MARCO'S POV Agad akong bumaba sa aking kulay asul na BMW M6 Convertible kong kotse pagkatapos ko itong ihinto sa labas ng isang malaking abandonadong mansiyon. Luma na ito dahil sa mga densenyo nito sa labas, may nakita din akong tatlong sasakyan na nakaparada dito, isang kulay abo na Toyota Vios, puting Chevrolet, atsaka isang itim na van. Agad akong tumakbo papunta sa isang malaking hagdan papunta sa main door ng mansiyon. Buong lakas kong itinulak ang dalawang pinto para bumukas. Pero nabato ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang isang babae na nakaupo sa upuan na nasa gitna ng mansiyon, nakagapos ang kamay at paa niya at may duct tape ang bibig. Nanlakbay ang aking paningin sa kabuuan niya, lalo na sa kanyang mukha. Naikuyom ko ang aking kamao nang may nakita akong sugat sa kan

