[LUTHAN] Narinig kong umiyak si Franceli sa kabilang linya. Ako naman, agad na kinabahan. "Franceli, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumasagot. Iyak lang siya nang iyak. Kaya ang ginawa ko, lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa pinto ng kwarto niya. Nakadikit pa rin sa tenga ko 'yung teleponong gamit ko habang kumakatok ako kaya naririnig ko pa rin 'yung paghikbi niya. "Franceli, buksan mo 'to!" sabi ko habang katok nang katok. Pero hindi pa rin ako pinagbubuksan ni Franceli ng pinto at pinatay na niya 'yung telepono niya. "Anong nangyayari?" tanong naman ni Kuya Ferdie na lumabas ng kwarto niya. Narinig niya yata 'yung pagkatok ko. "Si Franceli po, umiiyak sa loob," sagot ko na kinakabahan. Kumunot ang noo ni Kuya. "Nag-away ba kayo?" Umiling ako at bumalik si

