Kinagabihan ay tulala si Felissa na nakaupo sa dining area ng kanilang mansiyon. Dahil pareho silang naka-leave ni Traise, ngayon ay kumpleto sila sa mansiyon. Si Traise ay nakikipaglaro kay Leaf sa kuwarto nito habang si Wave ay naglalaro ng online games. Dalawang araw na lang ay kasalan na nila, bagay na pinakahihintay na labis ni Felissa. “Ayos lang po kayo, Ma’am?” rinig ni Felissa na tanong ni Manang Fe mula sa kitchen. Doon lamang natauhan si Felissa at nabalik sa huwisyo. “Kanina pa po kayo riyan tulala. Baka may gusto pa po kayong ipadagdag na lutuin?” Nakangiti na ngayon si Manang Fe. “Ayos lang ako, salamat po.” Wala namang ginagawa si Felissa at inaabangan lang na matapos sa pagluluto si Manang Fe, para pagkatapos ay tawagin na ni Felissa ang asawa at mga anak sa dinner. Tu

