CHAPTER 5

1098 Words
ISABELA'S POV: Maraming nakakabit sa baby, but she looks so cute, lalo na nang mag-inat siya. She's a premature baby, but she looks absolutely adorable. Mamula-mula ang pisngi niya, at talagang napakagandang bata. Sa tingin ko ay hindi tatagal ay makakalabas rin siya agad dito. Para tuloy gusto kong kuhanin ang kamay niya, at pisil-pisilin ang mga daliri niyang maliliit na kanina pa gumagalaw. Kung wala lang salamin sa pagitan namin ay kinarga ko na siya. Ano kaya siya ni Riven? Anak kaya? May nabuntis kaya siya, kaya sinama niya ako rito? Nasan kaya ang nanay? Ano ka ba naman, Isa? Syempre, nasa loob ng room ang nanay niyan. Hahayaan ba ni Riven na magkalayo ang mag-ina niya. Tss! Siguro kung nabuntis ako, baka lalo na akong itakwil ng aking ama. Baka hindi niya na talaga ako pauwiin sa bahay. Kahihiyan nga naman iyon, lalo na ngayon na nalalapit na ang pangangampanya niya bilang isang gobernador. Kaya nga pinaalis niya ako, para hindi ako mapagusapan ng mga kalaban niya. Nirerespeto siya sa probinsya namin, tapos ako gumawa pa ng eskandalo, nakakahiya talaga! "Ang ganda-ganda niya! Kaninong baby 'yan? Sa'yo?" seryoso kong tanong, habang titig na titig sa baby, na panay ang galaw na para bang gustong magpakuha. Parang biglang nawala ang galit at inis ko nang makita ko ang baby. Napalitan iyon ng pagkamangha, at pagka-aliw. Tiningnan niya ako ng masama, bago muling tumitig sa sanggol. "If I'm going to have a baby, it would be with someone I've been dreaming of, pero matagal pa 'yon. I want her to enjoy every moment with me," walang kurap niyang sabi, na ikinangisi ko. "Wow, so cheesy!" Sabay siko ko sa kanya. "So, kanino nga itong baby?" "Napulot ko sa may parking lot," kaswal niyang sabi, na ikinalaki ng mga mata ko. "How?" hindi makapaniwala kong tanong. "Akala ko nakabuntis ka na, e," saad ko, sabay hampas sa braso niya. How could someone leave a newborn child at the parking lot? Wala ba silang puso, hindi man lang ba sila naawa sa bata? Umismid siya sa akin bago nagsalita. "Pasakay na sana ako nun sa kotse ko, nang may marinig akong umiiyak. Natakot pa nga ako, akala ko may tiyanak na. Hindi ko sana papansinin, but the cries stopped me, so I searched for it and found her beside the trashcan. Dali-dali ko siyang dinala dito sa takot na baka na-infection na siya, pero ayan na siya." "Kahapon 'yun nung bumili ka ng cp ko?" gulat kong tanong. "Yes," agad niyang sagot. "She was weak, but she was so brave. Kinaya niya ang lahat, hanggang ngayon ay kinakaya niya," nakangiti niyang sabi. "Kaya sa tingin ko ay kakayanin mo rin kung ano mang mabigat na dinadala mo, Isa." Humarap siya sa akin, sabay titig sa mga mata ko. Hindi ko pa ginagamit 'yung cp na binigay niya sa akin kagabi. Nag-iisip pa rin ako kung gagamitin ko, pero ngayon na nalaman kong nakasagip siya ng isang sanggol nang dahil sa ibibili niya ako ng cellphone ay tila naging isang malaking rason para gamitin ko nga ang binili niya. Kung hindi niya naisip na bilhan ako no'n ay baka hindi niya natulungan ang baby. Ngumiti ako at humarap kay Riven. "Ang galing mo, Riven!" Sa sobrang tuwa ay bigla ko siyang nayakap ng mahigpit. "S-sorry, na-excite lang ako. Hindi ko kasi akalain na makaka-save