Pumasok si Felissa sa kaniyang opisina. Bahagya namang nabigla ang sekretarya niyang si Nathalia Valeria na tutok sa screen ng laptop nito. Mabilis na napatayo ang sekretarya at bahagyang bumati sa amo. “Akala ko po ay hindi kayo papasok,” anang sekretarya at pilit na ngumiti ito kay Felissa. “Actually, hindi naman talaga. Naparaan lang ako para i-check ka at ang buong company. Aalis din ako agad.” Nagsimulang ibinalita ni Secretary Nathalia Valeria ang mga findings at progress ng Zelda Furnitures. Maging sa iba’t ibang department ay inihayag ng sekretarya ang progress. The company is doing good naman daw. Noong nakaraang linggo pa nagpaabot si Felissa ng mga wedding invitations kaya’t paalalahanan din ang mga employees ngayon. “Puwede kang umuwi nang maaga. Do not work too much. Ayaw

