MEREDITH'S POV Kakatapos lang ng huli kong subject sa araw na 'to. Pagkatapos nung araw na 'yun, iniiwasan na ako ng mga kapwa ko estudyante. Mabuti na lang at ganun, pero kanina si Deither kinausap ako kung totoo ba daw yung narinig niya na 'kami' na ni Marco, kaya sinabi ko na 'OO' Gusto ko man sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko magawa. Bago kasi kami umalis ni Marco sa lumang ground ng ENU, sinabihan niya ako na maari daw ay walang makakaalam na ang relasyon namin ay 'peke'... OKAY? Peke as in FAKE! Ang totoo nga niyan, ay ako mismo ang nagsabi sa kanya na mas mabuti pa na sabihin niya sa lahat ang totoo. Na wala naman talagang 'kami', eh yung loko sabi niya na hindi na 'daw' pwede kasi nasabi na niya. Kaya magpapanggap na lang 'daw' kami na may relasyon. Umirap ako sa kawalan

