LUTHAN Kanina pa ako nag-iisip nang sasabihin ko kay Franceli dito sa may garden. Alam ko kasing paaalisin talaga ako ng kuya niya dahil halatang galit na galit ito sa'kin. Hindi naman ako natatakot na umalis, ayoko lang na malayo pa kay Franceli. Pakiramdam ko kasi hindi na ako makakahanap ng tulad niya na magpapatira sa'kin sa bahay niya at ituturing na kaibigan. Hindi nagtagal at lumabas si Franceli mula sa bahay nila at naglakad papunta sa'kin. Eto na, sasabihin na siguro ni Franceli na dapat umalis na ako... Parang ang sakit sa pakiramdam na magkakahiwalay na kami... Kung kelan naman kumakain na kami sa labas at binigyan na niya ako ng sarili kong kwarto... "Luthan!" masayang tawag sa'kin ni Franceli at niyakap niya ako. "Good news! Napapayag ko si Kuya na dito ka tumira!" "Tala

