LUTHAN Niyakap ko siya. Niyakap ko si Franceli nang pagkahigpit-higpit, at hindi ko maipaliwanag ang kirot at tuwa sa puso ko habang niyayakap ko siya. Agad ding tumulo ang mga luha ko, dahil masyadong malakas ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Gulat na gulat siya, at napahagulhol din siya sa ginawa ko at lalong lumakas ang patak ng ulan sa amin pero hindi kami bumitaw sa isa't-isa. Sabi nga ng mga tao, it's now or never. "Luthan, paano mo nalamang nandito ako?" Yun ang una niyang tinanong nang humiwalay na siya mula sa yakap ko. Pinahid ko naman ang mga luha niya sa mga mata niya pero parang wala rin iyong silbi dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan. "Sinabi ni Kuya Ferdie na umalis ka..." sagot ko. "Ha? Hindi niya naman alam na dito ako pupunta! Paano mo nahulaang

