ISABELA'S POV: Pagod pa ako nang pinilit kong bumangon. Dahil kapag nagtagal pa kami ay baka iba na ang isipin nila sa amin ni Riven. Pupungas-pungas ako nang tumayo. At ang ang hudas, panay ang hila sa akin sa kama. Kaya napahiga ulit ako sa tabi niya. Gusto niya pang mahiga at matulog kami. "I still want to cuddle," he softly said, while tugging at my waist. Ang landi talaga ng lalaking 'to. "Riven!" reklamo ko, sabay tingin ng masama sa kanya. "I still want to feel you more," aniya habang ikinukuskos ang mukha sa aking tagiliran, na animoy pusa. "Riven, nagugutom na ako!" reklamo ko ulit, na agad niyang ikinabangon na para bang ngayon niya lang naalala na hindi pa kami kumakain. Alas sais na nang gabi. "Oh, I'm sorry, baby!" aniya. Naligo lang kami saglit tapos ay nagtungo na

