Natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig kong may kumatok sa kwarto ko panigurado si Jeremy na naman ito.
" Good Morning " nakangiti nitong bati saakin.
" Good morning " Ngiti ko rin " Anong mayron? " tumingin naman siya sa loob senyales na gusto niyang pumasok kaya tumalikod na ako at naglakad sa may sofa, sumunod naman ito saakin.
" Ginugulo ka pa rin ba ni Kristine? " Napatingin naman ako rito sa tanong niya masyado pa kasing maaga para pag -usapan ang stressful ko dito sa Manila.
" Bakit mo naman naitanong? "
" Kilalang kilala ko na kasi yon at ayaw na ayaw niyang nakikitang may kasamang babae si Aethan o may dumidikit na babae kay Aethan " sabi nito " Naiisip ko kasi yong araw araw na paghatid sundo sayo ni Aethan panigurado hindi yon natutuwa " Napatango naman ako sa sinabi niya pero wala akong balak na sabihin rito ang pinaggagawa saakin ni Kristine alam ko namang medyo nagkakatampohan na sila.
" Kung may choice nga rin akong wag sumabay kay Aethan kaya lang alam mo namang iba ako sainyong lahat wala akong magulang na gagastos saakin kaya hindi ko makakayang magcommute araw araw pero alam ko namang hindi naman puweding habambuhay na akong hahatid sundoin ni Aethan balak ko rin namang magpart time job para kahit yong pamasahe ko lang ang makaya ko at isa pa nakakahiya na rin kay Aethan " paghinga ko ng malalim pero natigilan ako sa mga titig ni Jeremy.
" Edi tayo na lang ang magsabay total isa lang naman tayo ng tirahan "
" Ayaw ko nga, medyo nakaka pag-adjust na rin ang mga babaeng may gusto kay Aethan sa school, e kung sayo naman aki sasabay panigurado ang fan mo naman ang mang-aaway saakin "
" Anong ibig mong sabihin? May nananakit pa rin ba sayo? " nag-aalala nitong tanong.
" Wala! " pag-iling ko pa doom naman ay ngumiti siya.
" Marunong ka ba magmotor bike? " tumango naman ako rito nang may pagtataka ang wewierd kasi ng tanong nito.
" Bumili tayo ngayon nang scooter" Pagtayo nito at gulat na gulat naman ako sa sinabi niya.
" Para hindi kana mahirapan isipin sa mga babaeng may gusto kay Aethan o saan ka sasabay "
" Ano ka ba! Ang dami ko na ngang utang kay Aethan dadagdag ka pa " pagbibiro ko " At isa pa mahal ang scooter "
" Ako ng bahala doon wag mo nang isipin yon at saka hindi naman kita pinapautang eh " sabi nito " Ayaw ko lang na sumasabay ka kay Aethan pakiramdam ko kasi mas nawawalan ako ng chance na mapalapit sayo " dugtong pa nito pero hindi ako nagsalita sa sinabi niya pero mayamaya tumawa siya.
" Okay, naiitindihan kita ganito na lang yong pinaka murang pangcommute ang bilhin natin para naman hindi ka mahirapan bayaran " Napatingin naman ako rito " Total sa tingin ko hindi mo naman tatanggapin kung ibibigay ko sayo ng libre kaya sige bayaran mo na lang "
" Oh sige, ano namang pangcommute yan at gaano kamura? "
" Alamo ba may short cut na daan dito papuntang school in 15 minutes makakarating na tayo sa school "
" Huh? Saan? " Curious kong tingin rito.
" Ituturo ko sayo mamaya at ang gagamitin nating pangcommute ay bisekleta " Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.
" Seryoso? Ibig sabihin puwedi rin pa lang lakarin? " pagkwan pinitik niya ang noo ko pero mahina lang.
" Tsk! Syempre hindi! dahil kung mabagal ka magbisekleta 30 minutes ka pa makakarating ganon kalayo " tumango naman ako rito.
" Magbihis kana, ngayon tayo bibili "
" Huh, ngayon pero may klase pa tayo "
" Mabilis lang naman tayo " Pagpapatayo niya saakin, wala naman akong magawa kundi sumunod kaya nagbihis na lang ako itong si Jeremy kasi ang pinaka makulit na taong nakilala ko kaya kung makikipag argue ako paniguradong talo rin ako.
" Halika ka na " Paghawak niya sa braso ko nang matapos akong magbihis. At yon naglakad na nga kami palabas.
" Saan ang motorbike mo? " tanong ko rito ng makalabas kami pagganito kasing may pupuntahan kami pagkalabas mo palang yon na ang bubungad sayo pero nilingon niya lang ako at ngumiti at mga ilang minuto may pumaradang sasakyan sa harapan namin at biglang bumaba ang driver rito at binigay kay Jeremy yong susi ng sasakyan.
" Señorito mag-iingat po kayo " sabi pa nito binigay naman rito ni Jeremy ang isang susi sa tingin ko yon yong susi ng motorbike niya.
" Iuwi mo na yan sa bahay o ibenta niyo na lang po o kaya sainyo na baka ano na naman ang sabihin ni Mommy pagnakita niyong inuwi niyo e " Pagkamot pa nito sa ulo niya, tumango naman rito ang driver kanina tsk! Iba talaga pagmayaman akala mo namimigay lang ng laruan, ang guwapo kaya nong motor niya tas ganon lang siya magdecide doon pagkwan binuksan niya yong sasakyan agad naman akong sumakay rito kaya sumakay na rin siya.
" Yang sa kaliwa ang daan ng short cut papuntang school " pagturo niya sa isang daanan ng tao at mga nakabesekleta.
" Nasubokan mo na bang dumaan diyan? "
" Pinatingnan ko kay Mang. Gor " Nagtataka naman akong tumingin rito.
" Driver namin yong kaninang nakasakay rito "
" Ganon ba, ah sandali, diba sabi mo pauutangin mo ako bale hindi kita agad mababayaran ah " nahihiya kong sabi rito pero ngumiti lang siya
" Puwedi bang hindi pera ang ibayad mo?" lingon nito saakin ng bahagya.
" Huh, ano ka? Grabe ka Jeremy!!!" naaasar ko ritong sabi ano namang kabayaran ang gusto niya nakalimotan ko may pagkamanyak rin pala itong si Jeremy noong unang pagkikita namin at mas naasar ako ng tumawa siya.
" Anong nakakatawa?!! "
" Hindi naman ganyan sa iniisip mo ang sinasabi kong kabayaran " tawang tawa pa nitong sabi kaya hiyang hiya tuloy ako.
" At ano namang iniisip kong kabayaran?! " Pa inosente kong tanong rito " Tsk! Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan " deny ko pa pero tumawa lang siya.
" Jeremy!!! "naasar ko ritong sigaw " E ano bang kabayaran nga ba ang gusto mo? " tingin ko pa rito.
" Pag-iisipan ko muna " Ngiti nito at mga ilang minuto dumating na kami sa isang shop na puro bisekleta ang nakadisplay.
" Saan ang gusto mo? " Tanong nito agad saakin pagkwan umikot ako para maghanap ng pinaka mura ganon din siya pero iwan ko kung pareho kami ng hinahanap.
" Ito na lang " Turo niya sa isang bisekleta at napaatras ako ng worth of 30k+ ito.
" Hindi na lang ako bibili " Paglayo ko ng kunti sa besekleta.
" Bakit? Wala ka bang gusto? " Hindi na ako sumagot sa kanya at tiningnan ng mariin ang mga prize at wala talagang mura rito, sa bagay ang gaganda nga naman pangmayaman din ang style pagkwan pumasok siya at iwan ko kung ano yong pinag-usapan nila nong may-ari nitong shop at mayamaya bumalik siya saakin.
" Doon tayo sa loob marami pa palang doon " masaya nitong sabi at sumunod naman ako pero walang prize kaya mas nawalan ako ng ganang bumili paano kung mas mahal ang mga ito.
