LUTHAN Hindi ko maintindihan kung ano ang meron kay Franceli pero kinukutuban ako na may kung anong nangyari sa kanya. Kakaiba kasi ang ikinilos niya nang makita namin siya ni Steph kagabi doon sa restaurant. Kasama niya noon si Reuben na ikinagulat ko rin. Hindi ko alam kung ano eksakto ang kakaiba sa kanya, pero alam kong meron. Naramdaman ko yun sa mga tingin niya bago sila umalis ni Reuben. Nalungkot na naman ako nang makita ko silang dalawa na magkasama. Sabi ni Steph, nagseselos daw ako. Kasi hindi raw ako masaya na magkasama sina Franceli at Reuben. Totoo naman yun. Alam kong dapat kong ikatuwa na magkasama sila, dahil yun naman talaga ang tama, pero masakit pala talagang makita silang ganun. Lalo na si Franceli, na may kakaibang kislap ang mga mata kapag tinitingnan niya si Reub

