[FRANCELI] Gusto kong sapakin si Luthan. Watdahek, may babae sa labas na nagi-eskandalo at sinasabi niyang nabuntis siya! Anak ng talbos ng kamote, hindi ako makapaniwala! Paanong nangyari yun? Kaya kaagad kong in-interrogate si Luthan. "O ano na Luthan? Bakit hindi ka na makasagot? Nabuntis mo ba 'yung babaeng nagwawala sa labas?" Parang nagulat naman siya sa tanong ko. "Ha? P-Paano naman mangyayari yun?" Pinandilatan ko siya. "Aba malay ko ba kung pumapatong ka na lang bigla sa ibang babae? Lalo na at may itsura ka pa naman, sure akong may mga babae rin talagang papatol sa 'yo. Akala ko ba inosente ka? At saka jusko naman Luthan," sabi ko pang napasapo sa ulo ko. "Joke lang naman 'yung sinabi ko doon sa resort tungkol sa babaeng susugod dito sa bahay na mukhang nakalunok ng pakwan. B