" Saan ang gusto mo? "
" Walang prize na nakalagay panigurado mahal rin ito "
"Mura lang po Ma'am " lapit ng may-ari saamin " At kung dalawa po ang kukunin niyo may discount po kayo " dugtong pa niya.
" E magkano ba 'toh? " turo ko sa isang kulay orange gusto ko talaga itong kulay kahit ang raming may ayaw.
" Ah worth of____ " Natigilan yong worker ng biglang ubuhin si Jeremy " Mura lang po Ma'am " pagbawi nito sa pagtigil niya biglang magsalita pero hindi ko na siya pinansin dahil panigurado namang mahal ito.
" 'Lika na Jeremy saka na lang tayo bumili " hila ko rito pero natigilan ako sa sinabi nito.
" Kukunin po namin ito " Turo niya sa tinuro kong kulay Orange na may white at yong isang kulay orange din na may black.
" Bakit dalawa? "
" Akin yong isa para may kasama ka " Ngiti pa nito.
" Pero Jeremy ang mamahal niyan "
" Mas mahal yong sa labas " pag-iwas nito saakin kaya hindi na ako nakapagtanong pagkwan pumunta siya sa counter para bayaran ito kaya nauna na akong lumabas.
" Kahit papaano swerte rin ako sa buhay dahil may nakilala akong Jeremy na laging nandiyan para saakin kung totoo lang ang angel na pinapababa sa lupa at nagbabalat kayong tao paniguradong isa na doon si Jeremy" Pagmasdan ko rito habang nakikipag-usap sa may counter.
Jeremys' POV:
" Salamat po at tinanggal niyo ang mga prize " Nakangiti kong sabi sa may counter.
" Kulang pa nga po yan sa naitulong saamin ni Madam " sabi nito saakin ayon kasi sa kanya natulongan daw kasi siya ni Mommy ng mahospital ang anak niya kaya ganon na lang siya kabilis pumayag nong sabihin kong tanggalin ang mga prize ng bisekleta, yon kasi ang pinagbabasihan ni Cindy sa pagbili ayaw ko namang yong hindi magandang prize ang bilhin ko sa kanya mamaya masira agad o masaktan pa siya doon, pagmura kasi mas mababa yong mga materials na ginagamit kaya mas madaling masira. At kagaya ng sabi ko kay Cindy noong itanong niya saakin kung anong klaseng tao si mommy noong may mangyari sa kanya sinabi kong namimigay ng charity si Mommy o tumutulong siya sa mga may sakit especially yong mga na car accident yon kasi ang kinamatay ng unang anak nila Mommy at dahil gipit sila sa pera namatay si Ate kaya ganon na lang ang laki ng awa nila sa mga may mga sakit at sana itong binilhan namin kaya nakakatuwa tuloy.
" Salamat po ulit " Ngiti ko pa pagkwan sumilip ito kay Cindy habang nakatayo sa labas at pinagmamasdan ang paligid.
" Girlfriend niyo po? " Kinilig naman ako sa sinabi niya kaya napakamot ako sa ulo ko.
" Magiging girlfriend po "
" Mukhang kakaiba po yang tipo niyo Sir mahirap yan hanapin dito saatin " Sabi pa nito.
" Nag-iisa po talaga yan " Pagtitig ko rin kay Cindy at napaiwas ako rito ng tingin ng bigla siyang lumingon saakin.
" Ah! Dito niyo na lang po dalhin yong binili ko " pagsulat ko sa address namin ni Cindy, sila rin kasi ang magdideliver.
" Okay po "
" Paki-agahan po gagamitin na kasi yan ngayon " Pagkasabi ko nun pumunta na ako kay Cindy.
" Tayo na! " ngiti ko rito at gustong gusto kong umakbay sa kanya pero gaya ng sabi ni Aethan hindi siya si dating Julian.
" Akala ko ba binili mo yong dalawa kanina? "
" Oo pero sila na ang magdadala nun saatin mamomobrolema pa kasi tayo kung isasakay pa natin sa sasakyan"
" Sus! tamad e " paglalakad nito papuntang sasakyan at yon umuwi na nga kami.
