“Anak, mabubuhay ka ba? Babalik ka pa ba sa amin?” Hindi alam ni Toni kung matatawa siya o maiiyak sa dialogue ng nanay na si Aling Pinky. ilang oras na lang bago ang brain surgery niya. Natitipon na sila sa suite niya sa ospital kasama ang pamilya niya, si Mommy Jho at si Rushmore. Ayaw sana niyang matakot o maging emosyonal man lang. Gusto niya ay payapa ang isip niya kapag idinala siya sa operating room. Alam naman niya na nag-aalala ang mga tao sa paligid subalit pilit na itinatago ng mga ito para palakasin ang loob niya. Iba lang pagdating sa nanay niya. Di nito kayang kontrolin ang damdamin nito. “Nay, nagsimba na po tayo kanina. Nagdasal na tayo na bibigyan ako ng lakas para maging successful po ang operasyon ko. Siyempre po babalik ako sa inyo,” sabi niya at pinahid ang luha nito

