pero napabangon siya bigla ng naglalakbay sa diwa niya si Aethan.
" Ahhhhhhhhh!!!!! " sigaw nito " Bahala ka sa buhay mo! " Sabay- on nito sa phone niya yon kasi ang hindi nagpapatulog sa kanya ang pumasok sa isipan niyang baka nagtext si Aethan na nasa labas na naman ito ng condo niya at nahulog talaga siya sa kama niya ng pag-open niya, text nga ni Aethan ang bumungad rito.
" Nasa labas ako " Napatakbo siya sa labas ng mabasa ang message nito at magkakalahating oras rin kasi yong pagpilit niyang matulog kaya nag-alala siya nong maisip na baka kanina pa sa labas si Aethan pero parang bumaliktad ang mukha niya ng paglabas niya wala doon si Aethan, usually pagsinabi ni Aethan na nasa labas ito pagkalabas na pagklabas niya bubungad na ito sa kanya.
" Tsss! Baka kanina pa yon " bulong ni Cindy " haist! ano bang nangyayari saakin!? Ano naman kung nandito siya o wala! " Pagpukpok pa nito ng mahina sa ulo niya at nagulat siya ng biglang may humawak rito kaya agad siyang napalingon rito and it was Aethan.
" Tsk! talaga bang papasok kana? 23 minutes and 43 senonds na naman akong naghintay sayo tas ganon mo lang ako kabilis hanapin? Sumilip ka lang " mariin ritong tingin ni Aethan.
" Ano naman? Tsk! Minsan ka lang naman mabait saakin! napaka sungit mo kaya nag-eexpect kang maeexcite akong makita ka?! At isa pa nagsorry naman ako pero ang sungit mo pa rin " asar niyang sabi rito.
" Bakit ba masyado mo akong pinapahirapan? " Titig rito ni Aethan napababa naman ng tingin si Cindy sa mga tingin nito at gulat na gulat siya ng bigla siyang hilain ni Aethan at yakapin.
" 5 seconds " bulong nito rito at kagaya nong kay Jeremy hindi siya gumalaw o hindi niya magawang gumalaw pero sa ngayon hindi niya kayang pakiramdaman ang yakap ni Aethan pakiramdam niya wala siyang maramdaman, ibang iba sa yakap ni Jeremy, ngayon para silang nakulong sa isang bula na para bang walang pumapasok na hangin o ano mang bagay na maaaring makasira sa moment na ito pakiramdam niya wala ng naiisupply na oxygen ang cardiovascular niya napapalalim na lang ang hininga niya.
" Five! " pagkasabi nun ni Aethan pagkatapos magbilang from 1-5 ay tinanggal niya ang pagkakayakap niya rito " Sorry dahil hinintay kita, sorry at sinigawan kita sa phone, sorry at ininis kita, sorry at nainis ako sayo, sorry Cindy " Sunod sunod na sabi ni Aethan hindi na nga siya makasingit.
" Kasalanan ko kaya wag ka nang mainis "
" Tsk! Hindi naman ako naiinis ikaw kasi ayaw mong makinig ng explanation at saka wag ka ngang sorry ng sorry wala ka namang kasalanan "
" Takot akong mawala ka kaya ako nagsosorry " Paggulo pa ni Aethan sa buhok nito " alam mo mula ng makilala kita minsan hindi ko maitindihan ang sarili ko, mga kilos, o ginagawa ko " pagbuntong hininga nito.
" Kasi nasanay kang nakafucos ka lang sa sarili mo kaya hindi ka sanay na may kasama ka sa mundong ginagalawan mo "
" Kaya nga gusto kong pumasok sa mundo mo "
" Tsk! kung sa mundo mo nga hindi mo kayang mabuhay ng may kasama, sa mundo ko pa kayang hindi mo alam kung anong klase "
" Sinabi ko na sayong interesado ako sayo kaya kong gawin kahit ano, pumasok sa mundo mo, o gumawa ng mundong kasama ka o gumawa ng mundong gusto mo, ang gawin ang gusto mo at kahit maging si Julian kahit walang kasiguradohang magiging akin ka sa huli " Tahimik lang ritong nakatingin si Cindy hindi niya alam pero pagsi-Aethan ang nagsasalita ng feelings niya hindi nagpa-function nang maayos ang utak niya basta paulit ulit lang sa isip niya ang sinasabi ni Aethan.
" Sige na pumasok kana " Ani Aethan ng mapansing nakatitig lang rito si Cindy.
" Si-sige " Pagtalikod nito pero natigilan siya ng tawagin siya ni Aethan.
" Good night! "
" Good night " Sabi nito at naglakad ng mabilis at nong hindi na ito makita ni Aethan saka siya naglakad papunta sa sasakyan niya para umuwi agad namang bumalik si Cindy ng marinig niya itong naglakad hindi naman kasi talaga siya pumasok nagtago lang siya sa may pader.
" Bakit ganon ibang iba ang nararamdaman ko kay Aethan pakiramdam ko nag-iiba ang mundo o ang buong paligid pagsiya ang kasama ko, hindi tulad ni Jeremy parang matagal na matagal ko na siyang kilala at parang open akong gawin o sabihin sa kanya ang lahat bumibilis rin ang t***k ng puso ko pero kay Aethan bakit ganon parang nahihirapan akong huminga at pakiramdam ko kinakabahan ako tsk! siguro dahil nasanay akong tingnan siya ng mataas at patunay lang yon na hindi madaling pumasok sa mundo niya " pagmamasdan rito ni Cindy.