Aethans' POV:
" Kasi naman kuya ang useless at naturingan kayong matalino pero wala naman kayong alam sa panliligaw kaya hindi na ako magtataka kung maunahan ka ng impaktong Jeremy na yon " Sermon saakin ni Sam habang nag-uuniform ako at kaninang gabi pa ito, mas excited pa kasi ito saakin na maging kami ni Cindy.
" Dati karibal ko kay Julian ngayon ikaw na naman ang inaagawan tsk! Masasaktan talaga saakin ang pangit na yon e! " Naiinis pa nitong sabi pero nginitian ko lang siya " Ngingiti ngiti ka diyan e naagawan kana! " Naasar pa nitong sabi " Dapat kasi bigyan niyo ng flower, yayain niyo sa labas, kumain kayo, manood, at maglakad lakad sa labas " Sabi pa nito.
" Maghintay ka lang " Tumayo naman ito sa sinabi ko at umunang lumabas saakin.
" Aethan, son baka namang puwedi kang sumabay saaming mag -almusal " Salubong saakin ni Daddy ng makalabas ako sa kwarto at maglalakad na sana ako ng biglang yakapin ni Timmy ang mga hita ko.
" Please Kuya..? " Sabi pa nito saakin tsk! siya yong batang bunga ng pagtataksil ni Daddy at ni Rachel kung hindi ko lang naiisip na wala siyang kasalanan baka pati siya damay sa galit ko sa mga magulang niya.
" Kailan ka pa dumating? " Pag-upo ko at kinarga ito, sa mga magulang kasi ni Rachel ito nakatira kaya minsan lang ito dumalaw dito dahil alam nilang hirap akong tanggapin ang ginawa nila at saka nagseselos rito si Sam.
" Ngayon lang po! " Sabi pa nito pagkwan nakita kong nakatingin saakin si Sam kaya binaba ko na ito gaya ng sabi ko nagseselos siya rito nasanay kasing nasa kanya ang atensyon naming lahat kaya hindi ko rin masisisi kung nakakaramdam siya ng inggit rito at isa pa hindi pa kasi siya nagmamatured.
" Kuya halika na! " Paghahanda nito sa pagkain ko, umupo naman ako at mabilis na tumabi saakin si Timmy kaya ganon na lang ang masamang tingin rito ni Sam at mga ilang minuto dumating na rin si Rachel at tumabi kay Daddy tsk! kung hindi lang kay Timmy hindi ako kakain rito.
" Mabuti naman at sumabay ka saamin " Nakangiti nitong sabi pero dinidma ko lang siya at hindi ko mapigilang mainis ng makita ko ang palaging puwesto ni mommy dito sa mesa, mabuti na lang kahit papaano marunong rin mahiya itong si Rachel ni minsan kasi hindi niya rin sinubokang maupo rito.
" Kumakain kana ng isda honey? " Tingin ni daddy kay Sam habang kumakain ng isda.
" Opo, masarap naman po kasi daddy "
" Ako, ayaw ng isda " Ani Timmy kaya masama lang ritong lumingon si Sam hindi naman niya ito sinasaktan pero nagseselos lang talaga siya.
" Mama, ayaw ng isda kaya ako ayaw rin " dugtong pa nito habang kumakain ng hot dog.
" Bakit nga po ba ayaw niyo ng isda Tita? " tanong pa ni Sam.
" Hindi ko alam, ayaw lang talagang tanggapin ng lalamunan ko " pagkwan lumingon saakin si Sam.
" Kuya ganon ka rin diba? puwedi kayang magmana sayo si Kuya kahit hindi niyo naman siya anak? " Tanong pa ni Sam ng may pagtataka at gulat na gulat ito ng biglang may mahulog na mga tubig sa mata ni Rachel at ako nagtataka ring nakatingin rito wala namang nakakaiyak sa sinabi ni Sam sa tootoo niyan nakakainis nga yon para kasing pinapalabas nitong nagmana ako kay Rachel.
