Chapter 32 On track Tinawagan ako ni Apxfel na malapit na siya sa bahay kaya naman bumaba na ako at doon nag-antay. It is a normal school day, pero syempre sisipagin ka dahil umaga mo pa lang kumpleto na. Kasi mamaya nandito na rin si Apxfel at sabay kaming papasok. As usual. Nung tumawag siya na naroon na siya, lumabas na din agad ako ng bahay. "Good morning babe." Sabi nito na nakasandal sa kotse niya, may dala siyang Starbucks coffee at donut tapos ay inabot niya ito sa akin. "Good morning. Talagang bumili ka pa ha? Diba sabi ko sayo kahit wag na." Sabi ko habang nakangiti. Tinanong niya kasi ako kanina kung gusto ko ng kape since hindi na ako makakapag breakfast dahil medyo late ako nagising kanina. Sabi ko kahit wag na, kasi out of the way pa yung bibilhan niya. Pero ito bumili

