RIVEN'S POV:
Simula nang makasalubong namin 'yung ex ni Isa ay napapansin ko na ang pagiging matulalain niya. Ilang beses ko siyang kinakausap, but she keeps spacing out.
I gritted my teeth while looking at her. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Una ko pa lang siyang nakita noon ay tinamaan na talaga ako sa kanya. Seeing her with that sad look in her eyes makes me want to hold her.
Hindi ko kayang titigan siya, habang palaging malayo ang tingin niya. So, I decided to show her what I found last night to divert her attention. Swerte naman na nagawa ko nga. At ngayon ay kumakain kami sa resto na gusto niya, na para bang magkasintahan na nagde-date.
I couldn't help but grin.
I hope one day ay matutunan niyang mag-open sa akin kahit paunti-unti. Gustong-gusto ko siya, kaya naman gusto ko rin siyang makilala ng lubusan.
I stared at her beautiful smile, at hindi ko namalayang nadadala na rin ako ng pagngiti niya. Her lips were so inviting. Kung akin lang siya ay baka kanina ko pa siya nahalikan. I know I don't have experience, but I want to be her first and last—ayoko sa iba.
"Gusto ko rin gumawa nito sa bahay," she said happily, habang sumusubo ng bibimbap.
"H'wag na, baka malason mo lang kami!" kunwari kong sabi, though deep down, I couldn't wait to taste what she'd cook.
Oh, that would be great. Lalo na kung para sa akin ang lulutuin niya. Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako. That's sound so bading, but I am looking forward to it.
"Sinong may sabing kakain ka?" mataray niyang sabi, sabay irap.
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya, pero binalewala ko iyon saka muling natawa.
"Ito naman parang 'di mabiro, o! Gustong-gusto ko kayang matikman ang luto mo." Gusto ko ring sabihing gusto ko rin siyang tikman, kaso baka maoffend at iwan ako. Kaya hindi ko na lang sinabi. Mahirap na, hirap niya pa naman suyuin.
Napakamatampuhin, konting biro ko lang ay iniirapan na ako. Sungit talaga nito kung minsan.
Matapos kumain ay nagpasya kaming magpunta sa arcade.
"Ngayon ka lang nakapunta dito?" tanong ko, habang pinagmamasdan siyang namamangha sa mall.
"Nakapunta na rin ako dati, pero matagal na panahon na iyon. Hindi ko nga matandaan kung kailan," aniya, sabay linga sa paligid.
"So, ilang taon na kayo sa Bacolod?"
"Huh? tanong niya na parang wala sa sarili, pero sumagot din naman. "Doon na ako isinilang, taga doon ang tatay ko at ang nanay ko naman ay taga rito sa Manila," aniya, sabay kamot ng ulo, na para bang nahihiya.
D*mn, napakakinis talaga ng kutis niya. Hindi mo akalaing namamasukan bilang kasambahay. Kahit na sa simpleng pagkamot niya ng ulo ay para bang hindi naman nakakahiya ang ginagawa niya sa sobrang ganda niya.
Kadalasan kasi ng mga kakilala kong mga babae ay hindi nagkakamot ng ulo. Kadalasan kasi sa kanila ay maarte, pero ang isang 'to ay hindi ko man lang makitaan.
"Bakit ka namasukang bilang isang kasambahay?" curious kong tanong, sa tagal na niya sa bahay ay ngayon ko lang siya natanong. Tingin ko talaga ay may kaya sila sa buhay dahil sa kutis niya.
"Ahhh... h-hirap talaga kami sa buhay, at gusto ko talaga makatulong kay tatay," aniya, habang lumilinga. Nang may nakita siyang mga bracelet ay nilapitan niya iyon.
Nakita ko ang mga mata niya ay nangislap habang nakatitig sa bracelet, pero agad din niyang binitawan nang magsawa sa kakatingin.
"Gusto mo ba 'yun?" tanong ko, habang sumusunod sa kanya.