" Tita may nasabi po ba akong masama? " nag-aalala nitong tanong at umiling naman ito at nagpunas ng luha.
" Natuwa lang ako sa sinabi mo " masaya nitong sabi, tumahimik naman si Sam habang nagtatakang nakatingin rito at natigilan ako ng tumingin ito saakin at ngumiti hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba sa ngiti niya para bang may kumurot sa puso ko at pakiramdam ko bigla kong naalala ang presence ni Mommy, ang yakap niya at mga ngiti niya tsk! siguro kaya ko lang ito naramdaman dahil ngayon pa lang ngumiti saakin si Rachel.
" Sige kumain ka na " paglagay nito ng pagkain sa plato ko.
" Wala na akong gana! " pagtayo ko " Papasok na ako " Paglalakad ko wala namang may sumunod pa saakin at pagkarating ko sa sasakyan walang imik akong sumakay dahil naiinis ako pagkatapos pumapasok sa isip ko yong ngiti ni Rachel hindi ko alam pero parang ibang iba siya sa Rachel na kilala ko siguro dahil yon ang unang ngumiti siya saakin.
" Namimiss ko lang siguro si mommy " bulong ko pa at pumikit habang nasa byahe ako papuntang condo ni Cindy at napamulat ako ng mata ng pumasok siya sa isipan ko.
" Ah saan po malapit ang bilhan ng flower? " Natigilan ako ng ngumiti saakin yong driver.
" Para ho ba kay Ms. Cindy? " kinikilig pa nitong sabi tumango naman ako bilang sagot.
" Sa pinaka magandang flower shop ko po kayo dadalhin at siguradong hindi kayo matatanggihan pagbinigay niyo "
" Siguradohin mo lang! " sabi ko rito ngumiti naman siya at mga ilang minuto dumating na nga kami rito.
" Dito ka lang " pagbaba ko.
Someones' POV:
" anong klaseng bulaklak ang hinahanap niyo Sir? " kinikilig ritong tanong ng babae yong iba pa ngang nagtatrabaho kinukunan ng litrato si Aethan siya po kasi ang zeus ng planetang earth sa kaguwapohan.
" Ang guwapo niya!!!!!! " harutan pa nila.
" Bigyan mo ako nito ng isang bouquet " Turo ni Aethan sa pollen flower.
' Okay Sir " Agad naman niyang ginawa ang sinabi ni Aethan pagkwan pumuntang counter si Aethan para bayaran ito at kagaya kanina nagba-blush ring nakatingin ang dalaga sa counter.
" Sir, alam niyo po birthday ko bukas " Pagbibigay nito sa sukli habang nang-aakit ang mata nito pero tumango lang siya rito sabay abot sa sukli niya.
" Ito po sir! " pagbibigay pa nong babae sa binili ni Aethan.
" E Sir birthday ko nga po at free po ako " Sabi pa nito pagkwan inabot ni Aethan ang bulaklak na para kay Cindy at hinarap sa babae.
" Para sa girlfriend ko at isa pa hindi kita type! " pagkasabi nun ni Aethan umalis na siya sabay sabay namang nabroken ang mga babae.
" Yan kasi kahit sino na lang! " Lapit pa ng mga ka co-workers nilang mga lalaki pero natigilan sila ng biglang sumigaw yong kaninang kumuha ng litrato kay Aethan.
" Whoaaaaaa!!! In 3 minutes ang dami ng nagreact sa picture niya at nagcomment!!! " sigaw pa nito, tumingin naman silang lahat sa phone niya sabay click sa comment box.
" Para saan yang bulaklak babe?! "
" Oh! No! inlove na nga talaga siya! "
" It can't be! Kami dapat e!!! " pagbasa nila sa mga comment.
" Aethan Villasore akin na lang yan " Pagbabasa pa nila sa comment.
" Villasore?!!! Diba yan yong isa sa pinaka mayamang angkan dito sa bansa natin? " Yong mga babae tango lang ang naisagot nila habang iniisip yong mukha ni Aethan. At ngayon nakaupo na siya sa loob habang magkasalubong ang kilay.
" May nangyari ba Sir? " mga ilang sigundo bago sumagot si Aethan ang isa sa mga habit niyang ayaw na ayaw ni Cindy.
" Bakit kasi hindi gayahin ng mga babae si Cindy yong wala siyang pakialam sa mga lalaki tsk! " Naaasar pa nitong sabi at pagkalipas ng ilang minuto dumating na rin sila sa condo nito pero natigilan siya ng makitang nakalock ito pagkwan ginamit niya ang susi niya at wala na nga rito si Cindy mamaya tumunog ang phone niya.
" Nauna na akong pumasok! " text ni Cindy, wala namang ganang umalis si Aethan habang daladala ang flower kanina pa naman ito kinakabahan kung paano ibibigay tapos wala lang pala siya at hindi niya maiwasang mainis tuwing naiisip na baka nakaangkas ito sa motorbike ni Jeremy.
" School tayo! "
" Si Ms. Cindy po? " Napilitang tumahimik ang driver ng tahimik lang si Aethan. At nagtaka siya ng pagkarating niya sa school wala rin doon si Cindy pagkwan tiningnan niya ang phone niya.
" Napaaga ba ako? " tingin pa nito sa relo niya pero wala, tama rin siya sa oras kaya hindi tuloy niya mapigilang mabalisa kung saan ba talaga si Cindy.
" Marami rin pa lang gumagamit ng besekleta rito papuntang school? " Nagising bigla ang diwa ni Aethan ng marinig niya ang boses ni Cindy at bago pa siya makalingon naupo na itong dalawa sa tabi niya.
" Good morning " bati nila rito ng sabay pero tumango lang siya saka tumingin sa harapan. Ang saya kasi ng awra ng mga ito samantalang siya kanina pa niya iniisip kung saan sila pumunta.
" Ah, nga pala hindi mo na ako kailangan hatid at sundoin pa may gamit na akong pangcommute doon pala sa may kaliwang daanan nang condo may short cut doong papuntang school gamit ang besekleta at bumili kami ni Jeremy kanina ng besekleta para pangcommute " pagpapaliwanag nito.
" Edi mabuti! " asar nitong sabi pero dinidma na lang ito ni Cindy palagi rin namang ganito si Aethan.
" Kanina hinintay kita pero umuna rin ako baka kasi malate kami" sabi pa nito pero hindi na siya pinansin ni Aethan " Basta hindi muna ako kailangan sundoin at ihatid " dugtong pa ni Cindy.
" Bahala ka!! " magsasalita pa sana si Cindy pero dumating na yong teacher nila kaya tumahimik na rin siya at hindi niya maiwasang lumingon kay Aethan pagkatapos nitong maramdaman na wala na naman ito sa mood pero gayon pa man hindi na niya ito pinansin sanay na rin kasi siya sa ugaling ito ni Aethan. At mga ilang minuto natapos na rin ang klase nila.
" Cindy halika na magpalit na tayo para sa practice " Punta ni Jie sa direksyon nila ng matapos ang klase nila.
" Sige Jeremy, Aethan " pagkuha niya sa bag niya at lumabas na sila.
" Aethan practice na tayo? " ani Jeremy pagkwan tumayo si Aethan at naglakad rin palabas mabilis namang sumunod rito si Jeremy ganon din sina Leo.
" Nakita namin yong kanina ah " Pang-aasar nila Leo kay Jeremy, kinikilig naman itong tumingin sa kanila.
" Bakit sayo na sumabay? Sabihin mo may nabubuo naba sainyo? " Tanong pa ng makaJerCin din kaya mas lalo tuloy kinilig si Jeremy.
" Wala pa pero syempre diyan naman talaga kami pupunta ni Cindy at ngayon iniisip ko kung paano siya makakabayad saakin " Sabi pa ni Jeremy si Aethan naman kahit naglalakad at diretso ang tingin na kay Jeremy ang tainga.
