ISABELA'S POV:
'Pag ex na, ex na! H'wag nang balikan! Mga salita ni Riven na pabalik-balik sa aking isipan, habang tulalang umuupo sa aking upuan.
Napanguso ako at napangiti ng bahagya at nagkibit ng balikat.
Sino ba kasing babalik sa ex? Wala naman akong iniisip na gano'n, bakit niya sinabi pa iyon? Concern ba siya sa akin?
"Hoy, babae!" tila kinikilig na tawag sa akin ni Kath, sabay bahagyang hila sa buhok ko. "Hinatid ka na naman ni Riven, nakakakilig! Ang swerte mo talaga! Crush ko 'yun, e, pero kung ikaw ang gusto, e 'di sige sa'yo na!" saad pa niya, na ikinangiwi ko.
Naloloka ba siya? Hindi naman nanliligaw 'yung tao, at kung manligaw man 'yun na malabong mangyari, e, hindi ko rin naman sasagutin. Hindi pa ako tapos sa problema ko, tapos dadagdagan ko pa. No way!
Magpabilin na lang ako nga single, kaysa magpakatanga liwat.
"Naku, anong nakakakilig dun? Normal lang 'yun kasi wala siyang payong. E, nabasa pa nga ako ng ulan dahil dalawa kami sa iisang payong," naiinis kong sabi.
"Ay, magkasukub, ang sweet!" sabay hampas pa niya sa aking braso.
Natahimik kaming dalawa nang may pumasok na professor at bumati ng good morning, na bahagya kong ikinatigil.
Kilalang-kilala ko ang boses na iyon, at hindi ako nagkakamali. Kaya ba nandito siya kasi siya ang kapalitan ng prof namin?
Halos mapamura ako nang malamang si Coal nga ang nasa unahan at agad na tumitig siya sa akin nang makita ako.
I gritted my teeth as I looked down.
Sa dinami-rami ng eskwelahan, talagang dito pa talaga siya magtuturo sa pinapasukan ko. Talaga bang nanadya siya?
Wala akong nagawa kundi makinig ng tahimik sa lecture niya. Habang nakatitig ako sa kanya, kasabay ng tunog ng malakas na ulan ay biglang bumalik lahat ng alaala ko noong gabing iyon.
We were stranded in a hotel that night because of the flood. We had just come from an event but couldn't get home, dahil hindi na makadaan ang aming sasakyan sa labis na pagbaha. That hotel was a nightmare. A f*cking nightmare I don't want to see again.
Dahil sa event ay napuno ang hotel ng gabing iyon. Sa kamalasan ay isa na lang ang room na natitira, kaya wala akong nagawa kung 'di ang sumama sa kanya sa isang room.
Mahal ko siya noon, walang problema sa akin kung magkasama kami sa room. Alam kong may respeto siya sa akin, pero nung nasa loob na kami ay iba pa rin pala talaga kapag lalaki ang kasama mo. Dahil naroon pa rin ang tukso.
He was sitting on the edge of the bed, habang ako ay nasa kabilang dulo. Ang mga mata niya ay puno ng pagsusumamo. Kaya nang marahan siyang lumapit ay napalunok ako.
Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin, hanggang sa magkadikit ang aming labi, hanggang sa namalayan ko na lamang na mapusok na kaming naghahalikan. Hanggang sa nakiusap siya.
"Just this once, baby! Pagbigyan mo ako," pagsusumamo niya habang nakaluhod sa aking harapan. "I won't touch you; I just want to see you naked. please," nagmamakaawa niyang sabi.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking utak at napapayag niya ako.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa harapan niya habang hinuhubad isa-isa ang aking suot. Pero ang sinabi niyang hindi niya ako hahawakan ay hindi natupad. Dahil nang mahubad ko na ang lahat sa akin ay marahang gumapang ang kamay niya sa aking mukha, pababa sa aking balikat, hanggang sa umabot na iyon sa aking dibdib.
At sa sarap ng hagod niya ay tuluyan akong nadala.
That night, he took my virginity. Nagpakasasa siya sa katawan ko at pinilit akong magmasturbate habang vinivideo niya.
Dahil dala pa rin ng kahibangan ko ay muli niya akong napapayag. I know I was a fool for letting it happen. Tama nga sila, maling magpadala sa tukso dahil iyon ang magiging simula ng pagsisisi. Pagsisisi kaya ngayon ay malayo ako sa pamilya ko, narito sa Maynila at nagpapanggap na ibang tao.
Pilit ko nang kinakalimutan ang nangyari, pero paano ko magagawa kung na andyan na naman siya?
Ngumiti ako ng mapait. Watching him teach like nothing happened made my stomach sick. Ang kapal ng mukha niya. Hindi talaga nababagay ang isang estudyante sa isang gurong walang konsensya.
I feel awful sa buong durasyon ng pagtuturo niya, hanggang sa mag-break ay hindi gumagaan ang pakiramdam ko. Mas lalo lang akong naiinis sa tuwing nakikita ko ang mukha niyang ngumingiti sa akin.
D*mn him! Kung may magic lang ako, kanina ko pa siyang ginawang ipis, at tinapakan ng mariin para hindi ko na siya ulit makita. Pero dahil wala naman ay napabuntong-hininga na lang ako.
"You're thinking of him, am I right?" tanong ni Riven habang nakahalukipkip.
Hindi ko man lang namalayan ang pagtabi niya sa akin, sa sobrang lalim ng iniisip ko. Maloloka na ata ako kakaisip.
"Nakasulat ba sa mukha ko?" mataray kong tanong.
"Nope. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit parang ang lungkot mo simula nang makita mo ang ex mo. Is he worth it?" seryoso niyang tanong.
Why does he talk so much? Ano bang alam niya? Kailangan ko bang magpaliwang sa kanya? Sino ba siya? Umirap ako, tapos ay tumalikod sa kanya.
"C'mon, tell me so I can help you," pakiusap niya.
"Wala kang maitutulong!" matigas kong sabi.
Sa inis ay tumayo ako at naglakad palabas ng cafeteria. Hindi na lang ako kakain, hindi rin naman ako nagugutom.
Sa layo ng nilakad ko ay hindi ko akalain na sinusundan pala ako ni Riven. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako patungo sa parking lot at dali-daling isinakay sa kotse niya't nilagyan ng seatbelt.
Awang ang aking bibig habang sinusundan ko siya ng tingnin hanggang sa makaikot siya sa harapan at makasakay sa driverseat.
"Saan tayo pupunta?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
Seryoso siyang nag-drive at hindi ako sinagot hanggang sa makarating kami sa isang hospital. Nang makababa kaming dalawa ay mariin niyang hinawakan ang aking kamay at hinila ako papasok sa loob ng hospital. Kahit na nagtataka ay tahimik akong sumunod sa kanya, pinagmamasdan ang magkahawak naming mga kamay.
Ano naman kayang trip ng lalaking ito at dito ako dinala?
Pumasok kami sa elevator, at nang tumigil ito sa second floor ay muli niya akong inakay palabas, hanggang sa makarating kami sa nursery room.
Napaawang ang labi ko ng ituro niya sa nurse ang isang baby at agad namang tumalima ang nurse at ngumiti habang itinutulak ang isang cute na cute na baby patungo sa harap namin.