“Totoo ba ang sinasabi ng mga kalaro ko? Crush mo raw ako, Felissa?” “Why, Traise? Masama ba? Crush lang naman, ah! At least, I’m not sinungaling!” “Bakit mo naman ako crush?” “Wala lang! Cute kasi ikaw saka mabait to me. And gusto rin kitang pakasalan someday.” Ang batang si Traise na abala sa pagbuo ng sand castle gamit ang mga buhangin sa playground ay biglang napatingin sa batang si Felissa. Samantala, ang batang si Felissa naman ay nakangiti nang matamis, animo’y malaki na at ganap nang alam ang sinasabi. “Bakit ako pakakasalan mo? Hindi naman tayo sure kung magkaibigan pa rin tayo, eh.” “Hindi ako papayag! I will find you! My Mom and Dad will find you! You will marry me! Magiging groom and bride tayo! And gaya sa mga fairy tales, we will live happily ever after.” Napaisip nama

