Chapter 54

3887 Words

FRANCELI Hindi ko na ipinagtaka ang pagkagulat ni Luna sa sinabi ko. All this time kasi, siguro inisip niya talagang si Luthan ang paiinumin ko ng gayuma niya. "Nababaliw ka na ba?" tanong niya sa'kin. "At bakit naman ikaw ang iinom ng gayuma?" Napahinga ako nang malalim. Medyo mabigat din pala sa dibdib na sabihin mismo 'yung bagay na yun. "Dahil...dahil yun 'yung original wish ko... Yung mahalin na ako ni Reuben---" Tumango si Luna. Siguro gets niya na agad. "At dahil mahal ka na ni Reuben ngayon, ang tanging kailangan na lang ay mahalin mo naman siya. Pero dahil nga kay Luthan, mukhang imposible na 'yung mangyari. Kaya balak mong inumin ang gayuma para mahalin mo na ulit si Reuben tulad ng dati. At nang matupad 'yung una mong hiling..." "Tama ka..." sagot kong medyo garalgal na na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD