FRANCELI Patay na. Kapag malaman ni Kuya na napunta ng Mental facility si Luthan, baka isipin niyang totoong baliw si Star Boy tapos paalisin niya ito bigla ng bahay! Hindi pwedeng mangyari yun! "Hindi kami nagkakamali, siya nga yun! Tapos siya din 'yung nakabanggaan namin sa supermarket!" sabi pa nung Dean. Lahat sila ngayon ay kay Luthan na nakatingin. Tapos sa akin naman bumaling si Kuya. "Frans, is this true?" tanong niyang nagtataka. Naku, lagot. Kailangan kong gumawa ng palusot, tutal ako ang tumawag ng mga taga-Baranggay noon! Napalunok na lang ako ng laway sa kaba. "T-Totoong napunta ng Mental si Luthan, Kuya," sagot ko sa tanong niya na super kinakabahan. Pakshet. Heto na naman ako, magsisinungaling na naman ako! "Bakit naman siya napunta sa pinagtratrabahuan nina Dean at

