Huminto ang dalawang sinasakyang private luxury seaplane ng buong pamilya sa dalampasigan. Mula Manila hanggang Palawan pa ang nilakbay nito kung kaya’t malayo. Nakatulog pa ang ilan sa kanila. Dalawa ang sinakyan nilang seaplane upang magkasya at hindi naman problema sa kanila ang gastusin kahit kailan. “Wave and Leaf! We’re here! Wake up!” gising ni Felissa sa kaniyang anak na nakatulog. Sa unang seaplane ay sina Entice, Traise, Wave, Leaf, Manang Fe, Abegail, at Senando. Sa ikalawang seaplane naman ay sina Mr. Fajardo, Mrs. Roses, Hiro, Elloy, at Entice. Hindi na sila nagdala ng maraming gamit dahil kayang-kaya namang gumastos ng bawat isa. Bawat isa ay nakasuot ng summer outfit, lalong-lalo na ang mga kababaihan. “Abegail, gising na...” “Oh, my goodness!” Pagmulat pa lamang ng

