[FRANCELI] Tumakbo ako sa masasabi kong pinakaimportanteng takbo ng buhay ko. Dito kasi nakasalalay ang kaligtasan ni Luthan, at kailangan kong mahanap si Steph sa lalong madaling panahon. Siya lang kasi ang may kakayahang pigilan ang paglaho ni Luthan. Mabuti na lang at agad kong nakita si Steph. Nasa labas siya ng Main Building at kausap niya si Reuben. Automatic namang kumabog ang dibdib ko nang matanaw ko si Reuben at napakalaking effort para sa'kin ang indahin 'yung 'urge' na yun at tawagin ang pangalan ni Steph. Agad akong narinig ng dalawa kaya tinakbo nila ako at sinalubong din agad. "Besh bakit? Besh, anong nangyari kay Luthan?" Hinihingal pa ako nang sumagot ako kay Steph. "Sa lighthouse... Tulungan mo siya... Steph... please..." Pagkasabi ko nun ay agad na tumakbo papunta n

