Nakapatong ang ulo ni Felissa sa kaniyang table habang ang kaniyang personal computer ay nakabukas pa rin na nasa harapan niya. Sa screen makikita ang hindi mabilang na executive reports at sales report. Si Felissa naman ay nakatulog na sa sobrang kapaguran sa rami ng iniintindi at ginagawa. May dalawang paper cup ng Starbucks sa kaniyang gilid na wala nang laman. May tray din na nakalapag sa kaniyang table kung saan nakapatong ang isang pinggan na may tira-tira pang butil ng mga kanin at mga sarsa, isang malinis na babasaging baso na ubos na ang tubig, isang transparent glass na hindi pa ubos ang buko juice, at mga crumpled tissues. Samakatuwid, matapos kumain ng businesswoman at CEO ng Zelda Furnitures na si Felissa Juarez, ilang sandal lamang ay nakatulog na ito sa labis-labis na p