Napansin ko na simula nang dumating siya sa bahay ay hindi ko siya nakikitaan na nagsusuot ng kahit anong alahas, kahit hikaw ay hindi siya nagsusuot. Nakakapagtaka lang, dahil dun sa video niya na naka-save sa akin ay may suot siyang hikaw at kwintas. Ngayon kahit isa ay hindi ko siya makitaan.
"Ang alin?" taka niyang tanong.
"Iyung bracelet na pink, I think bagay 'yun sa'yo," nakangiti kong sabi.
"H'wag na, hindi ko naman kailangan," aniya, saka muling naglakad.
"I insist!" pamimilit ko, tapos ay hinawakan ko ang palapulsuha niya't hinila siya sa nagtitinda ng bracelet.
Mabilis kong dinampot ang nagustuhan niyang bracelet. Tapos ay agad ko iyong binayaran at isinuot sa kanya.
Mura lang naman iyon, pero nang isuot ko sa kanya ay nagmumukha iyong mamahalin. Nang makita iyon ng tindera ay lumapit siya kay Isa.
"Bagay na bagay sa'yo ang purselas na ito. Papayag ka bang picturan kita?" nagniningning pa ang mga mata ng tindera habang nakatingin kay Isa.
"P-po?" tila na alarma niyang tanong. "H-hindi po ako kasi a-ako nagpapa-picture, p-pasensya na po," parang natatakot niyang sabi, tapos ay mabilis na umalis na wala man lang paalam na ikinakunot ng aking noo.
Sa bilis niyang maglakad ay para bang may iniiwasan siya o may kinakatakutan, kaya napatakbo ako para mahabol siya.
"What's wrong?" pigil ko sa braso niya nang maabutan siya.
Nagulat pa ako't nalaglag ang panga nang makita siyang tila balisa at takot na takot.
"I'm scared!" naiiyak niyang sabi, kaya mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam kung anong pinagdadaan niya, pero parang pati ako ay kinabahan sa hitsura niyang balisang-balisa. Hindi ko maintindahan, bakit ayaw niyang magpa-picture?
"It's okay," marahan kong sabi habang hinahaplos ng marahan ang likod niya, ngunit hindi pa man nagtatagal ay nawalan siya ng malay na lalo kong pinag-alala.
"Oh no, baby! Wake up!" natataranta kong sabi, habang hinahaplos ang mukha niya ng isang kamay. Nang hindi siya gumigising ay mabilis ko siyang kinarga at nagmamadaling lumabas ng mall upang madala siya sa aking kotse.
Mabilis kong pinatunog ang aking sasakyan at agad na binuksan ang pinto niyon. Ipinaupo ko siya sa shotgun seat, at ipinahiga ko iyon para hindi siya malaglag tapos ay nilagyan ko ng seatbelt.
Naging mabilis ang aking pagkilos at agad kinuha ang cotton at ammonia na nasa aking compartment. Halos mataranta pa ako sa paglagay sa bulak habang ginagawa iyon.
"Baby, wake up," paulit-ulit kong sabi habang pinaamoy sa kanya ang ammonia. Sa sobrang pag-aalala ay nahalikan ko pa siya sa labi. Tapos ay biglang natulala sa aking ginawa.
What the f*ck, Riven? D*mn, bakit mo siya hinalikan? Paano kung nagising? D*mn! Paulit-ulit kong minumura ang aking sarili sa nagawa. Mabuti na lang ay hindi pa siya nagigising. Baka sa kangkungan ako pulutin kung namulatan niya ako.
Nang muling mapatitig sa kanya ay nakagat ko ang aking labi.
"T*ngina!" Napamura ako sa frustration. Ang hirap-hirap maging malapit sa kanya, lalo na ganito ang labi niyang sobrang nakakaakit. Wala naman iyon lipstick, pero parang labi ng isang makopa na sobrang pink ang kulay.
Dahil sa hindi ko mapigilan ay muli kong idinikit ang aking labi sa labi niya, ngunit halos mawala ang dugo ko nang makita ang dahan-dahan niyang pagmulat.
F*ck, Riven! Nakatakas ka na, inulit mo pa ulit! D*mn you!