Chapter 33 Upcomings Nandito na kami ngayon sa gym. Pag pasok namin sa unang klase kanina, pinapunta na agad kami ng professor namin dito para sa practice daw ng Cotillion. Oo nga pala, ilang araw na lang at Prom Night na. Bakit naman kasi sobrang pinaaga ang prom? Dumating bigla si Sir Marco, siya ang mag tuturo sa amin ng sayaw. Siya din kasi yung P.E teacher namin. "Oh, class, parang iyong sayaw lang din natin ito. Mag partners din pero syempre may spice up. Ngayon bumunot na kayo kung sino ang magiging partners n'yo para makapag simula na tayo." ani Sir. Bakit ganun? Akala ko by height o kaya mamimili ka kung sino ang gusto mong ka partner. Pero ang nangyari bunutan. Ang weird lang, ano 'to exchange gift?! Yung mga kaibigan ni Michelle yung nag papabunot. Hindi ko alam pero para