" Saan? "
" Kilala niyo naman si Cindy ayaw ng binibigyan ng walang dahilan kaya gusto niyang bayaran at ayaw ko namang pera ang bayad niya " ani Jeremy kaya ganon na lang ang kilig nila rito
" Chance mo na yan para makalamang kay Aethan " pagpapalakas nila sa loob nito pero mahina lang yong pagkakasabi nila syempre takot rin naman sila kay Aethan noh gayong nasa likuran lang nila.
"Balak ko siyang yayain ng date bilang kabayaran ano sa tingin niyo? Hindi ba yon abuso sa kanya? " Nagulat si Jeremy ng pagpapaloin nila Leo ang balikat niya si Aethan naman nagpantig ang tenga sa narinig.
" Anong abuso? chance yon pare! Mukhang kakampi natin ang kalangitan " masaya pang sabi nila Leo.
" So ano ba romantic ba ang gusto mo o ano? Kami ang maghahanap ng place " Makahulogan ritong sabi ni Leo.
" Hindi l, una pa lang ito na lalabas kami kaya dapat yong normal lang yong kakain lang sa labas ganon " Ani Jeremy tumango naman sila rito ng sabay sabay.
" Sa bagay para gentleman lang ang dating at saka iba naman kasi si Cindy sa babae dito saatin " Sabi pa nila.
" E ikaw ba ano nang ginagawa mo? " Tanong bigla nila Grey kay Aethan pagkatapos ng mga narinig nila pero nagbuntong hininga na lang siya hindi niya kasi naisip na ganito kabilis si Jeremy.
" E kung unahan mo kaya si Jeremy yumaya kay Cindy? " Tanong pa ng kasamahan nilang maka AeCin.
" Hayaan niyo na kung kami! edi Kami! " Asar nitong sabi.
" Tssss! wag kang maniwala sa basta faith lang, syempre dapat may ginagawa ka rin para mangyari ang gusto mo " dissapointed ritong sabi ni Grey " Matalino ka naman kaya alam naming alam mo yan " Tumango naman sila sa sinabi ni Grey pero si Aethan tahimik lang alam niya rin naman yon.
" Wag mong sabihing sumusuko kana? Tsk! Nagsisimula pa lang ang laban Aethan!!! " Natahimik sila ng masama silang lingonin ni Aethan.
" At sinong nagsabihing sumusuko ako? Tsk! may paraan si Jeremy at paraan rin ako para paibigin si Cindy kaya naman hindi ko hahadlangan ang ano mang planong panliligaw ni Jeremy dahil hindi ko pa naman pagmamay-ari si Cindy at may isang salita tayong mga lalaki ANG LUMABAN NG PATAS! DAHIL YON ANG TUNAY NA LALAKE! " nangislap naman ang mata nila Grey sa sinabi ni Aethan.
" E anong plano? "
" Yan ang pinag-iisipan ko pa " Sabay sabay namang nagpigil ng kamay ang mga ito kung hindi lang ito si Aethan kanina pa ito tinamaan sa kanila e.
" Haist! basic yayain mo siyang kumain sa labas, manood ng qsine " Ani Grey.
" Hindi niyo kilala si Cindy kapag niyaya mo lang siyang kumain sa labas ang isasagot sayo, May pagkain naman dito kaya bakit sa labas pa tayo kakain " paggaya pa ni Aethan sa boses ni Cindy.
" Mahirap nga yan " pagbuntong hininga nila " E paano yan mauunahan ka ni Jeremy "
" Paunahin natin siya at magiging pangalawa ako diba nga kaya laging may pangalawa dahil hindi maganda yong una? " Tingin ni Aethan sa kanila " At diyan tayo kakapit sa paniniwalang iyan sa ngayon " Tumango naman sila at sabay sabay na lumingon kina Jeremy at para bang may koryenteng dumadaloy sa mga titigan nila pero si Aethan hindi na siya sumali doon matured na daw kasi siya