ka ng isang baby, sobra talaga akong natutuwa," nahihiya kong sabi, sabay kagat ng pang-ibaba kong labi. At tama rin siya, kung nagawa ni baby mabuhay, kaya ko rin 'yun. Kakalimutan ko na lang ang lahat. Sa ngayon ay magsisimula ako kasama sila. Ngumiti naman siya pabalik kaya napangiti ulit ako at nawala ang hiya ko. Lumapit siya sa akin, at hinaplos ng marahan ang aking pisngi, habang titig na titig sa akin. "Ayokong makitang malungkot ka, Isa. Naiinis ako kapag nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo. Gusto kong kalimutan mo ang nakaraan mo, kaya ipinakita ko siya sa'yo," tukoy niya sa baby na nasa harapan namin. "Katulad mo, masalimuot din ang pinagdaanan niya, pero lumalaban siya. Think about it, she just a baby, yet she's still fighting, even after being abandoned by the one who gave birth to her. I want you to be brave too at harapin ang hinanarap," malumanay niyang sabi sa akin. Hindi ko alam na sa likod ng pagiging image bad boy look niya ay ganito pala talaga siya. Kahit wala siyang alam sa buhay ko, at katulong lang ako sa kanila ay hindi ko siya nakikitaan ng kayabangan, katulad ng kapatid niyang babae. Nakakapagtaka rin na binibigyan niya rin ako ng ganitong atensyon. Ganito ba talaga siya kabait? Parang ang swerte naman ng magiging girlfriend niya kung gano'n. Hindi ko alam na iniisip niya rin pala ako. Kumurap-kurap ako habang panay pa rin ang pagtitig niya sa akin, na tila may sakit na iniinda siya. "Ang sweet mo!" Sabay ngiti ko ng matamis. Siguro kung una kaming nagkakilala baka sa kanya ako unang na inlab. Sobrang gwapo niya ba naman, para siyang isang modelo o artista, tapos sobrang maalalahanin pa niya. Biruin mo 'yun, nagligtas siya ng baby. Ang bango-bango niya din, naku! Mabini niyang pinagapang ang kamay niya sa aking buhok, saka muling ngumiti, sabay kurot sa aking pisngi. "Syempre, ayoko na may kasamang babae na nagkakandahaba ang nguso habang nasa tabi ko. Ang panget mo kaya, para kang babaeng Suneo!" aniya sabay talikod sa akin at naglakad na. Sumimangot naman ako habang nakasunod sa kanya. "What? Ang panget no'n! Hindi ko kamukha 'yun, 'no!" sabi ko habang habol-habol ko siya. Ang yabang namam, porket ang gwapo-gwapo niya! Pilyong ngiti ang iginawad niya nang humarap sa akin, sabay hila sa aking kamay. "Tara, nagugutom na ako. Ang bagal mo maglakad!" Nang sinabi niyang nagugutom siya ay nakisabay din sa pagkulo ang aking tyan na sabay naming ikinatawa. "Gutom na rin pala ako," nahihiya kong sabi. Mabilis kaming lumabas ng hospital at agad sumakay sa kotse niya nang makarating kami sa parking lot. "Saan mo gusto kumain?" tanong niya. Saglit akong nag-isip tapos ay naisip na sa korean restaurant na lang kumain. "Sa korean resto, pwede?" tanong ko. "Absolutely!" masaya niyang sabi, tapos ay mabilis na ini-start ang sasakyan, habang ako ay nangingiting nakatitig sa harapan ng daan. I genuinely enjoy spending time with him. At dahil sa kanya gumaan ang pakiramdam ko. Nang maalalang dinala ko pala ang cellphone ay kinuha ko iyon sa aking bag, at sinimulang buksan iyon. "Tss! Ngayon mo lang bubuksan 'yan? Aww... it hurts!" sabay hawak niya sa dibdib na para ngang nasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD