ISABELA'S POV: Namangha ako sa beach nang dumating kami ni Riven. Akala ko talaga ay sa Boracay kami pupunta, medyo kinabahan ako do'n. Mabuti na lang ay private beach resort pala ito ng relative niya, at nakasarado para sa gaganaping kasal. Gumaan ang pakiramdam ko dun, ma-eenjoy ko na rin ang ilang araw na bakasyon namin rito. I smiled as the wind blew through my hair while I stared at the blue waters of the beach. Napalingon ako sa bandang kanan sa malakas na sigaw ni Rika sa pangalan ko. I almost forgot the name Isadora. Kung hindi niya lang ako tinawag sa pangalang Isa ay baka hindi ako napalingon. "Hoy! Kahapon pa ako naghihintay sa'yo! Bakit ngayon lang kayo ni Kuya?" sabay yakap ni Rika nang makita ako. Na-miss ko rin siya, ang tagal na rin namin kasi hindi gaanong nagkakasama.

